Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Taunang Teksto Para sa 2011

Taunang Teksto Para sa 2011

Taunang Teksto Para sa 2011

‘Manganlong sa Pangalan ni Jehova.’—ZEFANIAS 3:12.

“Ang buong sangnilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama hanggang ngayon.” (Roma 8:22) Hindi matututulan ang kinasihang mga salitang iyan. Milyun-milyon ang biktima ng kawalang-katarungan, paniniil, likas na sakuna, sakit, kahirapan, digmaan, at krimen. Maging tayo na mga lingkod ni Jehova ay hindi ligtas sa mga ito. Bukod diyan, hinahamak tayo, kinapopootan, at pinag-uusig, gaya ng dinanas ni Jesus.

Sa kabila ng lahat ng problema sa sanlibutan ni Satanas, hindi tayo pinanghihinaan ng loob. Sa halip, nagagalak tayo dahil alam nating malapit nang wakasan ni Jehova ang lahat ng pagdurusa sa lupa. Sa Diyos tayo umaasa at nagtitiwala. Oo, nanganganlong tayo kay Jehova dahil hindi niya kailanman bibiguin ang mga tapat sa kaniya.