PANGANGARAL AT PAGTUTURO SA BUONG LUPA
Asia at Gitnang Silangan
-
LUPAIN 49
-
POPULASYON 4,464,374,770
-
MAMAMAHAYAG 728,989
-
PAG-AARAL SA BIBLIYA 771,272
Isa Lang ang Nakausap, Marami ang Tumugon
Sa Pilipinas, si Jonathan ay naghihintay para sa isang appointment sa doktor. Napansin ng receptionist ang kaniyang malinis at maayos na hitsura, kaya nagtanong siya kung ito ba ay isang ahente ng insurance. Sinabi ni Jonathan na isa siyang Saksi ni Jehova at tinutulungan niya ang isang pasyenteng Saksi na nagpapagamot. Namangha ang receptionist na si Laila at sinabi kay Jonathan Juan 5:28, 29 at binigyan siya ng tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal?
na regular na mambabasa ng Bantayan ang tatay niya na kamamatay lang. Ibinahagi sa kaniya ni Jonathan ang binabanggit saSa sumunod na mga pagdalaw sa ospital, dinalhan ni Jonathan si Laila ng higit pang publikasyon at ini-refer siya sa isang sister, na nagturo sa kaniya ng Bibliya. Di-nagtagal, ang mister ni Laila, kapatid na babae, at nanay, na mga kasama niya sa bahay, ay nakipag-aral din.
Si Rose, na kapitbahay ni Laila, ay lumapit kay Laila at nagtanong kung bakit napakarami niyang bisita sa kaniyang apartment. Ipinaliwanag ni Laila na nag-aaral siya ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Kaya nakipag-aral din si Rose, at nang dumalaw siya sa kaniyang kapatid na babae sa kanilang probinsiya, tuwang-tuwa niyang ibinalita sa kapatid niya ang kaniyang natututuhan. Gustong malaman ng kapatid niyang si Abigail ang tungkol sa mga narinig niya, kaya humiling siya ng pag-aaral sa Bibliya. Nag-aral na rin ng Bibliya ang nanay ni Rose.
Nabautismuhan si Laila sa isang panrehiyong kombensiyon kamakailan. Bautisado na rin ang nanay niya. Ang kapitbahay niyang si Rose at ang kapatid nitong babae ay nabautismuhan noong nakaraang taon. Regular na dumadalo ng mga pulong ngayon ang nanay ni Rose. At ang ilan sa kapamilya ni Laila ay patuloy na nag-aaral ng Bibliya. Lahat ng ito ay dahil lang sa isa na nakausap sa ospital!
Gamit ang Teknolohiya Para Marating ang mga Bingi
Lumalaki ngayon ang teritoryo ng wikang pasenyas sa Sri Lanka. Noong 2015, ang mga Saksi ay wala pang 80 adres ng mga bingi, at nakasulat ang mga ito sa mga piraso ng papel. Mula noon, naitatag ang unang kongregasyon ng Sri Lankan Sign Language at isang computer database ang nai-set up na naglalaman ng mga 420 pangalan at adres na may mga GPS coordinate. Mga 80 porsiyento ng mga taong iyon ang nakontak ng mga brother nang personal o sa pamamagitan ng video chat o text message. Isang mag-asawang misyonero ang nag-ulat: “Ngayon, may maibibigay na kami sa aming mga mamamahayag na bingi na teritoryong mapangangaralan nila. Noon, dinadalaw lang nila ang mga kakilala nilang bingi.”
Pasasalamat Mula sa Isang Opisyal ng Gobyerno
Aktibong nakikibahagi ang mga kapatid sa Mongolia sa special metropolitan public witnessing kahit -30 digri Celsius ang temperatura. Isang opisyal ng gobyerno ang kumuha ng mga publikasyon mula sa cart at saka sumulat ng isang liham ng pasasalamat. Mababasa rito: “Budista ako. Pero marami na akong nasuring ibang larangan, may prinsipyo kasi akong sinusunod. Hindi tayo dapat sumunod sa isa lamang daan, kundi hanapin natin ang iba pang daan. Matapos kong basahin ang ilang publikasyong ibinibigay ninyo sa mga tao, sumulat ako para ipahayag ang aking nadarama. Alam kong malaking panahon at sakripisyo ang inilalaan ninyo para magbigay ng praktikal at kapaki-pakinabang na impormasyon. Natutuhan ko sa inyong mga publikasyon na ang Bibliya ay isang aklat na dapat basahin. Taglay nito ang katotohanan. Ang Bibliya ay tunay na patnubay sa ating buhay. Nais kong pasalamatan ang lahat ng nagsisikap na isalin ang mga literatura sa wikang Mongolian. Gusto ko ring pasalamatan ang lahat ng nagbibigay ng literatura para tulungan ang mga tao kahit sa napakainit o napakalamig na panahon.”
Dininig ang Kaniyang Panalangin
Sa Hong Kong, nilapitan ni Brett, isang brother na payunir, ang isang binata at inalok ng tract na Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya? Nang makita ang tract, naluha ang lalaki. Sinabi niyang pinalaki siya sa katotohanan, pero sa edad na 16, lumayas siya sa kanila. Sa sumunod na limang taon, tumira siya sa mga lansangan at naging adik hanggang sa matagpuan siya at tinulungan ng isang organisasyon ng pagkakawanggawa.
Sinabi pa niya na bago niya nakilala ang brother nang umagang iyon, nanalangin siya, “Kung ang relihiyon ko noong Manumbalik Ka kay Jehova. Dahil kailangang bumalik sa France ang binata nang gabing iyon, nagpalitan sila ng contact information. Nang maglaon, sumulat ang binata kay Brett: “Mahal kong kapatid, sinagot ni Jehova ang mga panalangin ko. Pupunta ako sa pinakamalapit na Kingdom Hall sa Linggo.” Nakipag-ugnayan siya sa mga Saksi sa France at nagsimulang mag-aral ng Bibliya at dumalo ng mga pulong.
aking kabataan ang tama, pakisuyong bigyan n’yo ako ngayon ng isang sign.” Nadama niyang sinagot ang kaniyang panalangin. Nagpunta sila ng brother sa isang kalapit na coffee shop kung saan tinalakay nila ang materyal mula sa brosyur na