Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Taunang Teksto Para sa 2012

Taunang Teksto Para sa 2012

Taunang Teksto Para sa 2012

“Ang Iyong Salita ay Katotohanan.”—JUAN 17:17.

Pinasasalamatan natin ang ating maibiging Ama sa langit sa pagsisiwalat sa atin ng katotohanan! Itinuturo sa atin ng kaniyang Salita ang pinakamainam na paraan ng pamumuhay at kung paano ito magiging makabuluhan. Pinoprotektahan tayo nito mula sa walang-saysay at mapanganib na ambisyon, pinalalaya mula sa mga kasinungalingan ng relihiyon, at binibigyan ng tunay na kapanatagan. Ginagabayan tayo nito sa buhay ngayon at naglalaan ng kahanga-hangang pag-asa para sa hinaharap.

Binubuklod tayo ng katotohanan kasama ng milyun-milyong kapatid sa buong mundo. Higit sa lahat, tinutulungan tayo ng Bibliya na makilala si Jehova at mapalapít sa kaniya. Huwag sana nating bale-walain ang katotohanan na ibinigay ni Jehova. Magalak nawa tayo sa katotohanan at magpagabay rito sa ating buong buhay.