Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Moldova

Sa loob ng mahigit na 60 taon, ang mga Saksi ni Jehova sa Moldova ay nagbata sa ilalim ng monarkiya ng Romania, ng rehimeng Pasista, at ng rehimeng Komunista. Sa ilalim ng monarkiya at ng rehimeng Pasista, ibayong panggigipit ang ginawa ng Simbahang Ortodokso. Magkagayunman, sa buong daigdig, ang Moldova ngayon ay isa sa mga may pinakamataas na katumbasan ng mga Saksi sa populasyon! Basahin kung paano pinatitibay ni Jehova ang lahat ng natatakot sa kaniya at kung paano niya pinagtatagumpay ang lahat ng tumatangging magpadaig sa pagkatakot sa tao.

Ang Dalawang Congo

Ano ba ang kahulugan sa iyo ng salitang “Congo”? Para sa marami, naguguniguni nila rito ang maalinsangang kagubatan, na napakasukal anupat hindi makatagos ang liwanag ng araw. Sa gitna ng disintonadong huni ng mga unggoy at mga ibon, maririnig mo ang tunog ng mga tambol na naghahatid ng mga mensahe mula sa malalayong nayon. Marahil ay nakikini-kinita mo ang isang ilog, napakalaki at maputik, na marahang gumagapang na parang isang higanteng ahas sa pinakapusod ng Aprika. Ito ang Congo at hindi lamang iyan. Dalawang bansa ang gumagamit ng pangalan ng ilog na naghihiwalay sa kanila. Mapatitibay ang iyong pananampalataya habang binabasa mo kung paano pinalalaganap ng mga lalaki at babae na malalakas ang loob ang katotohanan sa Bibliya sa kabigha-bighaning rehiyong ito sa lupa.