Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

INDONESIA

Lider ng Sindikato na Naging Respetadong Mamamayan

Hisar Sormin

Lider ng Sindikato na Naging Respetadong Mamamayan
  • ISINILANG 1911

  • NABAUTISMUHAN 1952

  • Dating lider ng sindikato na naging miyembro ng Komite ng Sangay.

MINSAN, ipinatawag si Brother Sormin ng Director of Intelligence sa opisina ng attorney general.

“Indonesian ka, kaya diretsahin mo ako,” ang sabi ng opisyal. “Ano ba talaga ang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova sa Indonesia?”

“Ikukuwento ko sa ’yo ang buhay ko,” ang sagot ni Brother Sormin. “Dati akong lider ng sindikato, pero ngayon nagtuturo na ako ng Bibliya sa mga tao. ’Yan ang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova sa Indonesia—ginagawa nilang mabuting mamamayan ang masasamang taong gaya ko!”

Nang maglaon, sinabi ng Director of Intelligence: “Marami akong naririnig na reklamo sa mga Saksi ni Jehova. Pero alam kong mabuting relihiyon ito kasi natulungan nitong magbago si Mr. Sormin.”