Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Timog Aprika

Sa loob ng mga dekada, ang mga mamamayan ng bansang ito ay pinaghiwa-hiwalay hindi lamang ng wika kundi pati ng mga batas. Ang mahihigpit na batas tungkol sa lahi ang nagdidikta kung saan puwedeng tumira, maglakbay, magtrabaho, at pumasok sa paaralan ang isang tao. Sa ulat na ito, mababasa mo kung paanong ang mga Saksi ni Jehova ay sumulong sa espirituwal at nanatiling nabubuklod sa kabila ng umiiral na pagtatangi ng lahi, pagbubukud-bukod, at alitang sibil.

Latvia

Noong panahon ng pagmamalupit ng mga Komunista, paano nakaiwas sa pag-aresto ang ilang Saksi? Bakit sinabi ng isang lalaki: “Nagpapasalamat ako na pinahintulutan ng Diyos na mapunta ako sa kampo ng sapilitang pagtatrabaho”? At ano ang naging bunga nang tanggapin ng isang pambansang kampeon sa weight lifting ang katotohanan ng Bibliya? Makikita mo sa ulat na ito na sa kabila ng paniniil sa loob ng maraming dekada, ang bayan ng Diyos sa Latvia ay nagtamasa rin ng kalayaan—espirituwal na kalayaan.

Réunion

Ang gawain sa islang ito sa tropiko ay nagsimula nang dumating ang isang pamilyang Saksi noong 1961. Tingnan kung paano nila nilinang ang ipinakitang interes sa mabuting balita. Basahin kung paanong dahil sa isang mangkok na sopas, nakinig sa bayan ng Diyos ang isang salansang. At alamin kung bakit nakarating hanggang sa bunganga ng isang patay na bulkan ang apat na matatapang na mamamahayag ng Kaharian.