TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON
Pinabibilis ang Pagtatayo ng Kingdom Hall
NAKATUTUWANG makitang patuloy na pinabibilis ni Jehova ang paglago ng tunay na pagsamba sa buong daigdig! (Isa. 60:22) Kaya napakaraming Kingdom Hall pa rin ang kailangan. Sa buong mundo, mahigit 13,000 bagong Kingdom Hall ang kailangang itayo o i-renovate.
Para mapabilis ang pagtatayo sa pinakamatipid na paraan, nagpapatupad ang Lupong Tagapamahala ng mga pagbabago sa iba’t ibang departamento ng konstruksiyon. Ang Worldwide Design/Construction Department (WDC), na itinatag kamakailan sa pandaigdig na punong-tanggapan sa Brooklyn, New York, ang tumitiyak kung anong mga proyekto sa buong daigdig ang uunahin pagtatayo ng mga Kingdom Hall. Ang mga RDC rin ang nagsasanay sa mga sangay na sakop ng kanilang rehiyon sa pagmamantini ng teokratikong mga pasilidad na nasa kanilang teritoryo. Ang bawat sangay ay may Local Design/Construction Department (LDC) na nag-oorganisa ng pagtatayo at pagmamantini ng mga Kingdom Hall at Assembly Hall.
at kung paano pabibilisin ang pagtatayo at pagre-renovate. Ang mga Regional Design/Construction Department (RDC) na nasa mga sangay ng Australasia, Central Europe, South Africa, at Estados Unidos ang nangangasiwa sa mga proyekto sa kani-kanilang rehiyon, na idiniriin ang mas mabilis at matipid naNoong Enero 2015, dumalo ang lahat ng elder sa Estados Unidos sa isang miting sa pamamagitan ng video tie-in na nagpapaliwanag tungkol sa bagong kaayusan sa pagpaplano, pagtatayo, at pagmamantini ng mga Kingdom Hall. Ito ang natutuhan nila.
-
Pagtatayo: Ang mga itinakdang pamantayan sa disenyo at materyales ay ibabagay sa lokal na mga kalagayan at ibabatay ito sa mga panuntunan mula sa Publishing Committee ng Lupong Tagapamahala. Ang mga gusali ay matibay at madaling imantini, pero maganda at matipid.
-
Pagmamantini: Ang mga boluntaryo sa bawat kongregasyon ay sasanayin para pangalagaan ang ating mga lugar ng pagsamba at sa gayo’y magamit ito nang mahabang panahon.
Oo, malawak at marami ang ginagawang pagtatayo at pagmamantini. Pero dahil sa sama-samang pagsisikap ng bayan ng Diyos, mapabibilis ang gawain at magagamit sa matalinong paraan ang mga kontribusyon.