Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
Mahal Naming mga Kapuwa Saksi ni Jehova:
Talaga ngang kapana-panabik ang panahong ito! Napakasaya namin! Talagang nasiyahan kami mahal naming mga kapatid na makasama kayo “nang balikatan” sa pagbibigay ng pinakamalaking patotoo sa ating Ama sa langit, si Jehova.—Zef. 3:9; Juan 14:12.
Hindi naman ibig sabihin nito na wala na tayong nararanasang mabibigat na problema. Sa nakaraang taon ng paglilingkod, ang ilan sa inyo ay nasalanta ng lindol, baha, bagyo, at iba pang likas na sakunang nakamamatay. (Mat. 24:7) Marami ang pinahihirapan araw-araw ng sakit at pagtanda. Kailangan nating paglabanan ang patindi nang patinding “mga hapdi ng kabagabagan.” (Mat. 24:8) Sa ilang bansa, kasama na ang Armenia, Eritrea, at Timog Korea, marami sa ating mga kapatid ang nabibilanggo dahil sa kanilang pananampalataya.—Mat. 24:9.
Ano ba ang nakatulong sa atin para manatiling positibo? Ipinaalaala sa atin ng taunang teksto noong 2010 ang isang mahalagang punto: ‘Binabata ng pag-ibig ang lahat ng bagay. Hindi ito kailanman nabibigo.’ (1 Cor. 13:7, 8) Oo, ang ating pag-ibig sa isa’t isa—at kay Jehova—ang nakatulong sa atin na makapagbata.
2 Ped. 3:9) Makikita sa bagong peak na 7,508,050 mamamahayag noong nakaraang taon ng paglilingkod ang pagnanais natin na makapagsisi ang lahat. May iba pa bang relihiyon na may ganito karaming ministro na dahil sa pag-ibig ay aktibong nagboboluntaryo para sa espirituwal na kapakanan ng iba?
Marami sa mga nag-aangking Kristiyano ang humahanga sa ating patuluyan at malawakang pangangaral. Hindi man sila sang-ayon sa ating mga turo at paniniwala, nasabi pa rin ng ilan, “Ginagawa n’yo ang dapat sana’y ginagawa namin!” Ano ang isang dahilan at patuloy ang mga Saksi ni Jehova sa pangangaral araw at gabi? Muli, ang sagot ay pag-ibig. Tulad ng ating Ama sa langit, ayaw nating may mapuksa. (Nakapagpapatibay makita ang katuparan ng hula ni Isaias: “Mangyayari sa huling bahagi ng mga araw na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matibay na matatatag na mataas pa sa taluktok ng mga bundok, at iyon ay mátataás pa nga sa mga burol; at doon ay huhugos ang lahat ng mga bansa.” (Isa. 2:2-4) Kasama sa napakaraming humuhugos sa bahay ni Jehova ang 294,368 nabautismuhan sa nakaraang taon ng paglilingkod. Tinatanggap natin sila sa ating organisasyon. Nawa’y pakilusin tayo ng ating Kristiyanong pag-ibig na patuloy silang tulungan na malabanan ang pag-atake ng ating kalaban, si Satanas na Diyablo.—1 Ped. 5:8, 9.
Ang bagong peak na 18,706,895 dumalo sa Memoryal 2 Tes. 3:5.
noong Martes, Marso 30, 2010, ay nagpapakitang milyun-milyon pa ang puwede nating makasama sa pagsamba kay Jehova. Buti na lang at hindi pa winawakasan ni Jehova ang masamang sistemang ito ng mga bagay! Samantala, patuloy tayong nakapagbabata dahil sa ating pag-ibig.—Ang “Manatiling Malapít kay Jehova!” na mga Pandistritong Kombensiyon, na karamiha’y idinaos sa buong daigdig noong 2010, ay nagpatibay ng ating kaugnayan sa ating Ama sa langit, si Jehova. Talagang totoo ang sinabi ng salmista: “Maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova!” (Awit 144:15) Anuman ang mangyari sa hinaharap, nagtitiwala tayo na kung kasama natin si Jehova, wala tayong dapat ikatakot. (Awit 23:4) Di-magtatagal at sisirain ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Anak ang “mga gawa ng Diyablo.” (1 Juan 3:8) Inaasam nga natin ang pagdating ng panahong iyan! Samantala, marami pa tayong dapat gawin.—1 Cor. 15:58.
Umasa kayo na “walang-lubay” namin kayong laging binabanggit sa aming mga panalangin. (Roma 1:9) Nawa’y “panatilihin [ninyo] ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay ninyo ang awa ng ating Panginoong Jesu-Kristo tungo sa buhay na walang hanggan.”—Jud. 21.
Mahal namin kayo!
Ang inyong mga kapatid,
Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova