INDONESIA
Hindi Kami Nakipagkompromiso
Daniel Lokollo
-
ISINILANG 1965
-
NABAUTISMUHAN 1986
-
Isang special pioneer na nanindigan sa ilalim ng pang-uusig.
NOONG Abril 14, 1989, nangangasiwa ako sa pulong sa bayan ng Maumere, sa Flores Island, nang biglang pumasok sa bahay ang mga opisyal ng gobyerno. Inaresto nila ako at ang tatlong iba pa.
Pinilit kami ng mga guwardiya sa bilangguan na sumaludo sa bandila. Nang hindi kami sumunod, binugbog nila kami, pinagsisipa, at limang araw na pinatayo sa kainitan ng araw. Sa gabi, nanginginig kami sa lamig sa sementong sahig ng maliit naming selda, hinang-hina, marungis, at kumikirot ang mga sugat. Paulit-ulit kaming sinasabihan ng warden na makipagkompromiso na, pero sinasabi namin, “Mamatay man kami, hindi kami sasaludo.” Gaya ng mga Kristiyanong nauna sa amin, isang pribilehiyo na ‘magdusa alang-alang sa katuwiran.’—1 Ped. 3:14.