Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Samoa

Ang ulat na ito ng mga Saksi ni Jehova sa “Pinagmulan ng Polynesia” ay tungkol sa makadiyos na debosyon, lakas ng loob, at katapatan. Tuklasin kung paano mangaral sa mga komunidad sa tropiko kung saan ang mga tao ay bihasa sa Bibliya at napakarelihiyoso, anupat may pantanging bokabularyo silang ginagamit kapag nakikipag-usap sa Diyos o ipinakikipag-usap ang tungkol sa Kaniya. Makikilala mo ang mga Saksi na napagtagumpayan ang waring di-madaraig na mga problema sa kalusugan para patuloy na makapaglingkod kay Jehova. Basahin ang tungkol sa isang pamilya na naglakad nang 22 kilometro sa mga bulubunduking lugar para makadalo sa mga pulong, at alamin kung bakit sumisigaw ang ilang bata sa nayon ng, “Narito na ang Armagedon!”

Mga Lupain ng Dating Yugoslavia

Sa rehiyon kung saan ang mga pagkakaiba ng etnikong grupo at relihiyon ay nagdulot ng pagdanak ng dugo at pagkakapootan, may isang kamangha-manghang kuwento ng pananampalataya at lakas ng loob. Hinggil sa grupo ng mga Saksi na nakulong sa isang lunsod na nakaranas ng isa sa pinakamatagal na pagkubkob sa makabagong kasaysayan, sinabi ng isang brother na bagaman sila ay mga Croatiano, Serbiano, at Bosniano—ang mismong mga lahing nagpapatayan sa lunsod—nagkakaisa sila sa dalisay na pagsamba. Kapag binasa mo ang ulat na ito, mapalalakas ang iyong pananampalataya dahil makikita mo kung paano napanatili ng mga kapatid ang kanilang katapatan kapuwa sa panahon ng kapayapaan at ng digmaan.