INDONESIA
Kristiyanong Pag-ibig sa Panahon ng Kalamidad
KARANIWANG sinasalanta ng lindol, tsunami, at pagsabog ng bulkan ang Indonesia. Kapag nangyayari ito, agad na tinutulungan ng bayan ni Jehova ang mga naapektuhan, lalo na ang kanilang kapananampalataya. Halimbawa, noong 2005, niyanig ng malakas na lindol ang Gunungsitoli, ang pinakamalaking bayan sa Nias Island sa North Sumatra. Ang mga kongregasyon sa karatig na isla ng Sumatra at ang tanggapang pansangay ay agad na nagpadala ng mga relief supply sa apektadong lugar. Pumunta rin sa isla ang tagapangasiwa ng sirkito at isang kinatawan ng tanggapang pansangay para patibayin at palakasin ang mga kapatid. “Halos maparalisa sa takot ang mga tao sa paligid,” ang sabi ni Yuniman Harefa, elder sa Nias. “Pero dahil agad na tumulong ang organisasyon ng Diyos, nadama naming may karamay kami.”