Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

2013 Taunang Teksto

2013 Taunang Teksto

2013 Taunang Teksto

“Magpakalakas-loob ka at magpakatibay. . . . Si Jehova na iyong Diyos ay sumasaiyo.”—Josue 1:9

Noong 1473 B.C.E., papasók na sa Lupang Pangako ang mga Israelita, pero may malalakas na kalaban na kailangang talunin. “Magpakalakas-loob ka lamang at lubhang magpakatibay,” ang utos ng Diyos kay Josue. Kung mananatiling tapat si Josue, magtatagumpay siya. “Huwag kang magitla o masindak,” ang sabi sa kaniya, “sapagkat si Jehova na iyong Diyos ay sumasaiyo saan ka man pumaroon.” At sumakaniya nga ang Diyos, dahil nalupig ng mga Israelita ang kanilang mga kaaway sa loob lang ng anim na taon.​—Jos. 1:7-9.

Malapit nang tumawid tungo sa bagong sanlibutan ang mga tunay na Kristiyano, kaya kailangan nilang magpakalakas-loob at magpakatibay. Gaya ni Josue, may malalakas tayong kalaban na gustong sumira sa ating katapatan. Nakikipaglaban tayo, hindi sa pamamagitan ng sibat at espada, kundi sa pamamagitan ng espirituwal na mga sandata, at sinasanay tayo ni Jehova na gamiting mabuti ang mga ito. Anumang sitwasyon ang mapaharap sa iyo, makatitiyak ka na kung magpapakalakas-loob ka, magpapakatibay, at mananatiling tapat, tutulungan ka ni Jehova na magtagumpay.

[Larawan sa pahina 2, 3]