Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
Mahal Naming mga Kapuwa Saksi ni Jehova:
Nagagalak kaming sulatan ang lahat ng tapat na lingkod ni Jehova, na mahigit pitong milyon na ngayon. Kapag may nakikilala kang kapananampalataya mula sa ibang panig ng mundo, pakiramdam mo’y matagal na kayong magkakilala at napapalapít ka agad sa kaniya. (Juan 13:34, 35) Tiyak na ganiyan din ang madarama mo kapag nabasa mo sa Taunang Aklat na ito ang kapana-panabik na kuwento ng pananampalataya at katapatan ng iyong mga kapatid sa ibang lupain.
Ipinakikita ng mga ulat mula sa iba’t ibang panig ng daigdig na sineseryoso ng marami sa inyo ang programa ng Pampamilyang Pagsamba. Kayong may maliliit na anak, napakahusay ng pamamaraang ginagamit ninyo para makuha ang interes ng inyong mga anak at maturuan sila. (Efe. 6:4) Ang mga mag-asawa ay lalong napapalapít sa isa’t isa dahil sa pag-aaral nila ng Bibliya nang magkasama. (Efe. 5:28-33) Talagang nakikinabang ang mga indibiduwal at mga pamilya sa kaayusang ito para sa masinsinang pag-aaral ng Salita ng Diyos.—Jos. 1:8, 9.
Nalulungkot kami para sa mga namatayan at nawalan ng ari-arian nitong nakaraan dahil sa kalamidad. Pinasasalamatan namin ang marami na walang pag-aatubiling sumuporta sa ating mga kaayusan sa pagtulong sa mga nasalanta. (Gawa 11:28-30; Gal. 6:9, 10) Bukod diyan, sa bawat kongregasyon, nariyan kayo na alisto sa materyal na pangangailangan ng mga kapatid at kusang tumutulong sa kanila. Gaya ni Dorcas, kayo ay nananagana sa “mabubuting gawa at mga kaloob ng awa.” (Gawa 9:36) Makaaasa kayo na nakikita ito ni Jehova at siya ang gaganti sa inyo.—Mat. 6:3, 4.
Sa ilang lupain, ang inyong karapatan ay niyuyurakan ng mga taong minamanipula ang batas para ‘magpanukala ng kaguluhan.’ (Awit 94:20-22) Yamang alam ninyong inihula ni Jesus ang ganitong pag-uusig, lakas-loob kayong nagbabata at umaasa kay Jehova bilang inyong kanlungan. (Juan 15:19, 20) Makatitiyak kayo na lagi namin kayong isinasama sa aming mga panalangin habang gumagawa kayo ng “pagtatanggol sa harap ng bawat isa na humihingi sa inyo ng katuwiran para sa pag-asa na nasa inyo.”—1 Ped. 3:13-15.
Binibigyan namin ng komendasyon ang milyun-milyon sa inyo na nananatiling malinis sa moral, sa kabila ng walang-lubay na pagsalakay ni Satanas gamit ang kaniyang mga tusong pakana. Habang lalong bumubulusok ang moralidad ng sanlibutan, kayo ay ‘nagtatamo ng lakas sa Panginoon at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.’ (Efe. 6:10) Isinuot ninyo “ang kumpletong kagayakang pandigma mula sa Diyos” kaya nakapananatili kayong matatag sa “mga pakana ng Diyablo.” (Efe. 6:11, 12) Ang inyong halimbawa ay ginagamit ni Jehova bilang kaniyang tumataginting na sagot sa manunuya, si Satanas!—Kaw. 27:11.
Tuwang-tuwa kaming malaman na noong 2011, ang dumalo sa Memoryal ng kamatayan ng Panginoon Roma 10:18) Kabilang man kayo sa 2,657,377 nag-auxiliary pioneer nang buwang iyon o nagsikap na dagdagan ang oras sa ministeryo sa ibang paraan, napaligaya kami ng inyong pagkukusa at sigasig sa ministeryo.—Awit 110:3; Col. 3:23.
ay 19,374,737. Ang pagtugon ninyo sa panawagang mag-auxiliary pioneer noong Abril ay isang dahilan kung bakit ganito karami ang dumalo. Milyun-milyon sa lupa ang nakarinig sa nagkakaisang papuri kay Jehova ng kaniyang tapat na mga Saksi! (Noong isang taon, 263,131 baguhan ang nagpabautismo para ipahayag ang pag-aalay nila kay Jehova. Pinasasalamatan namin si Jehova dahil dito. Pinasasalamatan din namin kayong lahat sa pagtulong sa amin na ipaabot sa iba ang paanyaya: “‘Halika!’ At ang sinumang nakikinig ay magsabi: ‘Halika!’ At ang sinumang nauuhaw ay pumarito; ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.” (Apoc. 22:17) Nang talakayin sa ating 2011 pandistritong kombensiyon ang mga aspekto ng Kaharian ng Diyos, mas lalo tayong nasasabik na sabihing “Dumating nawa ang Kaharian ng Diyos!” Dahil sa katiyakang sinabi ni Jesus, “Ako ay dumarating nang madali,” buong-puso tayong nakikiisa kay apostol Juan sa pagsasabi: “Amen! Pumarito ka, Panginoong Jesus.”—Apoc. 22:20.
Habang hinihintay ninyo ang kapana-panabik na pangyayaring iyan, makatitiyak kayo na mahal na mahal namin ang bawat isa sa inyo—kayong mga kapatid naming nagpapatunay ng inyong pag-ibig kay Jehova “sa gawa at katotohanan”!—1 Juan 3:18.
Ang inyong mga kapatid,
Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova