Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Papua New Guinea

Napakalaking hamon ang pangangaral ng mabuting balita sa bansang ito. Nariyan ang makakapal na kagubatan, malalawak na latian, at mabatong kabundukan. Mahigit isang libong tribo ang nakatira dito, at mahigit 800 ang wika. Basahin kung paano napagtagumpayan ng mga kapatid ang lahat ng ito para maipaalam sa iba ang katotohanan sa Bibliya. Alamin din ang tungkol sa lakas ng loob at determinasyon ng mga kapatid nating tumalikod sa kanilang mga pamahiin at di-makakasulatang tradisyon para maging tapat na mga lingkod ni Jehova. Tiyak na mapapatibay nito ang pananampalataya mo.

Estonia

Ito ang kapana-panabik na kuwento ng masisipag na kapatid na inuna ang Kaharian kahit malupit na pinag-usig. Alamin kung ano ang “karo ng makalangit na Kaharian” at kung bakit nabali ang braso ng isang pulis sa tanggapang pansangay. Alamin din kung paano nakagawa ang mga kapatid ng sariling tinta at pang-imprenta. Tingnan kung paano nakayanan ng mapagpakumbabang mga lingkod ni Jehova ang napakahirap na dalawang-linggong biyahe sa tren at ang napakaginaw na klima sa Siberia. Basahin kung bakit nasabi ng isang sister, “Mas okey sa akin kapag nababartolina ako.” Ito ang kahanga-hangang kuwento ng katapatan, katapangan, at pagiging mapamaraan ng mga lingkod ng Diyos sa Estonia.