Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Norway

Nasubukan mo na bang mangaral sa lupaing may mga fjord, kabundukan, yelo, niyebe, at reindeer—sa isang lupaing nasisinagan ng kabigha-bighaning aurora borealis? Ganiyan kaganda ang Norway. Basahin ang tungkol sa mga kapatid na naglakbay gamit ang lantsa at ski para makapangaral sa malalayong lugar, pati na ang kuwento ng isang brother na dumadalo noon kahit nakatapak. Alamin din kung paano nakapanindigan ang mga Kristiyano noong rehimeng Nazi.

Rwanda

Ang mapagsakripisyong pag-ibig na pagkakakilanlan ng mga alagad ni Jesus ay kitang-kita sa kasaysayan ng bansang ito sa Aprika. Sa gitna ng matinding pagkapoot sa ibang lahi na nauwi sa genocide, isinapanganib at ibinuwis ng mga lingkod ni Jehova ang kanilang buhay para protektahan ang isa’t isa. Ito ang di-malilimutang kuwento ng pagbabata sa ilalim ng pag-uusig at pagbabawal at rekord ng katapatan sa harap ng pagsubok, matinding hirap, at takot.