Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Romania

Mga espiya, impormante, bulaang mga kapatid, pagpapahirap, pagkabilanggo, at puwersahang pagtatrabaho​—ilan lamang ito sa mga paraang ginamit ni Satanas sa kaniyang nabigong pagtatangka na isa-isang pahinain ang loob ng mga Saksi ni Jehova at durugin ang kanilang organisasyon sa Romania. Basahin ang tungkol kay Ioan, na nanalangin nang malakas sa harap ng firing squad. Kilalanin si Teodor, na umawit ng mga awiting pang-Kaharian kasama ang iba pang mga Saksi habang umuulan ng bomba sa paligid nila. Makikilala mo ang mga indibiduwal na naglakad nang hanggang halos 100 kilometro nang nakayapak para makadalo lamang sa mga pagpupulong. At alamin kung bakit napabulalas ang isang munting bata ng, “Itay, magkasing-amoy kayo ng pang-araw-araw na teksto natin!”

Zambia

Mga pagbabawal ng gobyerno, pagpapalayas sa mga misyonero mula sa bansa, at pagpapatalsik sa mga estudyante mula sa paaralan​—ilan ito sa mga hamon na napaharap sa mga kapatid sa Zambia. Sa ulat na ito ay malalaman ninyo ang tungkol sa isang batang babaing estudyante na buong-tapang na nagtanggol sa mabuting balita sa hukuman, isang baldadong lumikas na “mas mabilis pa kaysa sa mga agila,” at isang Estudyante ng Bibliya noon na hinagupit ng latigo. Basahin ang tungkol sa nasusunog na Land Rover, isang sumasabog na punso ng langgam, at isang dakong pulungan na mukhang itim na kabayo. Ang mga lamok, tsetse fly, ahas, at leon ay kasama lahat sa kuwento kung paano nagpagal ang mga kapatid upang ihayag ang mabuting balita sa magandang lupaing ito sa Aprika.