DOMINICAN REPUBLIC
Lindol sa Haiti
Pagsulong ng Gawain sa Wikang Chinese
Noong 2005, isang Bethelite na marunong mag-Chinese, si Tin Wa Ng, ang inatasan ng sangay bilang special pioneer para mangaral sa malaking populasyon ng mga Chinese sa bansa. Siya ay isinilang at lumaki sa Dominican Republic. Mula China, lumipat ang mga magulang niya sa Santo Domingo.
Noong Enero 1, 2008, isang kongregasyong Mandarin Chinese ang naitatag sa Santo Domingo, at isang grupo naman ang nabuo sa Santiago noong 2011. Ang 70 mamamahayag, pati na ang mga auxiliary pioneer at 36 na regular pioneer, ay nagdaraos ng average na 76 na pag-aaral sa Bibliya bawat buwan.
Paggawa ng mga Alagad sa Teritoryong Ingles
Pagsapit ng 2007, mayroon nang 27,466 na mamamahayag sa 376 na kongregasyon, at 49,795 naman na pag-aaral sa Bibliya ang idinaraos. Pero wala pang kongregasyon para sa maraming tagaroon na nagsasalita ng Ingles. Kaya noong Abril 2008, inatasan ng sangay ang mga misyonerong sina Donald at Jayne Elwell sa Santo Domingo para bumuo ng grupong Ingles. Isang maliit pero masigasig na grupo ng mga mamamahayag ang nagsurbey muna para malaman kung saan nakatira ang mga indibiduwal na nagsasalita ng Ingles. Pagkatapos, inorganisa nila ang teritoryo para mapangaralan nila itong mabuti.
Bilang resulta ng gayong pagsisikap, patuloy na sumulong ang grupong iyon sa Santo Domingo, at noong Hulyo 2009, ito ay naging isang kongregasyon na may 39 na mamamahayag. Ganitong pamamaraan din ang ginawa sa iba pang lugar sa bansa. Kaya pagsapit ng Nobyembre 2011, mayroon nang pitong kongregasyon at isang grupong Ingles sa bansa.
Isang Babaeng Bingi at Bulag ang Nanindigan Para kay Jehova
Si Lorys, na may Usher Syndrome, ay lumaking ulila. Isinilang siyang bingi at nagsimulang mawala ang kaniyang paningin sa edad na 16. Nakaaaninag siya kapag araw, pero sa gabi, wala na talaga siyang makita. Kaya nakikipag-usap siya gamit ang tactile signing, o pagkapa ng mga senyas sa kamay ng kausap.
Nakilala ng isang mag-asawang special pioneer si Lorys noong siya ay 23 taóng gulang. Nang panahong iyon, may kinakasama siyang isang lalaking bingi, at mayroon silang isang-taóng gulang na anak na babae na nakaririnig. Tinanggap ni Lorys ang paanyayang dumalo sa pulong, at naantig siya sa kaniyang mga natutuhan.
Agad na gumawa ng mga pagbabago si Lorys. Halimbawa, nang malaman niyang mali ang pagsasama nang di-kasal, kinausap niya ang kaniyang kinakasama. Ipinaliwanag niya rito kung gaano kahalaga ang pagsasama nang legal, at sinabing hindi niya ikokompromiso ang mga pamantayang moral ng Bibliya. Dahil sa pagiging prangka ni Lorys, pumayag ang lalaki na pakasalan siya.
Matapos silang magpakasal, naging di-bautisadong
mamamahayag si Lorys, at di-nagtagal ay nagpabautismo siya. Samantala, dahil sa pakikipag-aral sa mga Saksi, natuto siya ng American Sign Language (ASL). Mula noon, tinuturuan na niya ng ASL ang kaniyang anak habang inaakay ito sa katotohanan.Matinding Lindol sa Haiti
Hindi malilimutan ng mga mamamayan ng Dominican Republic at Haiti ang araw ng Martes, Enero 12, 2010. Nang araw na iyan, nagkaroon ng matinding lindol sa Haiti. Agad na pinahintulutan ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang sangay sa Dominican Republic na magpadala ng pera sa sangay sa Haiti bilang tulong. Dahil malaki-laki rin ang halagang ihahatid, isang doktor ng Bethel na si Evan Batista, na may taas na anim na piye at tatlong pulgada, at timbang na 127 kilo, ang inatasang magdala ng pera.
Ang Purchasing Department ng sangay sa Dominican Republic ay agad na nakipag-ugnayan sa kanilang mga tagasuplay ng pagkain. Bilang resulta, nakakuha sila ng mahigit 6,800 kilo ng bigas, beans, at iba pang pangunahing pagkain. Ipinadala naman ito sa Haiti nang 2:30 ng madaling araw noong Huwebes, Enero 14
Bawat araw, dinadala sa Dominican Republic ang mas malulubhang pasyente para gamutin. Kung minsan, ang mismong sasakyan na ginamit sa pagdadala ng mga
suplay sa Haiti ang siyang ginagamit para dalhin ang mga sugatán sa iba’t ibang ospital sa Dominican Republic. Nag-organisa ang sangay ng mga Patient Visitation Group para patibayin ang mga nasugatan at tiyaking natatanggap nila ang kinakailangang gamot at mga suplay. Ang lokal na mga kongregasyon naman ang naglalaan ng pagkain at tuluyan sa mga kapamilyang kasama ng mga sugatán.Nakapamahagi ang mga Saksi ni Jehova ng mahigit 450,000 kilong relief goods, kasama na ang 400,000 pagkain
Ang walang-pagod at mapagsakripisyong pagsisikap na ito ng bayan ni Jehova ay isang buháy na halimbawa ng pagiging totoo ng pananalita sa Kawikaan 17:17: “Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.” Ipinakikita ng mga karanasan na sa pamamagitan ng kaniyang espiritu at ng Kristiyanong kapatiran, pinalalakas ni Jehova ang kaniyang mga matapat maging sa harap ng kamatayan. Nagpatuloy sa loob ng maraming buwan ang puspusang pagtulong na ito. Nakapamahagi ang mga Saksi ni Jehova ng mahigit 450,000 kilong relief goods, kasama na ang 400,000 pagkain. Mga 78 kapatid na propesyonal sa medisina mula sa iba’t ibang panig ng daigdig, kasama ng di-mabilang na mga boluntaryo, ang dumating para gamitin ang kanilang panahon at kakayahan sa pagtulong sa mga nasalanta. *
^ par. 1 Para sa mas detalyadong ulat, tingnan ang Gumising!, isyu ng Disyembre 2010, pahina 14-19.