Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

SIERRA LEONE AT GUINEA

Lapel Card ang Naging “Pasaporte” Nila

Lapel Card ang Naging “Pasaporte” Nila

“NOONG 1987, mahigit 1,000 delegado ang dumalo sa ‘Banal na Kapayapaan’ na Pandistritong Kombensiyon sa Guékédou, Guinea. Dahil ang lugar ng kombensiyon ay malapit lang sa hanggahan ng Sierra Leone at Liberia, maraming delegado mula sa mga bansang ito ang nagpasiyang mag-uwian araw-araw. Pero wala silang sapat na mga dokumento sa pangingibang-bansa. Kaya nakipag-usap ang responsableng mga brother sa mga awtoridad sa hanggahan at nagkaroon ng isang kasunduan. Isang dokumento na lang ang kailangan ng mga delegado—ang kanilang lapel card! Kapag nakikita ng mga pulis sa hanggahan ang mga card na kulay matingkad na orange, pinadaraan agad nila ang mga delegado.”—Everett Berry, dating misyonero.

Nasisiyahan ang mga kapatid sa pagkain sa kombensiyon