Tampok na mga Pangyayari Noong Nakaraang Taon
Tampok na mga Pangyayari Noong Nakaraang Taon
IPINAPAKITA ng mga ulat mula sa buong daigdig na higit pang pinag-iibayo ng mga Saksi ni Jehova ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian “sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa.” (Mat. 24:14) Dahil sa kanilang pagbabata, pagkakaisa, at mapagsakripisyong pag-ibig, ‘ang salita ni Jehova ay nahayag at ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay lumaganap sa bawat dako.’—1 Tes. 1:8.
NAKAPAGPAPATIBAY AT MASAYANG PAMPAMILYANG PAGSAMBA
Noong Enero 1, 2009, ang mga Saksi ni Jehova ay gumawa ng malaking pagbabago sa kanilang lingguhang iskedyul ng pulong. Ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay naging Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya at
ginaganap kasama ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at Pulong sa Paglilingkod. Pinasigla ang lahat na gamitin para sa Pampamilyang Pagsamba ang oras sa gabi na dating para sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.Ano ang naging tugon ng mga lingkod ni Jehova sa maibiging pagbabagong ito? Gaya ng marami, ganito ang nadama ng isang asawang lalaki na sumulat: “Salamat, salamat, at salamat. Kulang ang mga salita para ilarawan kung gaano kapaki-pakinabang sa akin at sa aking asawa ang Pampamilyang Pagsamba. Lalong tumindi ang aming pag-ibig kay Jehova at naging mas malapít kami sa isa’t isa. Talagang napakahusay at napakapraktikal ng kaayusang ito mula sa ating Ama sa langit!”
Ano ang ginagawa ng marami para masulit ang napakahalagang oras na ito ng pamilya? Sumulat ang isang ina: “Minsan, sama-sama naming tinatalakay ang pahina 31 ng Gumising!, at sa ibang pagkakataon naman, pinapanood namin ang isa sa mga video ng organisasyon. Bukod sa nakapagsasaliksik ang mga bata, masaya sila habang natututo at nakikibahagi sa Pampamilyang Pagsamba. Binibigyan namin sila ng assignment, isang buwan patiuna, tungkol sa isang tauhan sa Bibliya. Ganoon din ang ginagawa ko at ng aking mister. Napakaganda ng unang pahayag ng aming sampung-taóng-gulang na anak na lalaki tungkol kay Noe! Ipinaliwanag pa niya kung paano maikakapit ang impormasyon sa ngayon. Tapos ipinakita niya sa amin ang maliit na daong na ginawa niya. Nang sumunod na linggo, tungkol naman sa mga paglalakbay ni apostol Pablo bilang misyonero ang bahagi ng aming anak na babae. Nang matapos siya, nagpalakpakan kami. Pagkatapos, nagbigay siya ng quiz na tinawag niyang Natatandaan Mo Ba? Ang ganda talaga!” Nakita ng pamilyang ito na talagang isang pagpapala mula kay Jehova ang Pampamilyang Pagsamba. “Nagkasabay-sabay
ang problema namin nitong nakaraang taon,” ang sabi pa ng ina, “at ito talaga ang kailangan namin para makapagpatuloy.”Sumulat ang isa pang sister: “Nagpapasalamat ako sa kaayusang ito na gumising sa akin sa espirituwal! Nang bumukod na ang mga anak namin, hindi na regular ang pampamilyang pag-aaral naming mag-asawa. Pero ngayon, regular na uli. Kadalasan, dalawang oras kami kung mag-aral at hindi namin namamalayan ang oras!”
Habang papalapit ang malaking kapighatian, nawa’y matulungan kayo ng oras na inilalaan ninyo para sa Pampamilyang Pagsamba na makapagsaliksik pa nang husto sa Salita ng Diyos at mapatibay ang inyong espirituwalidad para madaig ang Diyablo. Samantalahin ang mahalagang oras na ito para ‘maging malapít sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.’—Sant. 4:7, 8.
PINAG-IBAYO ANG PAG-AALOK NG PAG-AARAL SA BIBLIYA
Noong Enero 2009, pinasigla ang mga kongregasyon na pumili ng isang Sabado o Linggo bawat buwan na gagamitin sa pag-aalok ng pag-aaral sa Bibliya. Ang resulta? Maraming mamamahayag ang nagulat at masayang-masaya. Nagulat sila dahil madali lang palang mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya, at masaya sila dahil iba’t ibang uri ng tao ang tumanggap ng pag-aaral sa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Inireport ng mga naglalakbay na tagapangasiwa na gustung-gusto ng mga kongregasyon ang bagong kaayusang ito, at nagkaroon agad ito ng magagandang resulta. Halimbawa, sa unang limang buwan pa lang, mahigit 8,000 bagong pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan sa Italya.
Ang mga mamamahayag na dating walang Bible study ay mayroon na ngayong mga pagdalaw-muli at nagpapasimula na ng mga Bible study. Ganito ang sinabi ng taga-Peru na si Carolina: “Wala akong Bible study dati. Pero
dahil sa mungkahi na gamitin ang isang araw sa isang buwan sa pag-aalok ng Bible study, nakita ko na kailangan kong magsikap. Naipakita ko sa mga may-bahay na madali lang ang pag-aaral sa Bibliya at hindi ito umuubos ng malaking oras. Nagpapasalamat ako sa Diyos na Jehova dahil maganda ang naging resulta nang sundin ko ang mungkahing ito; dalawa na ang Bible study ko ngayon.”Si Satya, isang sister na payunir sa Britanya, ay nag-aalangang mag-alok ng Bible study sa unang pagdalaw. Pero noong araw para sa pag-aalok ng Bible study, desidido siyang huwag umuwi hangga’t hindi nasusubukan ang mungkahi. Tuwang-tuwa siya nang agad na tumanggap ang isang babae. Nakita ni Satya na madali lang pala itong gawin!
Si Luca, isang kabataang brother na taga-Palermo, Sicily, ay laging nag-iiwan ng magasin sa isang biyuda na takót magpapasok ng sinuman sa bahay niya. Isang Sabado ng hapon, araw ng pag-aalok ng Bible study, lumapit si Luca sa biyuda, hawak ang nakabukas na aklat na Itinuturo ng Bibliya, at binasa ang isang bahagi nito. Nagkainteres ang babae sa aklat at nakipag-usap. Sinabi ni Luca na ang aklat na hawak niya ang sagot sa mga tanong ng babae—pati na sa tanong kung makikita pa nitong muli ang asawa. Binuklat ni Luca ang aklat sa pahina 72 tungkol sa kung sino ang mga bubuhaying muli. Naantig ang babae sa pag-asang ito at tumanggap ng pag-aaral. Regular nang ini-study ang biyuda, at hindi na siya natatakot magpapasok ng mga Saksi sa bahay niya.
“Sa umpisa pa lang,” ang sabi ng isang tagapangasiwa ng sirkito sa Peru, “nakatulong na ang kaayusang ito sa maraming kongregasyon na madagdagan ang kanilang Bible study. Isang kongregasyon sa Chiclayo ang nag-ulat ng 25 bagong Bible study sa isang buwan, at sa Chepén, 24 ang napasimulang pag-aaral.”
Nakapagpasimula rin ng pag-aaral sa Bibliya ang mga 2 Timoteo 3:16. Natuwa siya at isang bata ang nagsasabi sa kaniya ng gayong magagandang bagay kaya tinanggap niya ang aklat.
kabataang mamamahayag. Ganito ang sinabi ng 11-anyos na si Giovanna ng São Paulo, Brazil: “Isang Sabado ng hapon, nagbabahay-bahay kami ng nanay ko at nag-aalok ng Bible study gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Sa unang pinto, tinanong ko ang may-bahay, isang kilalang negosyante, kung naniniwala siya na ang Bibliya ay Salita ng Diyos. Oo daw. Ipinakita ko ang“Isinama ko si Lolo pagbalik ko sa lalaki kasi magkakilala pala sila. Pinatuloy kami ng lalaki, at pinapili ko siya ng gusto niyang paksa sa talaan ng mga nilalaman ng aklat. Kabanata 11 ang napili niya, ‘Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?’ Pagkabasa ng parapo 1 at 2, ang dami nang tanong ng lalaki at ng kaniyang asawa. Tuwang-tuwa sila na nasa Bibliya pala ang mga sagot, at pumayag silang makipag-aral nang regular. Ako din tuwang-tuwa, kasi unang pinto pa lang, nakapagpasimula na ako ng Bible study!”
Siyempre, hindi lahat ay tatanggap ng Bible study, at hindi lahat ng nagpapa-study ay nagpapatuloy. Pero bilang kamanggagawa ng Diyos, patuloy tayong nag-aalok ng pag-aaral sa mas maraming tao hangga’t maaari. Alam nating inaakay ni Jehova ang mga tulad-tupa sa kaniyang organisasyon bago magwakas ang sistemang ito ni Satanas.—Juan 6:44; 1 Cor. 3:9.
‘PINABIBILIS’ NG TEKNOLOHIYA
Nagagalak ang bayan ni Jehova sa katuparan ng hulang ito: “Ang munti ay magiging isang libo, at ang maliit ay magiging makapangyarihang bansa. Ako mismo, si Jehova, ang magpapabilis nito sa sarili nitong panahon.” (Isa. 60:22) Walang-alinlangang ginagamit ni Jehova ang bagong teknolohiya para pabilisin ang espirituwal na pagsulong sa panahong ito. Kaya inaprobahan ng Lupong Tagapamahala ang pagbuo ng isang administration software system na magagamit ng lahat ng sangay sa buong daigdig.
Ang team na bumuo nito, na dating nakabase sa sangay sa Timog Aprika, ay nasa punong-tanggapan ngayon sa Brooklyn, New York. Doon nila patuloy na dini-develop at ina-update ang software. Mga 20 sangay ang ginawang regional support center para tulungan ang mga kalapít na sangay sa paggamit ng kapaki-pakinabang na software na ito.
Bakit ito kapaki-pakinabang? Dahil lahat ng sangay ay gumagamit ng software na ito, makapagpapalitan sila ng impormasyon. Halimbawa, malalaman ng lahat ng sangay na nag-iimprenta kung anong literatura ang nasa stock ng ibang sangay. Kung sobra ang stock ng literatura sa isang sangay, puwede itong i-request ng sangay na
nangangailangan nito, sa halip na mag-imprenta pa. Ang feature na ito ng software, pati na ang program nito sa pagkalkula ng bilang ng kakailanganing literatura sa hinaharap batay sa dating mga order, ay nakatulong para mabawasan ang sobrang stock ng literatura sa mga sangay.Dahil sa software na ito, mas madali na ngayon para sa mga boluntaryo sa Bethel na maasikaso ang order ng literatura at magasin, ma-compile ang taunang ulat ng paglilingkod sa larangan, maisaayos ang mga kombensiyon at asamblea, at higit na maasikaso ang mga bagay-bagay hinggil sa gawain ng mga naglalakbay na tagapangasiwa at special pioneer. Malaking tulong din ito sa purchasing, accounting, at inventory dahil hindi na laging kailangang umasa sa mamahaling commercial software.
ESPIRITUWAL NA LIWANAG, ONLINE
Kung paanong ang literal na liwanag ay nakakaabot sa madidilim na sulok, ang bayan din ng Diyos ay ‘nagpapasikat ng kanilang liwanag’ sa buong lupa. (Mat. 5:16) Lumiliwanag maging sa pinakamalalayong lugar ang ating opisyal na Web site na www.watchtower.org. Makikita sa Web site na ito ang mga magasin, tract, at brosyur sa mga 383 wika, pati na ang buong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa 11 wika. Mahigit 700 artikulo ang nasa Web site. Linggu-linggo, ina-update ang home page para sa mga bagong artikulo na may napapanahong mga paksa. Ano ang resulta ng pagkakaroon sa Web site ng mga publikasyong iniimprenta sa iba’t ibang wika?
Para kay Pat, taga-Florida, E.U.A., ang pagbisita sa Web site ang pinakamabilis na paraan para makakuha ng literatura sa ibang wika. Sumulat siya: “Pagkatapos nating mamahagi ng tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?,
nag-print ako ng tract sa iba’t ibang wika. Ibinigay ko ito sa mga tumanggap ng Ingles na kopya pero iba ang talagang wika.” Ang resulta?Nang mag-print si Pat ng tract sa wikang Thai para sa isang babaing may puwesto sa palengke, natuwa ang babae at hindi makapaniwalang nakakuha agad si Pat ng literatura sa wikang Thai. Tinanong ng babae at ng iba niyang kostumer ang pangalan ng ating Web site para matingnan din nila ito. Inimbitahan si Pat ng isa sa mga babae sa bahay nito para maituloy ang pag-uusap. Gaya ni Pat, nakita ng marami na malaking tulong ang mag-print ng ilang pahina sa iba’t ibang wika mula sa Web site para maibahagi sa mga interesado mula sa ibang bansa.
Noong nakaraang taon, mahigit 24 na milyon mula sa lahat ng kontinente ang nagbukas ng ating Web site. Mula noong 2007, dumami ito nang 33 porsiyento. May mga indibiduwal mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, pati na sa malalayong isla, na nagpapadala ng request para madalaw o magpa-study. Mga 55 porsiyento ang itinaas ng bilang ng mga form na pinunan sa Web site mula noong Mat. 5:16.
2007. Oo, sumisikat ang espirituwal na liwanag sa pinakamalalayong bahagi ng lupa sa ikapupuri at ikaluluwalhati ng ating Ama sa langit.—Bukod sa Web site na www.watchtower.org, may www.pr418.com na rin kung saan puwedeng ma-download ang rekording ng ating mga pangunahing publikasyon. Ano ang pakinabang sa Web site na ito?
Gaya ng nadama ng marami, sinabi ng taga-Missouri, E.U.A. na si Trisha, “Excited na ako ’pag Huwebes.” Bakit? Kadalasan kasi Huwebes siya puwedeng mag-download ng rekording ng mga bagong isyu ng Bantayan at Gumising! mula sa www.pr418.com. Isa si Trisha sa libu-libo nating kapatid sa buong daigdig na madalas pumunta sa Web site na ito. Nagda-download sila ng audio ng mga magasin, Bibliya, drama, aklat, brosyur, at mga tract na makukuha sa 27 wika. Mayroon na ring video ng mga publikasyon sa wikang pasenyas.
Sino ang mga nagda-download mula sa Web site na ito? Pangunahin na, ang ating mga kapatid, gayundin ang publiko sa mahigit 200 bansa, pati na sa mga lugar na may paghihigpit. May mga taga-Papua New Guinea, St. Helena, at maging sa Antarctica na regular na nagbubukas ng ating Web site. Paano nakikinabang ang ating mga kapatid sa mga nada-download nilang audio? Sa French Polynesia, laging atrasado ang dating ng mga kargamento kaya laging huli ang ating mga magasin. Yamang may Internet na maging sa malalayong isla, naida-download na ng mga mamamahayag doon ang mga bagong isyu sa mismong araw na in-upload ito.
Si Deborah, na taga-Illinois, E.U.A., ay may malubhang sakit kaya bihira siyang makadalo. Nahihirapan din siyang tandaan ang mga nababasa niya. Ngayon, dina-download niya at pinakikinggan ang ating mga publikasyon. Sinabi niya, “Mas natatandaan ko na ngayon ang laman
ng publikasyon, at kaya ko nang ikuwento sa iba ang mga napakinggan ko.”Isang mag-asawa sa maliit na bayan sa Texas, E.U.A. ang nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya sa isang estudyanteng taga-Siberia. Ipinagda-download nila siya ng rekording ng mga magasin sa wikang Ruso. Isa namang brother sa California, E.U.A. ang nakikinig sa audio ng ating mga magasin gamit ang kaniyang digital player at earphone habang nagdya-jogging sa umaga.
Bawat linggo, isang mag-asawa sa maliit na bayan sa gawing hilaga ng New Zealand, ang nagda-download ng mga rekording ng pag-aaral sa pulong—mga artikulo sa Bantayan, mga kabanata sa aklat na Manatili sa Pag-ibig ng Diyos at Matuto Mula sa Dakilang Guro, pati na ang naka-iskedyul na Bible reading. Pinakikinggan nila ang mga ito sa buong linggo. Sinabi ng asawang lalaki, “Ngayon, mas madalas na espirituwal na mga bagay ang pinagkukuwentuhan namin kaysa mga problema sa trabaho.” Ganito rin ang rutin ng maraming pamilya sa buong daigdig.
Linggu-linggo, libu-libo ang nagda-download ng nakaiskedyul na pagbasa sa Bibliya—lalo na kapag Martes. Pinakamarami ang nagda-download ng pag-aaralan sa Bantayan tuwing Sabado at Linggo. Puwede ring mag-print ang mga elder ng mga form at outline ng pahayag. Dahil sa mga Web site na ito, nakakatipid ang organisasyon sa panahon at pera, at kabawasan din ito sa trabaho.
‘MANGYAYARI ITO BILANG PATOTOO’
Bagaman sinisikap ng mga Saksi ni Jehova na magkaroon ng “payapa at tahimik na buhay na may lubos na makadiyos na debosyon,” alam nilang uusigin din sila. (1 Tim. 2:1, 2) Nagbabala si Jesu-Kristo sa mga alagad niya na sila ay magiging tudlaan ng pagkapoot. Sinabi niya: “Isusunggab sa inyo ng mga tao ang kanilang mga kamay at pag-uusigin kayo, anupat ibibigay kayo sa mga sinagoga at mga bilangguan, at dadalhin kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.” Pero sinabi ni Jesus na ang gayong mga pagsalansang ay babalik din sa mga kaaway ng dalisay na pagsamba. Inihula niya: “Mangyayari ito sa inyo bilang patotoo.”—Luc. 21:12, 13, 17.
Gaya ng inihula ni Jesus, dumaranas ang mga Saksi ni Jehova sa maraming lugar ng di-makatarungang pagtrato. Nakatulong ang mga naipanalong kaso para maipagtanggol ang kanilang kalayaan, kabilang na ang kanilang karapatang magbahay-bahay at magpulong para sa pagsamba. May mga hamon pa rin, pero may ilang kaso nang naipanalo sa taóng ito at napatunayan na ang ating gawain ay talagang panrelihiyon.
Austria
Noong Mayo 2009, nagbunga ang 30-taóng pagsisikap ng ating mga kapatid sa Austria. Ipinagkaloob ng Federal Ministry of Education, Art, and Culture ng Austria sa mga Saksi ni Jehova ang pinakamataas na pagkilala bilang isang relihiyon. Ang mga Saksi ngayon ang ika-14 na relihiyon sa Austria na may ganitong pagkilala. Alinsunod sa paborableng desisyon ng European Court of Human Rights noong Hulyo 2008, tatlo pang desisyong pabor sa ating mga kapatid ang ibinaba sa Austria, na nagpapatunay sa di-matututulang katotohanan na kinikilala ang mga Saksi ni Jehova bilang isang relihiyosong organisasyon.
Timog Aprika
Noong 2005, isang kaso laban sa South African Department of Labour ang iniakyat sa Labour Court of South Africa para sa Watch Tower Bible and Tract Society of South Africa at mga miyembro ng Worldwide Order of Special Full-Time Servants of Jehovah’s Witnesses na naglilingkod sa Bethel sa Timog Aprika. Layon ng apelang ito na magbaba ng desisyon ang korte na hindi dapat ituring ang mga Bethelite bilang mga suwelduhang empleado
ayon sa batas ng Timog Aprika. Noong Marso 2009, naglabas ang Labour Court ng desisyon pabor sa Watch Tower, kinilala rin na panrelihiyon ang gawain sa Bethel.Uganda
Noong 2007, ang mga miyembro ng Worldwide Order of Special Full-Time Servants of Jehovah’s Witnesses na naglilingkod sa Bethel sa Uganda ay kinategorya ng Uganda Revenue Authority (URA) bilang mga empleado ayon sa isinasaad ng Income Tax Act ng Uganda. Iniapela ito sa High Court ng Uganda sa Kampala sa ilalim ng pangalan ng International Bible Students Association (IBSA) laban sa URA. Noong Hunyo 2009, pumabor ang High Court sa IBSA. Sinabi nila na hindi mga suwelduhan ang mga Bethelite sa Uganda. Nakita ng korte ang matibay na argumento na ang mga Bethelite ay “tumatanggap ng pare-parehong pinansiyal na suporta anuman ang kanilang atas.” Sinabi ng korte na ang mga Bethelite ay mga miyembro ng isang relihiyosong organisasyon, at pinaglalaanan ng pagkain, tirahan, at kaunting halaga para sa personal na pangangailangan habang isinasakatuparan ang kanilang boluntaryo at relihiyosong gawain sa Uganda.
Armenia
Patuloy na inaaresto at ibinibilanggo ng mga awtoridad ang ating mga kapatid dahil sa paninindigan nilang huwag magsundalo. Noong Agosto 2009, 74 na brother na ang nakakulong. Dahil hindi pabor sa mga brother ang lahat ng korte sa Armenia, apat na iba’t ibang petisyon ang isinumite sa European Court of Human Rights. Pero patuloy pa rin ang gobyerno sa pagpapataw ng napakataas na Value Added Tax sa mga literaturang dumarating sa Armenia. Alisin man o hindi ang di-makatarungang buwis na ito, makaaasa tayong patuloy na mapaglalaanan sa espirituwal ang ating mga kapatid doon.—Isa. 65:13.
Azerbaijan
Patuloy na tumitindi ang paghihigpit sa ating mga kapatid sa bansang ito. Lalo nang humirap ngayon
ang makakuha ng literatura at makapagpulong. Bagaman legal na silang kinikilala sa Baku, ang kabisera, hindi ganito ang kalagayan sa ibang lunsod. Patuloy na nire-raid ng mga pulis ang pagpupulong ng mga kapatid sa pribadong mga bahay at idiniditene sila nang ilang oras sa presinto. Nangyayari ito kahit wala namang sinasabi sa batas na kailangang magparehistro ang mga relihiyon para lang makapagtipon sa mga bahay. Noong Abril 9, 2009, nag-file ang ating mga kapatid ng aplikasyon para legal silang kilalanin sa buong Azerbaijan. Umaasa tayo na kapag nairehistro na sila, maiibsan ang hirap na pinagdadaanan ng ating mga kapatid.Ehipto
Sa nakalipas na tatlong taon, ang mga kapatid mula sa Ehipto at mga kapatid mula sa Belgium, Italya, at Estados Unidos ay nakikipag-usap sa mga awtoridad sa Ehipto para humiling ng legal na pagkilala sa ating gawain. Bilang resulta, pinayagan ang mga kapatid sa Ehipto na malayang makapagtipon sa mga pribadong bahay, basta’t hanggang 30 katao bawat grupo. Pero hindi pa rin makatarungan ang trato sa ating mga kapatid. Lagi pa rin silang minamanmanan ng State Security, at may mga pagkakataon nga na isinasailalim sila sa interogasyon at pinagbabantaan. Bukod sa pakikipag-usap ng mga kapatid sa mga awtoridad, dinala na rin nila sa mga korte ang kanilang petisyon para sa legal na pagkilala.
Eritrea
Sa bansang ito, patuloy ang paglapastangan ng awtoridad sa karapatang pantao, anupat 23 miyembro ng isang kongregasyon ang inaresto noong Hunyo 28, 2009, kabilang ang mga may-edad nang sister at tatlong bata, mga dalawa hanggang apat na taóng gulang. Bagaman pinalaya na ang mga may-edad nang sister, nakakulong pa rin ang mga bata kasama ng kani-kanilang ina; matagal nang nakakulong ang kanilang mga ama. Pami-pamilya na ang nasa bilangguan. Kaya 64 nang mga kapatid natin ang nasa kulungan, kabilang na ang tatlong brother na
ikinulong noon pang 1994 dahil sa pagtangging magsundalo. Hindi sinabi sa kanila kung anong batas ang diumano’y nalabag nila.India
Nitong mga nakaraang taon, ang mga Saksi ni Jehova sa India ay naging biktima ng pang-uumog habang nagbabahay-bahay. Berbal at pisikal na pang-aabuso ang inabot ng ating mga kapatid. Sinunog ang kanilang mga literatura at pinagbantaan silang ikukulong. Kadalasan na, matapos bugbugin ang ating mga kapatid, inaaresto sila, ikinukulong at sinasampahan ng kasong kriminal. Sinusulsulan ng mga mang-uumog ang mga awtoridad at pinaparatangan ang ating mga kapatid ng paglabag sa batas.
Halimbawa, noong Disyembre 2008, tatlong Saksi ni Jehova (isang ina, ang kaniyang anak na babae, at sampung-taóng-gulang na apong babae) sa Kundapura, Karnataka, ang pumunta sa nayon ng Koni para dalawin-muli ang isang babae na interesadong matuto sa Bibliya. Di-nagtagal, ang tatlong Saksi ay sapilitang dinala sa presinto ng lima o anim na lalaki. Nagpuntahan sa presinto ang mga mang-uumog at kinasuhan ng mga pulis ang mga sister ng trespassing, pagpapasimuno ng alitan sa mga tao mula sa iba’t ibang estado ng lipunan, at pang-iinsulto sa ibang relihiyon. Pinauwi naman ang mga sister. Ang mga kapatid nating nalalagay sa ganitong sitwasyon ay binibigyan ng kaukulang legal na tulong.
Moldova
Ang mga kapatid natin sa Transnistria, isang rehiyon sa Moldova na hindi pa kinikilala bilang independiyenteng estado, ay masigasig pa rin kahit mga 12 taon na silang pinagbabantaang ipagbabawal o susugpuin. Sa kabila ng napakaraming hamon, pinagpala ni Jehova ang mga kapatid at may ilang kaso nang naipanalo. Narito ang tatlong halimbawa: Isang paring Ortodokso ang pinagmulta dahil sa berbal at pisikal na pang-aabuso sa dalawa nating sister habang nangangaral sa nayon ng
Ordăşei, ang korte naman sa lunsod ng Tiraspol ay naglabas ng desisyon na pabor sa pagsisikap ng mga kapatid na irehistro ang ating gawain doon, at isang desisyon ang ibinaba laban sa Rîbniţa City Tax Inspectorate dahil sa ilegal na pagpapataw ng buwis sa pagkaing inilalaan sa mga boluntaryo sa pagtatayo ng isang Kingdom Hall.Kazakhstan
Ang protesta ng General Prosecutor’s Office ng Republika ng Kazakhstan ay nauwi sa paborableng desisyon ng korte para sa ating mga kapatid. Bago nito, ipinasuspende ng korte sa Kyzylorda, Shymkent, at Saryagash ang ating gawain sa loob ng anim na buwan. Pero dahil sa desisyong inilabas noong Nobyembre 2008, muli tayong nabigyan ng kalayaan sa Rehiyon ng Kyzylorda, sa Shymkent, at sa buong rehiyon sa timog ng Kazakhstan. Bukod diyan, noong Disyembre 2008, matapos ang pitong taóng pagtanggi ng lokal na pamahalaan, ipinasiya ng hukuman ng lunsod ng Atyraū na bigyan ng karapatan ang mga Saksi ni Jehova doon na makapagparehistro at legal na kilalanin.
Russia
Noong nakaraang taon ng paglilingkod, ang ating Administrative Center sa Russia ay ilang ulit na inimbestigahan ng tagausig ng gobyerno at iba’t ibang ahensiya ng Estado, na ang intensiyon ay ipatigil ang ating gawain nang walang legal na batayan. Ang ilan sa ating mga kapatid ay ginugulo at ilang ulit na pinaiimbestigahan nang walang dahilan. Halimbawa, isang sister ang nakunan matapos ang ilegal na pag-raid ng mga pulis sa pulong ng mga kapatid. Isang 15-anyos na batang lalaki, na naroon din sa pulong, ang ilegal na ikinulong. Ginagamit ng mga tagausig ng gobyerno ang Batas sa Pagsugpo sa Gawain ng mga Ekstremista bilang basehan sa pagbuwag sa ating lokal na mga kongregasyon at pagbabawal sa ating mga literatura. Ang mga alegasyon na mga ekstremista tayo ay nagbunsod ng iba pang pag-abuso sa ating kalayaan. Kasama na rito ang ilegal na pag-aresto, deportasyon,
at hindi pagpapapasok sa bansa ng apat na banyagang kinatawan ng mga Saksi ni Jehova na tumutulong sa depensa ng mga kapatid. Isa sa mga brother na ito ang idinetene sa isang selda sa Moscow sa loob ng 23 oras.Nakialam ang mga miyembro ng Federal Security Service sa mga kontrata sa pagrenta ng mga venue ng mga pulong at kombensiyon, kung kaya nakansela ang mga ito. Hinadlangan din ng mga awtoridad ang pagtatayo ng mga bagong Kingdom Hall. Kabilang sa mga krimeng ginawa laban sa mga Saksi ang pag-torture habang nakapiit sa pulisya dahil sa isinampang mga gawa-gawang kaso.
Timog Korea
Noong Hunyo 16, 2008, binawi ng pamahalaan ng Timog Korea ang anunsiyo nito noong Mayo 7, 2008, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tumangging
magsundalo na makibahagi sa alternatibong serbisyong pangkomunidad. Sinabi nila na “ang isyu tungkol sa pagtangging magsundalo dahil sa relihiyosong paniniwala ay kailangan pang pag-aralan at pagkasunduan ng iba’t ibang sektor sa bansa.” Sa kasalukuyan, ang Korean National Assembly ay wala pang inaaprobahang batas hinggil sa alternatibong paglilingkod. Hinihintay pa ng mga kapatid ang desisyon mula sa Human Rights Committee ng United Nations, na pumabor na sa dalawang naunang aplikasyon. Noong Enero 2009, inamin ng Korean Presidential Commission on Suspicious Deaths in the Military na ang gobyerno ng Korea ay may pananagutan sa marahas na pagkamatay ng limang Saksi ni Jehova na sapilitang pinagsusundalo noong dekada ng 1970 hanggang kalagitnaan ng dekada ng 1980. Ito ang kauna-unahang desisyon na nagsabing may pananagutan ang Estado sa kamatayang resulta ng karahasan sa militar.Tajikistan
Ang Religious Association of Jehovah’s Witnesses sa Tajikistan ay ipinagbawal noong 2007, at kinumpiska ng customs ang mga literatura natin mula sa Alemanya. Iniapela ito sa hukumang militar, pero noong Setyembre 2008, ibinasura ang apela. Sinundan ito ng isa pang apela sa Military Collegium ng Korte Suprema, pero tinanggihan din ito. Pinanigan ng mga hukumang ito ang ginawang pagbabawal at pagkumpiska sa ating mga literatura. May ginagawa nang mga hakbang para matulungan ang mga kapatid natin doon.
Turkey
Ang mga kapatid natin dito ay ginigipit ding magsundalo. Isang brother ang dalawang taon nang nakakulong dahil sa kaniyang paninindigan. Maraming brother na tumatangging magsundalo ang pinagbabantaang pagmumultahin at ikukulong, at tatanggalin din sa trabaho. Noong Marso 2009, ipinagbigay-alam sa mga kapatid na iniimbestigahan na ng Human Rights Committee ng United
Nations ang dalawang reklamo na isinumite ng mga Saksi.Karagdagan pa, noong Mayo 2009, ipinasiya ng European Court of Human Rights na pagsabay-sabayin ang tatlong nakabinbing petisyon para masimulan ang imbestigasyon kung nagkaroon nga ba ng paglabag sa karapatang pantao ng anim nating kapatid—apat sa kanila ay nakulong. Nagpapasalamat ang mga lingkod ni Jehova sa interes na ipinapakita ng dalawang hudisyal na komite at umaasang maganda ang kalalabasan ng kaso.
Uzbekistan
Pahiráp nang pahiráp ang sitwasyon ng mga mananamba ni Jehova sa Uzbekistan. Puntirya pa rin sila ng gobyerno. Isang amang may dalawang anak na lalaki na nabilanggo nang dalawang taon dahil sa pagtuturo ng Bibliya ang pinalaya noong Mayo 14, 2009. Kinabukasan, ipina-deport siya sa Tajikistan, kung saan isa siyang mamamayan. Tatlo pang brother ang nakakulong dahil sa pag-oorganisa ng diumano’y “ilegal na relihiyosong gawain.” Naghahanda ang mga abogado ng tatlong brother na ito ng karagdagang apela sa Korte Suprema ng Uzbekistan. Ilang beses nang nakipagpulong sa Uzbekistan State Committee of Religious Affairs at sa mga kinatawan nito ang mga brother na tagaroon kasama ang mga kapatid na galing sa ibang bansa para maresolba ang kaso.
EUROPEAN COURT OF HUMAN RIGHTS
Ang mga Saksi ni Jehova sa Armenia, Austria, Azerbaijan, Ciprus, Georgia, Pransiya, Russia, Serbia, at Turkey ay may 22 nakabinbing aplikasyon sa European Court of Human Rights (ECHR) sa Strasbourg, Pransiya. Binabanggit sa mga aplikasyon ang ginawang paglabag sa karapatang pantao na dapat sana’y tinatamasa ng lahat ng mamamayan na nasa hurisdiksiyon ng European Convention on Human Rights. Siyam sa mga aplikasyon ay
may kinalaman sa karapatang tumanggi sa pagsusundalo; pito ay may kaugnayan sa pag-uusig at diskriminasyon dahil sa relihiyon; apat naman sa pagkansela sa rehistro o pagbabawal sa legal na korporasyon na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova para organisahin ang kanilang gawain; at ang dalawa ay tungkol sa pakikialam ng gobyerno sa karapatang magtipon nang payapa para sa pagsamba.Noong Hunyo 17, 2008, binigyang-pansin ng ECHR ang aplikasyong isinumite ng Association Les Témoins de Jéhovah (ATJ) laban sa pamahalaan ng Pransiya. Tungkol ito sa di-makatarungang 60 porsiyentong buwis na ipinataw sa lahat ng donasyong tinanggap ng ATJ mula 1993 hanggang 1996. Nagharap ang Korte ng tatlong karagdagang tanong tungkol sa posibleng paglabag sa Artikulo 9 ng European Convention may kinalaman sa kalayaan sa pagsamba. Ang mga Saksi ni Jehova sa Pransiya at sa iba pang bansa na kabilang sa Council of Europe ay naghihintay ngayon kung tatanggapin ng Korte ang kasong ito.
Habang pilit na ginagambala ni Satanas ang tunay na pagsamba gamit ang ‘pagpapanukala ng kaguluhan sa pamamagitan ng batas,’ ang mga Saksi ni Jehova ay nananatiling “matatag sa pananampalataya, yamang nalalaman [nila] na ang gayunding mga bagay sa pamamagitan ng mga pagdurusa ay nagaganap sa buong samahan ng [kanilang] mga kapatid sa sanlibutan.” Patuloy nawang maging matatag ang lahat ng tunay na mananamba laban kay Satanas, at nawa’y ihagis nila ang kanilang mga kabalisahan sa Diyos ng di-sana-nararapat na kabaitan. Tunay na nagmamalasakit si Jehova, patitibayin at palalakasin niya sila.—Awit 94:20; 1 Ped. 5:7-11.
‘KUWALIPIKADONG MAGTURO SA IBA’
Mula pa noon, bahagi na ng kongregasyong Kristiyano ang pagsasanay. Sinabi ni apostol Pablo kay Timoteo: “Ang mga bagay na ito ay ipagkatiwala mo sa mga taong 2 Tim. 2:2) Marami ring programa ng pagsasanay sa ngayon ang organisasyon ni Jehova. Halimbawa, mula noong 2008, 6,528 elder mula sa teritoryo ng sangay sa Estados Unidos—kabilang na ang Alaska, Bermuda, at ang Turks and Caicos Islands—ang nakadalo sa 70 klase ng School for Congregation Elders sa Watchtower Educational Center sa Patterson, New York.
tapat, na magiging lubusang kuwalipikado na magturo naman sa iba.” (Ang sanlinggong masusing pagsasanay ay may kinalaman sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng mga elder, para matulungan sila sa pangunguna sa gawaing pangangaral at maging mas epektibong guro sa kongregasyon. (2 Tim. 4:5; 1 Ped. 5:2, 3) Pinasisigla rin ang mga elder na ingatan ang kanilang espirituwalidad pati na ang sa kanilang pamilya at sinasanay silang ‘gamitin nang wasto ang salita ng katotohanan’ sa pagtulong sa iba. (2 Tim. 2:15) Bilang pasasalamat, ganito ang sinabi ng ilan sa mga elder na dumalo sa klase.
“Ang kapakumbabaan ng mga instruktor ay isang huwaran sa pakikitungo sa mga kapatid sa kongregasyon. Nag-uumapaw ang puso ko sa pasasalamat sa Lupong Tagapamahala. Sa maraming taon ko sa katotohanan, isa ito sa pinakamagandang pribilehiyong natanggap ko.”
“Alam ng Diyos na Jehova kung ano ang kailangan natin at kung kailan ito ibibigay. Tumibay ang pananampalataya ko at talagang na-recharge ako. Lalo kong napahalagahan ang mga ginagawa ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon dito sa lupa, gayundin ang pagmamalasakit niya sa kaniyang bayan.”
“Napakagandang karanasan nito. Miyentras natututo ako, mas nakikita kong ang dami ko pa palang hindi alam. Mas napahalagahan ko ngayon ang personal na pag-aaral at kung bakit dapat kong ikapit ang lahat ng natututuhan ko.”
1 Cor. 2:16) Tinulungan ako nitong mabulay-bulay kung anong uri ako ng tao.”
“Natutuhan ko kung paano mas mapangangalagaan ang aking pamilya at ang kongregasyon kaayon ng pag-iisip ni Kristo. (“Hindi ko ipagpapalit sa anumang kurso sa unibersidad ang sanlinggong pagsasanay na ito mula sa mga instruktor na inatasan ni Jehova.”
“Nakapagpapatibay at kapaki-pakinabang ang karanasang ito! Napasigla akong patuloy na maglingkod kay Jehova, magsakripisyo, at maging nakagiginhawa sa mga kapatid. (Isa. 32:2) Salamat po, Diyos na Jehova!”
“Ipinaunawa sa amin kung gaano tayo kamahal ni Jehova. Parang nag-shepherding si Jehova sa akin.”
“Pinasasalamatan ko si Jehova sa pribilehiyong matuto kung paano ko mas magagampanan ang aking atas para sa kaniyang kaluwalhatian at kapurihan.”
Sa takdang panahon, ipapatalastas ng Lupong Tagapamahala ang kaayusan kung paano rin makikinabang sa napapanahong klaseng ito ang mga elder sa iba pang mga lugar.
MGA SANGAY NA INIALAY
Noong Enero 24, 2009, si Samuel Herd ng Lupong Tagapamahala ang nagpahayag sa pag-aalay ng bagong sangay sa Tanzania, sa Silangang Aprika. Dalawampu’t limang taon bago nito, tatatlo lang ang kuwarto ng gusali ng sangay, at yari ito sa mga blokeng gawa sa abo at semento. Tinatawag nila itong House Number 46, Magomeni Quarters. Napaluha ang karamihan sa 779 na dumalo mula sa 22 bansa habang nagbabalik-tanaw sila sa pagsulong ng gawain mula nang maalis ang ban doon noong Awit 92:1, 4.
1987. “Si Jehova lang ang makagagawa nito,” ang sabi ng isang matagal na sa katotohanan. Masulong ang gawain ngayon, at mahigit 14,000 mamamahayag ang nagagalak, nagpapasalamat kay Jehova, at umaawit sa kaniyang pangalan.—Sa sangay naman sa Netherlands, mga 600 kapatid mula sa 31 lupain ang dumalo sa pahayag sa pag-aalay na binigkas ni Theodore Jaracz ng Lupong Tagapamahala noong Sabado ng Mayo 2, 2009. Gumawa ng ekstensiyon sa residence building na itinayo noong 1983, at ang dating imprentahan ay ginawang opisina at video studio para sa Regional Audio Video Center (RAVC). Tumutulong ang RAVC sa paghahanda ng mga CD at DVD sa 24 na wika, na karamihan ay sinasalita sa Europa. Bukod diyan, tumutulong ang RAVC sa produksiyon ng video sa mga 20 iba’t ibang wikang pasenyas. Inoorganisa nila ang produksiyon
ng mga CD sa Europa, Aprika, at Oceania, at mga DVD sa buong daigdig. Ang sangay sa Netherlands ay bumibili at nagpapadala ng mga item na kailangan ng mga sangay sa ibang bahagi ng daigdig, at tamang-tama ang mga ni-remodel na pasilidad para sa gawaing ito.‘MANATILI SA PAG-IBIG NG DIYOS’
Talagang marami tayong dahilan para magalak. Napakapalad natin na mabuhay sa kapana-panabik na panahong ito! Gaya ng inihula, ang “mga huling araw” ay “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” (2 Tim. 3:1) Pero yamang napakalapit na ng araw ng pagliligtas, napakahalagang maging determinado ang bawat isa sa atin na sundin ang payo ni Judas: “Kayo, mga minamahal, sa pamamagitan ng pagpapatibay ng inyong sarili sa inyong kabanal-banalang pananampalataya, at pananalangin taglay ang banal na espiritu, panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay ninyo ang awa ng ating Panginoong Jesu-Kristo tungo sa buhay na walang hanggan.”—Jud. 20, 21.
[Graph sa pahina 13]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
BILANG NG BUMIBISITA ARAW-ARAW SA www.watchtower.org
70,000
50,000
30,000
10,000
1999 2001 2003 2005 2007 2009
[Mapa sa pahina 21]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Mga Lugar Kung Saan May Legal na Usapin
AUSTRIA
EHIPTO
ERITREA
UGANDA
TIMOG APRIKA
MOLDOVA
ARMENIA
TURKEY
AZERBAIJAN
RUSSIA
KAZAKHSTAN
UZBEKISTAN
TAJIKISTAN
INDIA
TIMOG KOREA
[Larawan sa pahina 11]
Maging ang mga kabataang mamamahayag ay nakapag-alok ng pag-aaral sa Bibliya
[Mga larawan sa pahina 27]
Nakatulong ang School for Congregation Elders para mas magampanan ang teokratikong mga atas
[Mga larawan sa pahina 28]
Si Brother Jaracz sa pag-aalay ng sangay sa Netherlands
[Mga larawan sa pahina 29]
Si Brother Herd sa pag-aalay ng sangay sa Tanzania