TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON
Ang Pinakamalaking Pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova
NOONG Oktubre 5, 2013, araw ng Sabado, 257,294 mula sa 21 lupain ang dumalo
Mula 1922, nakapagbrodkast na ang mga Saksi ni Jehova ng mga kombensiyon sa iba’t ibang bansa gamit ang mga linya ng telepono at mga istasyon ng radyo. Sa ngayon, dahil sa Internet, naririnig na at napapanood kahit
sa mga liblib na lugar ang mga kaganapan habang nangyayari ito o pagkatapos na pagkatapos nito.Mahigit isang taóng binuo ng mga miyembro ng ilang tanggapang pansangay ang Webcast. Noong dulo ng sanlinggong iyon na ginamit ang Webcast, 24 na oras na sinubaybayan ng mga teknisyan ang programa mula sa control center sa Brooklyn, New York habang ipinalalabas ito sa mga lugar sa 15 time zone.