Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pangangaral at Pagtuturo sa Buong Lupa—Mga Kabuuang Bilang

Pangangaral at Pagtuturo sa Buong Lupa—Mga Kabuuang Bilang

Pangangaral at Pagtuturo sa Buong Lupa—Mga Kabuuang Bilang

ANG sumusunod na ulat noong nakaraang taon ng paglilingkod ay hindi lamang basta tinipong mga salaysay. Maaaninaw rito ang pag-ibig at debosyon ng makadiyos na mga lalaki, babae, at bata sa buong lupa. Oo, kitang-kita sa ulat na ito ang pagsasakripisyo ng ating mga kapatid, kung paano nila ginawa ang kanilang buong makakaya at ginamit ang kanilang tinataglay upang ipangaral ang mabuting balita “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gawa 1:8) Ang gayong pagsasakripisyo, maliit man o malaki, ay mahalaga sa paningin ng Diyos na Jehova at ng kaniyang Anak na si Jesu-Kristo. (Awit 50:14; Luc. 21:1-4) Ipinaaalaala rin sa atin ng taunang ulat na ang nagliligtas-buhay na gawaing ito ay naisasagawa lamang “sa lakas na inilalaan ng Diyos.” (1 Ped. 4:11) Kaya habang binubulay-bulay mo ang sumusunod na ulat at mga karanasan, “patuloy [ka nawang] magtamo ng lakas sa Panginoon at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.”—Efe. 6:10.

2007 Mga Kabuuang Bilang

Mga Sangay ng mga Saksi ni Jehova: 113

Bilang ng mga Lupaing Nag-uulat: 236

Kabuuang Bilang ng mga Kongregasyon: 101,376

Dumalo sa Memoryal sa Buong Daigdig: 17,672,443

Nakibahagi sa Memoryal sa Buong Daigdig: 9,105

Pinakamataas na Bilang ng Mamamahayag sa Paglilingkod sa Kaharian: 6,957,854

Aberids ng Mamamahayag na Nangangaral Bawat Buwan: 6,691,790

Porsiyento ng Kahigitan sa 2006: 3.1

Kabuuang Bilang ng Nabautismuhan: 298,304

Aberids ng Mamamahayag na Auxiliary Pioneer Bawat Buwan: 312,741

Aberids ng Mamamahayag na Payunir Bawat Buwan: 678,638

Kabuuang Oras na Ginugol sa Larangan: 1,431,761,554

Aberids ng Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya Bawat Buwan: 6,561,426

Noong 2007 taon ng paglilingkod, gumugol ang mga Saksi ni Jehova ng mahigit $121 milyon sa pagtustos sa mga special pioneer, misyonero, at mga naglalakbay na tagapangasiwa sa kanilang mga atas ng paglilingkod sa larangan.

◼ Sa buong daigdig, may kabuuang bilang na 19,581 ordenadong ministro ang nagtatrabaho sa mga pasilidad ng sangay. Ang lahat ay miyembro ng Worldwide Order of Special Full-Time Servants of Jehovah’s Witnesses.

[Chart sa pahina 32-39]

ULAT SA 2007 TAON NG PAGLILINGKOD NG MGA SAKSI NI JEHOVA SA BUONG DAIGDIG

(Tingnan ang publikasyon)

[Mga mapa sa pahina 40-42]

(Tingnan ang publikasyon)