2015 Taunang Teksto
“Magpasalamat Kayo kay Jehova, Sapagkat Siya ay Mabuti.” —Awit 106:1
Matapos silang iligtas mula kay Paraon at sa kaniyang hukbo sa Dagat na Pula, talagang dapat magpasalamat kay Jehova ang mga Israelita. Tayo rin sa ngayon ay maaaring magpasalamat kay Jehova. Totoo, kapag napapaharap tayo sa mga pagsubok, baka madali tayong masiraan ng loob. Sa gayong mga sitwasyon, maaaliw tayo at mapatitibay kung bubulay-bulayin natin ang ating mga pagpapala.
Awit 46:1) Kapag nakapokus tayo sa gayong mga pagpapala, mahaharap natin maging ang pinakamatitinding pagsubok. Sa taóng ito, may-kagalakan nawa nating bulay-bulayin ang ating mga pagpapala at maudyukan tayong “magpasalamat . . . kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti; sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.”