Rwanda
Rwanda
ANG Rwanda ay isa sa pinakamaliit na bansa sa Aprika, pero isa rin ito sa pinakamaganda. Kilala sa tawag na Lupain ng Sanlibong Burol, ito ay may mga bundok, kagubatan, lawa, talon, at di-mabilang na uri ng halaman at hayop. Makikita ang nagtataasang Kabundukan ng Virunga sa may border ng Democratic Republic of the Congo a sa kanluran at ng Uganda sa hilaga. Ang Mount Karisimbi, ang pinakamataas sa kabundukang ito, ay isang bulkang hindi aktibo; may taas na mga 4,480 metro at madalas na puti ang taluktok dahil sa graniso at nagyelong ulan. Sa dalisdis nito, sagana ang kawayan at makakapal na kagubatan, at dito makikita ang papaubos nang mga golden monkey na naglalambitin sa mga sanga at baging. Matatagpuan din dito ang isa sa ipinagmamalaking kayamanan ng Rwanda—ang mountain gorilla.
May mga halamang eksotiko at mayayabong na pananim hanggang sa baybayin ng Lawa ng Kivu at sa Nyungwe Forest. Ang gubat na ito ay tirahan ng mga chimpanzee, black-and-white colobus monkey, at mahigit 70 iba pang mamalya. Mayroon ditong mga 270 uri ng puno at halos 300 uri ng ibon. Pinaganda pa ng maraming paruparo at orkid ang pinangangalagaang lugar na ito.
Mula sa pusod ng Nyungwe Forest, isang maliit na batis ang umaagos pasilangan. Habang dumadaloy, sumasanib dito ang iba pang batis at ilog hanggang sa lumakas at makarating sa Lawa ng Victoria. Mula roon, mabilis na aagos ang tubig at lalo pang lalakas habang patuloy na dumadaloy pahilaga sa Ethiopia, sa Sudan, at pagkatapos ay sa Ehipto, kung saan huhugos ito sa Dagat Mediteraneo. Lahat-lahat, halos 6,825 kilometro ang nilalakbay ng tubig sa ilog na ito, ang Nilo. Kaya naman isa ito sa pinakamahabang ilog sa buong daigdig.
PANAHON NG KAGULUHAN
Nakalulungkot, ang maliit na bansang ito ng Rwanda ay dumanas ng kahindik-hindik na karahasan. Daan-daang libong lalaki, babae, at mga bata ang Ecles. 8:9.
brutal na pinatay sa isa sa pinakamalalang genocide, o paglipol ng lahi, sa modernong panahon. Nagimbal ang buong daigdig sa nakapangingilabot na mga eksena ng karahasan at kalupitan ng tao sa kaniyang kapuwa.—Pero kumusta ang tapat na mga lingkod ni Jehova noong mga panahong iyon at nang sumunod na mga taon? Gaya ng tila mahinang daloy ng tubig mula sa pusod ng Nyungwe Forest, na sa kabila ng mga hadlang at ng matinding init ng araw sa Aprika ay patuloy na umaagos at nagiging isang malaking ilog, gayon nanaig at patuloy na naglingkod ang bayan ni Jehova sa Rwanda. Nabata nila ang matinding pag-uusig at malalaking hamon at napatibay nila ang mga kapatid sa buong daigdig. Maaantig ka sa ulat ng Rwanda na nagtatampok ng pag-ibig, pananampalataya, at katapatan. Matulungan ka nawa nito na lalong pahalagahan ang iyong kaugnayan kay Jehova at ang Kristiyanong kapatiran.
NAGSIMULANG TUMAGOS ANG LIWANAG
Mababasa sa 1971 Yearbook of Jehovah’s Witnesses ang kauna-unahang ulat tungkol sa pangangaral ng mabuting balita sa Rwanda. Sinabi nito: “Noong Marso ng taóng ito [1970], dalawang special pioneer ang nakapasok sa Rwanda at nagsimulang mangaral sa kabisera nito, ang Kigali. Mainit silang tinanggap ng mga tao at marami ang tumugon sa mensahe ng Kaharian. Sumama na sa ministeryo ang isang interesado. Sampung Bible study ang napasimulan ng dalawang payunir sa iilang tao na nagsasalita ng Swahili. Pinagbubuti nila ngayon ang pag-aaral ng wikang Kinyarwanda para mas marami pa silang mapatotohanan.”
Ang dalawang special pioneer na iyon ay ang mag-asawang Oden at Enea Mwaisoba na taga-Tanzania. Hindi pa sila marunong magsalita ng Kinyarwanda kaya nangaral muna sila sa mga nagsasalita ng Swahili, na karamiha’y mula sa Congo o Tanzania. Pagsapit ng Pebrero 1971, apat na mamamahayag na ang nag-uulat. Pero wala pang mga publikasyon sa Kinyarwanda kaya mabagal pa rin ang pagsulong.
Noong 1974, nagpunta sa Rwanda sa unang pagkakataon si Stanley Makumba, isang matapang na tagapangasiwa ng sirkito na naglilingkod noon sa Kenya. Sinabi niya: “Kaunti lang ang bus na bumibiyahe mula sa border ng Uganda patungong Ruhengeri, Rwanda. Táyuan sa trak na sinakyan namin at ni hindi ko man lang naigalaw ang mga paa ko sa sobrang siksikan. Pero buti na lang at nakáupo ang asawa ko sa tabi ng drayber. Pagdating sa Rwanda, hindi ako halos nakilala ng asawa ko dahil puro alikabok ako. Sumakit nang husto ang likod ko dahil sa biyahe kaya nang sumunod na linggo, nagpahayag ako sa mga pulong at sa pansirkitong asamblea nang nakaupo. Kung tungkol naman sa pagdalaw sa mga kapatid, hindi namin masabi sa kanila kung kailan kami darating kasi hindi sigurado ang masasakyan!”
DUMATING ANG BALIK-BAYAN
Nagtatrabaho sa Congo si Gaspard Rwakabubu, tubong Rwanda, bilang isang mekaniko sa minahan ng tanso. Ang sabi niya: “Noong 1974, dumalo ako sa Kingdom Ministry School sa Kolwezi. Sinabi ng isa sa mga instruktor na si Michael Pottage na naghahanap ang tanggapang pansangay sa Kinshasa ng elder na tubong Rwanda at handang tumulong sa gawaing pangangaral doon. Handa ba ako? Kailangan ko itong ipakipag-usap sa asawa kong si Melanie.
“Inaalok ako ng boss ko noon na mag-training sa Germany. Nagustuhan niya ang trabaho ko at regular na tumataas ang suweldo ko. Pero nakapagdesisyon ako agad. Sinabi ko kay Brother Pottage na gusto kong bumalik sa Rwanda. Hindi maintindihan ng boss ko ang desisyong ito. ‘Bakit? Hindi ba puwedeng dito ka mag-Saksi?’ ang tanong niya. ‘Bakit babalik ka pa ng Rwanda?’ May ilan ding nagmamalasakit na brother na nagpayong huwag na akong tumuloy. Sinabi nila: Lucas 14:28-30, umupo ka, at pag-isipan mo ’yang mabuti.’ Pero tumuloy pa rin kami.
‘Apat ang anak mo. Basahin mo ang“Sinagot ng boss ko ang pamasahe namin pabalik ng Rwanda. Nang makarating kami sa Kigali noong Mayo 1975, umupa kami ng bahay na gawa sa brick na putik at lupa ang sahig, ibang-iba sa bahay namin noong nagtatrabaho pa ako sa minahan. Pero pinaghandaan namin ito at determinado kaming magtagumpay.”
Dahil Swahili ang ginagamit na wika ng mga special pioneer mula sa ibang bansa, ang buong akala ng mga tao ay dumating sila para magturo ng wikang iyon. Nabago lang ang kaisipang iyan nang dumating si Gaspard at ang pamilya niya, dahil itinuro nila ang katotohanan tungkol sa Kaharian gamit ang Bibliya sa wikang Kinyarwanda.
Bukod diyan, isinalin ni Gaspard sa Kinyarwanda ang buklet na “Ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian” na may 32 pahina. Inilathala ito noong 1976 at nakatawag-pansin sa marami. Binabasa ito sa bus at sa kalye. Napasimulan ang maraming pag-uusap dahil sa paggamit nito ng pangalang Jehova.
TINANGGAP ANG KATOTOHANAN
Mga 11 lang ang mamamahayag noon sa bansa, at karamihan sa kanila ay hindi mamamayan ng Rwanda. Isa ang palakaibigang si Justin Rwagatore sa mga kauna-unahang Rwandan na natuto ng katotohanan. Nakipag-aral siya sa mga special pioneer mula
sa Tanzania sa wikang Swahili dahil hindi sila marunong mag-Pranses at Kinyarwanda. Nabautismuhan siya noong 1976 at tumira sa Save, ang lugar na unang pinuntahan ng mga Katolikong misyonero noong 1900 sa pahintulot ng hari ng Rwanda. Ayon kay Justin, interesado ang mga tao sa kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya. Pero galít ang mga klero sa mga Saksi ni Jehova at pinagbawalan ang kanilang mga parokyano na makinig sa mga Saksi at tumanggap ng literatura.Si Ferdinand Mugarura, isang brother na malakas ang loob, ay isa rin sa mga unang Rwandan na tumanggap ng katotohanan. Noong 1969, habang nasa silangan ng Congo, nakakuha siya ng aklat na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan sa wikang Swahili. Nang maglaon, nalaman niya kung saan may pinakamalapit na Saksi. Kaya tuwing Biyernes, siya at ang dalawa pa niyang kasama ay maglalakad nang 80 kilometro para dumalo ng pulong at magpa-Bible study at saka maglalakad pauwi nang Lunes. Nabautismuhan si Ferdinand noong 1975 kasabay ang isa sa kaniyang mga Bible study. Noong 1977, naatasan siya bilang special pioneer sa Rwanda. Sinabi niya na noong 1976, isang pansirkitong
asamblea ang idinaos sa bahay ng mga Rwakabubu. Sa 34 na dumalo, 3 ang nabautismuhan.HINDI PINAPASOK ANG MGA MISYONERO
Laging alerto ang Lupong Tagapamahala sa pangangailangan ng pambuong-daigdig na gawain, kaya nagpadala sila ng mga misyonero sa Rwanda. Noong 1969, apat na graduate ng ika-47 klase ng Watchtower Bible School of Gilead ang inimbitahan na maglingkod doon.
Naaalala ni Nicholas Fone: “Bago magtapos ang Enero, iniabot ni Brother Knorr ang mga atas namin. Narinig namin nang sabihin niya kina Paul at Marilyn Evans na sa Rwanda sila ipapadala. Pagkatapos ay sinabi niya sa aming mag-asawa: ‘At sasama kayo sa kanila!’ Ang saya-saya namin! Pagkatapos ng miting, nagpunta kami agad sa aklatan ng Gilead at kumuha ng isang malaking atlas para hanapin ang Rwanda. Pero di-nagtagal, nakatanggap kami ng sulat na nagsasabing hindi kami maikuha ng permit para
makapasok sa Rwanda. Nalungkot kami, pero nabigyan naman kami ng atas sa Congo kasama nina Paul at Marilyn.”Noong 1976, dalawang mag-asawa pa ang inatasan sa Rwanda; mula sila sa ika-60 klase ng Gilead. Nang makapasok ng bansa, nangupahan ang apat na misyonerong ito, walang-takot na nangaral, at nagsimulang mag-aral ng Kinyarwanda. Nang mapasó ang visa nila pagkaraan ng tatlong buwan, hindi na ito ni-renew ng Immigration Deparment. Kaya ang mga misyonero ay inatasan sa Bukavu, silangan ng Congo.
“ANG SISIGASIG NILA”
Noong kalagitnaan ng dekada ’70, ang mga special pioneer mula sa Tanzania at Congo ay umalis ng Rwanda dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Samantala, nagsimulang magpayunir ang mga brother na Rwandan para makapangaral sa bawat sulok ng bansa. Pagkatapos, noong 1978, dalawang tract ang isinalin sa Kinyarwanda, pati na ang aklat na Katotohanan. Nagkaroon din sila ng buwanang edisyon ng Ang Bantayan. Nakatulong ang mga publikasyong iyon para mapasulong ang gawaing pangangaral. Ganito ang sinabi ng misyonerong si Manfred Tonak tungkol sa mga payunir na Rwandan noong panahong iyon: “Ang sisigasig nila sa ministeryo. Tinularan sila ng mga baguhan.”
Ikinuwento ni Gaspard Niyongira kung paano lumaganap noon ang mabuting balita. “Nang panahong mabautismuhan ako noong 1978, medyo kabado na ang mga klero dahil dumarami ang napupunta sa katotohanan. Daan-daan ang dumadalo sa mga asamblea. Kapag nangangaral kami, para kaming balang! Madalas, mga 20 mamamahayag ang nagtatagpo sa plasa ng Kigali at nangangaral hanggang Kanombe, mga siyam na kilometrong distansiya. Pagkapananghali, mangangaral naman sila hanggang Masaka, na pitong kilometro ang layo. Gabi na sila makakabalik ng Kigali sakay ng bus. Ganoon din ang ginagawa ng mga mamamahayag sa ibang bahagi ng bansa. Hindi kataka-taka na dahil sa puspusang pangangaral na ito, inakala ng mga tao na libu-libo ang mga Saksi ni Jehova. Kaya kung anu-anong paratang ang ibinato sa atin at naimpluwensiyahan nito ang mga awtoridad para hindi tayo kilalaning legal.”
Sabik na sabik ang mga kapatid sa Rwanda na makasama ang mga kapatid na tagaibang bansa. Kaya noong Disyembre 1978, mga 37 mula sa Rwanda, kasama na ang mga bata, ang bumiyahe nang mahigit 1,200 kilometro papuntang Nairobi, Kenya, para dumalo sa “Victorious Faith” na Internasyonal na Kombensiyon. Mahirap ang biyahe. Hindi maaasahan ang transportasyon at madalas tumirik ang mga sasakyan. Gayundin, dadaan sila sa Uganda na kasalukuyang magulo ang pulitika. Pagdating ng mga delegado sa border ng Uganda at Kenya, pinagbintangan sila ng mga opisyal ng Uganda bilang mga espiya. Inaresto sila at dinala sa himpilan ng militar sa Kampala, Uganda. Si Idi Amin, na presidente noon ng Uganda, ang mismong nagsiyasat sa kanila. Nakumbinsi naman
siya sa kanilang mga sagot kaya pinalaya niya sila. Hindi man umabot ang mga kapatid sa unang araw ng kombensiyon sa Nairobi, masayang-masaya silang makita ang libu-libong kapananampalataya mula sa maraming bansa na mapayapang magkakasama.MGA PAGSISIKAP PARA MAGING LEGAL
Hindi lahat ay natuwa sa katotohanan sa Bibliya at mataas na pamantayang moral na itinuturo ng mga Saksi ni Jehova. Inis na inis ang klero dahil napakaraming tumutugon sa mensahe. Naaalala ni Brother Rwakabubu: “Maraming aktibong Katoliko, Protestante, at Adventist ang sumulat sa kani-kanilang simbahan para tumiwalag. Sabi nga ng isang brother, parang apoy na lumamon sa mga naunang relihiyon ang gawaing pangangaral. Mahigit 200 na ang dumadalo sa mga pulong ng Kigali Congregation. Noong kakaunti pa lang tayo, walang pakialam sa atin ang klero. Pero nang dumami na, inakusahan na tayo ng ilan bilang banta sa bansa. Kapansin-pansin na noon din naging miyembro ng komite ng nanunungkulang partido-pulitikal si Vincent Nsengiyumva, arsobispo ng Simbahang Katoliko sa Rwanda.
“Dahil napakabilis nating dumami, kailangan nang maging legal ang gawain para makapagpasok tayo ng mga misyonero, makapagtayo ng mga Kingdom Hall, at makapagdaos ng malalaking asamblea. Isinaayos ng sangay sa Kenya na makipag-usap sa gobyerno ang taga-Belgium na si Ernest Heuse at humiling ng legal na pagkilala, pero nabigo siya. Noong 1982, inirekomenda ng sangay sa Kenya na sumulat kami sa Minister of Justice at sa Minister of the Interior. Pumirma ako sa sulat na ito kasama ang dalawa pang special pioneer. Pero walang sagot ang awtoridad.”
Samantala, tumindi pa ang pagsalansang. Ayon kay Antoine Rugwiza, isang tahimik at nirerespetong brother, narinig niyang sinabi ng presidente sa radyo na hindi nito hahayaang yurakan ng sinuman ang kinamulatang relihiyon sa Rwanda. Alam ng lahat na ang mga Saksi ni Jehova ang pinatatamaan ng presidente. Kaya di-nagtagal, pinagbawalan ang mga kapatid na magpulong. Napabalita rin na magkakaroon ng mga pag-aresto. Dalawang beses ipinatawag si Brother Rwakabubu ng State security para sa interogasyon.
Noong Nobyembre 1982, ipinadala si Kiala Mwango, kasama ang asawa niyang si Elaine, mula sa Nairobi para pangasiwaan ang mga pansirkitong asamblea sa Butare, Gisenyi, at Kigali. Si Brother Rwakabubu ang chairman ng komite ng asamblea. Katatapos lang ng asamblea sa Kigali nang ipatawag siya ng State security sa ikatlong pagkakataon. Pero ngayon, hindi na siya nakauwi! Sa loob lang ng apat na araw, naaresto ang dalawa pang special pioneer na pumirma sa kahilingang kilalaning legal ang ating gawain. Silang tatlo ay ikinulong nang wala man lang paglilitis ni utos ng korte. Inaresto rin ang ibang kapatid. Ipinasara at ikinandado ang Kingdom Hall. At sumulat ang Minister of Justice sa mga distrito para ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova.
Noong Oktubre 1983 lang nilitis ang tatlong brother na pumirma sa kahilingang mairehistro ang gawain. Inakusahan sila ng korte ng panggagantso at pandaraya—mga akusasyong walang basehan. Wala ni isang testigo o dokumentong ipinakita bilang ebidensiya. Pero sinentensiyahan pa rin ang tatlong brother ng dalawang-taóng pagkabilanggo. Nang magbigay ng amnestiya, napalaya ang mga nahatulang kriminal
pero hindi ang tapat na mga kapatid na ito. Sa Gisenyi, lima pang Saksi ang nakulong nang halos dalawang taon nang walang ibinabang hatol o utos ng korte.BUHAY SA BILANGGUAN
Miserable ang buhay sa kulungan. Isang beses lang sa maghapon ang pagkain—kamoteng kahoy at beans; minsan lang sa isang buwan ang karne. Tadtad ng surot ang higaan, at sa dami ng preso, sa sahig na lang natutulog ang iba. Kaunti lang ang tubig na panligo o panlaba. Kasama ng mga brother sa selda ang pusakal na mga kriminal. Malulupit ang mga bantay, pero isa sa kanila, si Jean Fataki, ay mabait sa mga kapatid. Nakipag-aral siya ng Bibliya, nabautismuhan, at nagpapayunir hanggang ngayon.
Natatandaan pa ni Brother Rwakabubu: “Noong nakakulong kami, nagmisa sa bilangguan ang arsobispo. Sinabihan niya ang mga tagapakinig na mag-ingat sa mga Saksi ni Jehova. Pagkatapos ng misa, tinanong kami ng ilan sa mga Katolikong naroon kung bakit sinabi iyon ng arsobispo. Nagtataka sila dahil tingin nila, hindi naman mapanganib ang mga Saksi.”
Samantala, dumating sa Kigali ang taga-Belgium na sina Roger at Noella Poels. May kontrata sa trabaho si Roger. Dahil nakakulong pa rin ang tatlong brother, nakipag-usap si Roger sa Minister of Justice para ipaliwanag ang ating paniniwala at magalang na itanong kung ano ang ayaw ng gobyerno sa mga Saksi ni Jehova. Pinutol agad ng opisyal ang pag-uusap sa pagsasabi: “Mr. Poels, ayoko nang makipag-usap sa iyo! Sasakay ka sa susunod na flight pabalik sa Brussels. Lumayas ka sa bansa namin!”
Matatag ang tatlong brother at hindi sila natinag; tinapos nila ang dalawang-taóng sentensiya. Pero sa ikalawang taon, inilipat sila sa bilangguan na medyo mas maganda ang kalagayan. Pinalaya sila noong Nobyembre 1984.
TUMINDI ANG PAG-UUSIG
Patuloy ang pagsalansang. Ibinrodkast sa radyo na ang mga Saksi ni Jehova ay masasamang tao at mga ekstremista. Pagtuntong ng Marso 1986, kabi-kabila na ang pag-aresto. Arestado si Augustin Murayi, na dahil sa neutralidad ay pinatalsik bilang director general ng Ministry of Primary and Secondary Education. Inulan siya ng batikos sa mga pahayagan at lalo na sa radyo.
Inaresto rin ang ibang kapatid, pati ang mga sister na nagdadalang-tao at may maliliit na anak. Sa pagtatapos ng 1986, inilipat sila sa pambansang bilangguan sa Kigali at naghintay ng paglilitis. Dahil sa pagtangging kumanta ng makabayang awitin, magsuot ng badge bilang pagsuporta sa presidente, at bumili ng card ng pulitikal na partido, inisip ng mga tao na ang mga Saksi ni Jehova ay laban sa gobyerno at may planong pabagsakin ito.
Nangingiti si Phocas Hakizumwami habang naaalala: “Ang mga kapatid sa kongregasyon sa Nyabisindu ang mga unang naaresto. Alam naming kami na ang susunod at naisip naming maiiba na ang teritoryo namin—mula sa labas ng bilangguan tungo sa loob. Kaya nagpasiya kaming tapusin muna ang teritoryo namin sa
‘labas.’ Nagpunta kami sa mga palengke at nakapag-iwan ng maraming magasin at aklat. Nanalangin kami kay Jehova na sana’y makubrehan namin ang teritoryo bago kami mabilanggo. Tinulungan niya kami at natapos nga namin ang teritoryo noong Oktubre 1, 1985. Pagkaraan ng pitong araw, nakulong kami.”Nang sumunod na taon, inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang Palatin at Fatuma Nsanzurwimo. Matapos ang walong oras na interogasyon at paghalughog sa kanilang bahay, dinala sila sa bilangguan kasama ang tatlo nilang anak. Habang papunta sa bilangguan, sinundan sila ng nakababatang kapatid na lalaki ni Palatin. Kinupkop nito ang kanilang anak na lalaki na edad lima at ang babae na edad apat. Ibinilanggo sina Palatin at Fatuma kasama ang kanilang 14-na-buwang sanggol. Nang maglaon, inilipat sa ibang bilangguan si Fatuma at nakalaya lamang pagkaraan ng siyam na buwan.
Nang panahon ding iyon, na-expel sa paaralan ang apat na anak ni Jean Tshiteya. At nang minsang umuwi siya, mga bata lang ang nadatnan niya; hinalughog pala ang bahay nila at inaresto ang misis niya. Di-nagtagal, si Brother Tshiteya naman ang inaresto. Kasama na siya ng kaniyang asawa at iba pang mga kapatid sa bilangguan sa Butare. Lahat ng bilanggong Saksi sa Butare ay inilipat sa bilangguan sa Kigali. Pero kinupkop ng mga kapatid sa Kigali ang mga anak ni Brother Tshiteya.
Naaalala ni Brother Tshiteya: “Kapag inililipat sa bilangguan sa Kigali ang mga kapatid na galing sa mga bilangguan sa ibang rehiyon, masaya silang nagbabatian ng ‘Komera!’ na ang ibig sabihin ay ‘Lakasan n’yo ang loob n’yo!’ Nang marinig ito ng isa sa mga bantay, sinabi niya: ‘Mga baliw! Uubra ba ang lakas ng loob n’yo dito sa bilangguan?’”
Kahit sunud-sunod ang pag-aresto, hindi nasiraan ng loob ang mga tapat-puso, at may maganda pa ngang resulta. Kasama sa mga naaresto ang masigla at masayahing sister na si Odette Mukandekezi. Ikinuwento niya: “Noong panahon ng pag-uusig, inaaresto at ginugulpi ang mga kapatid. Isang araw, may nakilala kaming bata na nagpapastol ng mga baka. Josephine ang pangalan niya. May Bibliya siya at nabasa niyang ang mga Kristiyano noon ay siniraan, pinag-usig, hinagupit, at
ibinilanggo. Dahil alam niyang inuusig ang mga Saksi, naisip niyang sila ang tunay na relihiyon. Nagpa-Bible study siya at bautisado na ngayon.”Noong panahon ng pagbabawal, nagtatrabaho bilang drayber ng trak si Gaspard Niyongira at madalas siyang bumiyahe patungong Nairobi, Kenya. Nakapagpupuslit siya ng literatura pabalik ng Rwanda. Inilalagay niya ito sa isang pasadyang kahon sa kaniyang trak. Anim na karton ng literatura ang kasya rito. Si Henry Ssenyonga naman, mula sa kanluran ng Uganda, ay regular na nagdadala ng mga magasin patawid ng border sakay ng kaniyang motorsiklo.
Nagpupulong ang mga kongregasyon sa maliliit na grupo. Kapag natunugan ito ng mga awtoridad, hinahalughog nila ang lugar. Sinabi ni Brother Niyongira: “May ekstensiyon ang bahay namin at doon kami patagong nagpupulong. Ibinabalot namin sa plastik ang mga literatura, ibinabaon sa lupa, at saka ito tinatabunan ng uling.”
Habang nagaganap ang mga pag-aresto, nakadalo naman ang bagong-bautisadong si Jean-Marie Mutezintare sa di-malilimutang internasyonal na kombensiyon na “Mga Tagapag-ingat ng Katapatan” sa Nairobi noong Disyembre 1985. Hiningi niya at ng kasama niyang
si Isaie Sibomana ang mga magasin ng mga kapatid sa kanluran ng Uganda para dalhin pabalik ng Rwanda. Pero pagdating sa border, nasakote ito ng mga awtoridad. Inaresto sila, pinosasan, inimbestigahan, at saka ipiniit sa selda. Di-nagtagal, nasa bilangguan na sila ng Kigali. Tuwang-tuwa ang mga 140 kapatid na nakakulong doon nang ibalita ng dalawang brother ang tungkol sa kombensiyon sa Nairobi. Talagang napatibay at napalakas ng balitang dala nila ang mga kapatid!Nagsaayos ng pulong at ng pangangaral ang mga kapatid na nakabilanggo. Kasabay nito, tinuruan din nilang bumasa’t sumulat ang ilang bilanggo. Nagdaos sila ng mga Bible study at inihanda ang mga bagong mamamahayag para sa bautismo. Ang ilan sa kanila ay nag-aaral na ng Bibliya nang maaresto at ang iba naman ay natuto ng katotohanan sa loob ng bilangguan.
“DUMALAW” SA BILANGGUAN ANG TAGAPANGASIWA NG SIRKITO
Inilarawan ng isang brother ang mga nangyari sa bilangguan sa Kigali noong 1986: “Ang daming kapatid doon. Nagmiting kami para pag-usapan kung paano matutulungan ang mga kapatid sa labas ng bilangguan. Napagkasunduan naming sulatan sila para patibayin. Sinabi naming kapag natapos na ang pangangaral sa loob ng bilangguan, lalabas na kami. Nagpupunta kami sa bawat kama para mangaral at mag-Bible study. Nang maglaon, nabalitaan naming dumadalaw sa mga kongregasyon ang tagapangasiwa ng sirkito. Gusto rin sana naming madalaw kami kaya nanalangin kami kay Jehova. Di-nagtagal, nabilanggo sa ikalawang pagkakataon si Brother Rwakabubu,
ang tagapangasiwa ng sirkito. Sa tingin namin, nakulong siya para madalaw kami.”Isang brother lang ang nakipagkompromiso noong panahon ng pag-uusig. Nang isuot niya ang pulitikal na badge, sinuntok, sinipa, ininsulto, at tinawag siyang duwag ng mga bilanggong hindi Saksi. Tinanong siya ng misis niyang nagba-Bible study noon kung bakit hindi siya nanatiling tapat. Nang maglaon, sumulat siya sa mga huwes at sinabing nagkamali siya at isa pa rin siyang Saksi ni Jehova. Sumulat din siya sa tanggapang pansangay sa Kenya para humingi ng tawad. Tapat na uli siyang naglilingkod kay Jehova.
PATULOY ANG PANGANGARAL SA LABAS
Hindi nabawasan ang sigasig sa pangangaral ng mga nasa labas, na nag-uulat ng average na 20 oras bawat buwan. Ganito ang naaalala ni Alfred Semali, na hindi nakulong noon: “Kahit hindi ako nabilanggo, lagi kong iniisip na makukulong ako at handa ako. Ipinasara ang Kingdom Hall, kaya maliliit na grupo kami kung magtipon at mangaral. Inilalagay ko sa brown envelope ang mga magasin, nagpupunta sa bayan na para bang naghahanap ng trabaho, at saka tumitiyempo para ialok ang mga magasin at matalakay ang Bibliya.
“Noong 1986, maraming kapatid at interesado ang nabilanggo, kahit nga ang mga bagong Bible study pa lang. Hanga ako sa tibay ng mga kapatid at kahit ng mga baguhan. Sumulat naman ang mga Saksing tagaibang bansa para iprotesta sa presidente ng Rwanda ang di-makatarungang pagtrato sa mga kapatid. Sa isang brodkast sa radyo, sinabi niyang daan-daang sulat ang natatanggap niya araw-araw. Maganda ang resulta nito. Nang sumunod na taon, ipinag-utos ng
presidente na palayain ang mga kapatid pati na ang mga interesado. Tuwang-tuwa kami.” Nang makalaya, agad na nagsaayos ang mga elder ng bautismo sa Kigali at 36 ang nabautismuhan—34 sa kanila ang nag-auxiliary pioneer!Sa kasagsagan ng pag-uusig noong 1986, may average na 435 mamamahayag ang nag-ulat; sa mga ito, mga 140 ang nasa bilangguan. Ang mga Saksing ito ang bumubuo sa matibay na organisasyon ni Jehova sa Rwanda. Ang kanilang pananampalataya ay subók sa tibay.—Sant. 1:3.
Sa wakas, matapos ang maligalig na dekadang iyon ng 1980, nagkaroon ng isang yugto ng kapayapaan at sumulong ang mga kongregasyon sa Rwanda. Pero ano kayang kinabukasan ang naghihintay? Marami pa ang yumakap sa katotohanan. Magiging matatag din kaya ang mga baguhang ito? (1 Cor. 3:10-15) Kakayanin ba nila ang mga pagsubok na darating? Panahon lang ang makapagsasabi.
GIYERA AT GULO SA PULITIKA
Pagsapit ng 1990, halos 1,000 na ang aktibong mamamahayag sa Rwanda. Pero gumugulo ang sitwasyon sa pulitika, at noong Oktubre, pinasok ng Rwandan Patriotic Front (RPF) mula sa Uganda ang hilagang bahagi ng Rwanda.
Si Ferdinand Mugarura, isang matapang na brother na dalawang beses nang nakulong dahil sa kaniyang pananampalataya, ay nakatira sa Ruhengeri nang magsimula ang paglusob. Ikinuwento niya: “Laganap ang poot at alitan ng mga tribo. Pero nanatiling neutral ang mga Saksi ni Jehova at hindi nakisangkot sa away-pulitika o pagtatangi ng lahi. Dahil ayaw makompromiso,
iniwan ng ilan ang kanilang mga tahanan, ang iba nama’y nawalan ng trabaho.”Isang biyudang sister, na guro at may tatlong anak, ang tumangging magbigay ng kontribusyon sa militar. Inireport siya ng kanilang head teacher. Inaresto siya at nabilanggo sa ikalawang pagkakataon; una siyang nakulong noong dekada ’80. Nang lusubin ng rebeldeng hukbo ang bayan kung saan siya nakabilanggo, pinasok ang bilangguan at tumakas ang lahat, maliban sa sister na ito. Nang umatras ang rebeldeng hukbo, inaresto na naman siya at inilipat sa bilangguan sa Kigali. Habang nakabilanggo, nanalangin siya na sana’y malaman niya ang petsa ng Memoryal dahil ayaw niyang mapalampas ito. Hindi siya makapaniwalang pinalaya siya noon mismong araw ng Memoryal! Dahil sa kaniyang neutralidad, nawalan siya ng bahay at ng propesyon, pero naging masigasig na payunir siya.
Pansamantalang nahinto ang paglusob mula sa Uganda nang mamagitan ang ibang bansa. Noong 1991, gumawa ng mga hakbang para bumuo ng iba’t ibang partido pulitikal, pero nagbunsod ito ng espiritu ng rehiyonalismo at pag-aalitan ng mga tribo. May mga partidong makatuwiran naman ang plataporma, pero ang iba ay militante at ekstremista. Sa kauna-unahang pagkakataon, napahalagahan ang neutralidad ng mga Saksi. Dahil walang partido o tribong pinanigan ang mga Saksi, hindi na sila itinuring na kalaban ng gobyerno o ng mga tao.
Setyembre 1991 nang bisitahin ng isang internasyonal na delegasyon ng mga kapatid, kasama ang mga taga-Rwanda na sina Gaspard Rwakabubu at Tharcisse Seminega, ang prominenteng mga opisyal ng gobyerno sa Kigali. Nakipag-usap ang mga brother
sa bagong Minister of Justice, at pinakinggan naman sila nito. Nagpasalamat ang mga brother sa magagandang hakbang na ginawa ng opisyal at hinikayat siyang ipagpatuloy pa ito at bigyan sila ng ganap na kalayaan sa relihiyon.Noong Enero 1992, bago pa maigawad ang legal na pagkilala, ang mga kapatid ay nagdaos ng pandistritong kombensiyon sa Kigali. Tandang-tanda pa ito nina Godfrey at Jennie Bint. “Nasa Uganda kami noon. Nagulat kami nang sumulat ang tanggapang pansangay sa Kenya. Pinapupunta kami sa Rwanda nang tatlong linggo para tumulong sa paghahanda ng kombensiyon at pagrerekord ng drama. Napakabait ng mga kapatid, at araw-araw, iba’t ibang pamilya ang nag-aanyaya sa aming kumain. Isang pribadong soccer stadium ang inarkila, at marami na ang naihanda bago kami dumating. Planado na ang rekording ng drama, at maganda ang kinalabasan nito kahit limitado ang kagamitan. Bagaman hindi nakakuha ng permisong magbiyahe ang maraming kapatid na taga-hilaga ng bansa at sarado ang mga border sa Burundi at Uganda, 2,079 ang dumalo ng Linggo, at 75 ang nabautismuhan.”
LEGAL NA SA WAKAS!
Pagkaraan ng ilang buwan, noong Abril 13, 1992, ang gawain ng mga Saksi ni Jehova ay sa wakas—at sa kauna-unahang pagkakataon
—legal nang nairehistro sa Rwanda! Tapos na ang mahabang panahon ng pagtitiis sa pagbabawal, panliligalig, at pagbibilanggo. Isang bagong yugto ng teokratikong pagsulong at paglago ang maaasahan ng mga kapatid.Hindi nag-aksaya ng panahon ang Lupong Tagapamahala; nagpadala agad sila ng mga misyonero. Si Henk van Bussel, dating naglilingkod sa Central African Republic at Chad, at sina Godfrey at Jennie Bint, na galing naman sa Zaire (ngayo’y Democratic Republic of the Congo) at Uganda, ang unang mga misyonero na nabigyan ng visa para manirahan sa bansa. Isang Komite ng Bansa ang inatasang mangasiwa sa gawaing pangangaral.
Ikinuwento ni Brother Bint ang nangyari pagdating nila kasama si Henk van Bussel: “Nakakita kami ng bahay na puwedeng maging missionary home, at malapit lang ito sa Kingdom Hall. Nag-aral kami agad ng Kinyarwanda at hindi pala biro iyon, gaya ng sabi ng mga unang special pioneer noong 1970. Ganito ang payo ng isang textbook: ‘Ang pinagtambal na mga letrang CW ay binibigkas na TCHKW!’ Tanda pa namin ang sinabi ng sister na nagtuturo sa amin, ‘Mabibigkas n’yo lang nang tama ang “shy” sa “isi nshya” [bagong lupa], kung ngingiti kayo!’”
Nang taóng iyon, isang bagong peak na 1,665 mamamahayag ang naabot, at noong Enero 1993, isa pang pandistritong kombensiyon ang idinaos sa Kigali. Ang dumalo ay 4,498, at 182 ang nabautismuhan. Si Kiala Mwango ang kinatawan ng sangay sa Kenya. Sinong makapagsasabi na pagtawid lang ng kalsada mula sa istadyum na pinagdadausan ng kombensiyon, isang tanggapang pansangay pala ang itatayo pagsapit ng 2006!
Sa kabila ng isa na namang pagsalakay mula sa hilaga, patuloy ang pangangaral. Pagtuntong ng 1993, malapit na sa Kigali ang rebeldeng hukbo. Sarado pa rin ang mga border patungong Uganda, at dinig na dinig ang mga putukan sa mga burol malapit sa Kigali. Mga isang milyon katao ang lumikas mula sa hilaga ng bansa. Kabilang dito ang 381 kapatid, na pinangalagaan ng mga kapatid sa Kigali at kalapit na mga bayan. Isang negosasyon ang ginanap sa Arusha, Tanzania, at nagkasundo ang magkalabang puwersa na magkaroon ng tigil-putukan at ng isang neutral na lugar. Pumayag ang gobyerno na magkaroon ng kapangyarihan ang lumulusob na puwersa at ang malalaki’t maliliit na partido pulitikal.
ISANG NAPAKAESPESYAL NA ASAMBLEA!
Isang special assembly ang nakaiskedyul nang taóng iyon sa Kigali Regional Stadium. Ang problema, may iba pa palang naka-book nang araw na
iyon—isang laban ng soccer nang 3:00 n.h. Naidaos ang pang-umagang sesyon, pero bago magsimula ang panghapong sesyon, nagdatingan na ang mga manonood ng soccer, at hindi na sila mapigilan ng mga pulis. Ayon sa manedyer ng istadyum, alas seis pa matatapos ang laro. Kaya umalis muna ang mga kapatid at bumalik nang alas seis para sa natitirang programa.Kaso, may curfew at hindi na puwedeng bumiyahe ang mga sasakyan paglampas ng alas seis at wala nang taong puwedeng lumabas paglampas ng alas nuebe. Buti na lang at nang bandang 7:00 n.g., inianunsiyo sa radyo na gagawing 11:00 n.g. ang curfew. Kaya lang, may isa pang problema—hindi sigurado kung may kuryente para sa mga ilaw na gagamitin. Pero dahil hindi tumupad sa kasunduan ang pangasiwaan ng istadyum, sinagot ng mayor ng Kigali ang ilaw. Nagsaayos pa nga siya ng libreng transportasyon para sa mga kapatid pagkatapos ng programa. Kaya naidaos ang buong asamblea. Laking gulat ng mga kapatid na paglabas ng istadyum, napakaraming bus ang naghihintay sa kanila!
Natatandaan pa ni Günter Reschke ang pagbisita niya sa Rwanda sa pagtatapos ng Setyembre 1993. Sinabi niya: “Ipinadala ako sa Kigali ng sangay sa Kenya para magturo ng Kingdom Ministry School kasama si Brother Rwakabubu. May 63 elder lang noon sa Rwanda, pero 1,881 na ang mamamahayag. Tumitindi ang tensiyon sa bansa, at nabalitaan naming may mga sagupaan na sa hilaga. Siyempre, walang nakakaalam noon na may terible palang mangyayari, pero tiyak na nakapagbigay ng pagkain sa tamang panahon ang paaralan. Pinatibay nito ang pananampalataya ng mga elder at inihanda sila sa pagpapastol, na
kailangang-kailangan para maharap ang malalagim na araw ng giyera.”MGA PLANONG MAGKAROON NG TANGGAPAN
Sa pagtatapos ng Marso 1994, dumating ang mag-asawang Leonard at Nancy Ellis mula sa Nairobi para dumalo sa mga special assembly at tumulong sa departamento ng pagsasalin. Inirerekomenda ng sangay sa Kenya na pagsamahin ang missionary home at ang opisina sa pagsasalin sa Rwanda. Kaya noong Lunes, Abril 4, ang Pag-aaral sa Bantayan ay dinaluhan ng pinalaking grupo ng mga tagapagsalin, ng Komite ng Bansa, ng mga misyonero, at ng mag-asawang Ellis. Nakakatuwa—simula na ng ekspansiyon.
Nang matapos nina Brother at Sister Ellis ang kanilang atas, umalis na sila ng Kigali, walang kamalay-malay
sa mga susunod na mangyayari. Kinabukasan, bandang hapon, tumawag si Brother Rwakabubu sa missionary home para ibalitang hindi na interesado ang embahada ng Russia sa loteng pinaplanong pagtayuan ng tanggapan. Puwede na itong makuha ng mga Saksi ni Jehova, at makikipagmiting sila sa mga opisyal kinaumagahan ng Huwebes, Abril 7. Pero sayang at hindi na natuloy ang miting na iyon.UBUSAN NG LAHI
Noong Miyerkules ng gabi, Abril 6, isang eroplano ang pinabagsak malapit sa Kigali. Sakay nito ang mga presidente ng Rwanda at Burundi. Walang nakaligtas. Kaunti lang ang nakaalam sa pangyayari nang gabing iyon; walang ibinalita ang opisyal na istasyon ng radyo.
Hindi malilimot ng tatlong misyonero—si Brother Henk at ang mag-asawang Bint—ang sumunod na
mga araw. Ikinuwento ni Brother Bint: “Maagang-maaga noong Abril 7, ginising kami ng mga putok ng baril at pagsabog ng granada. Hindi na bago iyon dahil ilang buwan nang nagkakagulo sa pulitika. Pero habang naghahanda kami ng almusal, tumawag si Emmanuel Ngirente, na nasa opisina ng pagsasalin. Narinig niya sa isang istasyon ng radyo na kasamang namatay sa pagbagsak ng eroplano ang dalawang presidente, at na nagbabala ang Ministry of Defense na huwag lumabas ng bahay ang lahat sa Kigali.“Mga alas nuebe ng umaga, nilooban ang kapitbahay namin. Tinangay ang kotse nila at pinatay ang ina ng pamilya.
“Di-nagtagal, kami naman ang binalingan ng mga sundalo at mang-uumog. Kinalampag nila ang gate at hindi tinantanan ang doorbell. Pero tahimik lang kami at hindi lumabas. Ang nakapagtataka, hindi nila pinuwersa ang gate; basta lumipat na lang sila sa ibang bahay. Patuloy ang putukan; imposibleng lumabas ng bahay. Lumayo kami sa mga dingding para hindi tamaan ng ligáw na bala. Tinipid namin ang aming pagkain kasi alam naming magtatagal ang sitwasyon. Isang beses sa isang araw lang kami kung kumain. Isang araw pagkapananghali, habang nakikinig ng mga balita mula sa ibang bansa, sumigaw si Henk, ‘Sumasampa na sila sa bakod!’
“Wala nang panahon para mag-isip. Tumakbo kami agad sa banyo at nag-lock ng pinto. Nanalangin kami kay Jehova na sana’y makayanan namin ang anumang mangyayari. Pero hindi pa kami nakakatapos manalangin, hayan na ang milisya at mga mang-uumog. Ilang saglit lang, napasok na nila ang bahay; nagsisigaw sila at pinagtataob ang mga gamit namin. Mga 40 ang pumasok sa bahay—mga lalaki, babae, at
bata—kasama ang milisya. Nakarinig din kami ng mga putok habang pinag-aagawan nila ang mga gamit namin.“Mga 40 minuto lang ’yon, pero parang napakatagal. Tapos, binalingan nila ang pinto ng banyo. Dahil naka-lock, pinupuwersa nila ito. Naisip namin na kailangan na naming lumabas. Nagwawala sila at bangag sa droga. Inambaan kami ng itak at kutsilyo. Panay ang makaawa ni Jennie sa Diyos na Jehova. Inihataw ng isang lalaki ang tagiliran ng kaniyang itak sa leeg ni Henk. Bagsak si Henk sa bathtub. Buti na lang, nakahanap ako ng pera at ibinigay ko sa mga mang-uumog. Pinag-awayan nila ito.
“Napansin naming nakatitig sa amin ang isang lalaki. Hindi namin siya kilala, pero namukhaan niya kami, siguro dahil sa pangangaral. Itinulak niya kami pabalik sa banyo at pinag-lock ng pinto. Siya raw ang bahala sa amin.
“Tuloy ang paghahalughog na tumagal pa nang mga 30 minuto, at sa wakas ay tumahimik. Bumalik ang kabataang lalaki para sabihing puwede na kaming lumabas. Pinagmadali niya kami at sinamahan palabas. Wala na kaming dinala kahit ano. Takót na takót kami. Nakahandusay sa daan ang bangkay ng ilang kapitbahay namin. Dalawang Presidential Guard ang naghatid sa amin sa kalapit na bahay ng isang opisyal ng militar. Dinala naman kami ng opisyal sa Mille Collines Hotel, na tinakbuhan din ng iba. At noong Abril 11, inilikas kami papuntang Kenya. Nakakanerbiyos ang maraming oras na kasama ng militar. Idinaan nila kami sa ibang ruta papunta sa likod ng airport. Pagdating sa lobby ng Bethel sa Nairobi, ang dungis namin at gulu-gulo ang buhok. Si Henk, na nahiwalay sa amin noong lumilikas kami, ay nakarating din
makaraan ang ilang oras. Inalagaan kami nang husto at inasikaso ng pamilyang Bethel.”DAHIL SA DASAL NG ISANG MALIIT NA BATA
Isang araw matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng mga presidente ng Rwanda at Burundi, anim na sundalo ang pumunta sa bahay nina Brother Rwakabubu. Pulang-pula ang mga mata nila, amoy alak, at bangag na bangag. Naghahanap sila ng armas. Sinabi ni Brother Rwakabubu na mga Saksi ni Jehova ang kaniyang pamilya at wala silang mga sandata.
Dahil alam ng mga sundalo na neutral ang mga Saksi ni Jehova at hindi sumusuporta sa gobyerno sa pagbili ng sandata, nagalit sila. Hindi Tutsi sina Gaspard at Melanie Rwakabubu. Pero hindi lang mga Tutsi ang pinapatay ng milisyang Hutu Interahamwe. Puntirya din nila ang mga Hutu na walang pinapanigan, lalo na kung pinaghihinalaang nakikisimpatiya ang mga ito sa mga Tutsi o sa mga rebelde.
Pinagpapalo ng mga sundalo ang mag-asawa at dinala sila, kasama ang kanilang mga anak, sa isang kuwarto. Tinanggal nila ang mga sapin ng kama at itinalukbong sa pamilya. May hawak na granada ang ilan kaya malinaw ang balak nila. Nagtanong si Gaspard, “Puwede ba muna kaming manalangin?”
Sagad ang tutol ng isa sa mga sundalo. Pero matapos mag-usap-usap, pumayag na rin sila. “OK,” ang sabi nila, “dalawang minuto lang.”
Tahimik silang nanalangin. Pero malakas ang panalangin ng anim-na-taóng gulang na si Deborah Rwakabubu: “Diyos na Jehova, papatayin po nila kami. Pero paano po namin mababalikan ni Papa ang mga nabahay-bahay namin, e nakapag-place pa naman ako
doon ng limang magasin? Hinihintay po nila kami, at kailangan nilang malaman ang katotohanan. Kung makakaligtas po kami, pangako ko po, magiging publisher ako, magpapabautismo, at magpapayunir! Diyos na Jehova, iligtas n’yo po kami!”Natigilan ang mga sundalo. Sinabi ng isa sa kanila: “Kung hindi dahil sa dasal ng batang ’to, tinuluyan na sana namin kayo. Kapag pumunta y’ong mga kasama namin, sabihin n’yo galing na kami dito.” b
LUMALA ANG SITWASYON
Tumitindi ang giyera habang papalapit sa Kigali ang mga rebelde (ang Rwandan Patriotic Front). Kaya lalong nag-amok ang milisyang Interahamwe.
Naglagay ng mga checkpoint sa bawat kanto sa buong bayan, na guwardiyado ng mga sundalo at armadong milisyang Interahamwe, kasama ang mga residente. Inobliga ang mga lalaki na magbantay sa mga checkpoint, araw at gabi. Pinapatay nila ang sinumang Tutsi na napapadaan doon.
Habang patuloy ang pagdanak ng dugo sa buong bansa, daan-daang libong taga-Rwanda ang lumilikas. Marami sa kanila, kasama na ang mga Saksi ni Jehova, ang tumakas sa kalapit na Congo at Tanzania.
PAGHARAP SA DIGMAAN AT KAMATAYAN
Ang sumusunod ay mga kuwento ng kalunus-lunos na pangyayaring sinapit ng ating mga kapatid. Noong dekada ng 1980, matitinding pagsubok na ang pinagdaanan ng mga Saksi ni Jehova sa Rwanda. Pinatibay nito ang kanilang pananampalataya at pinalakas ang kanilang loob. Dahil sa kanilang pananampalataya, nakapanatili silang ‘hindi bahagi ng sanlibutan’ at hindi nakisangkot sa eleksiyon, pulitika, at pagsasanay sa militar. (Juan 15:19) Dahil sa lakas ng loob, naharap nila ang pandurusta, pagkabilanggo, pag-uusig, at kamatayan. Ang mga katangiang ito, kasama ng kanilang pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa, ang tumulong sa mga Saksi ni Jehova na hindi maging bahagi ng genocide, sa halip, ay magbuwis pa nga ng buhay para sa iba.
Marami pang karanasan ang hindi na inilahad. Yamang hindi nais ng mga kapatid na maghiganti, gusto na nilang kalimutan ang kanilang kakila-kilabot na karanasan. Ang kanila nawang kuwento ng pananampalataya ay mag-udyok sa ating lahat na higit pang ipakita ang pag-ibig na siyang pagkakakilanlan ng mga tunay na alagad ni Jesu-Kristo.—Juan 13:34, 35.
ANG KUWENTO NINA JEAN AT CHANTAL
Si Jean de Dieu (John) Mugabo ay isang masayahin at mapagmalasakit na brother. Nakipag-aral siya sa mga Saksi ni Jehova noong 1982, at bago pa siya mabautismuhan noong 1984, tatlong beses na siyang nakulong dahil sa paninindigan bilang Saksi. Taóng 1987 nang ikasal sila ni Chantal, na 1984 din nabautismuhan. Nang magsimula ang genocide, mayroon na silang tatlong anak na babae. Ang dalawang nakakatanda ay nasa kanilang mga lolo’t lola sa ibang bayan, at naiwan ang bunsong anim na buwang gulang kina John at Chantal.
Nang magsimula ang genocide noong Abril 7, 1994, nilusob ng mga sundalo at Interahamwe ang mga bahay ng mga Tutsi. Inaresto si John at pinagpapalo, pero nakatakas siya. Tumakbo siya at ang isa pang brother sa kalapit na Kingdom Hall. Si Chantal naman, na walang kamalay-malay sa nangyari sa asawa, ay dali-daling umalis dala ang baby nila para puntahan ang dalawa pang anak.
Ikinuwento ni John ang nangyari sa kaniya: “Ang Kingdom Hall ay dating panaderya na may malaking tsiminea. Isang linggo ako doon, kasama ang isa pang brother. Dinadalhan kami ng pagkain ng isang sister na Hutu kapag hindi masyadong delikado. Nang maglaon, sa kisame kami nagtago, at para kaming
nililitson sa sobrang init. Hindi kami makatagal kaya tinanggal namin ang ilang brick ng tsiminea para makapasok sa loob. Isang buwan kaming nagtago doon nang nakapamaluktot.“May checkpoint sa malapit, at madalas magpunta ang milisyang Interahamwe sa Kingdom Hall para mag-usap o sumilong kapag umuulan. Dinig na dinig namin sila. Dinadalhan pa rin kami ng pagkain ng sister kapag posible. May pagkakataong parang bibigay na ’ko, pero hindi kami tumigil sa pananalangin. Sa wakas, noong Mayo 16, ibinalita sa amin ng sister na
kontrolado na ng Rwandan Patriotic Front ang lugar at puwede na kaming lumabas.”Kumusta naman si Chantal, ang misis ni John? Siya naman ang nagkuwento: “Nakatakas ako dala ang baby namin noong Abril 8. May nakita akong dalawang sister, si Immaculée, na may ID na nagpapakitang isa siyang Hutu, at si Suzanne, na isang Tutsi. Pupuntahan sana namin ang dalawa ko pang anak na nasa mga magulang ko sa bayan ng Bugesera, mga 50 kilometro ang layo. Pero nabalitaan namin na may mga checkpoint sa lahat ng daang palabas ng bayan, kaya nagpunta kami sa kalapit na nayon sa labas ng Kigali. May kamag-anak si Immaculée doon, si Gahizi, isang brother na Hutu. Kinupkop kami ni Gahizi, at kahit pa pinagbabantaan ng mga kapitbahay, ginawa niya ang lahat para matulungan kami. Nang malaman ng mga sundalo at Interahamwe na kumupkop si Gahizi ng mga Tutsi, binaril nila siya at namatay.
“Tapos, dinala kami ng mga sundalo sa ilog para patayin. Akala namin katapusan na namin. Pero biglang nagtalo ang mga sundalo, at sinabi ng isa: ‘Huwag kayong papatay ng mga babae, malas ’yan. Lalaki lang ang dapat nating patayin.’ Buti na lang, may brother na sumusunod sa amin, si André Twahirwa, na isang linggo pa lang nababautismuhan. Dinala niya kami sa bahay niya kahit tutol ang mga kapitbahay. Kinabukasan, sinamahan niya kami pabalik ng Kigali para maghanap ng ligtas na matutuluyan. Tinulungan niya kaming makadaan sa mga checkpoint kahit napakadelikado. Si Immaculée ang kumarga sa baby ko para kapag hinarang kami, makakaligtas ang baby.
Sinira namin ni Suzanne ang mga ID namin para hindi malaman na Tutsi kami.“Sa isa sa mga checkpoint, sinampal ng Interahamwe si Immaculée at sinabi, ‘Bakit kasama mo ang mga Tutsi na ’to?’ Ayaw nila akong padaanin, pati na si Suzanne. Kaya nauna sina Immaculée at André sa bahay nina Brother Rwakabubu. Kahit mapanganib, binalikan kami ni André, kasama ang mga brother na sina Simon at Mathias, para makadaan kami sa checkpoint na iyon. Inihatid nila ako kina Brother Rwakabubu at si Suzanne naman ay nagpunta sa kamag-anak niya.
“Pero napakadelikado na ring manatili ako kina Brother Rwakabubu, kaya kahit mapanganib, dinala ako ng mga kapatid sa Kingdom Hall na pinagtataguan din ng iba pang Saksi. Sampung kapatid na Tutsi na ang naroon. Hindi ako maiwan ni Immaculée. Sinabi c
niya, ‘Kung mapatay ka at makaligtas ako, ako’ng bahala sa baby mo.’”Naitakbo naman ng brother na si Védaste Bimenyimana, may misis na Tutsi, ang kaniyang pamilya sa isang ligtas na lugar. Pagkatapos, binalikan niya ang mga nasa Kingdom Hall para tulungan din silang makahanap ng ligtas na matutuluyan. Mabuti na lang at nakaligtas silang lahat.
Pagkatapos ng genocide, nalaman nina John at Chantal na kasama sa napatay ang kanilang mga magulang at ang mga anak nilang dalawang taon at limang taóng gulang, bukod pa sa mga 100 kamag-anak. Ano ang nadama nila? Inamin ni Chantal: “Noong una, parang hindi namin matanggap. Napakasakit ng pagkamatay nila. Pero ipinaubaya na lang namin iyon kay Jehova. Umaasa kaming makikita namin uli ang mga anak namin kapag binuhay silang muli.”
ITINAGO NANG 75 ARAW!
Nabautismuhan si Tharcisse Seminega noong 1983. Nang magkaroon ng genocide, nakatira siya sa Butare, Rwanda, mga 120 kilometro mula Kigali. “Matapos bumagsak sa Kigali ang eroplanong sinasakyan ng mga presidente, narinig naming
naglabas ng utos na patayin ang lahat ng Tutsi,” ang sabi niya. “Dalawang brother ang nagplano ng pagtakas namin. Dadaan sana kami sa Burundi, pero guwardiyado ng Interahamwe ang lahat ng daan.“Hindi kami makalabas at hindi rin namin alam kung saan kami pupunta. Bantay-sarado ng apat na sundalo ang bahay namin, at isa sa kanila ang nagpuwesto ng machine gun, mga 180 metro mula sa bahay. Marubdob akong nanalangin kay Jehova: ‘Diyos na Jehova, hindi po namin kayang iligtas ang sarili namin. Kayo lang po ang makakagawa n’on!’ Nang padilim na, isang brother
ang sumugod sa bahay sa pag-aakalang patay na kami. Pinayagan siya ng mga sundalo na pumasok sa bahay nang ilang minuto. Laking pasasalamat niya na buháy pa kami. Nakagawa siya ng paraan para maitakas ang dalawa sa mga anak namin. Tapos, sinabi niya sa mga brother na sina Justin Rwagatore at Joseph Nduwayezu na kailangan namin ng tulong. Dumating sila agad nang gabing iyon, at kahit napakadelikado, itinakas nila kami patungo sa bahay ni Justin.“Hindi kami nagtagal sa bahay ni Justin kasi kinabukasan, nalaman ng mga tao na nagtatago kami roon. Isang lalaking nagngangalang Vincent ang dumating at nagbabala na paparating na ang Interahamwe para patayin kami. Dati siyang Bible study ni Justin pero hindi kumilos. Pinagtago muna kami ni Vincent sa damuhan malapit sa bahay ni Justin. Pagkagat ng dilim, dinala kami ni Vincent sa bahay nila. Itinago niya kami sa kubo na kulungan ng mga kambing. Gawa sa putik ang dingding at sahig, kugon ang bubong, at walang bintana.
“Maraming araw at gabi kaming nagtago sa kubong iyon, na nasa tabing-daan at malapit sa pinakamataong palengke doon. Naririnig namin ang pag-uusap ng mga dumadaan tungkol sa ginawa nila sa maghapon, pati na ang kakila-kilabot na pagpatay nila at mga plano pang gawin. Takót na takót kami, kaya mas lalo pa kaming nanalangin.
“Inalagaan kami nang husto ni Vincent. Isang buwan kami sa kubo, at bago matapos ang Mayo, naging mas delikado dahil dumating ang milisyang Interahamwe na tumatakas mula sa Kigali. Dinala kami ng mga kapatid sa isang brother na may maliit na bodega sa ilalim ng bahay niya. Tatlong kapatid na ang
itinatago niya roon. Gabi kami umalis; kahit peligroso, naglakad kami nang apat na oras at kalahati. Buti na lang at ang lakas ng ulan nang gabing iyon, hindi kami nakita ng Interahamwe.“Ang bagong taguáng iyon ay isang bodega na mga limang piye ang lalim, at may tabla na siyang pinakapinto. Para makarating doon, bababa kami sa hagdan at saka gagapang sa isang tunnel papasók sa bodegang iyon na mga 6.5 piye por 6.5 piye ang sukat. Amoy amag at kakaunting liwanag lang ang nakakapasok. Anim na linggo kami sa napakaliit na taguáng iyon—ako, ang asawa kong si Chantal, ang lima naming anak, at tatlong kapatid. Hindi kami makapagsindi ng kandila kasi baka matunton kami. Pero sa kabila ng lahat ng paghihirap, damang-dama namin ang pag-alalay ni Jehova. Inilagay ng mga kapatid sa peligro ang buhay nila madalhan lang kami ng pagkain at gamot, at makausap kami para patibayin. Minsan kapag araw, nakakapagsindi kami ng kandila para magbasa ng Bibliya, ng Bantayan, o ng pang-araw-araw na teksto.
“Ang bawat kuwento ay may wakas,” ang sabi pa ni Tharcisse. “Ang kuwento naming ito ay nagwakas noong Hulyo 5, 1994. Ibinalita ni Vincent na kontrolado na ng kontra-gobyernong hukbo ang Butare. Paglabas namin, akala ng ilan hindi kami Rwandan. Pumusyaw ang balat namin dahil hindi kami naaarawan. Medyo nagkadiperensiya rin kami sa pagsasalita; nasanay kasi kaming bumulong lang. Ilang linggo pa bago kami nakapagsalita nang normal.
“Ang laki ng epekto sa misis ko ng pinagdaanan namin. Bago nito, sampung taon na siyang tumatangging mag-aral ng Bibliya. Pero matapos ang pangyayaring
iyon, pumayag na siya. Kapag tinatanong kung bakit, sinasabi niya: ‘Naantig ako sa pag-ibig ng mga kapatid at sa pagsasakripisyo nila para mailigtas kami. Nadama ko rin ang pagliligtas ni Jehova sa amin mula sa itak ng mga mamamaslang.’ Inialay niya ang kaniyang buhay kay Jehova at nagpabautismo sa kauna-unahang asamblea matapos ang giyera.“Napakalaki ng utang na loob namin sa mga kapatid na nanalangin para sa amin at tumulong para makaligtas kami. Damang-dama namin ang kanilang tunay na pag-ibig, kahit magkaiba kami ng lahi.”
SAKLOLO PARA SA SUMAKLOLO
Nang maglaon, isa sa mga brother na sumaklolo sa pamilya ni Tharcisse Seminega ang nangailangan ng tulong—si Justin Rwagatore. Nabilanggo na siya noong 1986 dahil sa pagtangging masangkot sa pulitika. Makaraan ang ilang taon matapos tulungan sina Tharcisse, naaresto na naman si Justin kasama ang iba pang brother dahil sa neutralidad. Kabilang si Tharcisse sa mga nakipag-usap sa lokal na awtoridad para ipaliwanag ang paninindigan ng mga Saksi ni Jehova pagdating sa pulitika. At sinabi niya na kung hindi dahil kay Justin, napaslang na ang pamilya niya. Bilang resulta, napalaya ang lahat ng brother.
Dahil sa mabuting halimbawa ng mga kapatid noong panahon ng genocide, may mga tumanggap ng katotohanan. Nakita ni Suzanne Lizinde, isang Katoliko na mahigit 60 anyos, ang pagkunsinti ng simbahan sa genocide. Napakilos siya ng paggawi ng mga Saksi ni Jehova noong genocide at ng pag-ibig nila sa isa’t isa. Nabautismuhan si Suzanne noong Enero 1998, at ni minsa’y hindi siya lumiban sa pulong, kahit pa mga
limang kilometro ang nilalakad niya sa mga burol para makadalo. Natulungan din niya ang kaniyang pamilya na mapunta sa katotohanan. Elder na ngayon ang isa sa mga anak niya at ministeryal na lingkod ang isang apo.DAAN-DAANG LIBO ANG LUMIKAS
Noong Abril 1994, isa sa mga lumikas patungong Kenya si Henk van Bussel, isang misyonerong naatasan sa Rwanda noong 1992. Pagkaraan, ilang ulit siyang bumiyahe papuntang Goma, sa silangan ng Congo, upang tumulong sa relief program para sa mga refugee na Rwandan. May mga brother na nag-aabang sa border ng Congo; may hawak silang Bibliya at sumisipol ng mga Kingdom song para makilala sila ng mga kapatid na lumilikas mula sa Rwanda.
Hindi magkamayaw ang mga tao. Habang nagsasagupaan ang puwersa ng gobyerno at ang Rwandan Patriotic Front, daan-daang libo ang lumikas tungo sa Congo at Tanzania. Sa Kingdom Hall nagtagpo ang mga kapatid na pumunta sa Goma. Nang maglaon, isang refugee camp na puwedeng tuluyan ng mahigit 2,000 katao ang itinayo sa labas ng bayan; para lang ito sa mga Saksi ni Jehova, kanilang mga anak, at mga interesado. Nagtayo rin ang mga kapatid ng ganitong mga kampo sa ibang lugar sa silangan ng Congo.
Kung ang karamihan sa mga lumilikas ay mga Hutu na gustong tumakas sa paghihiganti ng mga Tutsi, lumilikas namang magkakasama ang mga kapatid na Hutu at Tutsi. Napakahirap magtawid ng Tutsi sa border ng Goma dahil patuloy ang pagpaslang sa mga Tutsi. May pagkakataon pa ngang kailangang magbayad ng $100 (U.S.) para mailabas ng bansa ang isang Saksing Tutsi.
Pagdating sa Congo, hindi naghiwa-hiwalay ang mga kapatid. Ayaw nilang makisangkot sa Interahamwe na naghahari-harian pa rin sa mga kampo na itinayo ng United Nations. Isa pa, karamihan sa mga refugee na di-Saksi ay mga loyalista ng pinatalsik na gobyerno. Mainit ang mata nila sa mga Saksi, lalo na ang mga Interahamwe dahil ayaw makiisa sa kanila ng mga Saksi. Umiiwas sa kanila ang mga kapatid para maprotektahan ang mga kapananampalatayang Tutsi.
Kailangang tulungan ang mga lumikas dahil wala silang nadalang anuman. Ang mga kapatid sa Belgium, Congo, France, Kenya, at Switzerland ay nagpadala ng pera, gamot, pagkain, at damit pati ng mga doktor at nurse. Kasama sa mga unang ipinadalang relief ang maraming tent na galing sa sangay sa France. Nagpadala rin ang sangay sa Belgium ng malalaking tent na pampamilya. Mayroon ding mga folding bed at mga air bed. Nagpadala naman ang sangay sa Kenya ng mahigit dalawang toneladang damit at mahigit 2,000 kumot.
EPIDEMYA NG KOLERA
Mahigit 1,000 Saksi at mga interesadong lumikas ang nanuluyan sa Kingdom Hall ng Goma at sa katabing lote. Pero dahil sa dami ng mga refugee, nagkaroon ng epidemya ng kolera. Agad na nagpadala ang sangay sa Congo ng mga gamot. Bumiyahe rin si Brother Van Bussel mula Nairobi patungong Goma na may dalang 60 karton ng gamot. Pansamantalang ginawang ospital ang Kingdom Hall, at ibinukod ang mga maysakit. Para matulungan ang mga kapatid, hindi nagkait ng kanilang mga sarili ang doktor na si Loic Domalain, ang isa pang brother na doktor, at ang medical assistant na si Aimable Habimana na
taga-Rwanda. Malaki rin ang naitulong ni Brother Hamel na taga-France, gayundin ng maraming brother at sister na may kasanayan sa medisina at nagboluntaryo para maalagaan ang mga maysakit.Pero sa kabila ng mga pagsisikap, mahigit 150 kapatid at interesado ang nagkakolera, at mga 40 ang namatay bago napigilan ang pagkalat ng sakit na ito. Nang maglaon, umupa sila ng isang malaking lote para gawing refugee camp ng mga Saksi ni Jehova. Daan-daang tent ang itinayo, at isang malaking tent mula sa sangay sa Kenya ang nagsilbing ospital. Humanga ang mga bumisitang Amerikanong health worker sa kalinisan at kaayusan sa kampo.
Pagtuntong ng Agosto 1994, mayroon nang 2,274 na refugee—mga Saksi, bata, at interesado—ang inaasikaso ng relief committee sa Goma. Marami ring mga kapatid na refugee noon sa Bukavu at Uvira, sa silangan ng Congo, pati na sa Burundi, at 230 ang nasa Tanzania.
Ang mga tagapagsaling lumikas mula sa opisina sa Kigali ay nakapagsalba ng isang computer at isang generator. Pagdating sa Goma, umupa sila ng bahay at itinuloy nila ang pagsasalin.
Sa Goma, hindi maaasahan ang serbisyo ng telepono at koreo. Pero sa tulong ng mga Saksing nagtatrabaho sa airport, ang mga isinaling artikulo at iba pang liham ay naipapadala sa pamamagitan ng lingguhang flight mula Goma papuntang Nairobi, Kenya. Ganito rin ang ginagawa ng sangay sa Kenya para makapagpadala ng liham sa Goma.
Ginawa ni Emmanuel Ngirente at ng dalawa pang kapatid ang lahat ng magagawa nila para ipagpatuloy ang pagsasalin, kahit mahirap ang kalagayan. May
mga artikulo sa Bantayan na hindi nila naisalin noong panahon ng giyera, pero nang maglaon, isinalin din ang mga ito at inilathala bilang mga espesyal na brosyur na pinag-aralan sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.BUHAY SA MGA REFUGEE CAMP
Isa si Francine sa mga lumikas patungong Goma matapos mapatay ang mister niyang si Ananie. Inilipat siya sa isa sa mga kampo ng mga Saksi at ganito ang sinabi niya tungkol sa buhay sa kampo: “Araw-araw, may mga kapatid na nakatokang maghanda ng pagkain. Simple lang ang agahan namin—nilugaw na giniling na mais o mijo [halamang-butil]. Naghahanda rin kami ng tanghalian. Pagkatapos ng mga atas namin, puwede na kaming mangaral. Kadalasang nagpapatotoo kami sa mga di-Saksing kapamilya ng ilang kapatid sa kampo, pati na rin sa labas ng kampo. Pero di-nagtagal, nagalit ang milisyang Interahamwe na nasa ibang mga kampo dahil nakabukod ang mga Saksi sa ibang mga refugee. Nalagay kami sa alanganin.”
Pagsapit ng Nobyembre 1994, nakita ng mga kapatid na puwede nang bumalik sa Rwanda. Mas praktikal ngang gawin iyon para makaiwas sa mga di-Saksing refugee na mainit ang mata sa kanila. Pero mahihirapan sila. Nagpaplano na ang Interahamwe na umatake uli sa Rwanda, at itinuturing nilang taksil ang sinumang refugee na babalik sa Rwanda.
Ipinahayag ng mga kapatid sa gobyerno ng Rwanda ang pagnanais bumalik sa bansa ng mga Saksi ni Jehova na nanatiling neutral noong panahon ng digmaan at hindi nakibahagi sa genocide. Sinabihan sila ng gobyerno na makipag-usap sa United Nations High Commission for Refugees (UNHCR), na may mga
sasakyang magagamit para makabalik sila sa Rwanda. Pero dahil tiyak na haharangin sila ng milisya, kailangan nilang mag-isip ng estratehiya.Inianunsiyo ng mga brother na magkakaroon ng special assembly sa Goma, at gumawa sila ng mga banner. Pagkatapos, pasekreto nilang sinabi sa mga kapatid ang tungkol sa pagbalik sa Rwanda. Para walang magsuspetsa, binilinan ang mga kapatid na iwan ang lahat ng gamit nila sa kampo; Bibliya at songbook lang ang dadalhin nila para magmukhang dadalo sila ng asamblea.
Naaalala ni Francine na naglakad sila nang ilang oras papunta sa mga trak na magdadala sa kanila sa border. Sa border ng Rwanda, isinaayos ng UNHCR na maibiyahe sila patungong Kigali at pagkatapos ay sa kani-kanilang tirahan. Kaya karamihan sa mga kapatid, kasama ang kanilang pamilya maging ang mga interesado, ay nakauwi sa Rwanda noong Disyembre 1994. Iniulat ng pahayagan sa Belgium na Le Soir, isyu ng Disyembre 3, 1994: “1,500 Rwandan na refugee ang umalis ng Zaire [Congo] dahil nangangamba sila sa kanilang kaligtasan. Sila ay mga Saksi ni Jehova na nagtayo ng sarili nilang kampo malapit sa kampo ng Katale. Pinag-initan ng dating gobyerno ang mga Saksi ni Jehova dahil ayaw nilang humawak ng armas at sumama sa mga rally.”
Pagkauwi sa Rwanda, nakadalo si Francine sa isang pandistritong kombensiyon sa Nairobi. Palibhasa’y naaliw at napatibay ng pakikipagsamahan sa mga kapatid matapos ang pagkamatay ng kaniyang asawa, bumalik si Francine sa opisina ng pagsasalin na binuksan uli sa Kigali. Nang maglaon, napangasawa niya si Emmanuel Ngirente. Naglilingkod pa rin sila ngayon sa tanggapang pansangay.
Habakuk 3:17-19 na mapanatili ang kagalakan sa kabila ng mahihirap na kalagayan. Pinalakas ako ng mga kapatid. Nakatanggap ako ng mga sulat. Natulungan ako nito na manatiling positibo. Alam kong maraming pakana si Satanas. Kung wala na tayong ibang iniisip kundi iisang problema, baka hindi natin mamalayan, nabiktima na pala tayo ng ibang problema. Kung hindi tayo alisto, siguradong manghihina tayo.”
Paano nakayanan ni Francine ang sitwasyon noong digmaan? Sinabi niya: “Isa lang ang nasa isip namin nang mga panahong iyon—kailangan naming magbata hanggang wakas. Iniwasan namin ang kaiisip sa mga teribleng bagay na nangyayari. Napatibay ako ngPAG-UWI SA RWANDA
Malaking tulong si Brother Van Bussel sa mga kapatid na umuwi. Ikinuwento niya: “Isang programa ang isinaayos para matulungang makapagsimula uli ang mga kapatid na nagsibalik, pati na ang mga hindi umalis sa Rwanda na nawalan ng ikabubuhay. Dinalaw ng mga inatasang brother ang bawat kongregasyon para alamin ang pangangailangan ng mga ito. Ang mga pamilya at indibiduwal ay binigyan ng suplay depende sa kailangan nila. Alam ng mga kapatid na pagkaraan ng tatlong buwan, sila na ang susuporta sa kanilang sarili.”
Siyempre, inasikaso rin ang espirituwal na pangangailangan ng mga kapatid. Bumalik ang mga tagapagsalin sa dati nilang opisina sa Kigali. Naaalala pa ni Brother Van Bussel na tadtad ng tama ng bala ang bahay na dati nilang opisina, pero nasa bodega pa rin ang karamihan sa mga aklat. Sa loob ng ilang buwan, may mga bala pa rin silang nakikita sa mga kahon ng literatura. Isang tagapagsalin ang nakakita pa nga ng
granada sa hardin! Pagsapit ng mga Oktubre 1995, lumipat ang mga tagapagsalin sa mas malaki at mas kumbinyenteng gusali sa kabilang panig ng bayan. Ang inuupahang gusali na ito ang ginamit na opisina at tirahan hanggang sa maitayo ang bagong tanggapang pansangay noong 2006.“PARA SILANG BINUHAY-MULI!”
Pagtuntong ng Disyembre 1994, nakabalik na ang karamihan sa mga kapatid na nasa Congo, tamang-tama para sa pandistritong kombensiyon na may napapanahong temang “Makadiyos na Takot.” Nakaiskedyul itong idaos sa bakuran ng isa sa mga Kingdom Hall sa Kigali. Dumating ang mga kapatid mula sa France, Kenya, at Uganda. Biyernes ng umaga, napunô ng mga kapatid ang bakuran ng Kingdom Hall. Ikinuwento ng isang sister: “Nakakaantig makita ang mga kapatid na lumuluha’t nagyayakapan. Noon lang ulit sila nagkita-kita mula nang magkagiyera. Nakita nila ang mga kaibigan nilang akala nila’y patay na!” Sabi naman ng isa pang sister, “Para silang binuhay-muli!”
Isa sa mga galing sa Kenya si Günter Reschke. Sinabi niya: “Napakasayang magsama-sama muli matapos ang lahat ng nangyari, at makita kung sino ang mga nakaligtas! Pero may problema. Naaalarma ang mga awtoridad sa malalaking pagtitipon. Nang bandang hapon, may dumating na mga sundalo na nagsabing kinansela ang asamblea dahil sa seguridad. Kailangan daw naming lahat na umalis agad. Bago kami bumalik sa Nairobi, pinatibay namin ang mga kapatid. Ang lungkot kasi hindi natuloy ang kombensiyon. Pero kahit paano, sa tingin namin, nagawa namin ang aming makakaya para mapalakas ang mga kapatid, at naniniwala kaming patuloy silang maglilingkod.”
Nang medyo gumanda na ang kalagayan sa Rwanda, marami na may dugong Rwandan ang nagdesisyong bumalik. Kabilang dito ang mga ipinanganak sa labas ng Rwanda, na ang mga magulang ay nagsilikas nang magsimula ang sigalot sa pagitan ng mga tribo at pulitikal na partido noong huling bahagi ng dekada ng 1950 at 1960. Kasama sa mga nagsibalik na ito ang mga natuto ng katotohanan sa ibang bansa. Halimbawa, niyakap ni James Munyaburanga at ng kaniyang pamilya ang katotohanan noong sila’y nasa Central African Republic. Inaalok ng trabaho ng bagong gobyerno ng Rwanda ang mga nagsisibalik, at isa si Brother Munyaburanga sa nabigyan ng trabaho. Pero nang makabalik sa Rwanda, sinalansang siya at hiniya ng mga kamag-anak at katrabaho dahil sa pagsunod sa pamantayang Kristiyano. Nang maglaon, maaga siyang nagretiro at nag-regular pioneer. Isa siya ngayon sa mga kinatawan ng ating organisasyon sa Rwanda para sa legal na usapin.
Natagpuan naman ni Ngirabakunzi Mashariki sa silangan ng Congo ang katotohanan. Ikinuwento niya: “Dahil isa akong Tutsi, maraming taon akong naging biktima ng diskriminasyon. Pero nang makilala ko ang mga Saksi ni Jehova, para akong nasa ibang planeta! Isang himala ang makasama ang taimtim na mga taong namumuhay kaayon ng kanilang itinuturo. At kitang-kita ang pag-ibig nila nang magkaroon ng genocide noong 1994. Itinago at pinrotektahan ng mga kapatid ang aming pamilya. Inanyayahan ako sa Bethel noong 1998, at naglilingkod pa rin ako doon kasama ang asawa kong si Emerance. Pinakaaasam-asam ko ang bagong sanlibutan. Sa panahong iyon, wala nang diskriminasyon at ang lahat ay tatawag sa pangalan ni Jehova at mamumuhay na nagkakaisa.”
SIMULA ULI NG GAWAIN
Noong Marso 1994, bago ang giyera, mga 2,500 ang mamamahayag sa Rwanda. Pagdating ng Mayo 1995, may bagong peak na 2,807 mamamahayag, bagaman napakaraming napatay sa genocide. Humugos sa organisasyon ni Jehova ang mga tapat-puso. Halimbawa, isang sister na special pioneer ang may mahigit 20 Bible study, at marami pa ang nakapila! Ganito ang naobserbahan ng isang tagapangasiwa ng sirkito: “Dahil sa giyera, nakita ng mga tao na walang saysay ang paghahabol sa materyal na mga bagay.”
Noong Enero 1996, idinaos ng mga kapatid ang “Maliligayang Tagapuri” na Pandistritong Kombensiyon. Napakasayang kombensiyon iyon! Yamang nakansela ang kombensiyon nang sinundang taon, ito ang kauna-unahang naidaos pagkaraan ng giyera.
Sinabi ng isang tagapagmasid, “May iyakan, may akapan; kahanga-hangang makita ang mga Saksing Hutu at Tutsi na yakap-yakap ang isa’t isa.” Dinaluhan ito ng 4,424, at 285 ang nabautismuhan. Tandang-tanda pa ni Brother Reschke: “Nakakaantig marinig ang mga kandidato na sabay-sabay sumagot ng ‘Yego!’ (oo) sa dalawang tanong sa bautismo. Kahit napakalakas ng ulan, pumila sila at naghintay para sa bautismo. Bale-wala sa kanila ’yon. Ang katuwiran nila, ‘Tutal, mababasa rin naman kami!’”Bumalik sa Rwanda si Henk van Bussel; at si Günter Reschke, na tumulong para masimulan uli ang gawain, ay permanente nang inatasan sa Rwanda. Di-nagtagal, bumalik din sa Rwanda sina Godfrey at Jennie Bint.
NAWALANG ANAK, NATAGPUAN!
Pagkaraan ng ilang taon matapos ang giyera, nagkita-kita muli ang mga pamilyang nagkahiwa-hiwalay. Halimbawa, nang lumala ang labanan sa Kigali noong 1994, nataranta ang mga tao at nagsilikas, nahiwalay tuloy kay Oreste Murinda ang misis niya. Dala ni Oreste si Gitarama, ang kanilang anak na lalaki na dalawang taon at kalahati. Nang umalis si Oreste para maghanap ng pagkain, muling nagkagulo at silang mag-ama naman ang nagkahiwalay.
Muling nakapiling ni Oreste ang kaniyang asawa pagkatapos ng giyera, pero nawawala pa rin ang anak nila. Akala nila patay na ito. Pagkaraan ng mahigit dalawang taon, isang lalaking di-Saksi na tagaprobinsiya ang nagtrabaho sa Kigali. May nakilala siyang mga brother at naikuwento niya na may kapitbahay siya sa Gisenyi na nawalan ng mga anak noong giyera, pero may inampong bata. Natatandaan ng bata ang pangalan ng tatay niya at sinabi nitong mga Saksi ni Jehova ang mga magulang niya. Kilala ng mga
brother ang pangalang iyon, kaya kinontak nila ito. Ipinakita ng mga tunay na magulang sa lalaki ang litrato ng nawawala nilang anak. Anak nga nila ang bata! Agad itong sinundo ng tunay na ama, si Oreste. Sa wakas, makaraan ang dalawang taon at kalahati, magkakasama na sila ulit! Bautisado na ngayon ang bata.Nakakatuwa na lahat ng batang naulila sa mga magulang na Saksi ay inalagaan ng mga kapatid. Walang napunta sa bahay-ampunan. May mga kapatid na umampon pa nga ng mga batang naulila ng kapitbahay o kamag-anak na di-Saksi. Isang mag-asawang may sampu nang anak ang umampon pa ng sampung bata.
BUMALIK ANG GULO SA HILAGA NG BANSA
Noong mga huling buwan ng 1996, nagkaroon ng gera sibil sa Congo, kung kaya nalagay na naman sa panganib ang mahigit isang milyong Rwandan na nanatili sa mga refugee camp. Noong Nobyembre, ang mga refugee ay napilitang bumalik sa Rwanda o manganlong sa kagubatan ng Congo. Bumalik sa Rwanda ang karamihan, kabilang ang mga kapatid na hindi umuwi noong Disyembre 1994. Nakakaawang makita ang napakaraming tao, matatanda’t bata, na naglalakad
sa mga kalsada ng Kigali, sunung-sunong ang kanilang mga dala-dalahan at puro alikabok. Kailangan silang bumalik sa dati nilang mga komunidad para muling mairehistro. Pansamantalang hinigpitan ang seguridad.Ang masama nito, hindi lang mga inosenteng sibilyan ang nagsibalik. Kasamang bumalik ang ilang milisyang Interahamwe na aktibo pa rin sa hilagang-kanluran ng bansa. Kaya nagtalaga ng mga sundalo para makontrol ang sitwasyon. Maraming kapatid sa lugar na iyon, at malaking hamon ang manatiling neutral. Mahigit 100 Saksi ang namatay mula 1997 hanggang 1998, karaniwan na, dahil sa pananatiling neutral. May mga pagkakataon na hindi nakakadalaw roon ang mga tagapangasiwa ng sirkito dahil napakadelikado.
ANG MATAPANG NA MAG-ASAWA
Isa si Théobald Munyampundu, kasama ang asawang si Berancille, sa iilang tagapangasiwa ng sirkito na nakadalaw sa mga kongregasyong nasa delikadong rehiyon. Sanay na sila sa panganib. Nabautismuhan si Théobald noong 1984. Isa siya sa mga kapatid na nabilanggo noong 1986 at nakatikim ng pambubugbog. Noong genocide, itinago nina Théobald at Berancille ang ilang Tutsi kahit manganib ang buhay nila. Iniligtas nila ang isang kabataang lalaki na ang ina ay pinatay noong genocide. Pagkatapos, tumawid sila papuntang Tanzania at dinalaw ni Théobald ang dalawang refugee camp sa Benaco at Karagwe. Kahit delikado dahil sa mga tulisan, bumiyahe siya para patibayin ang mga kapatid.
Noong nasa Rwanda, sinuong uli ni Théobald at ng kaniyang asawa ang peligro madalaw lang ang mga Saksi sa hilagang-kanluran ng bansa. “Minsan,
malalayo ang mga kongregasyong dinadalaw namin,” ang sabi ni Théobald. “Dahil delikado, hindi kami puwedeng magpalipas ng gabi doon. Natatandaan ko pa na sa isang dalaw namin, araw-araw kaming naglalakad nang apat na oras papunta pa lang sa mga kapatid, kahit tag-ulan, at sa gabi, maglalakad uli kami pabalik sa tuluyan namin.”Inilarawan ni Théobald ang isang brother na nakilala niya sa isang maliit na grupong dinalaw niya: “Humanga ako kay Jean-Pierre nang gampanan niya ang bahagi niyang pagbasa sa Bibliya sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Bulag siya, pero saulado niya ang bahagi at nabigkas niya ito nang walang mali at sakto sa mga bantas! Nakisuyo siya sa isang brother na mahusay magbasa na basahin sa kaniya ang mga talata para makabisa niya ang mga ito. Napatibay talaga ako ng determinasyon niya.”
Kapag nagbabalik-tanaw si Théobald sa kaniyang abala at kung minsan ay mapanganib na buhay, sinasabi niya: “Sa mahihirap na panahong iyon, nagtiwala kami kay Jehova at madalas kong isipin ang Hebreo 13:6: ‘Si Jehova ang aking katulong; hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?’” Matapos maglingkod sa gawaing pansirkito at pandistrito, tapat pa ring naglilingkod ngayon bilang mga special pioneer sina Théobald at Berancille kahit may problema sa kalusugan.
PAGTATAYO NG ASSEMBLY HALL
Patuloy na dumarami ang mga Saksi, pero nagiging mahirap makakita ng angkop na lugar sa Kigali para sa kombensiyon. Halimbawa, sa pandistritong kombensiyon na “Mga Mensahero ng Makadiyos na Kapayapaan” noong Disyembre 1996, umapaw ang kanal na nanggagaling sa poso-negro ng bilangguang malapit sa istadyum. Naperwisyo ang mga kapatid sa mabahong amoy, at nag-alala ang mga magulang na baka magkasakit ang mga anak nila. Kaya ipinasiya ng Komite ng Bansa na hinding-hindi na sila magkokombensiyon sa istadyum na iyon. Pero saan pa sila puwedeng magdaos ng kombensiyon?
Isang kongregasyon sa Kigali ang pinagkalooban ng Ministry of Lands ng lupa para pagtayuan ng Kingdom Hall. Napakalaki
ng lupa para sa itatayong hall, kaya kung plano para sa isang Kingdom Hall lang ang ipapasa ng mga kapatid, malamang na bawasan ng kagawaran ang kanilang lupa at ibigay ito sa iba. Kaya buo ang tiwala kay Jehova, nagpasa sila ng mga plano para sa pagtatayo ng isang Kingdom Hall at isang simpleng Assembly Hall, na may opsyon para sa isa pang Kingdom Hall sa hinaharap. Inaprobahan ito ng lokal na gobyerno.Inihanda ng mga kapatid ang lupa at binakuran ito. Daan-daang boluntaryo ang naghawan ng lupa at naghukay ng mga poso-negro. Mayroon na sila ngayong magandang lote na tamang-tama para sa mga asamblea.
Nang sumunod na mga buwan, dalawang asamblea at isang espesyal na miting ang idinaos ng mga kapatid sa loteng iyon, pero dahil sa malakas na hangin at ulan, nagsiksikan sila para makasilong sa mga lona at payong. Kaya isang rekomendasyon ang ipinadala sa Lupong Tagapamahala para sa pagtatayo ng isang simpleng Assembly Hall.
Noong Marso 1998, pinahintulutan ng Lupong Tagapamahala ang pagtatayo ng Assembly Hall. Agad na nagsimula ang proyekto. Sama-sama ang mga pamilya sa paghuhukay para sa pundasyon. Tulung-tulong ang lahat. Noong Marso 6, 1999, si Jean-Jules Guilloud mula sa sangay sa Switzerland ang nagpahayag sa pag-aalay sa bagong pasilidad na ito.
Taóng 1999 nang maging maayos muli ang sitwasyon sa bansa. Pebrero ng taóng iyon, inatasan sa tanggapan sa Rwanda ang bagong misyonerong mag-asawa na sina Ralph at Jennifer Jones, at naging 21 ang miyembro ng pamilyang Bethel.
Dalawa nang brother na taga-Rwanda ang nakapagtapos sa Ministerial Training School (ngayo’y Bible School for Single Brothers) sa Kinshasa, Congo, na mga 1,600 kilometro ang layo. Pero nang maging magulo sa Congo, napakahirap na para sa mga taga-Rwanda na pumunta sa Kinshasa. Dahil dito, inaprobahan ng Lupong Tagapamahala na magkaroon ng
Ministerial Training School sa Kigali. Ang unang klase na binubuo ng 28 estudyante mula sa Burundi, Congo, at Rwanda ay nagtapos noong Disyembre 2000.Mayo 2000 nang maging sangay ang Rwanda. Di-nagtagal, nakakita ang mga kapatid ng angkop na lugar na mapagtatayuan ng tanggapang pansangay para sa lumalawak na gawain. Dalawang ektaryang lupain ang binili nila noong Abril 2001, at tandang-tanda pa ng maraming kapatid sa Kigali kung gaano kahirap ang paghahawan nito dahil ang tagal na nitong nabakante.
SUMABOG ANG BULKAN SA SILANGAN NG CONGO
Noong Enero 17, 2002, sumabog ang bulkan ng Nyiragongo, mga 16 na kilometro mula sa Goma, sa silangan ng Congo. Lumikas ang karamihan mula sa lugar na iyon. Marami sa 1,600 mamamahayag ang lumikas kasama ang kanilang mga anak at mga interesado patawid sa border papuntang Gisenyi, Rwanda, at tumuloy sila sa pinakamalapit na mga Kingdom Hall.
Kinabukasan, ang mga brother sa sangay sa Rwanda ay nagkarga sa trak ng tatlong toneladang suplay ng pagkain, mga kumot, gamot, at iba pa. Naihatid agad ang mga suplay sa anim na Kingdom Hall malapit sa border ng Congo.
Nababahala ang gobyerno ng Rwanda sa pananatili ng napakaraming Congolese sa mga Kingdom Hall, kaya pinalilipat ang mga kapatid sa mga refugee camp. Pumunta sa Goma ang ilang brother mula sa Komite ng Sangay sa Rwanda para makipagmiting sa dalawang miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo at sa mga elder mula sa mga kongregasyon sa Goma. Ayaw ng mga brother na Congolese na mapunta ang mga kapatid sa mga refugee camp sa Rwanda. Sinabi nila: “Noong 1994, naasikaso namin ang mahigit 2,000
kapatid na Rwandan kasama na ang mga pamilya nila at mga interesado. Kaya imbes na papuntahin sa mga kampo ang mga kapatid, pabalikin na lang natin sila sa Goma. Aasikasuhin namin sila gaya ng ginawa namin sa mga kapatid na Rwandan.”Ang pagkupkop ng mga kapatid na Congolese sa kanilang mga kapananampalataya ay katunayan ng kanilang pag-ibig. Hindi nila maatim na tumira ang mga kapatid sa mga kampong pinapatakbo ng ibang organisasyon. Kaya bumalik sa Goma ang mga kapatid na refugee at ang pamilya nila. Dumating ang mas maraming relief tulad ng mga lona mula sa Belgium, France, at Switzerland. Nanatili sa Goma ang mga kapatid hanggang sa makapagtayo ng mga bagong bahay para sa kanila.
MGA TEOKRATIKONG PAGSULONG
Gumawa ang Regional Engineering Office sa South Africa ng mga plano para sa pasilidad ng bagong sangay sa Rwanda, at umupa ng lokal na kontratista para sa konstruksiyon nito. May mga international volunteer na tumulong sa proyekto, at maraming Saksi sa lugar na iyon ang nagboluntaryo sa landscaping at finishing. Sa kabila ng mga problema, natapos ang proyekto at lumipat dito ang pamilyang Bethel noong Marso 2006. Nagpunta si Guy Pierce ng Lupong Tagapamahala, kasama ang kaniyang maybahay, para sa espesyal na programa ng pag-aalay sa sangay noong Disyembre 2, 2006, at 553 kapatid ang dumalo, kabilang na ang 112 delegado mula sa 15 bansa.
Nagboluntaryo sa proyekto ang mga taga-Canada na sina Jim at Rachel Holmes. Marunong sila ng American Sign Language at nag-alok silang magturo nito pagkatapos ng Pag-aaral sa Bantayan ng pamilyang Bethel tuwing Lunes. Anim ang tumugon,
at naging napakahusay nila sa wikang iyon. Di-nagtagal, isang grupo sa wikang pasenyas ang napasimulan.Noong Hunyo 2007, naatasan bilang misyonero sa Rwanda ang graduate ng Ministerial Training School sa Switzerland na si Kevin Rupp para tumulong sa gawain sa wikang pasenyas. Di-nagtagal, dumating ang mag-asawang misyonero na taga-Canada na may karanasan sa gawain sa wikang pasenyas. Noong Hulyo 2008, naitatag ang isang kongregasyon sa wikang pasenyas, at nang maglaon, marami pang grupo ang nabuo.
Masayang-masaya ang mga kapatid nang ipatalastas sa 2007 pandistritong kombensiyon na mayroon nang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Kinyarwanda! Taóng 1956 nang
ilathala ng United Bible Societies ang kumpletong Bibliya sa Kinyarwanda. Sinikap nilang maisalin nang tumpak ang Bibliya sa Kinyarwanda, at pitong ulit pa ngang ginamit sa Hebreong Kasulatan ang pangalang YEHOVA (Jehova). Pero medyo mahirap makakuha ng kopya nito kumpara sa Bagong Sanlibutang Salin, na kahit ang mga kapos sa pinansiyal ay maaaring magkaroon. Tumpak at madaling basahin ang Bagong Sanlibutang Salin dahil sa pagsisikap ng mga tagapagsalin at sa tulong ng Translation Services Department sa New York. Nakakatuwang makita ang mga kabataan sa Kingdom Hall na hawak-hawak ang kani-kanilang kopya ng Griegong Kasulatan at nagtataas ng kamay para magbasa ng teksto!IBA PANG MGA HAMON SA NEUTRALIDAD
Bagaman nabigyan ng kalayaan sa relihiyon ang mga Saksi sa Rwanda nang kilalanin silang legal noong 1992, may mga hamon pa rin sa kanilang neutralidad. Sa nakalipas na 15 taon, daan-daang kapatid ang inaresto dahil sa hindi pagsama sa pagpapatrolya kung gabi. Gayunman, matapos makipag-usap sa mga opisyal ng gobyerno, pumayag ang mga ito na bigyan ang mga kapatid ng alternatibong gawain.
Noong mga nagdaang taon, 215 titser ang nasesante dahil sa pagtangging dumalo sa isang seminar na may kinalaman sa pulitika. At 118 bata ang na-expel Juan 17:16.
sa mga paaralan dahil sa pagtangging kumanta ng pambansang awit. Nagpunta ang mga kinatawan ng sangay sa mga kinauukulan para ipaliwanag ang ating neutralidad, at makalipas ang maraming buwan, pinabalik sa eskuwela ang karamihan sa mga bata. Nangatuwiran ang mga brother na noong 1986, nabilanggo ang mga Saksi ni Jehova dahil sa kanilang neutralidad, at noong 1994, ang pagiging neutral pa rin nila ang dahilan kung bakit hindi sila nakibahagi sa genocide.—Sinusunod ng mga Saksi ni Jehova ang batas ng gobyerno, at wala silang pinapanigan kahit sino pa ang nasa puwesto. Halimbawa, noong 1986, nabilanggo nang isang taon at kalahati si François-Xavier Hakizimana dahil sa neutralidad. Nang mapalitan ang administrasyon pagkatapos ng genocide, ibinilanggo siya uli noong 1997 at 1998 sa gayon ding dahilan. Pinatutunayan lang nito na hindi nagbabago ang neutral na paninindigan ng mga Saksi ni Jehova at hindi sila kontra sa anumang gobyerno. Ang Kristiyanong neutralidad ay salig sa mga simulain ng Bibliya.
Sa kabila ng maraming hamon, malayang nakapagpupulong ang mga kapatid linggu-linggo at nakapagdaraos ng mga kombensiyon. Pinayagan din silang mangaral at magdaos ng pulong sa mga bilangguan, at marami nang preso ang tumanggap ng katotohanan. Bukod diyan, noong 2009 taon ng paglilingkod, anim na kaso sa korte ang naipanalo ng mga Saksi ni Jehova sa Rwanda.
MAGANDANG KINABUKASAN
Bahagi ng pagsulong sa Rwanda ang matagumpay na programa ng pagtatayo ng mga Kingdom Hall. Mula noong 1999, nang magsimula ang programang ito para sa mga bansang may limitadong kakayahan at pananalapi, mga 290 simple pero presentableng mga Kingdom Hall ang naitayo sa Rwanda.
Dahil sa suporta ng mga kapatid sa kongregasyon, karaniwan nang natatapos ang isang hall sa loob lang ng tatlong buwan. Habang dumarami ang mga Kingdom Hall sa buong bansa, nagiging mausisa ang mga tao. Pagkakataon ito para makapagpatotoo ang bayan ni Jehova. Bukod sa Assembly Hall sa Kigali, ang mga kapatid ay nakapagtayo ng sampung mas maliit at mas simpleng mga Assembly Hall, kung kaya hindi na kailangan ng mga kapatid na maglakad nang napakalayo at dumaan sa mga bundok para dumalo ng asamblea. Mayroon na ring apat na expandable na Kingdom Hall na puwedeng pagdausan ng mga asamblea.
Sa mga unang buwan ng taon, ang lahat ng kongregasyon ay masigasig na nangangaral sa mga teritoryong bihira o hindi pa nga napupuntahan. Kung minsan, bumibiyahe nang malayo ang mga mamamahayag kahit sarili nila ang gastos makubrehan lang ang teritoryo. Sa mga lugar na mas malayo, may mga ipinadadalang temporary special pioneer na mangangaral doon nang tatlong buwan. Bilang resulta, nabubuo ang mga bagong grupo na puwedeng maging kongregasyon. Halimbawa, sa kampanya noong Enero hanggang Marso 2010, daan-daang Bible study ang napasimulan at siyam na grupo ang nabuo. Noong panahon ding iyon, 15 bagong grupo ang nabuo ng 30 temporary special pioneer.
ISA PANG PAGSULONG SA RWANDA
Sa “Patuloy na Magbantay!” na Pandistritong Kombensiyon noong 2009, masayang-masaya ang mga kapatid sa Rwanda nang ipatalastas ang tungkol sa bagong aklat-awitan at nang marinig nila ang ilan sa mga bagong awit sa Kinyarwanda. Mabilis na naisalin sa Kinyarwanda ang bagong aklat-awitan at naipadala ang mga kopya sa mga kongregasyon. Nakaalinsabay sila sa mga kapatid sa buong daigdig sa pag-awit ng mga bagong awitin noong Enero 2010.
Matapos ilabas ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Kinyarwanda noong 2007, marami ang nagtatanong kung kailan maisasalin ang buong Bibliya sa Kinyarwanda. Bago ang mga pandistritong kombensiyon noong 2010, ipinatalastas na bibisita sa Rwanda si Guy Pierce, miyembro ng Lupong Tagapamahala, para sa kombensiyon sa Kigali sa Agosto. Gaganapin ito sa sports stadium na malapit sa sangay. Sabik na sabik ang mga kapatid, at napakasaya nila nang ipatalastas ni Brother Pierce ang paglalabas ng kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Kinyarwanda! Bawat isa sa 7,149 na dumalo noong Biyernes ng umaga ay tumanggap ng kopya ng bagong Bibliya. Noong Linggo, dumating ang mga kapatid mula sa ibang mga distrito at umabot sa 11,355 ang dumalo! Maging ang mga sundalong nagmamartsa sa labas ng istadyum ay humingi ng kopya ng bagong Bibliya, at 180 ang naipasakamay sa kanila. Masaya ring tumanggap ng mga kopya ang mayor ng Kigali, hepe ng pulisya, at mga opisyal ng Ministry of Sports.
Nang magsimula ang gawain sa Rwanda noong 1970, tatlo lang ang mamamahayag. Ngayon, mayroon Mat. 9:38; Mik. 4:1, 2.
nang mga 20,000 mamamahayag sa bansa. Nagdaraos sila ng mga 50,000 pag-aaral sa Bibliya buwan-buwan. Ang dumalo sa Memoryal noong Abril 2011 ay 87,010. Patunay ito ng kasigasigan ng mga kapatid sa Rwanda. Mga 25 porsiyento ng mga mamamahayag ang nasa iba’t ibang uri ng buong-panahong paglilingkod at ang iba pang mamamahayag ay may average na ulat na 20 oras kada buwan. Abala ang ating mga kapatid sa pakikipagtulungan sa “Panginoon ng pag-aani” sa mabungang lupaing ito, at determinado silang magpatuloy. Habang pinagpapala ni Jehova ang gawain, nasasabik tayong makita kung gaano pa karaming tao ang huhugos sa bundok ng tunay na pagsamba kay Jehova sa Lupain ng Sanlibong Burol.—[Mga talababa]
a Karaniwang tinatawag na Congo o Congo (Kinshasa) para matukoy nang bukod mula sa katabi nitong Congo (Brazzaville). Gagamitin sa buong ulat na ito ang pangalang Congo.
b Naging mamamahayag nga si Deborah, nabautismuhan sa edad na sampu, at ngayo’y isa nang regular pioneer kasama ng kaniyang ina.
c Isa nang bautisadong sister ang sanggol.
[Blurb sa pahina 178]
Sinabihan niya ang mga tagapakinig na mag-ingat sa mga Saksi ni Jehova
[Blurb sa pahina 181]
Masaya silang nagbabatian ng “Komera!” na ang ibig sabihin ay “Lakasan n’yo ang loob n’yo!”
[Blurb sa pahina 218]
“Diyos na Jehova, hindi po namin kayang iligtas ang sarili namin. Kayo lang po ang makakagawa n’on!”
[Kahon/Larawan sa pahina 166]
Maikling Impormasyon Tungkol sa Rwanda
Lupain
Ang Rwanda ay 177 kilometro lamang ang haba at 233 kilometro ang lapad, pero mahigit 11,000,000 ang naninirahan dito. Ito ang pinakamataong bansa sa Aprika. Ang kabisera ay Kigali.
Mamamayan
Ang mga tao rito ay binubuo ng mga Hutu, Tutsi, at Twa; mayroon ding mga galing ng Asia at Europa. Mahigit 50% ng populasyon ay Romano Katoliko; mahigit 25% naman ay Protestante, kabilang na ang mga Adventist. Ang natitira ay mga Muslim o kaya’y may ibang lokal na paniniwala.
Wika
Kinyarwanda, Ingles, at Pranses ang opisyal na mga wika. Swahili ang wikang ginagamit sa pakikipagkalakalan sa mga katabing bansa.
Kabuhayan
Pagsasaka ang ikinabubuhay ng karamihan. Dahil hindi gaanong mataba ang lupa rito, sapat lang para sa pamilya ang inaani. Nagtatanim sila ng tsaa, pati na ng pyrethrum—isang halamang ginagamit sa insecticide—gayundin ng kape, na pangunahing produktong ini-export.
Pagkain
Pangunahing pagkain ang patatas, saging, at beans.
Klima
Bagaman malapit ang Rwanda sa ekwador, kadalasan nang hindi gaanong mainit ang klima. Sa mga bulubunduking lugar, 21 digri Celsius ang karaniwang temperatura at katamtaman ang pag-ulan sa loob ng isang taon.
[Kahon/Larawan sa pahina 185]
“Baka Buweltahan Tayo ni Jehova!”
EMMANUEL NGIRENTE
ISINILANG 1955
NABAUTISMUHAN 1982
Miyembro ng Komite ng Sangay sa Rwanda at tagapangasiwa ng Translation Department.
◼ NOONG 1989, payunir ako sa silangan ng Rwanda. Bago nagtapos ang taóng iyon, naatasan akong maging tagapagsalin. Dahil wala naman akong karanasan sa pagsasalin, medyo nabigla ako at pakiramdam ko’y hindi ko kaya. Pero tatlong publikasyon agad ang sinimulan ko. Nakakita kami ng bahay na mauupahan at nakakuha ng ilang diksyunaryo. Minsan, buong gabi akong nagtatrabaho. Nagkakape na lang ako para hindi antukin.
Nang lumusob ang hukbong kontra-gobyerno noong Oktubre 1990, may mga nagsuspetsa na nakikipagsabuwatan ang mga Saksi ni Jehova sa mga ito. Nag-imbestiga ang awtoridad. Dahil nasa bahay lang ako, inisip nilang wala akong trabaho kaya gusto nilang alamin kung ano ang ginagawa ko. Isang araw, nagplano silang halughugin ang bahay. Inabot ako noon ng umaga sa pagmamakinilya, at noong bandang alas singko, gusto ko na sanang matulog. Pero bigla akong ipinatawag para tumulong sa isang proyektong pangkomunidad.
Pag-alis ko, pinasok ng mga awtoridad ang bahay ko. Pagbalik ko, sinabi ng mga kapitbahay na isang pulis at isang lokal na opisyal ang nagpunta sa bahay. Isang oras daw nilang binasa ang mga manuskritong isinalin ko, na paulit-ulit na bumabanggit kay Jehova. Bandang huli, sinabi nila: “Umalis na tayo dito, baka buweltahan tayo ni Jehova!”
[Kahon/Larawan sa pahina 194]
Isang Milyon sa Loob ng 100 Araw
“Isa sa pinakamalagim na ubusan ng lahi sa modernong kasaysayan ang nangyari sa Rwanda noong 1994. Pasimula sa unang linggo ng Abril 1994 hanggang kalagitnaan ng Hulyo 1994, pinagpapatay ng mayoryang etnikong grupong Hutu ang minoryang Tutsi sa maliit na bansang ito sa Sentral Aprika. Bunsod ng lumalakas na kilusang demokrasya at gera sibil, pinlano ng ekstremistang rehimeng Hutu na lipulin ang lahat ng inaakala nilang banta sa kanilang kapangyarihan—mga Tutsi pati na mga Hutu na walang pinapanigan. Nagwakas lamang ang genocide nang ang bansa ay makontrol na ng mga rebeldeng sundalong karamiha’y Tutsi at mapalayas ang rehimeng utak ng genocide. Sa loob lang ng 100 araw, isang milyong buhay ang kinitil ng genocide at ng giyera—dahilan para masabing ang pangyayaring ito sa Rwanda ang isa sa pinakalansakang pagpatay na naiulat sa kasaysayan.”—Encyclopedia of Genocide and Crimes Against Humanity.
Mga 400 Saksi ni Jehova ang napatay sa genocide, kasama na ang mga Hutu na napaslang dahil sa pagprotekta sa kanilang mga kapatid na Tutsi. Walang Saksi ang namatay sa kamay ng kanilang mga kapananampalataya.
[Larawan]
Mga lumilikas na taga-Rwanda
[Kahon/Larawan sa pahina 197]
“Mga Death Chamber”
“Nilansi ng mga nag-organisa ng genocide ang libu-libong Tutsi sa matagal nang pinaniniwalaang konsepto na ligtas na lugar ang mga simbahan; pagpasok ng kaawa-awang mga tao sa loob ng mga simbahan at paaralan, pinagbabaril sila ng mga sundalo at milisyang Hutu at pinasabugan ng granada, saka isa-isang pinaslang sa pamamagitan ng itak, karit, at kutsilyo ang mga natirang buháy. . . . Pero ang pagkakasangkot ng mga relihiyon ay hindi natapos sa pagpapahintulot nilang gamitin bilang mga death chamber ang mga simbahan. Sa ilang komunidad, itinuro ng mga klero, katekista, at iba pang empleado ng simbahan ang mga kilala nilang Tutsi para mapatay ang mga ito. May mga pagkakataon pa ngang kasama sila sa mismong pagpatay.”—Christianity and Genocide in Rwanda.
“Ang pangunahing alegasyon sa Simbahan[g Katoliko] ay ang pagbaligtad nito mula sa pagkampi sa prominenteng Tutsi tungo sa rebolusyong inilunsad ng mga Hutu, na naglagay kay Habyarimana sa kapangyarihan sa estadong dominado ng mga Hutu. Kung tungkol naman sa genocide, pinapapanagot din ng mga kritiko ang Simbahan dahil sa panunulsol, pagtatakip sa mga promotor, at pagpapabaya sa mga taong umasa ng proteksiyon sa kanila. At may mga naniniwalang ang Simbahan, bilang espirituwal na lider ng kalakhang populasyon ng Rwanda, ay dapat managot sa pagkabigo nitong gawin ang lahat ng magagawa nito upang patigilin ang pagpatay.”—Encyclopedia of Genocide and Crimes Against Humanity.
[Kahon/Mga Larawan sa pahina 201-203]
“Ang Daming Nagmamakaawa Para sa Kaniya”
JEAN-MARIE MUTEZINTARE
ISINILANG 1959
NABAUTISMUHAN 1985
Nagtatrabaho siya sa konstruksiyon at isang tapat na brother na laging nakangiti. Walong buwang nakulong noong 1986, di-nagtagal matapos mabautismuhan. Ikinasal kay Jeanne noong 1993, si Jean-Marie ngayon ay chairman ng komite ng Kigali Assembly Hall.
◼ ABRIL 7 noon nang kami ng maybahay kong si Jeanne at ng isang-buwang gulang naming sanggol, si Jemima, ay magising dahil sa putukan ng baril. Akala namin, simpleng awayan lang iyon sa pulitika. Pero nang maglaon, nalaman naming nagsimula nang pagpapatayin ng milisyang Interahamwe ang mga Tutsi. Dahil mga Tutsi kami, hindi kami lumabas. Nanalangin kami nang husto kay Jehova na tulungan kami kung ano ang gagawin. Tatlong matatapang na brother na Hutu—sina Athanase, Charles, at Emmanuel—ang nagsapanganib ng kanilang buhay para dalhan kami ng pagkain.
Sa loob ng mga isang buwan, napilitan kaming mag-asawa na magtagô sa magkaibang bahay ng mga kapatid. Sa kasagsagan ng pagpaslang sa mga Tutsi, dumating ang milisya na may mga kutsilyo, sibat, at itak sa mismong pinagtataguan ko. Kumaripas ako ng takbo para magtago sa kakahuyan pero naabutan nila ako. Napaligiran ako ng armadong mga lalaki. Nagmakaawa ako at sinabi kong isa akong Saksi ni Jehova, pero sinabi nila, “Rebelde ka!” Pinagtatadyakan
nila ako, hinambalos, at pinalo ng puluhan ng riple. Nagdatingan ang mga tao, kabilang na ang isang lalaking napangaralan ko. Lakas-loob siyang sumigaw, “Maawa kayo sa kaniya!” Tapos, dumating si Charles, isa sa mga brother na Hutu. Duguan ako, kaya pagkakita sa akin ng kaniyang asawa at mga anak, nag-iyakan sila. Tinablan ang mga gustong pumatay sa akin at sinabi, “Papatayin ba natin ’to, e ang daming nagmamakaawa para sa kaniya?” Pinalaya nila ako at dinala ako ni Charles sa bahay niya para gamutin ang mga sugat ko. Nagbanta ang milisya na kapag nakatakas ako, si Charles ang papatayin nila.Samantala, noong panahong mahiwalay sa akin ang mag-ina ko, binugbog din si Jeanne at muntikan nang mamatay. May mga nagbalita sa kaniya na patay na ako, at sinabihan pa siyang maghanap ng kumot para balutin ang bangkay ko.
Nang magkita kami ni Jeanne sa bahay ni Athanase, nagkaiyakan kami sa tuwa. Pero alam naming puwede pa rin kaming mamatay kinabukasan. Isang araw na naman iyon ng takot at bangungot habang nagtatago sa iba’t ibang lugar. Naaalala ko pa ang pagsusumamo ko kay Jehova: “Kahapon tinulungan n’yo kami. Sana po tulungan n’yo uli kami. Gusto po naming mapalaki ang anak namin at magpatuloy sa paglilingkod!” Kinagabihan, kahit peligroso dahil sa mga dadaanang checkpoint, sinamahan kami ng tatlong brother na Hutu papunta sa isang grupo ng mga 30 Tutsi. Anim sa grupong iyon ang tumanggap ng katotohanan.
Nang maglaon, nalaman namin na patuloy na tumulong sa iba ang grupo ni Charles, pero nagngitngit sa galit ang Interahamwe nang malaman nilang maraming Tutsi ang tinulungan ng mga brother para makatakas. Nahuli nila si Charles at isa pang brother na Hutu, si Leonard. Narinig ng asawa ni Charles ang sinabi ng Interahamwe, “Dapat kang mamatay dahil tinulungan mong makatakas ang mga Tutsi.” At pinatay nga sila. Patunay ito ng mga salita ni Jesus: “Walang sinuman ang may pag-ibig na mas dakila kaysa rito, na ibigay ng isa Juan 15:13.
ang kaniyang kaluluwa alang-alang sa kaniyang mga kaibigan.”—Bago ang giyera, noong magpapakasal pa lang kami ni Jeanne, napagpasiyahan naming isa sa amin ang dapat magpayunir. Pero marami sa mga kamag-anakan namin ang pinatay noong giyera, kaya anim na bata ang inampon namin, kahit may dalawa na kaming anak. Sa kabila nito, pagkatapos ng giyera, nakapag-auxiliary pioneer si Jeanne at 12 taon na siyang regular pioneer ngayon. Ang anim na batang inampon namin—na ang mga magulang ay hindi Saksi ni Jehova—ay bautisado nang lahat ngayon. Ang tatlong lalaki ay ministeryal na lingkod na, at ang isa sa mga babae ay naglilingkod sa Bethel kasama ng kaniyang asawa. Apat na ang anak namin, at ang dalawang babaing nakatatanda ay pareho nang bautisado.
[Larawan]
Sina Brother at Sister Mutezintare kasama ang dalawang anak at lima sa kanilang inampon
[Kahon/Larawan sa pahina 204, 205]
“Naging Matatag Kami Dahil sa Katotohanan”
Magkapatid sina Valerie Musabyimana at Angeline Musabwe. Debotong Katoliko ang pamilya nila at chairman ng isa sa mga komite ng parokya ang tatay nila. Apat na taóng nag-aral si Valerie para maging madre. Pero nadismaya siya sa paggawi ng isang pari kaya huminto siyang mag-aral noong 1974. Nang maglaon, nakipag-aral siya ng
Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, nabautismuhan, at nagpayunir noong 1979. Nag-aral din ng Bibliya ang kapatid niyang si Angeline at nabautismuhan. Naging special pioneer ang magkapatid at marami ang natulungan nilang matuto ng katotohanan.Nakatira sa Kigali ang magkapatid nang magsimula ang genocide at siyam katao ang itinago nila sa kanilang bahay, kabilang ang dalawang buntis; kamamatay lang ng asawa ng isa sa kanila. Dumating ang oras ng panganganak ng babaing iyon. Dahil delikadong umalis ng bahay, tumulong sa pagpapaanak ang magkapatid. Nang mabalitaan ito ng mga kapitbahay, dinalhan sila ng pagkain at tubig.
Nang malaman ng Interahamwe na itinatago nina Angeline at Valerie ang mga Tutsi, nagpunta ang mga ito at sinabi: “Nandito kami para patayin ang Saksi ni Jehova na Tutsi.” Pero dahil pag-aari ng isang opisyal ng militar ang bahay na inuupahan ng magkapatid, natakot pumasok ang Interahamwe. d Nakaligtas ang lahat ng nasa bahay.
Tumindi ang labanan at walang tigil ang putukan, kaya kinailangang lumikas nina Angeline at Valerie. Pumunta sila sa Goma kasama ang iba pang mga Saksi, at mainit silang tinanggap ng mga kapatid na taga-Congo. Patuloy silang nangaral doon at nagdaos ng maraming Bible study.
Ano ang nadama nila sa nangyaring genocide? Malungkot na sinabi ni Valerie: “Namatay ang marami sa aking mga anak sa espirituwal, kabilang na si Eugène Ntabana at ang kaniyang pamilya. Pero naging matatag kami dahil sa katotohanan. Alam naming hahatulan ni Jehova ang mga manggagawa ng kasamaan.”
[Talababa]
d Pagkatapos ng digmaan, nakipag-aral ng Bibliya ang may-ari ng bahay. Namatay siya, pero naging Saksi ang misis niya pati ang dalawa nilang anak.
[Kahon/Larawan sa pahina 206, 207]
Handa Silang Mamatay Para sa Amin
ALFRED SEMALI
ISINILANG 1964
NABAUTISMUHAN 1981
Nanirahan sa isang bayan malapit sa Kigali kasama ng kaniyang maybahay na si Georgette. Ang mapagmahal na ama’t asawang si Alfred ay miyembro ngayon ng Hospital Liaison Committee sa Kigali.
◼ NANG magsimula ang genocide, sinabi ng kapitbahay naming Hutu na si Brother Athanase, “Papatayin nila ang mga Tutsi, pati na kayo.” Isinama niya kami sa bahay nila. Bago ang giyera, gumawa siya ng hukay na 12 piye ang lalim, at doon niya kami pinagtago. Ako ang unang bumaba sa hagdang ginawa niya. Nagpadala si Athanase ng pagkain at ng mahihigaan namin. Patuloy ang patayan sa paligid.
Kahit nagsususpetsa na ang mga kapitbahay at nagbabantang susunugin nila ang bahay ni Athanase, itinago pa rin kami ng pamilya niya. Talagang handa silang mamatay para sa amin.
Lalong tumindi ang labanan kaya nagtago na rin si Athanase at ang kaniyang pamilya kasama namin; 16 na kami sa hukay. Napakadilim dahil takót kaming magsindi ng anumang ilaw. Tig-iisang kutsarang bigas lang na ibinabad sa tubig at asukal ang kinakain namin araw-araw. Naubos ito sa loob ng sampung araw. Noong ika-13 araw na, gutom na gutom na kami! Ano ang gagawin namin? Pagpanhik sa hagdan, nasilip namin ang nangyayari sa labas, at napansin namin na may nagbago. May mga sundalo na iba ang uniporme.
Yamang pinrotektahan kami ni Athanase at ng pamilya niya, naisip kong ako naman ang dapat magsakripisyo. Nagpasiya akong lumabas kasama ng tin-edyer na anak ni Athanase para humanap ng pagkain. Nanalangin muna kaming lahat.Pagkaraan ng mga kalahating oras, bumalik kami at ibinalitang kontrolado na ng Rwandan Patriotic Front ang lugar namin. Sinamahan kami ng ilang sundalo at itinuro ko sa kanila kung saan kami nagtatago. Hindi sila makapaniwala hanggang sa isa-isang lumabas sa hukay ang lahat ng kapatid. Hindi malilimutan ni Georgette ang araw na iyon. Sinabi niya: “Nanlilimahid kami; halos tatlong linggo kaming nasa hukay na iyon nang walang ligo o laba ng damit.”
Gulat na gulat ang mga sundalo na magkasama sa hukay na iyon ang magkaibang etnikong grupo. “Mga Saksi ni Jehova kami,” ang paliwanag ko, “at hindi kami nagtatangi ng lahi.” Namangha sila at sinabi, “Bigyan ng pagkain at asukal ang mga taong ito!” Dinala kami sa isang bahay na pansamantalang tinutuluyan ng mga 100 katao. Pagkaraan, kaming 16 ay pinilit ng isang sister na tumira sa bahay niya, kasama ng kaniyang pamilya.
Laking pasasalamat namin na nakaligtas kami. Pero ang aking kuya at isang kapatid na babae at ang mga pamilya nila—lahat ay mga Saksi ni Jehova—ay pinaslang, gaya ng maraming iba pa. Nangungulila kami, pero alam naming “ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit sa [ating] lahat.” Ganito inilalarawan ni Georgette ang damdamin namin: “Marami sa mga kapatid namin ang namatay, at ang iba ay dumanas ng matinding takot at hirap habang tumatakas at nagtatago. Pero pinatibay ng pananalangin ang aming kaugnayan kay Jehova, at nakita namin ang kapangyarihan ng kaniyang kamay. Pinalakas niya kami at inalalayan sa tamang panahon sa tulong ng kaniyang organisasyon, at abot-abot ang pasasalamat namin. Sagana kaming pinagpala ni Jehova.”—Ecles. 9:11.
[Kahon/Mga Larawan sa pahina 208, 209]
Tinulungan Kami ni Jehova
ALBERT BAHATI
ISINILANG 1958
NABAUTISMUHAN 1980
Isang elder na may tatlong anak. Ang kaniyang asawa at panganay na anak na babae ay mga regular pioneer. Ang anak niyang lalaki ay ministeryal na lingkod. Nang magsimulang dumalo noong 1977 ang tahimik na si Albert, isang Hutu, mga 70 lang ang mamamahayag sa bansa. Taóng 1988 nang mabilanggo siya at bugbugin. Nang tumanggi siyang isuot ang badge ng isang partido, itinusok ng kapitbahay nilang dating sundalo ang pin ng badge sa balat niya at nanuya: “Hayan, e di suot mo na!”
◼ PAGKAMATAY ng presidente, may ilang kapatid, kamag-anak, at mga kapitbahay na nagdagsaan sa bahay namin. Pero nag-aalala ako sa dalawang sister na Tutsi, sina Goretti at Suzanne. Kaya kahit delikado, hinanap ko sila. Nagsisitakas ang mga tao, at nakita ko si Goretti at ang kaniyang mga anak. Tiyak na papatayin sila sa pupuntahan nila dahil may checkpoint doon, kaya isinama ko sila sa bahay.
Pagkaraan ng ilang araw, dumating si Suzanne at limang iba pa. Mahigit 20 na kami ngayon sa bahay, at ang lahat ay nasa panganib.
Hindi lang tatlong beses na nagpunta sa bahay namin ang Interahamwe. Minsan natanaw nila sa bintana ang asawa kong si Vestine at pinalabas siya ng bahay. Isa siyang Tutsi. Tumayo ako sa pagitan ng aking asawa at ng Interahamwe at sinabi: “Kung papatayin n’yo siya, patayin n’yo
muna ’ko!” Pagkatapos ng diskusyon, pinapasok na nila si Vestine. Isa sa kanila ang nagsabi, “Ayokong pumatay ng babae; lalaki ang gusto kong patayin!” Binalingan nila ang bayaw ko. Habang kinakaladkad nila siya palabas, namagitan ako at nagmakaawa, “Utang na loob, matakot kayo sa Diyos!”“Wala akong pakialam sa Diyos,” ang sabi ng isa sa kanila sabay bira ng siko niya sa akin. Pero sinabi niya: “Sige! Kunin mo na ’yan!” Nakaligtas ang bayaw ko.
Mga isang buwan ang nakalipas, dalawang brother ang dumating at naghahanap ng pagkain. Dahil may nakaimbak kaming beans, binigyan ko sila. Pero nang samahan ko sila para ituro ang ligtas na daanan, nakarinig ako ng putok at nawalan ng malay. Tinamaan pala ako ng shrapnel sa mata. Dinala ako ng isang kapitbahay sa ospital, pero nabulag ang isang mata ko. At ang masama pa, hindi na ako makabalik ng bahay. Habang tumitindi ang labanan, lalong namemeligro ang mga nasa bahay namin, kaya nagtago sila sa bahay ng iba’t ibang kapatid, na nagsapanganib ng buhay para protektahan sila hanggang noong Hunyo 1994. Oktubre na nang makasama ko ang pamilya ko. Nagpapasalamat ako kay Jehova na tinulungan niya kami sa kahila-hilakbot na mga panahong iyon.
[Larawan]
Si Albert Bahati, ang kaniyang pamilya, at ang iba na itinago niya
[Kahon/Larawan sa pahina 210-212]
“Ito ang Daan”
GASPARD NIYONGIRA
ISINILANG 1954
NABAUTISMUHAN 1978
Walang takot na nanindigan sa katotohanan; masayahin at positibo. Si Gaspard, na may asawa at tatlong anak na babae, ay miyembro ng Komite ng Sangay sa Rwanda.
◼ PAGKATAPOS ng putukan na nagsimula noong umaga ng Abril 7, mga 15 bahay ng Tutsi ang nakita kong nasusunog, 2 rito ay bahay ng mga kapatid. Bahay na ba namin ang susunod? Halos mabaliw ako sa kaiisip sa mangyayari sa asawa kong Tutsi at sa dalawang anak namin.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Marami ang natataranta, at may kumakalat na kung anu-anong kuwento. Naisip kong magiging mas ligtas ang mag-iina ko sa bahay ng isang brother malapit sa amin, at saka na lang ako susunod. Nang medyo humupa ang sitwasyon, sumunod ako at nalaman kong pinalipat pala sila sa isang malaking eskuwelahan. Nang hapong iyon, sinabi sa akin ng isang kapitbahay, “Imamasaker ang lahat ng Tutsi na nasa eskuwelahan!” Sumugod ako sa eskuwelahan para sunduin ang mag-iina ko. Tapos, mga 20 iba pa—kasama na ang mga kapatid—ang pinagsabihan kong bumalik sa kani-kanilang bahay. Nang paalis na kami ng mag-iina ko, nakita namin ang milisya na dinadala ang mga tao palabas ng bayan. Nang maglaon, nalaman kong mahigit 2,000 Tutsi ang pinatay nila roon.
Samantala, nanganak sa eskuwelahan ang misis ng isa naming kapitbahay. Nang maghagis ang Interahamwe ng granada sa eskuwelahan, tumakbo ang tatay karga ang bagong-silang na sanggol, pero nataranta ang nanay at napunta sa ibang direksiyon. Kahit na isang Tutsi, nakadaan ang tatay sa mga checkpoint dahil sa dala-dala niyang sanggol, at tumakbo siya sa bahay namin. Nakiusap siyang ihanap ko ng gatas ang bata. Paglabas ko, napadaan ako sa isang checkpoint na binabantayan ng milisya. Inisip nilang kakampi ako ng mga Tutsi dahil kukuha ako ng gatas para sa isang batang Tutsi. Sinabi nila, “Patayin natin ’to!” Pinalo ako ng isang sundalo ng puluhan ng baril, nawalan ako ng ulirat, at dumugo ang ilong at mukha ko. Akala nila patay na ako kaya kinaladkad nila ako sa likuran ng kalapit na bahay.
Nakilala ako ng isang kapitbahay at sinabi, “Umalis ka na, baka matuluyan ka pagbalik nila!” Tinulungan niya akong makauwi.
Kahit paano, napabuti ang pambubugbog sa akin. Dahil drayber ako, limang lalaki ang nagpunta sa akin nang sumunod na araw para ipagmaneho ang isang hepe ng militar. Pero nakita nila ang mga sugat ko kaya hindi na sila nagpumilit, kahit na gusto pa sana nila akong isama sa pagpapatrol ng Interahamwe.
Naghari ang takot, pangamba, at gutom. Noong mga panahong iyon, isang babaing Tutsi ang tumakbo sa bahay namin kasama ang kaniyang dalawang maliliit na anak. Itinago namin siya sa kabinet sa kusina at ang mga bata naman, sa isang kuwarto kasama ng mga anak ko. Nang umabante pa ang Rwandan Patriotic Front (RPF) at kumalat ang balitang pinapatay ng Interahamwe ang lahat ng Hutu na may mga misis na Tutsi, naghanda ang pamilya namin para tumakas uli. Pero kontrolado na ng RPF ang
aming lugar kaya ligtas na ang mga Tutsi. Ako naman ang nalagay sa peligro.Sumama ako sa mga kapitbahay papunta sa isang checkpoint na binabantayan ng mga sundalong RPF. Nang makita nila ako, isang Hutu na may benda sa ulo, inisip nilang isa akong milisya. Pasigaw nilang sinabi: “Ang ilan sa inyo ay mamamatay-tao at magnanakaw, tapos nanghihingi kayo ng tulong! Bakit, meron ba sa inyo na nagtago at pumrotekta ng mga Tutsi?” Iniharap ko sa kanila ang babae at mga batang itinago ko. Kinuha nila ang mga bata at tinanong, “Sino ang lalaking may benda sa ulo?” Sumagot sila, “Hindi siya kasama ng Interahamwe; isa siyang Saksi ni Jehova at mabait siya.” Iniligtas ko ang babaing Tutsi at ang dalawang anak nito, at ngayon, sila naman ang nagliligtas sa akin!
Naniwala ang mga sundalo sa sagot nila. Dinala nila kami sa isang kampo na mga 20 kilometro mula sa Kigali. Sama-sama roon ang mga 16,000 nakaligtas. Mga 60 brother at sister mula sa 14 na kongregasyon ang naroon. Nagdaos kami ng mga pulong at 96 ang dumalo sa unang pulong! Gayunman, napakasakit kapag may nababalitaan kaming mga kaibigang pinatay at mga sister na ginahasa. Ako lang ang elder, at maraming kapatid ang nangangailangan ng kaaliwan at tulong mula sa Kasulatan. Pinakinggan ko ang malulungkot nilang kuwento at tiniyak sa kanila na mahal sila ni Jehova at na naiintindihan niya ang sakit na nararamdaman nila.
Sa wakas, matapos ang malalagim na araw, nakauwi kami noong Hulyo 10. Naaalala ko na noong panahong laganap pa ang takot, madalas kong iniisip ang awit na pinamagatang “Ito ang Daan.” Talagang napatibay ako ng sinasabi sa kantang iyon: “Sa kaliwa’t kanan ay huwag lumiko, daan niya’y tahakin, buhay matamo.”
[Kahon/Larawan sa pahina 223, 224]
May Tumatawag sa Akin
HENK VAN BUSSEL
ISINILANG 1957
NABAUTISMUHAN 1976
Bethelite sa Netherlands bago mag-aral sa Gilead noong 1984. Inatasan siya sa Central African Republic, sa Chad, at pagkatapos ay sa Rwanda noong Setyembre 1992. Siya at ang asawa niyang si Berthe ay naglilingkod ngayon sa tanggapang pansangay sa Rwanda.
◼ ANG Kigali Sud ang una kong kongregasyon nang atasan ako sa Rwanda. Napakaraming kabataan sa kongregasyong iyon. Mapagpatuloy ang mga kapatid. Noong 1992, kaunti pa lang ang mga kongregasyon sa bansa at mahigit 1,500 ang mamamahayag. Diskumpyado pa rin sa amin ang mga awtoridad, kaya paminsan-minsan kapag nangangaral kami, tinitingnan pa ng mga pulis ang mga papeles namin.
Nang magsimula ang genocide, napilitan akong umalis ng bansa. Pero di-nagtagal, naatasan akong tumulong sa mga refugee sa silangan ng Congo. Mula Nairobi, naglakbay ako papunta sa lunsod ng Goma malapit sa border ng Rwanda. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na iyon at ang alam ko lang ay ang pangalan ng isang elder, pero hindi ko alam kung paano siya hahanapin. Pagdating ko, nagtanong ako sa isang taxi driver. Nagtanong naman siya sa iba pang drayber. Sa loob lang ng 30 minuto, nasa harapan na ako ng bahay ng elder. Dalawang brother mula sa Komite ng Bansa sa Rwanda ang nakatawid ng border papuntang Goma, at ibinigay ko sa kanila ang perang galing sa tanggapang pansangay sa Kenya para tulungan ang mga kapatid sa Rwanda.
Noong ikalawang punta ko sa Goma galing Nairobi, naglakad ako mula Goma papuntang border ng Rwanda. Hindi naman ito kalayuan, pero ang tagal bago ako nakarating dahil nasalubong ko ang hugos ng mga refugee na galing ng Rwanda.
Biglang may tumawag sa akin: “Ndugu (kapatid) Henk! Ndugu Henk!” Nang hanapin ko kung saan nanggagaling ang tinig, nakita ko si Alphonsine. Isa siyang 14-anyos na dalagita mula sa kongregasyon ko noon sa Kigali. Napawalay pala siya sa nanay niya. Hindi ko siya binitawan at dinala ko siya sa Kingdom Hall na tagpuan ng maraming iba pang kapatid na refugee. Isang pamilyang Congolese ang kumupkop sa kaniya, pagkatapos ay inalagaan siya ng isang sister na refugee na kakongregasyon niya. Nang maglaon, nagkasamang muli si Alphonsine at ang nanay niya sa Kigali.
[Larawan]
Si Henk at ang maybahay niyang si Berthe
[Kahon/Larawan sa pahina 235, 236]
Si Jehova ay Gumagawa ng Dakila at Kamangha-manghang mga Bagay!
GÜNTER RESCHKE
ISINILANG 1937
NABAUTISMUHAN 1953
Nagsimulang magpayunir noong 1958 at kabilang sa ika-43 klase ng Gilead. Mula 1967, naglingkod siya sa Gabon, sa Central African Republic, at sa Kenya, at dumalaw sa iba pang bansa sa gawaing paglalakbay. Miyembro siya ngayon ng Komite ng Sangay sa Rwanda.
◼ TAÓNG 1980 nang una akong dumalaw sa Rwanda. Galing ako sa Kenya bilang tagapangasiwa ng distrito. Noong panahong iyon, pito lang ang kongregasyon sa Rwanda at 127 ang mamamahayag. Isa ako sa mga instruktor sa unang klase ng Pioneer Service School na idinaos sa bansa. Marami sa 22 estudyante ng klaseng iyon ay nasa buong-panahong paglilingkod pa rin. Dala-dala ko pabalik ng Kenya ang masasayang alaala ng kasigasigan ng mga kapatid at ang kanilang pagpapahalaga sa katotohanan.
Noong 1996, nakatanggap ako ng sulat mula sa sangay sa Kenya at gusto nila akong lumipat sa Rwanda. Hiyang na ako sa Kenya dahil 18 taon na ako roon. Pagdating ko sa Rwanda, medyo magulo pa rin. Sa gabi, may maririnig kaming putukan. Pero di-nagtagal, nagustuhan ko na ang atas ko, lalo na nang masaksihan ko ang pagpapala ni Jehova sa gawain.
Hindi maayos ang mga pinagdarausan ng mga asamblea. Pero walang reklamo ang mga kapatid kahit sa lupa o sa mga batuhan sila maupo. Ang pool para sa bautismo ay isang hukay na sinapinan ng lona. Ganito pa rin idinaraos ang maraming asamblea sa malalayong lugar, pero sa
paglipas ng panahon, may itinayo nang simpleng mga Assembly Hall at ilang expandable na Kingdom Hall.Masigasig sa pangangaral ang mga kapatid. Napakaagang magpulong ng mga kongregasyon sa Kigali kapag dulo ng sanlinggo. Pagkatapos ng pulong, mangangaral na sila hanggang dumilim.
Lagi kong kinukumusta ang mga bata sa kongregasyon, ang susunod na henerasyon ng mga mamamahayag na babalikat ng pananagutan. Nakakatuwang makita ang marami na walang-takot na naninindigan, pinatutunayang may matibay silang kaugnayan kay Jehova kahit sa murang edad!
Nariyan ang 11-anyos na si Luc na taga-timog. Pinaaawit siya ng pambansang awit sa kanilang klase. Magalang niyang hiniling na kumanta na lang siya ng ating Kingdom song. Pumayag ang titser, at nagpalakpakan ang lahat pagkatapos umawit ni Luc. Kitang-kita na gustung-gusto ni Luc na papurihan ang kaniyang Maylalang dahil kabisado niya hindi lang ang tono kundi pati ang liriko ng ating awit. Napatibay ako ng karanasang ito at ng iba pa. May nakilala rin akong sister na nabilanggo ilang taon na ang nakakaraan dahil sa pangangaral. Nanganak siya sa bilangguan at pinangalanan ang kaniyang sanggol na lalaki ng “Shikama Hodari” (“manatiling matatag” sa wikang Swahili). At bagay na bagay kay Shikama ang pangalan niya. Kailan lang ay nagtapos siya sa Bible School for Single Brothers at isa nang ministeryal na lingkod at special pioneer.
Sa loob ng maraming taon ng matinding paghihirap ng ating mga kapatid sa Rwanda—mga pagbabawal, gera sibil, at genocide—lagi akong naaantig ng kanilang katapatan at sigasig sa ministeryo, at malaking pribilehiyo sa akin na maglingkod kasama nila. Damang-dama ko rin ang pagpapala ni Jehova, pati na ang kaniyang proteksiyon at pag-alalay, at lalo akong nápalapít sa kaniya. Talagang si Jehova ay gumagawa ng dakila at kamangha-manghang mga bagay!—Awit 136:4.
[Chart/Mga larawan sa pahina 254, 255]
TALÂ NG MAHAHALAGANG PANGYAYARI—Rwanda
1970
1970 Unang ulat ng gawain.
1975 Unang pamilyang Rwandan na bumalik mula sa Congo.
1976 Inilimbag sa Kinyarwanda ang buklet na “Ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian.”
1978 Inilimbag sa Kinyarwanda ang buwanang edisyon ng magasing Ang Bantayan.
1980
1982 Ipinagbawal ang gawain; ibinilanggo ang mga brother na nangangasiwa sa gawain.
1986 Nabilanggo ang mahigit 30% ng mga mamamahayag.
1990
1990 Sumiklab ang giyera sa hilaga ng bansa.
1992 Idinaos ang kauna-unahang pandistritong kombensiyon para sa buong bansa.
Inirehistro ang gawain.
Dumating ang mga misyonero.
1994 Genocide sa mga Tutsi.
1996 Pagbabalik ng mga misyonero.
Nagkaroon ng Service Department.
1998 Sabay na sa edisyong Ingles ang Bantayan sa wikang Kinyarwanda.
1999 Inialay ang Assembly Hall sa Kigali.
2000
2000 Nagkaroon ng tanggapang pansangay.
Nagsimula ang gawain ng Kingdom Hall Construction Desk.
2001 Nakakuha ng lupa para sa bagong sangay.
2006 Inialay ang bagong pasilidad ng sangay.
2007 Inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Kinyarwanda.
2010
2010 Inilabas ang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Kinyarwanda.
[Graph/Larawan sa pahina 234]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Bilang ng Mamamahayag
Bilang ng Payunir
20,000
15,000
10,000
5,000
1985 1990 1995 2000 2005 2010
[Mga mapa sa pahina 167]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
UGANDA
DEMOCRATIC REPUBLIC OF CONGO
Nyiragongo Volcano
Goma
Bukavu
BURUNDI
TANZANIA
RWANDA
KIGALI
KBDK. NG VIRUNGA
Karisimbi Volcano
Ruhengeri (Musanze ngayon)
Gisenyi (Rubavu ngayon)
Lawa ng Kivu
Kanombe
Masaka
Gitarama (Muhanga ngayon)
Bugesera
Nyabisindu (Nyanza ngayon)
Save
Butare (Huye ngayon)
Ekwador
[Larawan sa pahina 164, 165]
Pangingisda sa Lawa ng Kivu
[Mga larawan sa pahina 169]
Oden at Enea Mwaisoba
[Larawan sa pahina 170]
Si Gaspard Rwakabubu kasama ang anak na si Deborah at asawang si Melanie
[Larawan sa pahina 171]
“Ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian” sa Kinyarwanda
[Larawan sa pahina 172]
Justin Rwagatore
[Larawan sa pahina 172]
Ferdinand Mugarura
[Larawan sa pahina 173]
Ang tatlong nabautismuhan noong 1976: Leopold Harerimana, Pierre Twagirayezu, at Emmanuel Bazatsinda
[Larawan sa pahina 174]
Mga literatura sa Kinyarwanda
[Larawan sa pahina 179]
Phocas Hakizumwami
[Larawan sa pahina 180]
Si Palatin Nsanzurwimo at ang kaniyang asawa (kanan) kasama ang mga anak
[Larawan sa pahina 181]
Odette Mukandekezi
[Larawan sa pahina 182]
Henry Ssenyonga
[Larawan sa pahina 188]
Sertipiko ng rehistro, Abril 13, 1992
[Larawan sa pahina 190]
Buhat-buhat ng mga brother ang entablado dahil may laro ng soccer
[Larawan sa pahina 192]
Sina Leonard at Nancy Ellis (gitna) kasama ang pamilyang Rwakabubu at Sombe
[Larawan sa pahina 193]
Bumagsak na eroplano malapit sa Kigali
[Mga larawan sa pahina 199]
“Hindi kami nakapagpakita ng kapatiran,” karatula sa isang simbahan ng Katoliko sa Kibuye (Karongi ngayon)
[Larawan sa pahina 214]
Mula kaliwa pakanan: (likod) André Twahirwa, Jean de Dieu, Immaculée, Chantal (may kargang baby), Suzanne; (harap) Jean-Luc at Agapé (mga anak nina Jean at Chantal)
[Larawan sa pahina 216]
Si Védaste Bimenyimana habang nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya
[Larawan sa pahina 217]
Si Tharcisse Seminega at ang misis niyang si Chantal
[Larawan sa pahina 218]
Sina Tharcisse at Justin sa tabi ng kubo na pinagtaguan ni Tharcisse at ng kaniyang pamilya sa loob ng isang buwan
[Mga larawan sa pahina 226]
Itaas: Refugee camp para sa mga Saksing Rwandan; ibaba: refugee camp para sa mga Saksi at iba pa
Goma, Congo
Benaco, Tanzania
[Mga larawan sa pahina 229]
Ginawang ospital ang Kingdom Hall
[Larawan sa pahina 238]
Si Oreste at ang pamilya niya, 1996
[Larawan sa pahina 240]
Théobald at Berancille Munyampundu
[Mga larawan sa pahina 241]
Mga kapatid na Tutsi at Hutu habang naghahawan ng lote na pagtatayuan ng bagong Assembly Hall
[Larawan sa pahina 242]
Assembly Hall sa Kigali, 2006
[Larawan sa pahina 243]
Ministerial Training School sa Kigali, 2008
[Larawan sa pahina 246]
Seksiyon ng sign language sa isang special assembly sa Gisenyi, 2011
[Larawan sa pahina 248]
François-Xavier Hakizimana
[Mga larawan sa pahina 252, 253]
Mga kapatid na determinadong magpatuloy sa pakikipagtulungan sa “Panginoon ng pag-aani” sa mabungang lupain ng Rwanda