Papua New Guinea
Papua New Guinea
NOONG unang panahon—sa loob ng maraming taon—pangkat-pangkat ng mga nandarayuhan sa timog ang dumaan sa Asia. Sa dulong silangan ng Malay Archipelago, nakarating sila sa New Guinea, isang bulubunduking islang tropikal—ang ikalawang pinakamalaking isla sa daigdig. a Tinalunton nila ang napakainit na mga baybayin at nanirahan sa malalawak na latian, makakapal na kagubatan, at kalat-kalat na mga isla. Ang ilan ay tumira sa mga kabundukang may katamtamang klima, malawak na kaparangan, at matabang lupa.
Nang maglaon, ang populasyon ay binubuo na ng mahigit isang libong maliliit na tribo na parating naglalabanan. Sari-sari ang kanilang kostumbre at kasuutan, at mayroon silang mahigit 800 wika. Karamihan sa mga tribo ay nasa mga lugar na mahirap mapasok, malayo sa kabihasnan. Marami ang naniniwala na sa abot ng kanilang natatanaw, may mga demonyo at namatay na ninuno na puwedeng makapinsala o makatulong sa kanila. Umiikot ang buhay nila sa pagpapalugod sa mga espiritung iyon.
Magkakaiba ang hitsura ng mga tao—maliban sa isang bagay. Nang pumasyal sa isla ang Portuges na opisyal na si Jorge de Meneses noong 1526, binansagan niya itong Ilhas dos Papuas, ibig sabihin, “Lupain
ng mga Kingki ang Buhok.” Para sa Kastilang marinerong si Ynigo Ortiz de Retes, ang mga tagaisla ay kamukha ng mga taga-Guinea sa Kanlurang Aprika, kaya tinawag niya ang isla na Nueva Guinea, o New Guinea.Noong ika-19 na siglo, hinati ng mga mananakop na Europeo ang isla sa tatlong teritoryo. Naunang dumating ang mga Olandes at inangkin ang kanlurang bahagi na sakop ngayon ng Indonesia. Pinaghatian naman ng mga Britano at Aleman ang silangang bahagi: British New Guinea sa timog (tinawag na Papua) at German New Guinea sa hilaga (New Guinea nang maglaon). Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig I, napasailalim sa Australia ang dalawang teritoryong ito. At noong 1975, ang Papua at New Guinea ay naging isang independiyenteng bansa ng Papua New Guinea (PNG). b
Sa ngayon, humahabol sa makabagong panahon ang Papua New Guinea. Ang ilan sa mga residente nito ay nakatira sa mga siyudad na may mga high-tech na kagamitan. Pero 4 sa bawat 5 katao ang naninirahan sa maliliit at liblib na nayon na walang gaanong ipinagbago ang buhay sa nakaraang daan-daang taon, kung saan pag-aalaga ng baboy ang sukatan ng yaman, karaniwan ang dote, laganap ang espiritismo, at napakahalaga ng pagiging tapat sa angkan.
Pero sa nakaraang mga taon, nagkaroon ng mas makabuluhang pagbabago na nakaapekto nang malaki sa buhay ng taimtim na mga tao mula sa lahat ng etnikong grupo sa bansang ito. Isa itong espirituwal na pagbabago na resulta ng pag-aaral at pagsunod sa Salita ng Diyos, ang Bibliya.—Roma 12:2.
MGA NAGHATID NG MABUTING BALITA
Nakarating ang katotohanan sa Papua New Guinea noong 1932 nang dumaan dito si Peck, isang Britanong payunir na inatasan sa Malaya (ngayo’y Malaysia). Wala siyang sinayang na panahon; ilang linggo siyang nangaral. Nakapamahagi siya ng daan-daang literatura sa Bibliya bago dumeretso sa atas niya.
Makaraan ang tatlong taon, pitong payunir na lulan ng bangkang Lightbearer ang bumaba sa Port Moresby para ayusin ang kanilang nasirang makina. Sa loob ng isang buwan, masigasig silang nangaral doon at sa kalapít na mga lugar. Isa sa kanila ang matipunong taga-New Zealand na si Frank Dewar. Naglakad siya nang mahigit 50 kilometro papasok mula sa baybayin dala ang maraming literatura at ipinamahagi ang mga iyon.
Nabigyan ng literatura si Heni Heni Nioki, isang doktor-kulam mula sa tribo ng Koiari. Naitanim sa puso niya ang binhi ng katotohanan, pero naghihintay ito sa pagbabalik ng mga Saksi ni Jehova para madiligan at tumubo.—1 Cor. 3:6.
Noong mga huling taon ng dekada ’30, isa pang payunir ang nangaral sa mga pangunahing bayan ng Papua New Guinea, pati na sa mga isla ng New Britain, New Ireland, at Bougainville. Marami siyang naipamahaging publikasyon. Pero bago maipagpatuloy ng iba ang nasimulan niya, nadamay sa lupit ng Digmaang Pandaigdig II ang rehiyong ito.
PANGANGARAL SA “MALAKING KOMUNIDAD”
Makalipas ang 12 taon, noong Setyembre 22, 1951, isang matangkad na Australiano ang dumating sa napakaalinsangang Port Moresby sakay ng eroplano. Siya ang 47-anyos na si Tom Kitto, isa sa mga nagboluntaryong magpasimula ng pangangaral sa mga isla sa Pasipiko. Sumunod sa kaniya ang asawa niyang si Rowena makaraan ang anim na linggo. Teritoryo nila ang buong Papua New Guinea.
Napansin ng mag-asawang Kitto na karamihan sa mga puti sa Port Moresby ay walang interes sa mensahe ng Kaharian. Pero nakilala nila ang kababayan nilang si Geoff Bucknell, na iniwan ang katotohanan noong bata pa siya. Nakipag-aral uli siya ng Bibliya at
nang maglaon ay naging tapat na Saksi, pati na ang asawa niyang si Irene.Tapos, nangaral sina Tom at Rowena sa Hanuabada, o “Malaking Komunidad” sa wikang Motu. Matatagpuan ito malapit sa Port Moresby Harbour at binubuo ng daan-daang bahay na nakatirik sa dagat at pinagdurugtong ng mga daanang kahoy. “Dinumog kami ng mga tao para mapakinggan ang mabuting balita,” ang isinulat ni Rowena. “Ganoon na lang sila kainteresado kaya gabi-gabi kaming nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya. Sa dalawang buwan, dalawang beses lang kaming hindi nakapunta.” Sabi pa ni Tom: “Gustung-gusto nila ang pagkabuhay-muli at buhay sa paraisong lupa. Nang obligahin sila ng mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan at ng pulis doon na tumigil sa pag-aaral, lahat sila ay nanindigan. Tumimo sa puso nila ang katotohanan.”
Kasama sa mga nanindigan sina Raho at Konio Rakatani, Oda Sioni, Geua Nioki, at ang mister niyang si Heni Heni, na nabigyan ng literatura ng crew ng Lightbearer 16 na taon na ang nakararaan. Di-nagtagal, mga 30 interesado na ang regular na nagpupulong
sa bahay ni Heni Heni. “Hiwalay ng upuan ang mga lalaki’t babae,” ang naaalala ni Oda Sioni, na bata pa noon. “Ang mga babae ay nakapaldang gawa sa damo at walang pang-itaas. Dala nila ang kanilang mga sanggol sa makukulay na string bag na isinasabit nila sa biga ng bahay. Matapos pasusuhin, ilalagay nila ang mga ito sa bag at marahang iuugoy hanggang makatulog.”Kapag pulong, may interpreter si Tom Kitto. Pero siyempre, may mga naging problema rin. “Minsan, ang kapatid ni Heni Heni na si Badu Heni ang nag-interpret,” ang kuwento ni Don Fielder, na dumating noong 1953. “Parang okey naman nung simula, iniinterpret ni Badu ang sinasabi ni Tom, ginagaya pa nga ang kilos nito. Pero noong huli na lang inamin ni Badu na wala siyang naiintindihan sa sinasabi ni Tom. Inuulit lang pala niya ang mga katotohanang alam niya at kinokopya ang kilos ni Tom para magmukhang kapani-paniwala ang sinasabi niya.” Pero kahit ganoon, mabilis silang dumami, at di-nagtagal, nagkaroon ng isa pang grupo sa bahay ni Raho Rakatani na nasa Hanuabada rin.
“SIGE NA, TURUAN MO ANG TRIBO NAMIN”
Maaga noong 1952, pinuntahan ni Bobogi Naiori, isang pinuno ng Koiari at kilalang doktor-kulam, si Heni Heni—na kaniyang wantok, o katribo—para dumalo ng pulong sa bahay nito. Nagustuhan ni Bobogi ang kaniyang nakita at narinig, at nakiusap kay Tom
Kitto: “Sige na, turuan mo ang tribo namin tungkol sa katotohanan!”Pagkaraan, ibiniyahe nina Tom at Rowena ang kanilang lumang pickup sa maputik na daan papunta kina Bobogi sa Haima, isang maliit na nayon na mga 25 kilometro sa hilaga ng Port Moresby. Nagpatotoo si Tom sa nagkatipong tagaroon at ininterpret ito ni Bobogi. Dahil dito, mga 30 ang nakipag-aral ng Bibliya.
Noong buwan ding iyon, nagtayo ang grupo sa Haima ng maliit na pulungan para sa Kristiyanong pagpupulong. “Ang pulungan ay yari sa kahoy, bubong na kugon, at mga sawaling dingding na hanggang baywang,” ang sabi ni Elsie Horsburgh, na nakadalo rin doon. “Sa loob, may mga bangkô, gasera, at maliit na pisara.” Ang simpleng pulungang ito ang kauna-unahang Kingdom Hall sa PNG.
Gusto rin ni Bobogi na marinig ng kaniyang mga wantok sa kalapít na mga bundok ang mabuting balita. Kaya naglakbay sila ni Tom sa mabanging daan papunta sa talampas ng Sogeri. Di-nagtagal, study na nila ang mahigit 90 katao sa tatlong baryo doon.
Hindi ito nakalampas sa pansin ng gobyerno. Sa
Ioadabu, isang opisyal ng pamahalaan ang sumugod sa pulungan para alamin kung sino ang nagpahintulot sa mga Saksi ni Jehova na turuan ang mga tagaroon. Pinagtatanong din ng mga pulis ang ilang interesado tungkol sa gawain ng mga Saksi. Pinagbantaan pa nga ng ilang pastor ng baryo at may-ari ng mga taniman ang mga kapatid na sasaktan sila.Dahil doon, huminto ang ilang interesado. Pero isang maliit na grupo ang nagpatuloy. Noong 1954, 13 ang nabautismuhan sa Ilog Laloki sa Haima, ang kauna-unahang bautismo ng mga Saksi sa Papua New Guinea. Isa sa kanila si Bobogi, na nagsabi: “Huminto man ang lahat ng Koiari, hindi ako hihinto, dahil alam kong ito ang katotohanan.” At nanatili ngang tapat si Bobogi, na naglingkod bilang elder sa Haima Congregation hanggang sa mamatay noong 1974.
DI-MALILIMUTANG MGA PAGTITIPON
Noong Hulyo 1955, dumating sa Port Moresby si John Cutforth, misyonerong taga-Canada na naglilingkod sa Australia. Siya ang naging unang tagapangasiwa ng sirkito. Nagustuhan agad ni John ang klima, pamumuhay, pati ang mababait na tao roon. Wala siyang kamalay-malay na tatagal pala siya nang mahigit 35 taon sa Papua New Guinea.
Dala ni John ang pelikulang The New World Society in Action, isang dokumentaryo tungkol sa organisasyon at kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Sa loob ng tatlong linggo, 14 na ulit niya
itong naipalabas mula sa ilang daang tao hanggang sa halos 2,000. Hindi ito malilimutan ng mga tagaroon, na karamiha’y noon lang nakapanood ng pelikula.Nagtapos ang dalaw ni John sa isang-araw na circuit assembly sa Haima. “Nang patayuin ang mga kandidato sa bautismo, . . . pitumpu ang tumayo!” ang naaalala ni Tom Kitto. “Tuwang-tuwa kaming makita ang 40 brother at 30 sister na nakapila sa ilog sa gubat para sagisagan ang pag-aalay nila kay Jehova.”
Nang sumunod na taon, nagsaayos uli ang mga kapatid ng circuit assembly sa Haima. Si Bobogi, ang pinuno ng nayon, ang naatasang magtayo ng pagdarausan at maghanda ng pagkain ng mga dadalo. Tatlong araw bago ang assembly, nakipagkita kay Bobogi si John (Ted) Sewell, ang bagong tagapangasiwa ng sirkito mula sa Australia.
“Ano na’ng natapos n’yo?” tanong ni Ted.
“Wala pa,” sagot ni Bobogi.
“Aba, Huwebes na, Bobogi. Sa Linggo, assembly na!” ang sabi ni Ted.
“Okey lang ’yun,” sagot ni Bobogi. “Kami na’ng bahala sa Sabado.”
Bumalik sa Port Moresby si Ted, alalang-alala na baka pumalpak ang assembly.
Kinalingguhan, hindi mapalagay si Ted habang papunta sa Haima. Pero nagulat siya! Sa ilalim ng malaking puno, isang matibay na entabladong kahoy ang nakaharap sa hinawang lupa. Sa di-kalayuan, makikita ang mga hukay na may mga nagbabagang bato na pinag-iihawan ng mga baboy, wallaby, usa, kalapati, isda, tugî, at kamote. May mga nakasalang ding takuri. Masayang
nakaumpok ang mga tao sa kapitiryang gawa sa kugon. At hayun si Bobogi, nakatayo at relaks na relaks. Bilib na bilib si Ted!“Bobogi, saan mo natutunan ang lahat ng ito?” ang tanong niya.
“Napanood ko sa ipinalabas ni John Cutforth noong nakaraang taon,” sagot ni Bobogi.
Mahigit 400 mula sa walong etnikong grupo ang dumalo, at 73 ang nabautismuhan. Nang maglaon, tinawag itong assembly ni Bobogi.
PANGANGARAL GAMIT ANG MGA LARAWAN
Noong 1957, permanente nang nanirahan sa PNG si John Cutforth at naglingkod bilang naglalakbay na tagapangasiwa. Unang dalaw pa lang, pinag-iisipan na niya ang pinakamahusay na paraan para makapangaral sa mga tagaroon, na karamiha’y hindi nakapag-aral. Ngayon, susubukan niya kung epektibo ang naisip niya.
Kapag nagpapahayag sa isang kongregasyon o grupong nasa liblib na lugar, isinusulat muna ni John sa pisara ang pangalan niya at ng interpreter. Tapos, ituturo ang langit, at itatanong, “Diyos, ano pangalan?” Isusulat niya ang sagot nila na “Jehova,” at ang “Awit 83:18” sa itaas ng pisara. Sa kaliwa sa ibaba, isusulat niya ang “Lumang Sanlibutan” at gagawa ng simpleng drowing ng dalawang taong nag-aaway, isang umiiyak, libingan, at “Roma 5:12.” Sa kanan, isusulat niya ang “Bagong Sanlibutan” at magdodrowing ng dalawang taong nagkakamayan, isang nakangiti, libingan na may ekis, at “Apocalipsis 21:4,” saka masiglang ipaliliwanag ang mga ito. Tapos, papupuntahin niya sa harap ang ilan para ipaulit ang sinabi niya. Kapag kabisado na nila, ipapagaya niya sa kanila sa papel ang mga drowing, na gagamitin naman nila sa pangangaral.
Malaki ang naitulong ng tinatawag na “Picture Sermon One” sa pangangaral sa bansa. Nasundan ito ng iba pang picture sermon. “Maraming oras naming kinopya sa mga notbuk ang mga picture sermon. Binigyan namin nito ang mga study, na ginamit nila sa pagpapatotoo sa iba,” ang sabi ni Lena Davison na naglingkod doon nang 47 taon. Gumawa din ang mga bata ng sarili nilang notbuk ng mga larawan na sila mismo ang nagkulay, at tuwang-tuwa sila rito.
Ginamit din ang pamamaraang ito sa mga pulong. “Ang mga drowing sa pisara kapag Pahayag Pangmadla
at Pag-aaral sa Bantayan ay malaking tulong sa mga hindi marunong bumasa,” ang sabi ni Joyce Willis, taga-Canada na mahigit 40 taóng nagpayunir sa PNG. Sa mga assembly, ginamit ding visual aid ang mga ipinintang larawan. “Napakadalas gamitin ang malalaking larawang ito at naikintal nito sa isip ng mga tagapakinig ang mga pangunahing punto,” ang sabi ni Mike Fisher, na naglingkod bilang tagapangasiwa ng sirkito. “Marami sa mga larawan ang idinispley sa bahay ng mga kapatid na nasa liblib na lugar, na buong-pagmamalaki nilang ginagamit kapag nagpapatotoo sa mga bisita.”Pagkaraan ng maraming taon, nang dumami na ang marunong bumasa’t sumulat at naging karaniwan ang mga literaturang may mga litrato, itinigil na ang paggamit ng mga picture sermon.
PINALAWAK ANG PANGANGARAL
Noong mga huling taon ng dekada ’50, nagdatingan sa Papua New Guinea ang masisigasig na Australiano at puspusang nangaral. Ang mga natuto naman ng katotohanan sa Port Moresby ay nagsibalik sa kani-kanilang nayon dala ang mensahe ng Kaharian. Kaya mabilis na lumaganap sa buong bansa ang mabuting balita.
Noong 1957, nabalitaan
ni David Walker, 26-anyos na Australianong brother na nakatira sa Port Moresby, na interesado sa katotohanan ang mga taga-Gabadi at Manu Manu. Iniwan ni David ang kaniyang trabaho at nag-special pioneer; buong taon siyang mag-isang nangaral doon. Ipinagpatuloy naman ng iba ang nasimulan niya, at ngayon, may kongregasyon na at Kingdom Hall sa Manu Manu.Samantala, habang nangangaral sa Koki Market sa Port Moresby, nakilala ni Don Fielder ang ilang interesadong mangingisda na taga-Hula, isang nayon sa baybayin na mga 100 kilometro pasilangan. Para maturuan pa sila at ang kani-kanilang pamilya, naglayag patungong Hula si Don, kasama si Athol (Dap) Robson at ilang interesadong nakilala nila, gamit ang kaniyang bagong bangka na may habang walong metro. Tatlong araw sila roon at nakabuo ng isang maliit na grupo.
Pagkaraan, nag-special pioneer si Don sa Hula. Kasama niya ang asawa niyang si Shirley at ang dalawang-taóng-gulang nilang anak, si Debbie. “Nagtayo
kami ng isang kubo at nangaral sa limang nayon,” ang kuwento ni Don. “Araw-araw, 12 kilometro ang nilalakad namin. Nakakapagod pero nakapagpapatibay, marami kasi kaming napasimulang pag-aaral. Di-nagtagal, walo nang bagong mamamahayag ang kasama namin sa pangangaral.”Dahil sa pangangaral nina Don at Shirley, inis na inis ang ministro ng United Church at sinulsulan ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng kanilang kubo na ipagiba ito. “Galít na galít ang mga nakatira sa kalapít na nayon nang mabalitaan ito. Ayaw kasi nila kaming umalis,” ang sabi ni Don. “Mga 20 ang tumulong sa paglilipat ng aming kubo—mula pundasyon hanggang bubong—sa bagong lote sa nayon nila.”
Pero hindi nagpatalo ang ministro. Sinulsulan niya ang mga awtoridad ng Port Moresby na ipagbawal ang paglipat ng mga Fielder saanman sa distrito. “Sa halip na iwan ang aming atas,” ang sabi ni Don, “hiniling namin kay Alf Green, isang mahusay na karpintero, na gumawa ng kuwarto sa bangka namin gamit ang mga kahoy mula sa aming kubo. Tapos, iniangkla namin ang bangka sa bakawan malapit sa bukana ng katabing ilog. Dalawa’t kalahating taon kaming tumira doon habang nagpapayunir, kahit sangkaterba ang lamok at nakaabang ang mga buwaya.” Nang isilang ang pangalawa nilang anak, si Vicki, bumalik ang mga Fielder sa Port Moresby. Nang maglaon, naatasan sila sa gawaing paglalakbay, at si Don ay naging miyembro ng Komite ng Sangay.
NARINIG NG IBA ANG MABUTING BALITA
Noong mga panahong iyon sa Port Moresby, sina Lance at Daphne Gosson ay nakipag-aral sa ilang kabataang lalaki mula sa Kerema, isang nayon sa baybayin
na mga 225 kilometro sa kanluran ng Port Moresby. Nang magbakasyon sa Kerema ang mga lalaking ito, binisita sila ni Lance at ni Jim Chambliss para makapangaral doon nang dalawang linggo.“Nagtipon ang buong nayon para makinig sa amin,” ang isinulat ni Lance. “Habang nagpapaliwanag kami, sinugod ng pastor ng London Missionary Society ang aming interpreter. Pinagsusuntok niya ito bago nakaawat ang mga tagaroon. Iginigiit niyang ayaw sa amin ng mga tao at inutusan kaming umalis sa ‘kaniyang’ teritoryo. Sinabi namin na ang gustong makinig ay puwedeng sumunod sa kabilang panig ng nayon at ang ayaw ay maiwan kasama ng pastor. Hayun, sumama lahat.
“Kinaumagahan, sinubukan naming ireport sa district commissioner ang nangyari. Sa daan, may nakita kaming babaing may sakit. Nagboluntaryo kaming dalhin siya sa ospital pero ayaw niya. Matagal bago namin siya nakumbinsi. Nang iwan na namin siya sa doktor, tumuloy kami sa district commissioner, na hindi maganda ang naging pagtanggap sa amin. Pinagbintangan pa nga niya kaming tinuturuan daw namin ang mga tao na huwag magpagamot! Pero sakto namang datíng ng doktor at narinig ang bintang sa amin. Sinabi niya sa commissioner na kami ang kumumbinsi sa babae na magpadala sa ospital. Agad namang humingi ng dispensa ang commissioner. Ikinuwento niya na kapupunta lang ng paring Katoliko at siniraan kami. Tapos, dalawang armadong pulis ang inutusan niyang umeskort sa amin. Mantakin n’yo, dalawang pulis na may baril ang kasama namin sa mga Bible study!”
Pagkatapos, dalawang kabataang Australiano, sina Jim Smith at Lionel Dingle, ang ipinadalang special pioneer sa Kerema. Agad silang nag-aral ng wikang
Tairuma. “Sasabihin namin ang bawat salita sa Motu, at sasabihin naman sa amin ng mga study namin ang katumbas nito sa Tairuma, saka namin iyon isusulat,” ang kuwento ni Jim. “Sa ganitong paraan, natuto kami ng ilang salita at nakapagsaulo ng simpleng presentasyon sa Bibliya. Manghang-mangha ang mga tagaroon nang marinig kami, kasi kami lang ang mga puti roon na nakapagsasalita ng wika nila. Pagkaraan ng tatlong buwan, nakakapagpulong na kami linggu-linggo sa Tairuma sa magkabilang panig ng Kerema Bay.”Pagkaraan, sina Jim at Lionel ay pinalitan ng isa pang kabataang Australianong payunir na si Glenn Finlay, na mag-isang nangaral sa Kerema sa loob ng 18 buwan. “Hiráp na hiráp ako noon,” ang sabi ni Glenn. “Minsan nga naiisip ko kung talaga bang may natutulungan ako. Pero may isang bagay na nagpabago sa pananaw ko.
“Isa sa mga study ko ang may-edad nang panadero na si Hevoko. Hindi siya nakapag-aral. Ilang buwan na kaming nagba-Bible study pero kakaunti lang ang natatandaan niya. Iniisip ko tuloy kung sulit na turuan Juan 6:44.
siya. Pero isang umaga, nang malapit na ako sa kanila, may narinig akong nagsasalita. Nananalangin pala si Hevoko kay Jehova at taos-pusong nagpapasalamat na natuto siya ng katotohanan tungkol sa Kaniyang pangalan at sa Kaharian. Ipinaalala nito sa akin na si Jehova ay tumitingin sa kalooban ng isa, hindi sa talino. Kilalang-kilala niya ang mga umiibig sa kaniya.”—NAPAHARAP SA KULTONG KARGAMENTO
Noong 1960, dalawa pang special pioneer mula sa Australia, sina Stephen Blundy at Allen Hosking, ang lumipat sa Savaiviri, isang nayong mga 50 kilometro sa silangan ng Kerema. Tatlong buwan silang tumira sa tent, at pagkatapos, sa maliit na kubo sa niyugan na nasa gitna ng malawak na latian.
Kilala ang Savaiviri sa kultong kargamento. Saan ba galing ang kultong ito? Noong Digmaang Pandaigdig II, labis na namangha ang mga tagaroon sa malaking kayamanan, o kargamento, na dala ng mga sundalong banyaga. Pagkatapos ng digmaan, umalis na ang mga sundalo. Inisip ng ilang tagaroon na komo galing ang mga kargamento sa malayong lugar—na pinaniniwalaan
nilang daigdig ng mga espiritu—tiyak na ipinadala iyon ng mga namatay nilang ninuno, at hinarang lang ng mga sundalo. Para ipaalam sa mga espiritu ang pangangailangan nila, umakto sila na parang mga sundalo at gumawa ng matitibay na pantalan para paghandaan ang pagdating ng napakaraming bagong kargamento.Di-nagtagal, study na nina Stephen at Allen ang mga 250 miyembro ng kulto, kasali ang lider at ang ilan sa “labindalawang apostol” nito. “Marami sa kanila ang napunta sa katotohanan,” ang sabi ni Stephen. “Nasabi tuloy ng pulis doon na dahil sa pangangaral namin, nabuwag ang kultong kargamento sa Savaiviri.”
PAGGAWA NG MGA LITERATURA SA BIBLIYA
Nakita agad ng mga payunir noon na kailangang isalin ang mga literatura sa wika ng mga tagaroon. Pero paano, 820 ang wika roon?
Noong 1954, isinaayos ni Tom Kitto na isalin ng mga kapatid ang isang kabanata ng aklat na “Hayaang ang Diyos ang Maging Tapat” c sa Motu, ang wika sa Port Moresby. Mahigit 200 pamplet ng nakamimyograp na kabanatang may pamagat na “Isang Bagong Lupa” ang ipinamahagi, na ikinatuwa ng mga nagsasalita ng Motu.
Nang magsimula ang pangangaral sa ibang lugar, nagpagal ang mga payunir para isalin ang mga literatura sa iba pang wika. Sinabi ni Jim Smith: “Matiyaga kong inilista ang mga bagong salita o pangungusap na natututuhan ko. Nakagawa ako ng diksyunaryo at mga panuntunan sa balarila ng Tairuma. Ginamit ko ang mga ito sa pagsasalin ng mga araling artikulo ng Bantayan. Madalas akong nagpupuyat sa pagta-type ng mga
naisaling artikulo para magamit ng mga dumadalo sa pulong. Nagsalin din ako ng isang tract at buklet sa wikang Tairuma. Dahil sa mga publikasyong iyon, maraming taga-Kerema ang natuto ng katotohanan.”Nagsalin din ng mga publikasyon sa wikang Hula at Toaripi. Yamang imposibleng mailimbag sa lahat ng wika ang mga publikasyon, nagpokus ang mga kapatid sa wikang ginagamit sa kalakalan—ang Hiri Motu at Tok Pisin. Ang Hiri Motu, pinasimpleng Motu, ang salita ng marami sa baybayin ng PNG. “Tinutukan namin ang pagpapahusay sa sistema ng pagsulat sa wikang ito,” ang sabi ni Don Fielder. “Malaki ang naitulong ng Ang Bantayan at ng ibang publikasyon para sumulong ang wikang Hiri Motu.” Ang Tok Pisin—pinaghalong Ingles, Aleman, Kuanua, at iba pa—ay sinasalita ng karamihan ng nasa mga baybayin, isla, at kabundukan sa hilagang Papua New Guinea. Paano nasimulan ang pangangaral sa magkakaibang lugar na iyon?
NAKARATING SA HILAGA ANG MABUTING BALITA
Hunyo 1956 nang lumipat sina Ken at Rosina Frame, bagong kasal na mga payunir, sa New Ireland na nasa Bismarck Archipelago sa hilagang-silangan ng bansa. Sila ang kauna-unahang Saksi roon. Nagtrabaho ang accountant na si Ken sa isang malaking kompanya
sa Kavieng, ang pangunahing bayan sa isla. “Bago kami umalis sa Sydney,” ang kuwento niya, “pinayuhan kami na hayaan muna naming mapalagay ang loob ng mga tao bago kami mangaral. Mahusay na modista si Rosina at dumami agad ang kostumer niya. Nagpatotoo kami sa kanila, at nakabuo agad ng maliit na grupo na palihim na nagpupulong sa bahay namin minsan sa isang linggo.“Makaraan ang 18 buwan, dumalaw ang tagapangasiwa ng sirkito na si John Cutforth. Nagtanong siya kung puwede niyang ipalabas ang The Happiness of the New World Society. Nakipag-usap ako sa may-ari ng sinehan at pumayag siyang ipalabas nang libre ang ating pelikula. Tiyak na naipagsabi ito ng mga tauhan niya. Dagsa ang tao sa sinehan, at kinailangan pa naming magpatulong sa mga pulis para makapasok. Mahigit 230 ang nanood, hindi pa kasali ang mga nag-uusyoso sa may bintana. Pagkatapos nito, malaya na kaming nakapangaral.”
Noong Hulyo 1957, naitatag ang kongregasyon sa Rabaul, New Britain, isang magandang bayan na may daungan at nasa pagitan ng dalawang aktibong bulkan. Nagpupulong ang Rabaul Congregation sa bakuran ng inuupahang bahay ng mga special pioneer. “Mahigit sandaan ang nagba-Bible study gabi-gabi,” ang sabi ng payunir na si Norman (Norm) Sharein. “Mga tigda-dalawampu ang bawat grupo at tinuturuan namin sila sa ilalim ng mga puno gamit ang gasera.”
Nang magdaos ang kongregasyon ng kauna-unahang circuit assembly, pito ang nabautismuhan sa dagat. Lima ang agad na nagpayunir. Pero saan sila mas makapaglilingkod? Ang sabi ng tanggapang pansangay sa Australia—sa Madang.
Juan 4:35) Sa katunayan, kulang na kulang ang maliit na grupo ng mamamahayag sa dami ng mga interesado. Nang dumating ang payunir na si Matthew Pope at ang pamilya niya mula sa Canada, bumili sila ng bahay na may ilang tuluyan sa bakuran. Puwede nang magpadala ng mas maraming payunir!
Handa na sa pag-aani ang “mga bukid” sa Madang, isang bayan na nasa hilagang-silangang baybayin ng bansa. (Walong payunir mula sa Rabaul ang nangaral sa Distrito ng Madang. Isa rito si Tamul Marung na bumili ng bisikleta at saka nagbangka para mangaral sa Basken, ang kinalakhan niyang nayon na 48 kilometro sa hilaga ng Madang. Tapos, namisikleta siya pabalik ng Madang, na nangangaral habang daan. Pagkaraan, bumalik siya ng Basken, nagtatag ng kongregasyon, at nagpayunir doon nang 25 taon. Nag-asawa siya at nagkapamilya. Naging Bethelite ang kaniyang anak na babae at ang apo ng kaniyang kuya.
Samantala, sa Madang, nakilala nina John at Lena Davison si Kalip Kanai, titser sa Talidig, maliit na nayon sa pagitan ng Basken at Madang. Di-nagtagal, pumupunta na sina John at Lena sa Talidig para turuan si Kalip at ang kaniyang mga kamag-anak. Galít na galít ang Katolikong inspektor ng paaralan at inutusan
ang mga pulis na palayasin si Kalip at ang mga kamag-anak nito sa kani-kanilang bahay. Pero hindi sila pinanghinaan ng loob. Lumipat ang grupo sa nayon ng Bagildig at naging masulong na kongregasyon. Nang maglaon, nagtayo sila ng malaking Kingdom Hall na ginagamit sa mga asamblea at kombensiyon. May pitong kongregasyon na ngayon at dalawang grupo sa Distrito ng Madang.Habang sumusulong ang gawain sa Madang, mabunga rin ang pangangaral nina Jim Baird at John at Magdalen Endor sa Lae, isang malaking bayan sa baybayin na mga 210 kilometro patimog-silangan. “Halos gabi-gabi kaming nagtuturo sa malalaking grupo sa bahay namin. Anim na buwan lang, sampung Bible study namin ang sumama na sa pangangaral,” ang sabi ni John. Noong
pagtatapos ng 1958, mahigit 1,200 ang nanood ng The New World Society in Action sa sinehan sa Lae. Marami sa kanila ay kontratahang manggagawa na siyang nagdala ng mabuting balita sa kani-kanilang nayon sa kabundukan.Masigasig din ang mga kapatid sa Wau. Nakapagtatag ng masulong na kongregasyon sa kaniyang tahanan si Jack Arifeae, isang malaking lalaki na may bilugang mukha at aktibo sa gawain. Nag-aaral na rin ng Bibliya at sumusulong ang mga 30 miyembro ng tribong Kukukuku—kinatatakutan dahil dating kumakain ng tao.
Sa Bulolo, puspusan din ang pangangaral nina Wally at Joy Busbridge. Kaso pinag-initan sila ng New Tribes Mission na nagsasabing kanila raw ang Bulolo. Dahil dito, inobliga si Wally ng amo niya, “Iwan mo ’yang relihiyon mo, kung ayaw mong mawalan ng trabaho.” Lumipat sina Wally at Joy sa Lae at patuloy na nangaral. Nagpayunir sila nang maglaon at naatasan sa gawaing paglalakbay.
Mula sa Port Moresby, bumalik sa kanilang probinsiya sina Jerome at Lavinia Hotota at nangaral sa Popondetta, isang maliit na bayan sa timog-silangan ng Lae. Masigasig si Jerome at napakahusay gumamit ng Bibliya. Mabait naman at mapagmalasakit si Lavinia. Pero gaya ng inaasahan, sinugod sila sa kanilang bahay ng obispong Anglikano kasama ang napakarami nitong tagasunod para pahintuin sa pangangaral. Pero hindi nasindak ang mag-asawa. Nagpatuloy sila at nakapagtatag ng maliit ngunit masiglang kongregasyon.
Pagsapit ng 1963, nakarating ang mabuting balita
sa Wewak, isang liblib na bayan sa hilagang baybayin ng bansa. Nagtatrabaho sa itinatayong ospital sa Wewak ang mga Aleman na sina Karl Teynor at Otto Eberhardt. Sa gabi at dulong sanlinggo, tinuturuan nila ang mahigit 100 interesado. Inis na inis ang paring Katoliko. Tumawag siya ng mga tao para ipatapon sa dagat ang mga motorsiklo nina Karl at Otto. Gayunman, isa sa mga kakuntsaba ng pari, na kilalang pinuno ng nayon, ang may anak na lalaki na naging Saksi. Humanga siya sa naging pagbabago nito kaya bumait siya sa mga Saksi, at pinayagan silang mangaral sa mga nasasakupan niyang nayon.ISANG TANGGAPANG PANSANGAY
Habang “pinoproblema” ng mga klero ang mga Saksi, gumawa ng pinakamahusay na hakbang ang mga kapatid para ‘legal na maitatag ang mabuting balita.’ (Fil. 1:7) Noong Mayo 25, 1960, opisyal na nairehistro sa gobyerno ang International Bible Students Association, isang legal na korporasyon na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa maraming bansa. Kaya makakakuha na ang mga kapatid ng lupa ng gobyerno na mapagtatayuan ng mga Kingdom Hall at iba pang pasilidad para sa gawaing pang-Kaharian.
Nang taon ding iyon, nakapagtatag sa PNG ng tanggapang pansangay ng Watch Tower Society. Si John Cutforth ang naging branch servant. Pero saan sila mag-oopisina samantalang napakahirap makahanap ng puwesto roon?
Ang solusyon: ang bagong-datíng na mag-asawang sina Jim at Florence Dobbins. Nasa U.S. Navy sa Papua New Guinea si Jim noong Digmaang Pandaigdig II. Naging Saksi silang mag-asawa at tunguhin nilang palawakin ang kanilang ministeryo. “Noong 1958, dumalaw
sa amin sa Ohio ang isang brother mula sa Port Moresby at nagpakita ng ilang slide ng Papua New Guinea,” ang sabi ni Jim. “Pagkaraan, napansin namin na may naiwan siyang slide. Nasa slide ang isa sa pinakamagandang lugar na nakita namin. ‘Ipadala natin ’to sa kaniya,’ ang sabi ng misis ko. Pero sabi ko, ‘Hindi, tayo ang magdadala nito sa kaniya.’”Nang sumunod na taon, lumipat sina Jim at Florence, kasama ang kanilang mga anak, sina Sherry at Deborah, sa isang maliit na kongkretong bahay sa Six Mile, malapit sa Port Moresby. Di-nagtagal, nakipag-usap si Jim kay John Cutforth tungkol sa pagtatayuan ng tanggapang pansangay.
“Nalibot ko na ang buong Port Moresby pero wala akong nakitang lugar,” ang malungkot na sabi ni John.
“Kung ’yung bahay kaya namin?” ang sagot ni Jim. “Puwede ninyong gamitin ang tatlong kuwarto sa harapan, titira na lang kami ng pamilya ko sa likuran.”
At ganoon nga ang nangyari. Noong Setyembre 1, 1960, legal na nairehistro ang bahay ng mga Dobbins bilang ang kauna-unahang tanggapang pansangay sa Papua New Guinea.
‘IPAGBAWAL ANG MGA SAKSI’
Hindi nagustuhan ng iba ang nangyayaring ito. Mula noong 1960, nagkaisa ang mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan, ang Returned and Services League (RSL) ng Australia, at ang media para siraan at ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova.
Pero mas umalma ang klero ng Sangkakristiyanuhan nang ipamahagi sa ilang doktor, klerigo, at pulitiko ang pamplet tungkol sa ating paninindigan may kinalaman sa pagsasalin ng dugo. Headline noong
Agosto 30, 1960 sa South Pacific Post ang “Galít ang mga Simbahan sa Isyu sa Dugo.” Sa artikulong ito, binansagan ng mga lider ng simbahan ang mga Saksi na “anti-Kristo [at] kalaban ng Simbahan.”Ayon sa sumunod na mga artikulo, mapaghimagsik daw ang mga Saksi ni Jehova at nagtataguyod ng kultong kargamento, pagbubulakbol sa eskuwela, di-pagbabayad ng buwis, at pagiging burara. Sabi naman ng ibang report, ginagamit daw nila ang solar eclipse para takutin at “kontrolin ang walang kamuwang-muwang na mga katutubo.” Binatikos pa nga ng isang editoryal ang “paninirahan, pagkain, at pagtatrabaho [ng mga Saksi] kasama ang mga taganayon.” Kinuwestiyon ng South Pacific Post ang turo ng mga Saksi na “pantay-pantay ang lahat ng tao” at sinabing sila’y “mas mapanganib pa sa Komunismo.”
Marso 25, 1962 nang ipetisyon ng RSL sa mga awtoridad na ipagbawal ang mga Saksi. Pero ibinasura ito
ng gobyerno ng Australia. “Ang ganda ng epekto nito sa buong bansa,” ang sabi ni Don Fielder. “Kitang-kita ng mga taong walang kinikilingan na hindi totoo ang mga bintang ng mga salansang.”SA KABUNDUKAN
Noong buwan ding iyon, umalis ng Port Moresby sina Tom at Rowena Kitto. Kahit napakahirap, ilang linggo silang bumiyahe para ihatid ang mabuting balita sa hindi pa nagagawang teritoryo—sa kabundukan ng New Guinea.
Tatlumpung taon bago nito, ginalugad ng mga Australianong naghahanap ng ginto ang kabundukan. Nadatnan nila roon ang isang sibilisasyong malayo sa kabihasnan na mga isang milyon ang populasyon. Namangha ang mga tao roon at inisip nilang ang mga puti ay espiritu ng kanilang namatay na mga ninuno.
Pagkatapos, dumating naman ang mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan. “Nang mabalitaan ng mga misyonero na paparating kami, inutusan nila ang mga taganayon na huwag makinig sa amin,” ang sabi ni Rowena.
“Pero lalo lang silang naintriga. At dahil likas silang mausisa, hinintay talaga nila kami.”Nagtayo sina Tom at Rowena ng maliit na tindahan sa Wabag, 80 kilometro sa hilagang-kanluran ng bayan ng Bundok Hagen. “Inutusan ng klero ang mga tao na huwag bumili, magbenta, ni makipag-usap sa amin, at pinilit pa nga silang paalisin kami roon,” ang sabi ni Tom. “Pero nang maglaon, nakita ng mga tagaroon na hindi kami kagaya ng mga kilala nilang puti; mabait kasi kami sa kanila. Madalas silang mapaluha kapag tinutulungan namin sila. Sabi nila huwag kaming umalis!”
NAGBUNGA ANG PAGTITIYAGA
Mula noong 1963, dinayo ng maraming Saksi mula sa ibang bansa ang kabundukan para palawakin ang ministeryo. Mula silangan hanggang kanluran, unti-unting nakubrehan ng mga kapatid ang buong rehiyon at nakapagtatag ng mga grupo at kongregasyon.
Sa Goroka, na nasa Eastern Highlands Province, sa bahay lang nagpupulong ang isang maliit na kongregasyon. Nang maglaon, nakapagtayo sila ng pulungang gawa sa pawid at sawali. Tapos noong 1967, nagtayo sila ng magandang Kingdom Hall na may 40 upuan. “Nagbiro ako noon na baka sa Armagedon pa namin mapunô ang mga upuan,” ang sabi ni George Coxsen, sampung taon na naglingkod sa kabundukan. “Pero mali ako! Aba, 12 buwan pa lang, napakarami na ng dumadalo, at kinailangan naming bumuo ng isa pang kongregasyon!”
Pasilangan mula sa Goroka, malapit sa Kainantu, araw-araw na nakikipag-aral kay Norm Sharein ang mahigit 50 taganayon na pumupunta sa kubo niya. Ang mga payunir na sina Berndt at Erna Andersson ang nag-alaga sa grupong ito sa loob ng
dalawa’t kalahating taon. “Ang mga tao roon ay bihirang maligo, kakaunti ang damit, hindi nakapag-aral, at lulong sa demonismo,” ang sabi ni Erna. “Pero dahil sa pagtitiyaga at pag-ibig namin sa kanila, ang ilan ay nakapagsaulo agad ng 150 teksto, na kaya nilang ipaliwanag.”Napalapít sina Berndt at Erna sa grupo. “Nang ilipat ang atas namin sa Kavieng, naglapitan sa akin ang mga babae. Isa-isa silang humawak sa braso’t mukha ko, umiiyak, humahagulhol pa nga!” ang sabi ni Erna. “Mga ilang beses akong bumalik sa aming kubo para umiyak habang inaaliw sila ni Berndt, pero hindi niya sila mapatahan. Nang umusad na ang sasakyan namin, bumaba sa bundok ang isang malaking grupo at humabol sa amin, iyak nang iyak ang mga babae. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang lungkot na nadama ko noon. Nasasabik kaming makita sila sa bagong sanlibutan!” Ipinagpatuloy ng ibang payunir ang nasimulan nina Berndt at Erna, at naitatag ang isang mahusay na kongregasyon sa Kainantu.
NAGBUNGA ANG PAGTATANIM NG BINHI NG KAHARIAN
Mga unang taon pa lang ng dekada ’70, may maliit na grupo na ng mga Saksi sa Bundok Hagen, mga 130 kilometro sa kanluran ng Goroka. Kilala ang
bayang ito sa malaking tiyangge na dinadayo ng libu-libo mula sa malalayong lugar. “Nakapamahagi kami ng daan-daang publikasyon doon,” ang sabi ni Dorothy Wright, isang payunir na malakas ang loob. Umuwi ang mga tao na dala ang mensahe sa kani-kanilang nayong hindi naaabot ng mga Saksi.Nang maglaon, ang anak ni Dorothy na si Jim Wright at ang partner nitong payunir na si Kerry Kay-Smith ay naatasan sa Banz, isang distrito sa magandang Wahgi Valley sa silangan ng Bundok Hagen na may taniman ng tsaa at kape. Sinalansang sila rito ng ibang relihiyon, na nanulsol ng mga bata para batuhin sila at palayasin sa mga nayon. Lumipat si Kerry sa panibagong atas, at naiwan si Jim sa Banz, na mag-isang nagpayunir. Naaalala niya: “Madalas akong manalangin sa gabi sa aking kubo, ‘Amang Jehova, ano’ng ginagawa ko dito?’ Nasagot lang ang tanong ko matapos ang maraming taon.
“Noong 2007, bumiyahe ako mula Australia papuntang Banz para dumalo ng pandistritong kombensiyon,” ang sabi pa ni Jim. “Malapit sa kinatatayuan ng dati kong kubo, may isa nang magandang Kingdom Hall; napapalaki ito para maging Assembly Hall na kasiya ang 1,000 katao. Pagdating ko, isang brother ang dali-daling lumapit sa akin, sumubsob sa balikat ko at umiyak. Nang kumalma na ang brother, si Paul Tai, sinabi niyang study ko ang tatay niya 36 na taon na ang nakalilipas. Binasa
ni Paul ang mga libro ng tatay niya kaya siya naging Saksi. Sinabi niyang elder na siya ngayon.“Sa kombensiyon, ininterbyu ako tungkol sa pag-uusig na dinanas namin noon sa Banz,” ang sabi ni Jim. “Halos lahat ng naroon ay napaiyak. Pagkatapos ng programa, nilapitan ako ng ilang kapatid, niyakap, at umiiyak na humingi ng tawad. Sila pala ’yung mga batang humabol, bumato, at nang-insulto sa akin noon. Ang isa sa kanila ay elder na ngayon, si Mange Samgar, ang Luteranong pastor na nagsulsol sa mga bata! Napakasayang reunyon ng kombensiyong iyon!”
TUMUBO ANG MGA BINHI SA LIBLIB NA MGA LUGAR
Kung marami sa Papua New Guinea ang natuto ng katotohanan dahil nakausap mismo ng mga Saksi, ang iba naman ay natuto mula sa mga binhing nakarating sa mga liblib na lugar. (Ecles. 11:6) Halimbawa, mga 1970 nang regular na makatanggap ang sangay ng mga ulat ng paglilingkod galing sa isang di-kilalang tao mula sa di-kilalang kongregasyon na nasa di-kilalang nayon sa Ilog Sepik. Ipinadala ng tanggapang pansangay si Mike Fisher, isang tagapangasiwa ng sirkito, para mag-imbestiga.
“Para marating ang nayon, sampung oras ako sa bangkang de-motor, na binabagtas ang makikitid na ilog sa gubat kung saan sangkatutak ang lamok,” ang kuwento ni Mike. “Hapon na nang marating ko ang lugar at makilala ang misteryosong taong iyon. Natiwalag pala ang lalaki sa ibang lugar ilang taon na ang nakararaan. Bumalik siya sa nayong ito, nagsisi, at nangaral. Mahigit 30 adultong taganayon ang nagsasabing Saksi ni Jehova sila, at ang ilan ay kuwalipikado nga sa bautismo. Di-nagtagal, naibalik ang nagsisising lalaki, at ang grupo ay opisyal na kinilala ng sangay.”
Noong 1992, may nakapagsabi sa isa pang tagapangasiwa ng sirkito, si Daryl Bryon, na may mga interesado raw sa isang liblib na nayon. “Para marating iyon, nagmaneho ako nang 80 kilometro, isa’t kalahating oras na naglakad sa makapal na kagubatan, at saka isang oras na namangka pasalungat sa agos,” ang paliwanag ni Daryl. “Laking gulat ko nang makita ko sa pampang sa paanan ng mga bundok ang isang bagong-tayong pulungan na may karatulang ‘Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses.’
“Mga 25 interesado ang nagpupulong doon tuwing Linggo para pag-aralan ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Dahil sabi nila ay Saksi sila, itinanong ko kung nagngangangà sila. ‘Hindi ah,’ sagot nila. ‘Isang taon na naming tinigilan ’yan mula nang maging Saksi kami!’ Tuwang-tuwa ako nang idagdag ng sangay ang grupong ito sa aking sirkito.”
MAS MARAMI PANG MISYONERO
Noong dekada ’80 at ’90, lalong sumulong ang gawain sa bansa nang magdatingan ang mga misyonero mula sa Gilead, graduate ng Ministerial Training School, at mga special pioneer mula sa Alemanya, Amerika, Australia, Canada, England, Finland, Japan, New Zealand, Pilipinas, Sweden, at iba pang bansa. Kadalasan, dobleng pagpapala ito dahil ang ilan sa kanila ay nakapag-asawa ng masisigasig ding tulad nila.
Karamihan sa mga dumating ay nag-aral muna ng Tok Pisin o Hiri Motu nang dalawa o tatlong buwan. Mag-aaral sila sa umaga at gagamitin iyon sa pangangaral sa hapon. Pagkaraan lang ng ilang buwan, marami sa kanila ang nakapagbigay na ng mga pahayag at mahusay na nakapagdaos ng mga pag-aaral sa Bibliya.
Isa. 50:4) Bunga nito, ang 2,000 mamamahayag noong 1989 ay naging mga 3,000 noong 1998—50 porsiyentong pagsulong sa loob lang ng siyam na taon!
Ang pag-aaral ng wika ay tumulong din sa kanila na magkaempatiya at maging matiyaga sa pagtuturo sa mga hindi marunong bumasa o sumulat. Kaya napakaraming interesado ang natulungan nilang makapagbasa ng Salita ng Diyos. (Bagaman kinailangang iwan ng marami sa mga ebanghelisador na iyon ang PNG dahil sa problema sa kalusugan at iba pa, nag-iwan naman sila ng magandang halimbawa. Tiyak na hindi malilimutan ang kanilang pag-ibig at katapatan.—Heb. 6:10.
LALONG SUMULONG DAHIL SA KONSTRUKSIYON
Habang dumarami ang mamamahayag ng Kaharian, lumalaki rin ang pangangailangan para sa mga Kingdom Hall, Assembly Hall, at mas malalaking pasilidad ng sangay. Paano ito matutugunan?
Bago 1975, ang Kagawaran ng Lupain ay regular na naglalaan ng mga lote para sa relihiyon. Nag-aaplay ang mga interesadong simbahan para makakuha ng lupa at ipinaliliwanag nila ang kanilang dahilan sa harap ng naatasang komite ng kagawaran. Kapag nanalo sa bidding, makukuha nila nang libre ang lupa pero dapat silang magpatayo agad doon.
Noong 1963, sa kabila ng matinding pagsalansang ng klero ng Sangkakristiyanuhan, ang International Bible Students Association ay nakakuha ng lote sa isang magandang dalisdis sa Port Moresby. Mula rito, makikita ang magandang tanawin ng Koki Market at asul na Coral Sea. Nang maglaon, isang dalawang-palapag na tanggapang pansangay at Kingdom Hall ang itinayo rito. Ang iba pang nakuhang mga lupa sa Port Moresby
ay tinayuan ng mga Kingdom Hall sa Sabama, Hohola, Gerehu, at Gordon.Ang lote sa Gordon, na kitang-kita malapit sa sentro ng bayan, ay para sana sa ipatatayong katedral ng Anglikano. “Pero sa public hearing, sinabi ng chairman ng komite sa ministrong Anglikano na dismayado ang komite dahil sakim sila sa lupa, at madalas pa nila itong gamitin sa negosyo,” ang sabi ni Ron Fynn, na 25 taóng naglingkod sa PNG. “Sinabi pa ng chairman na hindi na makakakuha ng lupa ang mga Anglikano hangga’t hindi kumbinsido ang komite na ginagamit nga nila ang mga iyon ayon sa sinabi nila.
“Pagkasabi nito, tinanong ako ng chairman kung aling lupa ang gusto namin. Sinabi ko na ang talagang gusto namin ay ang lote sa Gordon na para sa ‘katedral.’ Tayô agad ang ministrong Anglikano at sagad ang tutol. Pero pinaupo siya ng chairman. Naipaliwanag ko lahat ang gusto kong sabihin. Gulát na gulát ang lahat nang ipagkaloob sa amin ng komite ang lote.”
Isang Kingdom Hall at apat-na-palapag na tanggapang pansangay ang itinayo sa lugar na ito at inialay noong Disyembre 12, 1987. Ibinenta naman ang lote sa Koki. Mula 2005 hanggang 2010, naidagdag sa pasilidad ng sangay ang apat-na-palapag na residence building, Kingdom Hall, at opisina para sa pagsasalin. Inialay ang mga ito noong Mayo 29, 2010.
Ngayon, may 89 na Kingdom Hall at iba pang pulungan sa bansa. Sa maraming nayon, gawa pa rin sa pawid at sawali ang mga pulungan. Pero ang mga nasa malalaking bayan ay gawa na sa makabagong materyales. Marami sa mga ito ay produkto ng programa para sa mga lupaing limitado ang kakayahan o pananalapi, na sinimulan sa Papua New Guinea noong 1999.
TULOY PA RIN KAHIT MAY MGA HAMON
Napag-usapan ng mga relihiyon sa Papua New Guinea na magkaroon ng kani-kaniyang teritoryo. Bawat relihiyon ay hindi dapat makialam sa teritoryo ng iba. Pero siyempre, ibinabahagi ng mga Saksi ni Jehova ang mabuting balita sa lahat ng gustong makinig saanman nakatira ang mga ito. Ikinagalit ng klero ang ginagawang ito ng mga Saksi lalo pa’t nagiging interesado ang marami.
“Nang lumipat ako sa maliit na isla ng Kurmalak, sa Kanlurang New Britain, isa sa mga una kong bisita ay isang paring Anglikano,” ang naaalala ni Norm Sharein. “‘Wala kang karapatang mangaral sa parokya ko,’ ang sabi niya. ‘Kristiyano na sila!’
“Pagkaraan nito, nakita ko ang isang study ko na nag-aapura sa pagsagwan sa kasagsagan ng ulan at malalaking alon. Delikado ’yon! Dali-dali niyang hinila ang bangka sa pampang, hingal na hingal. Sinabi niyang paparating ang isang bangkang punô ng mga Katoliko sa pangunguna ng isang katekista at gusto nila akong gulpihin. Wala akong ibang matatakbuhan kaya nanalangin ako kay Jehova para sa lakas at karunungan.
“Mga 15 ang bumaba, may pulang pinta sa mga mukha—tanda na gusto nilang manakit. Noong una, takót ako, pero ngayon hindi na. Kaya sa halip na hintayin pa silang lumapit sa akin, sinalubong ko na sila. Nilait-lait nila ako. Akala nila gaganti ako para magkaroon sila ng dahilang saktan ako, pero nanatili akong kalmado.
“Naroon din ang isa ko pang study, ang matandang lalaking may-ari ng isla. Mabuti naman ang intensiyon niya nang sabihin niya sa kanila: ‘Hindi
nakikipag-away ang mga Saksi ni Jehova. Sige, banatan n’yo siya! Hindi ’yan gaganti!’“‘Kanino ba ’to kampi?’ sa isip-isip ko. Gusto ko sanang manahimik na lang siya.
“Matapos ang ilang-minutong paliwanagan, iminungkahi kong umuwi na sila. At para ipakitang ayos na kami, iniabot ko sa lider ang kamay ko. Nagulat siya at tumingin sa kaniyang mga kasama. Nagtinginan sila. At saka siya nakipagkamay. Sa wakas, wala nang tensiyon. Nagkamayan kaming lahat, at umalis na sila. Nakahinga ako nang maluwag! Naalala ko tuloy ang sinabi ni Pablo kay Timoteo: ‘Ang alipin ng Panginoon ay hindi kailangang makipag-away, kundi kailangang maging banayad sa lahat, . . . nagpipigil sa ilalim ng kasamaan.’”—2 Tim. 2:24.
Naaalala ni Berndt Andersson na sa isang nayon sa kabundukan, pinlano ng isang Luteranong pastor at ng mga 70 lalaki mula sa ibang nayon na ipagtabuyan ang mga Saksi at sirain ang kanilang Kingdom Hall. Nagulat sila nang salubungin sila ni Berndt. Tinanong niya ang pastor kung bakit sinasabi ng mga Luterano na ang pangalan ng Diyos ay Anutu, isang pamilyar na pangalang ginagamit ng ilang misyonero ng Sangkakristiyanuhan. Sinabi ng pastor na nasa Bibliya iyon, kaya tinanong siya ni Berndt kung saan. Binuklat ng pastor ang Bibliya niya, at nang hindi niya ito makita, hinilingan siya ni Berndt na basahin ang Awit 83:18. Nagpatulong pa ang pastor para makita ang Mga Awit, saka binasa nang malakas ang teksto. Nang mabasa niya ang pangalang Jehova, isinara niya ang Bibliya at sumigaw, “Kalokohan ’to!” Huli na nang maisip niyang nilapastangan niya ang sarili niyang Bibliya. Pagkatapos ng insidenteng ito, nabago ang tingin sa mga Saksi ng marami sa mga tagasunod niya.
Kung minsan, sinusunog ng ibang relihiyon ang mga Kingdom Hall na gawa sa kugon, gaya ng nangyari sa nayon ng Agi, sa Milne Bay Province. Pero sising-sisi ang isa sa mga gumawa nito, na lasing noon. Sa katunayan, lumapit siya sa mga kapatid, nagpa-Bible study, at naging payunir. Pinatira pa nga siya sa tuluyan ng mga payunir na katabi ng itinayo-muling Kingdom Hall. Kaya siya na ngayon ang caretaker sa mismong lugar kung saan niya sinunog ang dating Kingdom Hall!
Sa ngayon, halos wala nang pag-uusig mula sa mga relihiyon. “Pansamantala kaming napanatag,” ang sabi ni Craig Speegle. “Pero may panibagong problema—ang karahasang madalas na kagagawan ng mga sanggano at magnanakaw na tinatawag na mga raskol. Kaya sa delikadong mga lugar, grupu-grupo kung
mangaral ang mga kapatid at binabantayan nila ang isa’t isa.”“Malaking tulong kapag alam ng iba na Saksi ka,” ang sabi ng mga misyonerong sina Adrian at Andrea Reilly. “Namimili ka man o nangangaral, mahalaga na lagi kang may dalang literatura,” ang sabi ni Adrian. “Totoo, hindi ito garantiya na magiging ligtas ka, pero makakatulong ito kasi makikilala kang ministro ni Jehova. Minsan, tumirik ang kotse ko sa isang delikadong lugar sa Lae. Mag-isa lang ako. Mayamaya, pinalibutan na ako ng isang grupo ng mga kabataang mukhang di-gagawa ng matino. Pero nakilala ako ng dalawa sa kanila. Buti na lang at nakausap ko sila tungkol sa Bibliya kamakailan. Dinipensahan nila ako. At sa halip na nakawan ako o saktan ng grupo, aba, itinulak nila ang kotse ko nang mga 400 metro pabalik sa missionary home.”
Minsan naman, isang sister ang nasa palengke nang tutukan siya ng patalim ng mga raskol. “Ibigay mo sa amin ang bag mo,” ang bulong nila. Ibinigay niya agad ito, at saka sila tumakbo. Paglipas ng ilang minuto, bumalik sila, nagsori, at isinauli ang bag na kumpleto pa rin ang laman. Ang dahilan? Nang buksan nila ang bag, nakita nila ang kaniyang Bibliya at aklat na Nangangatuwiran, at nakonsiyensiya sila sa kanilang ginawa.
IBA-IBANG PARAAN NG PANGANGARAL
“Nangangaral kami saanman may tao,” ang sabi ni Elsie Thew, na naglingkod sa PNG kasama ng kaniyang asawang si Bill, mula 1958 hanggang 1966. “Kinakausap namin ang mga tao sa kanilang nayon, bahay, taniman, palengke, at maging sa daan. Kinakausap din namin ang mga mangingisda sa mga aplaya
at tabing-ilog. Noong araw, may dala kaming mapa ng daigdig para maipakita namin sa mga katutubo kung saan kami galing. Kailangan iyon dahil kung minsan dumarating kami sakay ng eroplano, at dahil walang-muwang ang mga tagaroon, iniisip nila na nahulog kami mula sa langit! Kaya ipinapakita namin sa kanila na galing lang kami sa ibang panig ng daigdig.”Mararating lang ang maraming layu-layong nayon na nasa mahabang baybayin at mga tabing-ilog ng PNG sa pamamagitan ng bangka. Sinabi ni Steve Blundy: “Si Brother Daera Guba, ng Hanuabada, sa Port Moresby, ay isang may-edad nang lalaki na bihasang manggagawa ng bangka. Mayroon na siyang dalawang inukang troso sa silong ng bahay niya. Kami naman ng partner kong payunir ang naghanap ng kailangan pang troso para makabuo siya ng puapua, isang uri ng bangka roon. Kambas ang ginamit naming layag. Nang matapos ito, ilang beses kaming naglayag papunta sa mga nayon sa baybayin malapit
sa Port Moresby. Si Daera ang kapitan, at dalawa o tatlong brother naman mula sa Hanuabada ang tripulante.”Noong mga huling taon ng dekada ’60, naglingkod si Berndt Andersson at ang kaniyang asawa sa New Ireland, isang magandang isla na mga 650 kilometro sa hilagang-silangan ng bansa. Isinulat ni Berndt: “Pinupuntahan kami ng mga tao mula sa kalapít na maliliit na isla para hilinging dalawin sila. Pero kailangan namin ng bangka para magawa iyon, na malabong mangyari dahil maliit lang ang reimbursement namin buwan-buwan. May ilang tabla kami, pero hindi sapat para makabuo ng bangka. Kaya ipinanalangin namin ito kay Jehova. Aba, isang brother mula sa Lae ang nagpadala sa amin ng $200 para magamit namin sa pagdalaw sa iba’t ibang isla. Kaya nakabuo kami ng bangka na tinawag naming Pioneer. Pero wala pa itong motor. Muli kaming binigyan ng mabait na brother na
iyon ng pambili ng isang maliit na motor. Sa wakas, mapupuntahan na namin ang magagandang islang iyon!”Noong mga 1990, isinaayos ng tagapangasiwa ng sirkitong si Jim Davies at ng tatlo pang brother na mangaral sa isang refugee camp sa Ilog Fly malapit sa border ng Indonesia. Tutuloy sila sa bahay ng isang babaing interesado na ang mister ay ikalawa sa nangangasiwa sa kampo. “Inabot nang halos dalawang oras ang biyahe namin sa Ilog Fly sakay ng bangkang de-motor,” ang sabi ni Jim. “Mga alas nuwebe ng umaga kami dumating sa isang hinawang gubat, at nag-abang ng sasakyan na papuntang kampo.
“Sa wakas, may dumating ding sasakyan noong alas singko ng hapon. Ikinarga namin ang mga gamit namin. Pero mga ilang metro pa lang ang natatakbo namin, nasira ang giya ng sasakyan! Parang wala lang sa drayber. Nakita niya ang problema, kumuha ng alambre, sumuot sa ilalim ng sasakyan, at tinalian ang nakalas na mekanismo. ‘Hindi ’yan tatagal,’ sa loob-loob ko. Pero kinaya ng alambre ang limang-oras na biyahe, kahit pa naka-four-wheel drive kami dahil pangit ang daan. Iyon nga lang, maraming beses kaming nabalaho at nagtulak ng sasakyan. Dumating kami ng alas diyes ng gabi, pagód at nanlilimahid.
“Tatlong araw kaming nangaral sa hiwa-hiwalay na mga bahay sa kampo sa gubat. Naipamahagi namin ang lahat ng aming literatura. Nakilala din namin ang isang tiwalag na gustong bumalik kay Jehova. Nang maglaon, tuwang-tuwa kaming mabalitaan na nakabalik na siya. Nasa katotohanan na rin ang kaniyang asawa at ilang anak. Ganiyan din ang nangyari sa interesadong mag-asawa na tinirhan namin.”
PAGDALAW SA SIRKITO SA ILOG SEPIK
Ang Ilog Sepik, na mahigit 1,100 kilometro, ay parang isang malaking ahas na gumagapang mula sa kabundukan patungong karagatan. Sa ilang lugar, napakalawak nito at halos hindi matanaw ang kabilang pampang. Ang ilog ang nagsilbing malaking haywey na dinadaanan ng mga kapatid pati ng mga naglalakbay na tagapangasiwa at ng mga asawa nila. Tara at samahan natin ang isang tagapangasiwa ng sirkito at ang kaniyang maybahay sa pagdalaw sa mga kongregasyon sa kahabaan ng ilog na ito.
Isinulat ni Warren Reynolds: “Maaga pa nang umalis kami ng asawa kong si Leann sa Wewak. Nakatali sa bubong ng aming sasakyan ang bangka naming aluminyo na 3.5 metro ang haba. Pagkaraan ng tatlong-oras na biyahe, na kadalasang naka-four-wheel drive, iniwan namin ang sasakyan nang ilang araw sa tabing-ilog. At saka kami namangka pasalunga sa agos para dalawin ang mga 30 mamamahayag sa apat na nayon sa mga sanga ng Ilog Sepik.
“Matapos ang isang oras na biyahe sa aming bangkang may 25-horse power na motor at punô ng gamit namin, lumiko kami sa Ilog Yuat, . . . at dalawang oras pa nang marating namin ang nayon ng Biwat. Mainit kaming tinanggap ng mga kapatid at ng mga study. Hinila pa nga ng ilan ang bangka namin at iginarahe sa tabi ng bahay nila. Pagkapananghalian ng ginataang saba, naglakad kami nang dalawang oras sa mga latian sa gubat habang sinusundan ang mga kapatid na tumulong sa pagdadala ng mga gamit namin. Sa wakas, narating namin ang maliit na nayon ng Dimiri. Uminom kami ng sabaw ng buko at saka inihanda ang aming higaan at kulambo sa isang kubo
na nakatirik sa tabi ng ilog. Pagkatapos maghapunan ng tugî, natulog na kami.“May 14 na mamamahayag sa tatlong nayon sa lugar na ito. Ilang araw kaming nangaral sa mga nayon; marami ang interesado. Nasaksihan din namin ang kasal ng dalawang study para gawing legal ang kanilang pagsasama, at maging kuwalipikado bilang mamamahayag ng Kaharian. Naghanda ang mga kapatid ng kamote, sago, gulay, at dalawang manok para sa hapunan.
“Noong Linggo, tuwang-tuwa kami dahil 93 ang nakinig sa pahayag pangmadla! Matapos ang pulong, katanghaliang-tapat, bumalik kami sa Biwat. Iniwan namin ang aming mga bag sa bahay ng isang study at
saka kami nangaral. Marami ang tumanggap ng literatura; payag ang ilan na mag-aral ng Bibliya. Nang gabing iyon, sa tahanan ng isang study, sama-sama kaming kumain habang nakapalibot sa sigâ para hindi kami papakin ng lamok.“Maaga kinabukasan, nang may hamog pa, muli kaming namangka at napahanga sa mga nakita naming ibon at isda. Nasalubong namin ang mga pamilyang sakay ng balsa para magdala sa palengke ng kanilang paninda.
“Bumalik kami sa aming sasakyan para gasolinahan ang bangka at kumuha ng tubig at iba pang kailangan namin. Muli kaming namangka para dalawin naman ang 14 na mamamahayag sa Kambot. Nakarating kami pagkaraan ng dalawang oras, basang-basa ng ulan. Mula Kambot, tumulak kami, sakay ang
mga mamamahayag, patungo sa isang malaking nayon kung saan nakahilera ang mga bahay sa magkabilang panig ng ilog. Nangaral kami hanggang hapon. Pauwi, kinausap namin ang mga taong nakatayo sa kanilang mga pantalang kawayan. Nakita kasi nila kami noong umaga, kaya inabangan nila ang pagdaan namin. Walang pera ang karamihan ng tagaroon, kaya bilang pasasalamat sa pagdalaw namin at sa mga iniwan naming tract, binigyan nila kami ng mga pagkain—buko, kalabasa, tinapa, at saging. Bago lumubog ang araw, iniluluto na namin sa Kambot ang mga ito.“Ang mga pulungan sa Kambot, pati ang mga bahay, ay nakatirik sa may pampang. Kapag tag-ulan at mataas ang tubig, puwedeng makapamangka ang mga tao hanggang sa hagdan ng pulungan. Sa pahayag pangmadla, 72 ang nakinig, kasama na ang ilan na naglakad nang limang oras para lang makadalo.
“Pagbalik sa sasakyan, itinali uli namin sa bubong ang aming bangka, at tatlong oras na bumiyahe pauwi. Habang daan, iniisip namin ang mahal naming mga kapatid na nakatira sa may Ilog Sepik. Talagang mahal sila ni Jehova dahil nagsisikap ang organisasyon na mapakain sila sa espirituwal. Isa ngang pribilehiyo na mapabilang sa kahanga-hangang pamilyang ito!”
PAKIKIPAGBUNO SA MASASAMANG ESPIRITU
Malaking porsiyento ng mga tao sa PNG ang nag-aangking Kristiyano. Pero marami rin ang nakatali sa kanilang mga tradisyon, gaya ng pagsamba sa ninuno at pagpapalugod sa masasamang espiritu. Nitong nakalipas na mga taon, ayon sa isang aklat, “naging talamak uli ang black magic at panggagaway.” Kaya kadalasan, kapag may nagkakasakit o namamatay, isinisisi nila ito sa mga doktor-kulam o sa espiritu ng mga ninuno.
Sa ganitong kalagayan, talagang nakapagpapalaya ang katotohanan. Sa katunayan, kahit ang ilang doktor-kulam ay kumbinsido sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos. Iniwan nila ang dati nilang buhay, at niyakap ang tunay na pagsamba. Tingnan ang dalawang halimbawa:
Si Soare Maiga ay nakatira sa isang nayon na mga 50 kilometro mula sa Port Moresby at kinatatakutan dahil sa kaniyang kapangyarihan. Gayunman, naintriga siya sa paniniwala ng mga Saksi ni Jehova at nakisali sa panggrupong pag-aaral ng Bibliya. Di-nagtagal, niyakap niya ang katotohanan at iniwan ang dating buhay. Pero sa tuwing itatapon niya ang mga gamit niya sa espiritismo, sa di-maipaliwanag na dahilan ay lagi itong bumabalik! Sa kabila nito, determinado si Soare na ‘salansangin ang Diyablo.’ (Sant. 4:7) Kaya isang araw, inilagay niya sa bag ang lahat ng iyon kasama ang isang mabigat na bato, at inihulog sa dagat sa may Port Moresby. Hindi na bumalik ang mga gamit niya. Mula noon, ang matapang na lalaking ito ay naging masigasig na Saksi ng tunay na Diyos, si Jehova.
Si Kora Leke ay gumagamit ng mga halaman at panggagaway
kapag nanggagamot. Pero nang mag-aral siya ng Bibliya, nahirapan siyang makawala sa espiritung tumutulong sa kaniya sa panggagaway. Tulad ni Soare, determinado rin si Kora na makawala sa mga demonyo. Sa tulong ni Jehova, nagawa niya ito. Naging regular pioneer siya at pagkatapos ay special pioneer. Kahit matanda na’t mahina ang tuhod, patuloy pa ring nangangaral ang tapat na brother na ito sa kaniyang mga kapitbahay.Paano nakakapunta si Kora sa paborito niyang lugar sa pangangaral? Isinasakay siya ng mga brother sa kartilya, na siyang pinakapraktikal. Nang maglaon, isang mapamaraang brother na nagtatrabaho sa sangay ang gumawa ng wheelchair para sa kaniya gamit ang frame ng silya, mga gulong ng bisikleta, at kambas para sa upuan. Mas madali na ngayon kay Kora na mangaral, at sinulit niya ito! Napakaganda ngang halimbawa ng mga may-edad nang gaya niya, at tiyak na napapasaya nila ang puso ni Jehova!—Kaw. 27:11.
TINURUAN ANG MGA TAO NA BUMASA’T SUMULAT
“Ang lahat ng bagay na isinulat noong una ay isinulat sa ating ikatututo,” ang sabi sa Roma 15:4. Maliwanag, gusto ng Diyos na matuto ang kaniyang bayan. Kaya gaya ng nabanggit na, ang mga Saksi ni Jehova sa PNG ay nagsikap nang husto na turuan ang mga tao na bumasa’t sumulat.
Siyempre, isang hamon sa ilan ang matutong bumasa’t sumulat, lalo na sa mga may-edad.
Pero kadalasan na, kapag ginusto ng isa, natututo siya. Oo, maaaring magkaroon ng malaking epekto ang Salita ng Diyos sa mga hamak at di-nakapag-aral.Isang halimbawa si Save Nanpen, isang kabataang nakatira sa lugar na pinagmumulan ng Ilog Sepik. Nang lumipat si Save sa Lae, naranasan niya sa unang pagkakataon ang modernong buhay. Nakilala rin niya ang mga Saksi ni Jehova, na nagsabi sa kaniya ng tungkol sa pag-asa ng Kaharian. Tumagos ito sa puso niya. Dumalo siya sa mga pulong hanggang sa maging di-bautisadong mamamahayag. Pero bantulot siyang magpabautismo. Bakit? Pangako niya kasi kay Jehova na magpapabautismo lang siya kapag nakakabasa na siya ng Bibliya. Kaya nag-aral siyang mabuti at naabot ang kaniyang espirituwal na mga tunguhin.
Sa ngayon, marami pa rin ang hindi marunong bumasa’t sumulat. Pero may mga paaralang ipinatayo sa ilang lugar, at pumapasok dito ang mga anak ng mga Saksi. Kitang-kita sa ating mga kabataan na malaking bagay talaga ang edukasyon. Salamat sa tulong ng kanilang mga magulang at sa pagsasanay sa mga pulong sa kongregasyon, gaya ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
NAGBAGO ANG BUHAY DAHIL SA BIBLIYA
Sumulat si apostol Pablo: “Ang mga sandata ng aming pakikidigma ay hindi makalaman, kundi makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos para sa pagtitiwarik ng mga bagay na matibay ang pagkakatatag.” (2 Cor. 10:4) Kung minsan, isang teksto lang ang kailangan para magbagong-buhay ang isa, gaya ng nangyari kay Elfreda. Matapos ipakita sa kaniya ang pangalan ng Diyos sa kaniyang Bibliya sa wikang Wedau, tiningnan niya ito sa ensayklopidiya. Nakumpirma niyang iyon nga ang pangalan ng Diyos. ‘Tama ang mga Saksi ni Jehova,’ ang naisip niya. Pero ayaw ng mister niyang si Armitage sa mga Saksi. Lasenggo siya, nagngangangà, nagtatabako, at mainitin ang ulo.
Pagkatapos magretiro ni Armitage sa trabaho niya sa Lae, lumipat sila ni Elfreda sa Alotau sa Milne Bay Province, kung saan walang mga Saksi. Samantala, kumuha ng suskripsiyon ng Ang Bantayan at Gumising! si Elfreda at nakipag-aral sa payunir na si Kaylene Nilsen sa pamamagitan ng sulat. “Linggu-linggong nagpapadala ng sagot si Elfreda,” ang sabi ni Kaylene.
Nang maglaon, naatasan sa Milne Bay ang mga graduate ng Gilead na sina Geordie at Joanne Ryle. Dinalaw nila si Elfreda para patibayin at samahan sa ministeryo. “Hiniling ni Armitage na turuan ko siya ng Bibliya,” ang naaalala ni Geordie. “Dahil sa kaniyang reputasyon, duda ako sa motibo niya. Pero makalipas ang isang-buwang pag-aaral, nakita kong seryoso siya. Nang maglaon, nabautismuhan siya at naging isang ministeryal na lingkod.” Sa ngayon, pati mga apo niya ay nasa katotohanan na rin, at ang apo niyang si Kegawale Biyama, na nabanggit na, ay miyembro ng Komite ng Sangay sa Port Moresby.
Habang nagpapayunir sa Hula, naging study nina Don at Shirley Fielder sina Alogi at Renagi Pala. “Magnanakaw at basag-ulero si Alogi,” ang sabi ni Don. “Dahil sa isang sakit na nakukuha sa tropiko, pumangit ang balat niya, at nasira ang kaniyang bibig. Dahil sa kangangangà nilang mag-asawa, parang nagdudugo ang pagitan ng mga nangingitim nilang ngipin. Iisipin mong hindi magkakainteres sa katotohanan
si Alogi. Pero naging interesado silang mag-asawa at nagsimulang dumalo sa mga pulong, na tahimik na nauupo sa likod.“Sa loob ng anim na buwan,” ang naaalala ni Don, “malaki ang ipinagbago ni Alogi. Hindi na siya nagnakaw, nakipag-away, ni nakipagtalo man. Silang mag-asawa ay malinis na rin sa katawan, at nagkomento na sa pulong. Ibinahagi na rin nila sa iba ang mabuting balita. Sa katunayan, sila at ang ilang iba pa ang naging unang mga mamamahayag sa Hula.”
Si Abel Warak ay taga-New Ireland at may sakit na ketong. Dahil dito, manhid ang kaniyang mga kamay at paa. Nang matagpuan siya noon ng mga Saksi, hindi siya makalakad at wala nang gana sa buhay. Pero dahil sa katotohanan, nagbago ang kaniyang saloobin at pananaw sa buhay at naging masigla. Naging payunir pa nga siya nang maglaon. Para may makain, nanghuhuli ng isda si Abel sa bahura. Pero hindi na niya kaya, kasi nga manhid na ang mga paa niya at nasusugatan lang siya. Kaya ibinili siya ng mga kapatid ng bota na hanggang tuhod. Natuto din siyang mamisikleta para makapangaral nang malayu-layo. Kung minsan nga, namimisikleta siya nang 100 kilometro para dumalaw-muli sa mga interesado. At may pagkakataong namisikleta siya nang 145 kilometro para anyayahan sa Memoryal ang isang interesadong lalaki.
Maging ang mga may tulad-hayop na personalidad Isa. 11:6, 9) Halimbawa, noong 1986, mga 60 katao mula sa dalawang nayong malapit sa Banz ang dumalo sa pandistritong kombensiyon sa Lae at naupo sa unahan. Matagal na silang magkakaaway. Pero nang mapakinggan ang mabuting balita mula sa mga special pioneer, nakipagbati sila sa isa’t isa. Ipinaaalala nito ang sinasabi sa Zacarias 4:6: “‘Hindi sa pamamagitan ng hukbong militar, ni sa pamamagitan man ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking espiritu,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.” Ang espiritu ring iyan ang nag-uudyok sa maraming taimtim na tao na sumunod sa pamantayang moral ng Bibliya.
ay kaya ring mabago ng “kaalaman kay Jehova.” (PAGBIBIGAY-DANGAL SA PAG-AASAWA
Sa maraming lugar, ang kostumbre sa pag-aasawa, pati ang pangmalas dito ng Sangkakristiyanuhan, ay salungat sa pamantayan ng Bibliya. (Mat. 19:5; Roma 13:1) Ganiyan sa Papua New Guinea. Kaya para paluguran si Jehova, marami sa mga tagaroon na di-kasal o kaya’y maraming kinakasama ang nagbago ng kanilang buhay. Tingnan ang karanasan ni Francis at ng asawa niyang si Christine.
Nang magretiro sa army si Francis, naghiwalay silang mag-asawa. Umuwi si Christine, kasama ang dalawa nilang anak, sa nayon nito sa Goodenough Island sa Milne Bay Province. Bumalik naman si Francis sa Bundok Hagen. Kinasama niya ang isang babae na may mga anak. Dumadalo sila sa Assemblies of God Church. Nang maglaon, nakausap ng mga Saksi ang kinakasama ni Francis at nakipag-aral ito ng Bibliya. Tapos, nagkainteres na rin si Francis, hanggang sa pareho na silang dumadalo sa pulong.
Gusto na ni Francis na maging mamamahayag. Kaya kailangan na niyang ayusin ang buhay niya. Matapos itong ipanalangin, kinausap niya ang kaniyang kinakasama. Lumipat ng bahay ang babae at ang mga anak nito. Binalikan naman ni Francis si Christine. Nasorpresa si Christine at ang mga kamag-anak niya nang makita si Francis—anim na taon na kasi mula nang maghiwalay sila. Ipinaliwanag sa kanila ni Francis mula sa Bibliya na gusto niyang gawin ang tama sa paningin ni Jehova. Hiniling niya kay Christine na sumama sila sa kaniya sa Bundok Hagen para mabuo uli ang kanilang pamilya. Hindi makapaniwala ang lahat sa laki ng ipinagbago niya! Pumayag si Christine. Binayaran naman ni Francis ang mga kamag-anak nito sa anim na taon nilang pag-aalaga sa mag-iina niya.
Pagbalik sa Bundok Hagen, nag-aral bumasa si Christine para makapag-aral din ng Bibliya. Inihinto na rin niya ang pagngangangà at pagtatabako. Silang mag-asawa ay mga lingkod na ngayon ni Jehova.
MGA BATANG NAGPAPARANGAL SA MAYLALANG
Dahil sa pagsunod sa kanilang budhing sinanay sa Bibliya, maraming bata sa PNG ang nakapagbigay ng mainam na patotoo. Halimbawa, maaga noong 1966, sinabi ng isang guro sa pitong batang Saksi sa elementarya na dapat silang sumaludo sa bandila sa panahon ng flag ceremony sa kasunod na linggo. Nang sumunod na linggo, sa harap ng mga 300 estudyante, tumangging sumaludo ang pitong bata. Dahil dito, na-kick out sila sa paaralan, kahit pa sumulat na ang mga magulang nila para hilinging huwag nang isali sa flag ceremony ang mga anak nila. Isang elder doon ang umapela sa gobyerno ng PNG at Australia.
Marso 23, tumawag ang Australian Administrator
ng Papua New Guinea sa eskuwelahan at iniutos na pabalikin agad ang na-kick out na mga bata. Nagtagumpay ang tunay na pagsamba! Hanggang ngayon, iginagalang ng pamahalaan ng PNG ang karapatan ng mga bata na hindi sumaludo sa bandila dahil sa budhi.Maaari ding purihin si Jehova ng “mga sanggol at mga pasusuhin” sa iba pang paraan. (Mat. 21:16) Kuning halimbawa si Naomi, na nakatira sa kabundukan. Hindi Saksi ang mga magulang niyang sina Joe at Helen. Noong mga tatlong taon si Naomi, tumira siya nang mga isang taon sa kapatid ni Helen sa Lae, na isang masigasig na Saksi. Palagi siyang isinasama ng tiya niya sa pangangaral, madalas na karga siya sa bag na nakasukbit sa balikat nito. Kaya naging pamilyar si Naomi sa pag-asa ng Kaharian, lalo pa’t sanay na sanay ang tiya niya sa paggamit ng mga larawan sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.
Nang makauwi na si Naomi, kumuha siya ng isang publikasyon, lumabas ng bahay, at saka kumatok nang malakas sa pinto nila. “Pasok anak,” ang sabi ng mga magulang niya. Pagpasok, sinabi ng bata: “Hello. Isa po akong Saksi ni Jehova. Nandito po ako para makipag-usap tungkol sa Bibliya.” Habang takang-taka sina Joe at Helen, sinabi pa ni Naomi: “Sabi po sa Bibliya, magiging Paraiso ang lupa; at si Jesus ang magiging hari natin. Lahat po ng nakikita natin ay gawa ni Jehova.”
Natigilan sina Joe at Helen. “Hala, nakakahiya sa mga kapitbahay!” ang sabi ni Joe kay Helen. “Bukas, huwag mong palalabasin ng bahay ’yan.”
Kinabukasan, habang nakaupo sa labas ng bahay ang nanay at tatay niya, kumatok si Naomi sa dingding ng kaniyang kuwarto. “Sige anak, labas ka,” ang
sabi ni Joe. Lumabas si Naomi at nag-umpisa na naman: “Hello. Saksi ni Jehova po ako, at may sasabihin ako sa inyo. Mabubuhay magpakailanman sa lupa ang mabubuting tao. Pero ang mga taong nagagalit at gumagawa ng masama ay hindi po titira sa Paraiso.” Hindi makapaniwala ang mag-asawa. Napaiyak si Helen, at galít na galít namang pumasok ng kuwarto si Joe.Napaisip si Joe nang gabing iyon. Binuklat-buklat niya ang Bibliya niyang King James, at sa di-sinasadya, nakita niya ang pangalang Jehova. Kinaumagahan, sa halip na pumasok sa trabaho, gumawa siya ng sulat para sa mga Saksi at nagbiyahe
nang 40 kilometro patungong Bundok Hagen para dalhin ito sa Kingdom Hall.Dinalaw ng mga kapatid sina Joe at Helen at regular na nakipag-aral ng Bibliya sa kanila. Tinuruan din nilang bumasa si Helen. Nang maglaon, pareho silang nabautismuhan, at nakatulong si Helen sa iba pang mga study na matutong bumasa. Salamat sa isang batang nag-uumapaw ang puso sa pagpuri kay Jehova!
PAGSISIKAP NA MAKADALO SA MGA KRISTIYANONG PAGTITIPON
Sa ilang lugar, dumaraan ang mga kapatid sa matrapik at mausok na haywey o sa siksikang subwey para makadalo sa mga pulong at kombensiyon. Pero sa PNG, kadalasang problema ang kakulangan ng sasakyan at maayos na kalsada. Kaya maraming pamilya ang kailangang maglakad at mamangka. Halimbawa, may mga mamamahayag, kasama ang kanilang mga anak, na naglalakad nang mahigit 160 kilometro sa madulas at baku-bakong daan sa kabundukan para lang makadalo sa taunang kombensiyon sa Port Moresby. Kahit mahirap, isang linggo nilang nilalakad ang kilalang Kokoda Trail, na pinangyarihan ng maraming sagupaan noong Digmaang Pandaigdig II. Dala-dala nila ang kanilang pagkain, lutuan, damit, at iba pang kailangan sa kombensiyon.
Ang mga kapatid sa napakalayong Nukumanu Atoll ay kadalasang dumadalo ng kombensiyon sa Rabaul, 800 kilometro pakanluran. “Para makarating sa oras,” ang sabi ni Jim Davies, “kung minsan anim na linggo pa bago ang kombensiyon, umaalis na sila dahil hindi nila tiyak kung kailan may bibiyaheng bangka. Problema rin ang pag-uwi. Minsan, ang kaisa-isang bangka na biyaheng Nukumanu ay dumaan pa sa Australia para magpakumpuni; naubusan pa
ng pera ang may-ari ng bangka. Kaya inabot nang mahigit anim na buwan bago nakauwi ang mga kapatid! Totoo, hindi naman laging ganoon. Pero karaniwan na lang sa mga kapatid ang ma-stranded nang ilang linggo at makituloy sa mga Saksi o kamag-anak.”MAGANDANG HALIMBAWA NG MGA MISYONERO
Malaking hamon para sa mga misyonero ang maglingkod sa lugar na napakahirap ng buhay. Pero kinakaya ito ng maraming misyonero, at kadalasan nang pinahahalagahan ito ng mga tao. Ganito ang sinabi ng isang babaing taga-PNG tungkol sa dalawang misyonera na nagtuturo sa kaniya, “Puti man ang balat nila, pareho naman kami ng puso.”
Ang ilang misyonero ay naglalakbay na tagapangasiwa. Sasakay sila sa kahit ano, madalaw lang ang mga kongregasyon. Totoo ito kay Edgar Mangoma. Para madalaw ang mga sirkito, kailangan niyang dumaan sa Ilog Fly at Lawa ng Murray. “Kapag dinadalaw ko ang dalawang kongregasyon sa lawa, nagbabangka ako—minsan may motor, minsan wala. Kapag walang motor, inaabot ako nang walong oras mula sa isang kongregasyon papunta sa isa pa. Kadalasan, tatlo o apat na brother ang naghahatid sa akin, kahit pa kailangan uli nilang magsagwan pabalik. Salamat talaga sa kanila!”
Ang magandang halimbawa ng mga misyonero, pati ang kanilang kapakumbabaan at pag-ibig sa mga tao ay napakalaking patotoo. “Takang-taka ang mga taganayon na nakikituloy ako sa mga interesado at kumakaing kasama nila,” ang isinulat ng isang tagapangasiwa ng sirkito. “Ang sabi nga sa akin ng ilang
tagaroon: ‘Totoo ang relihiyon ninyo. Hindi kasi ganiyan makisama ang mga pastor namin.’”Mahirap ba para sa mga misyonera na mag-adjust sa PNG? “Noong unang mga buwan, nahirapan ako,” ang sabi ni Ruth Boland, na kasama ng asawa niyang si David sa gawaing paglalakbay. “Maraming beses na ’kong muntik sumuko. Buti na lang kinaya ko, dahil napamahal sa akin ang mga kapatid. Hindi na namin gaanong iniisip ang sarili namin. Mas iniisip na namin ang iba. Kaya walang makakapantay sa kagalakan namin. Mahirap nga kami sa materyal, mayaman naman kami sa espirituwal. Kitang-kita namin ang tulong ni Jehova—hindi lang sa pagsulong ng mabuting balita, kundi pati sa mismong buhay namin. Kapag walang-wala ka, mas lalo kang nagtitiwala kay Jehova, at pinagpapala ka niya.”
GERA SIBIL SA BOUGAINVILLE
Noong 1989, sa Isla ng Bougainville, sumiklab ang malaking gera sibil bunsod ng matagal nang pagpupumilit ng isang kilusan na maging independiyente ang isla. Sa loob ng 12 taon, mga 60,000 ang napilitang lumikas at 15,000 ang namatay. Maraming kapatid ang lumikas at nanirahan sa ibang parte ng Papua New Guinea.
Bago umalis sa isla, dinakip ng mga sundalo ng Bougainville Revolutionary Army (BRA) ang payunir na si Dan Ernest at dinala sa malaking bodega. Natatandaan pa ni Dan: “Nandoon ang heneral ng BRA na nakaunipormeng tadtad ng medalya at may espada sa tagiliran.
“‘Ikaw ba si Dan Ernest?’ ang tanong niya.
“‘Opo,’ ang sagot ko.
“‘Espiya ka raw ng Papua New Guinea Defence Force,’ ang sabi niya.
“Ipinaliwanag ko na hindi nakikialam ang mga Saksi ni Jehova sa mga hidwaan sa anumang bansa. Pero sumabad siya: ‘Oo, alam namin! ’Yung ibang relihiyon, kampi sa kung sino ang parang nananalo. Pero kayo, talagang neutral.’ Sabi pa niya: ‘Maligalig sa lugar namin dahil sa gera na ito, kailangan namin ang nakakaaliw na mensahe ninyo. Gusto naming ituloy ninyo ang pangangaral sa Bougainville. Pero kung kailangan na ninyong umalis, sisiguraduhin kong madadala ninyo ang mga gamit n’yo.’ Pagkaraan ng dalawang linggo, nang maatasan kaming mag-asawa sa Isla ng Manus, tinotoo ng heneral ang sinabi niya.”
Sinikap ng sangay na makipag-ugnayan sa mga Saksi sa lugar na apektado ng digmaan at, kahit ipinagbawal ang pagdaong ng mga barko ng navy, nakapagpadala pa rin ang sangay ng mga pagkain, gamot, at literatura. Iniulat ng isang tagapangasiwa ng sirkito: “Kitang-kita ang pinsala ng digmaan, pero tuloy pa rin ang mga kapatid sa pangangaral at pagpupulong. Marami pa ring nagpapa-Bible study.”
Sa wakas, noong 2001, nagkasundo ang magkalabang partido na gawing independiyente ang Bougainville at ang mga kalapít nitong isla. Sa ngayon, walang nakatirang Saksi sa Bougainville, pero may 39 na mamamahayag sa masiglang kongregasyon sa kalapít na Isla ng Buka.
WINASAK NG BULKAN ANG RABAUL
Ang lunsod ng Rabaul ay may malaking daungan na nasa mismong bunganga ng isang natutulog na bulkan. Noong Setyembre 1994, sumabog ang mga bitak sa magkabilang panig ng daungan. Nawasak ang Rabaul at nabago ang buhay ng mga tao. Nasira ang Kingdom Hall at ang karugtong nitong missionary
home, pero walang kapatid na namatay roon. Kaya lang, habang lumilikas ang isang brother, inatake siya sa puso at namatay. Sinunod ng mga kapatid ang evacuation plan na mga ilang taon nang nakapaskil sa Kingdom Hall, at nagpuntahan sa mga itinalagang lugar na ilang kilometro ang layo.Agad na nag-organisa ang sangay ng pagpapadala ng relief—mga donasyong damit, kulambo, gamot, gasolina, diesel, at iba pa, kasama na ang bigas at gábi mula sa isang kalapít na kongregasyon. Napakaayos ng relief operation kaya napuri ito ng mga lokal na opisyal at ng ibang tao.
Naglaho ang Rabaul Congregation. Pagkaraan ng dalawang araw, nagtipon ang mga 70 mamamahayag at ang mga anak nila sa isang inabandonang paaralan. Pagdating ng mga elder, nagtanong ang mga kapatid, “Anong oras po ang pulong?” Oo, sa kabila ng lahat ng ito, hindi nila pinabayaan ang mga pulong at ang pangangaral. (Heb. 10:24, 25) Ang karamihan sa mga kapatid ay lumipat sa malalapit na grupo, at naging kongregasyon ang isa sa mga ito.
Nangako ang pamahalaang panlalawigan na lahat ng relihiyong nawalan ng ari-arian ay bibigyan ng lupa sa bayan ng Kokopo, mga 24 na kilometro mula sa Rabaul. Nabigyan ang ibang relihiyon, pero hindi ang mga Saksi. Pagkalipas ng mga pitong taon, isang brother mula sa Aprika ang nagtrabaho sa planning department ng bayan. Nakita niyang hindi patas ang naging pagtrato sa mga Saksi kaya agad siyang naghanap ng lote sa Kokopo at tinulungan ang mga kapatid sa pag-aaplay; naaprubahan naman ito. Isang grupo ng construction volunteer ang tumulong sa pagtatayo ng Kingdom Hall at missionary home. Sa katunayan, napabuti pa nga ang mga kapatid. Bakit? Kasi sa matarik na burol napunta ang mga simbahan, samantalang ang mga kapatid ay sa sentro ng bayan.
PAGSULONG SA PAGSASALIN
“Sa bansang mahigit 800 ang wika, mahalagang may isang wika na alam ng lahat ng tao,” ang sabi ni
Timo Rajalehto, miyembro ng Komite ng Sangay at nangangasiwa sa Translation Department. “Tamang-tama ang Tok Pisin at Hiri Motu na ginagamit sa pagnenegosyo. Madali itong matutunan dahil ito ang sinasalita araw-araw. Pero hindi nito basta-basta natutumbasan ang komplikadong mga ideya. Kaya nagkakaproblema ang aming mga tagapagsalin.“Halimbawa, nakita namin na walang salitang Tok Pisin para sa ‘simulain.’ Kaya pinagsama ng aming mga tagapagsalin ang dalawang salitang Tok Pisin para makabuo ng salitang stiatok (steer talk), na naglalarawan kung paano ‘ibinabaling’ ng simulain ang mga tao sa tamang landas. Ang salitang ito ay ginagamit na ngayon ng media at ng marami na nagsasalita ng Tok Pisin.”
Inilathala ang Bantayan sa Motu noong 1958, at sa Tok Pisin noong 1960. Iniimprenta noon ang mga araling artikulo sa Sydney, Australia, sa mga papel na ini-staple, at saka ipinadadala sa Port Moresby. Noong 1970, ginawang 24 na pahina ang magasin, at mahigit 3,500 kopya na ang iniimprenta. Unang inilimbag sa Tok Pisin ang 24-na-pahinang Gumising! noong Enero 1972. Sa ngayon, isinasalin sa Tok Pisin ang Bantayan na inilalathala dalawang beses sa isang buwan at ang Gumising! tuwing ikatlong buwan. Isinasalin naman sa Hiri Motu ang buwanang edisyon para sa pag-aaral ng Bantayan at ang edisyong pampubliko kada ikatlong buwan.
“Kamakailan, ilang tract ang isinalin namin sa mga bagong wika gaya ng Enga, Jiwaka, Kuanua, Melpa, at Orokaiva,” ang sabi ni Timo Rajalehto. “Bakit kailangan pa itong gawin kung marunong naman silang mag-Tok Pisin o Ingles? Gusto naming makita kung paano tutugon ang mga tao sa mensahe
ng Kaharian sa sarili nilang wika. Magiging interesado kaya sila at magiging mabait sa mga Saksi?“Iyan mismo ang nangyari! Nakatanggap ang mga Saksi ng maraming papuri. May mga nagpa-Bible study, at bumait sa mga Saksi ang ilang mananalansang. Mas naaantig ang mga tao kapag nakakabasa sila ng mga publikasyon sa sarili nilang wika.”
Sa ngayon, 31 ang miyembro ng Translation Department, kasama na ang mga translation team ng Hiri Motu at Tok Pisin. Noong Disyembre 2009, tuwang-tuwa silang lumipat sa kanilang bagong opisina.
MARAMI ANG NAKINABANG SA PIONEER SERVICE SCHOOL
Isang mahalagang bahagi ng buhay ng maraming lingkod ni Jehova ang Pioneer Service School. Hindi lang pinasusulong ng paaralan ang espirituwalidad ng mga payunir, tinutulungan pa sila nito na maging mas mabisa sa ministeryo. Ganito ang sinabi ng ilan tungkol sa paaralan:
Lucy Koimb: “Dahil sa paaralan, nakita kong isa sa pinakamagandang magagawa ko sa buhay ay ang maging payunir.”
Michael Karap: “Bago ako mag-aral, marami akong dinadalaw-muli pero walang study. Ngayon, marami na akong study!”
Ben Kuna: “Tinulungan ako ng paaralan na mas matularan ang pag-iisip ni Jehova.”
Siphon Popo: “Ngayon lang ako nag-aral na mabuti sa tanang buhay ko! At natutuhan kong huwag madaliin ang pag-aaral.”
Julie Kine: “Tinuruan ako ng paaralan na magkaroon ng tamang pangmalas sa materyal na mga bagay. Hindi naman talaga natin kailangan ang lahat ng sinasabi ng iba na kailangan natin.”
Napansin ni Dan Burks, miyembro ng Komite ng Sangay: “Miyentras mas mabunga ang mga payunir, lalo silang nagiging masaya at masigasig. Alam namin na patuloy na makakatulong ang Pioneer Service School sa daan-daang payunir sa bansang ito. Siyempre, makikinabang din dito ang mga mamamahayag at mga interesado.”
SUMUSULONG DAHIL SA PAG-IBIG
Sinabi ni Jesu-Kristo: “Malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:35) Sa Papua New Guinea, pinagkaisa ng Kristiyanong pag-ibig ang mga tao sa kabila ng pagkakaiba sa wika, lahi, kultura, at estado sa buhay. Kapag nakikita ng mga tapat-puso ang gayong pag-ibig, nasasabi nila, “Ang Diyos ay sumasainyo.”
Iyan din ang nasabi ni Mange Samgar, may-ari ng mga pampasaherong bus at dating Luteranong pastor sa Banz, na nabanggit sa naunang mga pahina. Bakit? Para makadalo ang isang kongregasyon sa pandistritong kombensiyon sa Lae, inarkila nila ang isa sa mga bus ni Mange. “Naintriga siya sa mga Saksi kaya sumama siya,” ang sabi nina Steve at Kathryn Dawal, na nasa kombensiyon noong dumating ang bus. “Hangang-hanga si Mange sa organisasyon at pagkakaisa ng bayan ni Jehova kahit magkakaiba sila ng lahi at tribo. Pag-uwi niya kasama ng mga Saksi, kumbinsido siyang natagpuan na niya ang katotohanan. Nang maglaon, siya at ang kaniyang anak ay naging elder.”
Kailangang-kailangan ng bagong matitirhan ni Sister Hoela Forova, payunir na maagang nabiyuda at nag-aalaga sa kaniyang biyudang ina. Dalawang beses siyang nakaipon ng pera at ibinigay ito sa isang kamag-anak para ipambili ng tabla, pero hindi na ito nagpakita. Alam ng mga kapatid ang problema niya kaya ipinagtayo nila siya ng bahay sa loob lang ng tatlong araw. Pero sa tatlong araw na iyon, iyak nang iyak si Hoela dahil sobra siyang naantig sa pag-ibig ng mga kapatid. Malaki ring patotoo ang itinayong bahay. Nasabi nga ng isang diyakono, “Ang galing! Nakapagtayo sila ng bahay sa loob lang ng tatlong araw, hindi naman sila nanghihingi ng pera at panay lang ang lakad dala ang mga bag nila!”
Sumulat si apostol Juan: “Mumunting mga anak, umibig tayo, huwag sa salita ni sa dila man, kundi sa 1 Juan 3:18) Dahil sa pagpapakita ng gayong pag-ibig, patuloy na sumusulong ang gawain sa PNG. Ang 3,672 mamamahayag ay nagdaraos ng 4,908 pag-aaral sa Bibliya at 25,875 ang dumalo sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo noong 2010—isa ngang matibay na ebidensiya ng pagpapala ni Jehova!—1 Cor. 3:6.
gawa at katotohanan.” (Mga 70 taon na ang nakalilipas, ilang malalakas-ang-loob na kapatid ang nakarating sa maganda at kakaibang bansang ito, dala ang katotohanang nagpapalaya sa mga tao. (Juan 8:32) Nang sumunod na mga taon, marami pang Saksi—dayuhan at katutubo—ang nakibahagi sa gawain. Waring hindi nila malalampasan ang mga hamon: makakapal na kagubatan, mga latiang pinagmumulan ng malarya, at pangit na mga kalsada, kung mayroon man. Idagdag pa ang kahirapan, awayan ng mga tribo, talamak na espiritismo, at kung minsa’y marahas na pananalansang mula sa klero ng Sangkakristiyanuhan at mga tagasunod nito. Hamon din ang pangangaral sa libu-libong tribo na may mahigit 800 wika at karamihan pa ay hindi marunong bumasa’t sumulat! Ang kanilang pagsasakripisyo para sa Kaharian ay lubos na pinahahalagahan ng mga nagtuloy ng kanilang nasimulan.
Marami sa mga hamong ito ay kinakaharap pa rin ng mga lingkod ni Jehova sa Papua New Guinea. Pero posible sa Diyos ang lahat ng bagay. (Mar. 10:27) Kaya ang mga kapatid sa bansang ito ay lubos na nagtitiwala na pangyayarihin ni Jehova sa marami pang tao na nakahilig sa katuwiran “ang pagbabago tungo sa isang dalisay na wika, upang silang lahat ay tumawag sa pangalan ni Jehova, upang paglingkuran siya nang balikatan.”—Zef. 3:9.
[Mga talababa]
a Ang Greenland ang pinakamalaking isla sa buong mundo. Ang Australia ay isang kontinente, hindi isla.
b Sa buong ulat na ito, gagamitin ang pangalang Papua New Guinea sa halip na ang dating mga pangalan nito.
c Inilathala ng mga Saksi ni Jehova pero hindi na ngayon inililimbag.
[Blurb sa pahina 88]
“Bobogi, saan mo natutunan ang lahat ng ito?”
[Blurb sa pahina 100]
“Pumayag siyang ipalabas nang libre ang ating pelikula”
[Blurb sa pahina 104]
“Iwan mo ’yang relihiyon mo, kung ayaw mong mawalan ng trabaho”
[Blurb sa pahina 124]
Nang makita nila ang laman ng bag, nakonsiyensiya sila sa kanilang ginawa
[Blurb sa pahina 149]
“Puti man ang balat nila, pareho naman kami ng puso”
[Kahon/Larawan sa pahina 80]
Maikling Impormasyon Tungkol sa Papua New Guinea
Lupain
Ang Papua New Guinea ay nasa silangang bahagi ng isla ng New Guinea. Mayroon itong 151 maliliit na isla at mas malaki nang kaunti sa California, E.U.A. Bulubundukin ang gitna ng bansa at may makakapal na kagubatan at latian malapit sa dalampasigan.
Mamamayan
Sa 6.7 milyong populasyon nito, 99 na porsiyento ang Papuan at Melanesian. Ang iba ay Polynesian, Tsino, at Europeo. Ang karamihan ay nag-aangking Kristiyano.
Wika
Ang Papua New Guinea ang bansang may pinakamaraming wika—820. Ito ay 12 porsiyento ng lahat ng wika sa daigdig. Bukod sa kanilang mga katutubong wika, karamihan sa mga tao ay nagsasalita ng Tok Pisin, Hiri Motu, o Ingles.
Kabuhayan
Ang ikinabubuhay ng mga 85 porsiyento ng tao rito ay ang nakasanayan nilang pagtatanim ng gulay sa maliliit na nayon. Pagtatanim ng kape at tsaa naman ang pinagkakakitaan sa kabundukan. Nakakatulong din sa ekonomiya ng bansa ang pagmimina, pagtotroso, at pagkuha ng gas at langis.
Pagkain
Pangunahing pagkain ang kamote, gabi, kamoteng-kahoy, sago, at saging—hilaw man o lutô. Karaniwan din ang gulay, prutas, at de-latang isda at karne. May handang baboy kapag espesyal ang okasyon.
Klima
May dalawang panahon—maulan at di-masyadong maulan. Dahil malapit sa ekwador ang Papua New Guinea, tropikal ang klima sa baybayin, pero mas malamig sa kabundukan.
[Kahon/Mga Larawan sa pahina 83, 84]
“Nawala ang Pagiging Mahiyain Ko”
ODA SIONI
ISINILANG 1939
NABAUTISMUHAN 1956
MAIKLING TALAMBUHAY Kauna-unahang payunir na taga-Papua New Guinea. Special pioneer siya sa Hohola Motu Congregation sa Port Moresby.
◼ NANG makita ni Ate sina Tom at Rowena Kitto na nangangaral sa mga daanang kahoy sa komunidad ng Hanuabada, pinadalo niya ako sa pulong nila para alamin ang tungkol sa “bagong relihiyon” na ito. Nagpupulong sila noon sa bahay ng study na si Heni Heni Nioki.
Nagpunta ako, at mga 40 ang nagkakatipon doon. Trese anyos lang ako noon at napakamahiyain. Umupo ako sa likod at halos magtakip ng mukha. Nagustuhan ko ang napakinggan ko kaya paulit-ulit na akong dumalo. Di-nagtagal, pinakiusapan ako ni Heni Heni na iinterpret sa Motu ang sinasabi ni Tom Kitto sa Ingles, Motu kasi ang wika ng karamihan sa tagapakinig.
Pagkaraan ng ilang taon, noong nagte-training na ako sa ospital para maging doktor, kinausap ako nang sarilinan ni John Cutforth at mabait na sinabi: “Kung magiging doktor ka, matutulungan mo ang mga tao na humaba ang buhay, pero kung magiging ‘doktor’ ka sa espirituwal, matutulungan mo silang magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Nang linggong iyon, nagpayunir ako.
Sa Wau ang una kong atas at may ilang interesado roon. Inanyayahan ako ni Jack Arifeae na mangaral sa isang
simbahang Luterano. Batas ng Diyos tungkol sa dugo ang pinili kong paksa. Nakinig na mabuti ang 600 dumalo dahil marami sa kanila ang naniniwalang kapag uminom sila ng dugo ng isang tao, sasanib sa kanila ang espiritu nito. Galít na galít ang pari at sinabi niya sa mga tagapakinig na iwasan ako. Pero nagustuhan ng marami ang napakinggan nila at sumulong sila sa espirituwal.Makalipas ang mga isang taon, naatasan ako sa Manu Manu, mga 50 kilometro sa hilagang-kanluran ng Port Moresby. Nakilala ko ang pinuno roon na si Tom Surau. Inimbitahan niya akong mangaral sa nayon nila. Matapos ang tatlong-araw na pagtuturo sa mga taganayon, pinagsisira nila ang kanilang imahen ng Birheng Maria na gawa sa kahoy at itinapon ito sa ilog.
May mga nakakita sa inanod na sira-sirang imahen. Dinala nila ito sa mga paring Katoliko ng nayon, at sinabi, “Pinatay nila si Maria!” Dalawang pari ang kumompronta sa akin. Sinuntok ako ng isa sa kanila at nahiwa ng singsing niya ang pisngi ko. Nang dumating ang mga taganayon para ipagtanggol ako, kumaripas ng takbo ang mga pari.
Nagpunta ako sa Port Moresby para ipatahi ang sugat ko at magreklamo sa mga pulis. Pinagmulta nila ang mga pari at tinanggal sa serbisyo. Bumalik ako sa nayon at nagpasimula ng isang grupo. Sa tulong ni Jehova, nawala ang pagiging mahiyain ko.
[Larawan]
Idinaos sa bahay ni Heni Heni ang mga unang pulong
[Kahon sa pahina 86]
Ang Sistemang Wantok
Ang wantok, nangangahulugang “one talk” o “isang wika” sa Tok Pisin, ay nauugnay sa isang kulturang mahigpit na sinusunod ng mga taong kabilang sa isang etnikong grupo at nagsasalita ng isang wika. Kasama sa sistemang ito ang ilang pananagutan at pribilehiyo, gaya ng paglalaan ng pangangailangan ng mga may-edad na wantok (taong katulad nila ang wika) o ng mga walang trabaho o hindi makapagtrabaho. Malaking tulong ito sa isang mahirap na bansa.
Pero may problema rin sa sistemang ito. Halimbawa, kapag naninindigan sa katotohanan ang mga Bible study, maaari silang itakwil ng pamilya nila. Sa gayong sitwasyon, kailangan nilang umasa kay Jehova kapag nawalan sila ng trabaho o nagipit sa pera sanhi ng iba pang kadahilanan. (Awit 27:10; Mat. 6:33) “Sa sistemang wantok, maaari ding gipitin ang mga kapatid na labis na makisama sa mga kamag-anak nilang di-Saksi, kabilang na ang mga natiwalag,” ang sabi ng miyembro ng Komite ng Sangay na si Kegawale Biyama. “Kapag eleksiyon, madalas na pinipilit ng mga kandidato ang mga kamag-anak nilang Saksi na makipagkompromiso.” Siyempre, hindi iyon gagawin ng mga kapatid.
[Kahon/Larawan sa pahina 91]
Napamahal Siya sa Marami
Napamahal sa marami si John Cutforth noong misyonero siya sa Papua New Guinea. Ganito ang sinabi ng ilan sa kapuwa niya misyonero at ng mga nakasama niya sa ministeryo.—Kaw. 27:2.
Erna Andersson: “Sinabi sa amin ni John: ‘Ang totoong misyonero, marunong makibagay sa lahat ng tao. Kapag binigyan ka nila ng tuod na upuan, upuán mo; iyon ang pinakamagandang maibibigay nila. Kapag pinahiga ka nila sa matigas at magaspang na higaan, higaán mo; pinaghirapan nila iyon. Kapag binigyan ka nila ng kakaibang pagkain, kainin mo; bukal sa puso nila ’yon.’ Napakagandang halimbawa ni John sa pagiging mapagsakripisyong misyonero.”
Awak Duvun: “Noong panahon ng kolonya, malinaw na itinuro ni John sa mga tao na huwag silang magtangi. Madalas niyang sabihin, ‘Itim man o puti—walang pagkakaiba ’yan!’ Mahal niya ang lahat ng tao.”
Peter Linke: “Isang hapon, dumating si John sa bahay namin sa Goroka. Halos maghapon siyang naglakbay, pagód at puro alikabok. Pero pagkatapos ng hapunan sinabi niya, ‘Wala pa akong nagagawa para sa iba.’ Kahit madilim na, umalis siya para patibayin ang isang pamilya. Mapagmalasakit siya kaya mahal namin siya.”
Jim Dobbins: “Tinuruan kami ni John na mamuhay nang simple at magturo nang simple, gamit ang mga ilustrasyong maiintindihan ng mga tao, gaya ng ginawa ni Jesus. Dahil dito, naturuan namin kahit ang mga hindi marunong bumasa’t sumulat.”
[Kahon/Larawan sa pahina 101]
‘Hindi Tayo Susuko’
KALIP KANAI
ISINILANG 1922
NABAUTISMUHAN 1962
MAIKLING TALAMBUHAY Isa sa mga unang Saksi sa Madang. Ayon sa salaysay ng kaniyang anak na si Ulpep Kalip.
◼ MAPAGPAKUMBABA si Tatay at malalim mag-isip. Kapag may problema, makikinig muna siyang mabuti at pag-aaralan ito bago magbigay ng opinyon.
Naospital ako noong 15 anyos ako. Naputol ang binti ko dahil kinagat ako ng pating. Nang dalawin ako ni Tatay, nakilala niya si John Davison. “Sa bagong sanlibutan,” sabi ni John, “bibigyan uli ni Jehova ng binti ang anak mo.” Naging interesado si Tatay, at nag-aral siyang mabuti ng Bibliya. Di-nagtagal, nagkaroon siya ng matibay na pananampalataya.
Dahil humiwalay sa Simbahang Katoliko si Tatay at ang mga kamag-anak niya, may nanulsol sa mga pulis na palayasin kami sa mga bahay namin. Ang 12 bahay naming magkakamag-anak ay napaliligiran ng mga hardin at wala pang isang taóng naitatayo. Naghagis ang mga pulis ng mga sulo sa pawid naming bubong at nagliyab ito. Sinubukan naming isalba ang mga gamit namin, pero hindi namin natagalan ang apoy at usok. Wala kaming nagawa kundi ang umiyak na lang habang nilalamon ng apoy ang bahay namin.
Lumung-lumo kaming naglakad papunta sa kalapít na nayon ng Bagildig. Pinatira kami ng pinuno roon sa isang munting kubo. Doon, sinabi ni Tatay sa pamilya namin: ‘Pinag-usig si Jesus, kaya asahan natin na pag-uusigin din tayo. Pero hindi tayo susuko, hindi natin iiwan ang pananampalataya natin!’
[Kahon/Larawan sa pahina 107, 108]
Buti Na Lang at “Maling” Eskuwelahan ang Napuntahan Niya
MICHAEL SAUNGA
ISINILANG 1936
NABAUTISMUHAN 1962
MAIKLING TALAMBUHAY Naging special pioneer noong Setyembre 1964. Siya ang pinakamatagal na special pioneer sa Papua New Guinea.
◼ NOONG 1959, lumipat ako sa Rabaul para mag-aral ng vocational. Nabalitaan ko na may eskuwelahan ang mga Saksi. Nagpunta ako sa bahay ng “titser” na si Lance Gosson dahil akala ko vocational school iyon. Inimbitahan ako ni Lance na sumama sa pag-aaral ng Bibliya tuwing Miyerkules. Kahit medyo dismayado, sumama ako. Talagang napahalagahan ko ang natutuhan ko, lalo na’t nalaman kong Jehova pala ang pangalan ng Diyos at na magkakaroon ng “mga bagong langit at isang bagong lupa.” (2 Ped. 3:13) Nabautismuhan ako noong umaga ng Hulyo 7, 1962. Buti na lang at “maling” eskuwelahan ang napuntahan ko.
Noong araw ding iyon, dumalo ako sa miting ng mga gustong magpayunir. Idiniin ni John Cutforth, tagapangasiwa ng distrito noon, na maputi na ang mga bukid para sa pag-aani at kailangan ng mas maraming manggagawa. (Mat. 9:37) Nang magkaroon ako ng pagkakataon, nag-aplay ako agad bilang vacation pioneer, ang tawag noon sa auxiliary pioneer. Mayo 1964 nang mag-regular pioneer ako, at naging special pioneer noong Setyembre.
Natatandaan ko noong minsang nangaral ako malapit sa Rabaul, tinanong ako ng isang lalaking Tolai kung
puwede niyang hawakan ang Bibliya ko. May babasahin daw siyang teksto. Akalain mong pagpunit-punitin ito at ihagis sa lupa! Pero nagtimpi ako. Nagsumbong ako sa hepe ng pulis, at agad naman nitong ipinaaresto sa tao niya ang sumira ng Bibliya ko. Sinabi ng hepe sa lalaki: “Napakasama mo! Nilabag mo ang batas ng Diyos at ng gobyerno. Palitan mo ng bago ang Bibliya niya, kung hindi, kulungan ang bagsak mo.” Sinabihan ako ng hepe na bumalik kinabukasan, alas diyes ng umaga, para kunin ang perang pambili ng Bibliya. Nakahanda na ang pera nang dumating ako. Mula noon, maraming Tolai ang napunta sa katotohanan.Natatandaan ko rin noong namamahagi kami ng Kingdom News sa gawing kanluran ng Wewak. Naunang namahagi ang mga kasama ko. Nalaman ito ng pinuno ng nayon kaya kinumpiska niya ang mga ipinamahagi nila. Alam niyang darating ako kasi nag-aabang siya sa gitna ng kalsada, nakapamaywang, at hawak ang mga Kingdom News. Tinanong ko siya kung ano ang problema. Sumagot siya: “Ako ang pinuno dito, at ayokong namamahagi kayo ng ganito.”
Kinuha ko sa kaniya ang mga kopya. Samantala, nag-uusyoso pala ang mga tagaroon. Tinanong ko sila: “Kung gusto n’yong magtanim o mangisda, kailangan n’yo pa ba ng permiso?”
“Hindi na!” sabi ng isang babae.
Tapos nagtanong uli ako, “Gusto n’yo bang basahin ’to?”
“Oo naman,” sabi nila. Kaya ipinamahagi ko uli ang mga Kingdom News nang walang kaproble-problema. Pero pagkatapos, kinailangan kong ipagtanggol ang sarili ko sa miting ng mga 20 pinuno ng nayon. Buti na lang at dalawa lang ang kontra sa pangangaral namin.
[Kahon/Larawan sa pahina 112]
‘Kinain Na ba Nila ang Puso Mo?’
AIOKOWAN
ISINILANG 1940
NABAUTISMUHAN 1975
MAIKLING TALAMBUHAY Isa sa kauna-unahang Enga na naging Saksi.
◼ NANG dumating sina Tom at Rowena Kitto sa Wabag, Enga Province, siniraan sila ng ibang relihiyon. Halimbawa, ipinagkalat nila na naghuhukay raw sina Tom at Rowena ng mga bangkay para kainin. Natakot talaga ako sa mga kuwentong iyon.
Isang araw, tinanong ni Tom si Tatay kung may kilala siyang kabataang babae na puwede nilang maging kasambahay. Itinuro ba naman ako ng tatay ko! Takót na takót ako. Pero wala akong nagawa, ang tatay ko ang nasunod.
Minsan, tinanong ako nina Tom at Rowena, “Sa tingin mo, ano’ng nangyayari sa tao kapag namatay?”
“Napupunta po sa langit ang mababait,” ang sagot ko.
“Nabasa mo ba ’yan sa Bibliya?” ang tanong nila.
“Hindi po ako nakapag-aral kaya hindi ako marunong magbasa,” ang sabi ko.
Tinuruan nila akong bumasa, at unti-unti kong naintindihan ang katotohanan sa Bibliya. Nang tumigil na akong magsimba sa Katoliko, tinanong ako ng isang deboto: “Bakit hindi ka na nagsisimba? Kinain na ba ng mag-asawang puti ang puso mo?”
“Opo,” ang sagot ko, “nakuha nila ang loob ko dahil alam kong katotohanan ang itinuturo nila sa akin.”
[Kahon/Larawan sa pahina 117]
“Sa Iyo Na ’Yan, Palitan Mo Na Lang ng Manok”
AWAIWA SARE
ISINILANG 1950
NABAUTISMUHAN 1993
MAIKLING TALAMBUHAY Nalaman ang katotohanan sa liblib na lugar. Ministeryal na lingkod ngayon sa Mundip Congregation.
◼ HABANG nasa bahay ng kaibigan ko, nakita ko ang aklat na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan. Binasa ko ang ilang kabanata at sinubukan kong hingin ito sa kaibigan ko. Sabi niya: “Sa iyo na ’yan, palitan mo na lang ng manok.”
Pumayag ako. Iniuwi ko ang aklat at binasa itong maigi. Di-nagtagal, ikinukuwento ko na sa iba ang magagandang bagay na natutuhan ko, kahit dalawang beses na akong ipinatawag at pinagbawalan ng mga lider ng relihiyon!
Pagkaraan, sumulat ako sa tanggapang pansangay para magtanong kung paano ko makokontak ang mga Saksi ni Jehova sa lugar namin. Ipinahanap nila ako kay Alfredo de Guzman, na nag-imbita sa akin sa pandistritong kombensiyon sa Madang.
Balbas-sarado ako at hindi pormal ang suot nang dumalo. Pero ang ganda ng pagtanggap nila sa akin. Naiyak ako sa programa dahil tumagos sa puso ko ang napakinggan ko. Kinabukasan, nag-ahit na ako at dumalo uli sa kombensiyon.
Pagkatapos ng kombensiyon, pinuntahan ako ni Alfredo sa nayon namin—dalawang-oras na biyahe sa trak at limang-oras na lakad mula sa Madang. Sunud-sunod ang tanong ng pamilya ko at mga kaibigan, na sinagot naman niya lahat mula sa Bibliya.
Ngayon, may 23 mamamahayag sa Mundip Congregation at mahigit 60 ang dumadalo sa pulong.
[Kahon/Larawan sa pahina 125, 126]
“Sige, Magpaliwanag Ka!”
MAKUI MAREG
ISINILANG 1954
NABAUTISMUHAN 1986
MAIKLING TALAMBUHAY Mag-isang payunir sa loob ng maraming taon sa isang isla na walang ibang Saksi.
◼ NOONG 1980, nakatanggap ako sa Madang ng tract mula sa isang payunir. Iniuwi ko ito sa amin sa Isla ng Bagabag, na anim na oras na biyahe sa bangka. Nagustuhan ko ang nabasa ko kaya sumulat ako sa tanggapang pansangay para sa higit pang impormasyon. Tapos, nakatanggap ako ng sulat mula kay Badam Duvun, payunir na sister sa Madang. Iniimbitahan niya akong dumalo ng kombensiyon. Dalawang linggo ako sa kanila at nakipag-aral ng Bibliya. Dumalo rin ako sa Kingdom Hall. Pag-uwi ko, itinuloy ko ang pag-aaral sa pamamagitan ng sulat.
Di-nagtagal, 12 pamilya na ang study ko sa Isla ng Bagabag. Regular kaming nagpupulong sa bahay ng tiyo ko, gaya ng nakita kong pag-aaral ng Bibliya sa Madang. Nagalit si Itay, na prominente sa Simbahang Luterano. “Kilala ko si Yahweh pero hindi ko kilala si Jehova,” ang pagalít niyang sabi. Binuksan ko ang Bibliya kong Tok Pisin at ipinakita sa kaniya ang talababa ng Exodo 3:15, kung saan mababasa ang banal na pangalan. Hindi nakaimik si Itay.
Tatlong beses niya akong ipinakausap sa mga pastor para magpaliwanag. Minsan, nangyari ito sa Mateo 6:33 at unahin ang Kaharian ng Diyos,” ang sagot ko habang mahigpit na hawak ang aking Bibliya. Umalma si Itay: “Tinuturuan mo ba kami?” Tumayo ang isa kong tiyuhin para suntukin ako, pero ipinagtanggol ako ng isa ko pang kamag-anak. Nagkagulo sa miting, at pinauwi na ako.
pinakamalaking simbahan sa isla. Mahigit sandaan ang naroon. Tensiyonado ang lahat. “Sige, magpaliwanag ka!” ang utos ng chairman. “Gusto ko lang pong sundin angPero hindi pa doon natapos ang problema ko. Nagkasakit at namatay ang sanggol ng isa sa mga nanay na dumadalo sa pulong namin. Ako ang sinisi ng ilang taganayon, tinuturuan ko raw kasi ng bagong relihiyon ang nanay. Ipinagtabuyan ako ng tatay ko habang hawak-hawak ang pamalong bakal. Tumakas ako papuntang Madang kasama ang tiya kong si Lamit Mareg, na nakikipag-aral na rin noon sa mga Saksi. Di-nagtagal, pareho kaming nabautismuhan.
Nagkasakit nang malubha si Itay. Inilipat ko siya sa bahay ko sa Madang at inalagaan. Nagbago ang tingin ni Itay sa relihiyon ko. Bago siya namatay, hinimok niya akong bumalik sa Isla ng Bagabag para mangaral. Ginawa ko iyon noong 1987. Ipinagpatayo ako ng mga kamag-anak ko ng maliit na bahay. Sa 14 na taon ko roon na mag-isa lang akong Saksi, 12 taon akong regular pioneer.
Nang maglaon, bumalik ako sa Madang para magpayunir kasama ni Tiya Lamit. Noong 2009, anim mula sa Isla ng Bagabag ang pumunta sa Madang para dumalo sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo. Hindi ako nag-asawa, pero masaya ako dahil nagamit kong mabuti ang aking pagiging dalaga sa paglilingkod kay Jehova.
[Kahon/Mga Larawan sa pahina 141, 142]
Kinupkop Ako ni Jehova
DORAH NINGI
ISINILANG 1977
NABAUTISMUHAN 1998
MAIKLING TALAMBUHAY Bata pa siya nang malaman niya ang katotohanan pero itinakwil ng kaniyang pamilya. Nang maglaon, nagpayunir siya at ngayon ay Bethelite.
◼ NOONG 17 anyos ako, nakakita ako ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Naisip kong galing sa mga Saksi ni Jehova ang aklat, dahil noong mga apat na taon ako, dalawang Saksi ang nagsabi sa akin ng tungkol sa pangako ng Diyos na Paraiso sa lupa. Napakaespesyal pala ng aklat na iyon!
Di-nagtagal pagkatapos nito, sinabi ng mga umampon sa akin na dahil lima na ang anak nila, kailangan ko nang umuwi sa pamilya ko sa Wewak, isang bayan sa baybayin. Pagdating ko doon, nakitira muna ako sa tiyo ko.
Sa kasabikan kong makakita ng mga Saksi, nakarating ako sa Kingdom Hall. Pagdating ko, sakto namang pangwakas na awit na. Pero kahit ganoon, sinabi ni Pam, misyonerong taga-Amerika, na siya ang mag-i-study sa akin. Talagang masaya ako sa mga pinag-aaralan namin. Pero nakakatatlong study pa lang kami, nagkaproblema na ako sa tiyo ko.
Minsan, araw ng Linggo, pauwi na ako galing pulong nang makita kong may usok sa bakuran ni Tiyo. Sinusunog pala niya ang lahat ng gamit ko, pati na ang mga aklat ko sa pag-aaral ng Bibliya. Pagkakita sa akin, sinigawan niya ako,
“Hoy! Kung gusto mong sumamba kasama ng mga taong iyon, puwes, dun ka tumira sa kanila!” Dahil hindi na ako tanggap doon, wala akong nagawa kundi ang umuwi sa bahay ng tunay kong mga magulang, na mga dalawang oras pang biyahe mula Wewak.Nang lumapit ako kay Tatay, sinabi niya sa mga kapatid ko: “Sino ba ang babaing ’to? Hindi natin siya kilala. Ipinamigay na natin siya noong tatlong taon siya, ’di ba?” Nakuha ko ang ibig niyang sabihin; kaya umalis ako at kung saan-saan tumira.
Makaraan ang mga dalawang taon, dalawang brother na special pioneer ang nakausap ko sa nayon ng mga magulang ko. Sabi ko sa kanila, “Pakisabi po kay Ate Pam na tandang-tanda ko pa ang mga itinuro niya, pero hindi ko alam kung paano ko siya makikita.” Di-nagtagal, nagkita rin kami ni Ate Pam sa Wewak at nakapag-study uli. Nakitira ako sa tatlong pamilya, pero dahil nakikipag-aral ako sa mga Saksi, lagi akong napapalayas. Tinulungan ako ni Ate Pam na makatira sa isang pamilyang Saksi sa Wewak. Nabautismuhan ako noong 1998 at nag-regular pioneer noong Setyembre 1999. Tinawag ako sa Bethel noong 2000 at naging tagapagsalin sa wikang Tok Pisin.
Napakasakit ang itakwil ng sariling pamilya, pero pinagpala naman akong magkaroon ng pamilya sa espirituwal. Isa sa mga paborito kong teksto ang Awit 27:10: “Sakaling iwan ako ng aking ama at ng aking ina, si Jehova mismo ang kukupkop sa akin.”
[Larawan]
Literatura sa Tok Pisin
[Kahon/Mga Larawan sa pahina 147, 148]
“Si Jehova ang Ating Pinakadakilang Guro”
JOHN TAVOISA
ISINILANG 1964
NABAUTISMUHAN 1979
MAIKLING TALAMBUHAY Noong bata, inusig ng mga guro at kaklase, kaya dalawang taon lang nakapag-aral. Tagapangasiwa ng sirkito na siya ngayon.
◼ ISINILANG ako sa nayon ng Govigovi sa Milne Bay Province. Nag-aral ng Bibliya si Itay noong pitong taon ako, at itinuro niya sa akin ang mga natutuhan niya.
Bago pa lang ako noon sa eskuwela. Nang malaman ng dalawa kong Anglikanong guro na nakikipag-aral ako sa mga Saksi, pinag-initan nila ako. Gayon din ang ginawa ng mga kaklase ko, hinahampas pa nga nila ako ng patpat. Kaya napilitan akong huminto sa pag-aaral pagkaraan ng dalawang taon.
Nang sumunod na taon, nakita ko sa palengke ang isa kong guro. “Matalino kang bata, malayo sana ang mararating mo,” ang sabi niya. “Pero dahil sa relihiyon mo, magiging alila ka lang ng mga kaklase mo.” Nang ikuwento ko kay Itay ang sinabi ng guro ko, napatibay ako sa sinabi niya, “Kung hindi ka tuturuan ng sanlibutan, si Jehova ang magtuturo sa iyo.”
Si Itay at isang brother na special pioneer ang tumulong sa aking magkaroon ng pinakamahalagang edukasyon—ang kaalaman na umaakay sa buhay na walang hanggan. Juan 17:3) Dawawa ang wika ko, pero tinuruan nila ako ng Bibliya sa Hiri Motu at Tok Pisin, na naging pangalawa at pangatlo kong wika. Nabautismuhan ako sa edad na 15, at pagkaraan ng dalawang taon, nagpayunir ako.
(Noong 1998, naimbitahan akong mag-aral sa Ministerial Training School. Hindi ako gaanong marunong mag-Ingles. Ang ginawa ng sangay, iniugnay ako sa English Congregation sa Port Moresby. Kaya Ingles ang naging pang-apat kong wika.
Noong graduation, inatasan ako sa Alotau Congregation sa Milne Bay Province. Pagkaraan ng anim na buwan, gulát na gulát ako at tuwang-tuwa na maatasan bilang tagapangasiwa ng sirkito. Kasama sa una kong atas ang New Britain, New Ireland, Isla ng Manus, at mga katabing isla. Pinakasalan ko si Judy noong 2006, at isang taon kaming nag-special pioneer. Pagkatapos, naglingkod kami sa gawaing pansirkito.
Kapag dumadalaw ako sa mga kongregasyon, madalas kong sabihin sa mga kabataan: “Si Jehova ang ating pinakadakilang Guro. Kaya magpaturo kayo sa kaniya, dahil tutulungan niya kayong maging tunay na matagumpay sa buhay.” Napatunayan ko ’yan.
[Larawan]
Kasama ang asawa kong si Judy
[Chart/Mga larawan sa pahina 156, 157]
TALÂ NG MAHAHALAGANG PANGYAYARI—Papua New Guinea
1930
1935 Nangaral sa Port Moresby ang mga payunir na sakay ng Lightbearer, bangka ng Samahan.
1940
1950
1951 Dumating sa Port Moresby sina Tom at Rowena Kitto.
1956 Lumipat ang mga payunir sa New Ireland at New Britain.
1957 Gumawa si John Cutforth ng mga picture sermon.
1960
1960 Inirehistro ang International Bible Students Association.
1962 Lumipat sa kabundukan ng New Guinea sina Tom at Rowena Kitto.
1965 Itinayo ang tanggapang pansangay sa Koki, Port Moresby.
1969 Idinaos ang “Kapayapaan sa Lupa” na Internasyonal na Asamblea sa Haima, Papua.
1970
1975 Naging Papua New Guinea ang Papua at ang New Guinea.
1977-1979 Sinunog ng mga mang-uumog ang mga Kingdom Hall sa Milne Bay Province.
1980
1987 Inialay ang bagong tanggapang pansangay.
1989 Sumiklab ang gera sibil sa Isla ng Bougainville.
1990
1991 Inilathala ang magasing Bantayan sa Tok Pisin at Hiri Motu kasabay ng edisyong Ingles.
1994 Nagkaroon ng Hospital Liaison Committee.
1994 Nasira ang Rabaul, New Britain dahil sa pagputok ng bulkan.
1999 Nagkaroon ng Kingdom Hall Construction Desk sa sangay.
2000
2002 Itinayo ang Assembly Hall sa Gerehu, Port Moresby.
2010
2010 Inialay ang ekstensiyon ng tanggapang pansangay.
2020
[Graph/Larawan sa pahina 118]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Bilang ng Mamamahayag
Bilang ng Payunir
3,500
2,500
1,500
500
1955 1965 1975 1985 1995 2005
[Mga mapa sa pahina 81]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
PAPUA NEW GUINEA
PORT MORESBY
Wewak
Ilog Sepik
Kambot
Dimiri
Biwat
Ilog Yuat
Wabag
Bundok Hagen
Banz
Wahgi Valley
KABUNDUKAN NG NEW GUINEA
Lawa ng Murray
Ilog Fly
Basken
Talidig
Bagildig
Madang
Goroka
Kainantu
Lae
Bulolo
Wau
Kerema
Savaiviri
Gulpo ng Papua
Popondetta
Kokoda Trail
Hula
Agi
Govigovi
Alotau
CORAL SEA
Isla ng Manus
Bismarck Archipelago
BISMARCK SEA
Isla ng Bagabag
New Britain
Rabaul
Kokopo
Isla ng Kurmalak
New Ireland
Kavieng
SOLOMON SEA
Isla ng Goodenough
Isla ng Buka
Isla ng Bougainville
Nukumanu Atoll
Ekwador
Haima
Six Mile
Hanuabada
Port Moresby Harbour
Koki Market
Sogeri Plateau
Ioadabu
[Buong-pahinang larawan sa pahina 74]
[Larawan sa pahina 77]
Ang “Lightbearer”
[Larawan sa pahina 78]
Mga unang mamamahayag, mula sa kaliwa pakanan: Bobogi Naiori, Heni Heni Nioki, Raho Rakatani, at Oda Sioni
[Larawan sa pahina 79]
Nayon ng Hanuabada; tanaw sa malayo ang pinakabayan ng Port Moresby
[Larawan sa pahina 82]
Sina Shirley at Don Fielder bago pumunta sa PNG
[Larawan sa pahina 85]
Kauna-unahang Kingdom Hall sa PNG, sa Haima, Port Moresby
[Larawan sa pahina 87]
John Cutforth
[Larawan sa pahina 89]
Kopya ng picture sermon
[Mga larawan sa pahina 90]
Kanan: si John Cutforth, nagtuturo gamit ang mga larawan; ibaba: brother na may dalang picture board sa pangangaral sa mga nayon
[Larawan sa pahina 92]
Sina Alf Green, David Walker, at Jim Smith
[Mga larawan sa pahina 93]
Kaliwa: Shirley, Debbie, at Don Fielder; kanan: si Don at ang kaniyang bangka
[Larawan sa pahina 96]
Sina Jim Smith at Glenn Finlay
[Larawan sa pahina 97]
Si Stephen Blundy habang tumatawid ng Kerema Bay
[Larawan sa pahina 99]
Sina Rosina at Ken Frame
[Larawan sa pahina 102]
Sina Matthew at Doris Pope
[Mga larawan sa pahina 103]
Ang bahay nina Magdalen at John Endor ang unang pulungan sa Lae
[Larawan sa pahina 109]
Kabundukan ng PNG
[Larawan sa pahina 110]
Sina Tom at Rowena Kitto sa harap ng kanilang munting tindahan at bahay sa Wabag
[Larawan sa pahina 113]
Sina Erna at Berndt Andersson
[Larawan sa pahina 114]
Sina Kerry Kay-Smith at Jim Wright
[Larawan sa pahina 115]
Si Mike Fisher sa Ilog Sepik
[Mga larawan sa pahina 123]
Sinunog ang Kingdom Hall sa Agi pero itinayo itong muli at nilakihan
[Larawan sa pahina 127]
Sina Elsie at Bill Thew
[Larawan sa pahina 128]
Naglalayag na “puapua”
[Larawan sa pahina 128]
Ang bangkang “Pioneer” na ginawa ni Berndt Andersson
[Mga larawan sa pahina 131]
Paglalakbay sa Ilog Sepik
[Mga larawan sa pahina 132, 133]
Kaliwa: dumalaw sa nayon ng Biwat ang tagapangasiwa ng sirkito na si Warren Reynolds at ang asawa niyang si Leann; itaas: pahayag pangmadla noong dalaw niya sa nayon ng Dimiri
[Larawan sa pahina 135]
Soare Maiga
[Larawan sa pahina 135]
Kora Leke
[Larawan sa pahina 136]
Save Nanpen
[Larawan sa pahina 139]
Sina Geordie at Joanne Ryle
[Larawan sa pahina 145]
Na-kick out sa paaralan ang ilan sa mga batang ito dahil sa hindi pagsaludo sa bandila
[Mga larawan sa pahina 152, 153]
Kaliwa: ang Rabaul at ang bulkan ng Tavurvur; ibaba: Kingdom Hall sa Rabaul na nawasak noong 1994
[Larawan sa pahina 155]
Grupo ng mga tagapagsalin, 2010
[Mga larawan sa pahina 161]
Sangay sa Papua New Guinea
Komite ng Sangay: Dan Burks, Timo Rajalehto, Kegawale Biyama, Craig Speegle