Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Curaçao

Sa isang mapa ng lupa, ang mga isla ng Curaçao, Aruba, at Bonaire ay waring napakaliliit kung ihahambing sa malalaking kontinente na malapit sa mga ito. Subalit, sa mga islang ito nakatira ang mga tao mula sa maraming bansa at kultura. Marami sa mga naninirahan sa tatlong islang ito sa Caribbean ang nagsasaya ngayon sa ilalim ng matuwid na pamamahala ni Jehova. Basahin kung paano napagtagumpayan ng masisigasig na Saksi ang mga hamon ng pagkakaiba-iba ng kultura at ng wika upang ituro ang dalisay na wika ng katotohanan sa Bibliya.

Ukraine

Noon ay Abril 8, 1951. Binasag ng dumadagundong na mga trak ng militar ang katahimikan ng madaling araw. Sa buong kanlurang Ukraine, ang mga kawal ay dumating sa tahanan ng mga Saksi ni Jehova at binigyan nila ang bawat pamilya ng dalawang oras upang mag-impake para sa isang biyahe na doo’y marami ang hindi na kailanman nakabalik. Nang araw na iyon, mahigit sa 6,100 Saksi ang isinakay sa mga bagon, at ipinatapon sa Siberia. Ang operasyong iyon ay bahagi ng isang mahabang kampanya ng makapangyarihang Unyong Sobyet upang patahimikin ang anumang tinig na mangangahas na maghayag ng Kaharian ng Diyos. Ang kapana-panabik na kuwento kung paano tiniis ng mga Saksing taga-Ukraine ang pagbabawal at pag-uusig sa loob ng mahigit na 50 taon ay magpapatibay sa iyong pananampalataya sa kapangyarihan ni Jehova na alalayan ang kaniyang bayan.