TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON
Mga Ulat Mula sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig
Pag-abot sa mga Refugee at Mandarayuhan
Lumaki ang teritoryong banyaga ang wika sa Germany dahil sa maraming refugee at mandarayuhan sa bansa. Sa loob lang ng siyam na buwan, 229 na group at pregroup na banyaga ang wika ang napasimulan. Halos 800 mamamahayag ang dumadalo sa mga 30 kurso sa pag-aaral ng wika sa 13 wika.
Ang ating mga kapatid ay nangangaral sa mga refugee sa mga reception center. Gamit ang mga witnessing cart sa mahigit 200 lokasyon, ang mga kapatid ay nakapamahagi ng mga 640,000 literatura.
Inaprobahan ng Lupong Tagapamahala ang espesyal na kampanya sa pangangaral mula Mayo hanggang
Hulyo 2016. Mga 700 mamamahayag na nagsasalita ng Arabe mula sa pitong bansa ang naglakbay tungo sa 10 lugar sa Austria at Germany para mangaral sa malalaking grupo ng mga taong nagsasalita ng Arabe.Mga Barya sa Daan
Ang 50 mamamahayag sa Faber’s Road Kriol Congregation sa Belize ay karaniwang naglalakad kapag nangangaral sa kanilang teritoryo. Walang gaanong pera ang karamihan sa mga kapatid, ngunit humahanap sila ng mga pagkakataon para ipakita ang kanilang pagkabukas-palad. Mga ilang taon pa lang ang nakalipas, ang mga kapatid ay namumulot ng mga baryang nakikita nila sa maalikabok na daan habang nangangaral sa bahay-bahay. Pagkalipas ng bawat taon mula noon, sama-sama nilang hinuhugasan, ibinubukod, at binibilang ang mga baryang naipon nila.
Kahit na maliit lang ang halaga ng karamihan sa mga barya (kalahating cent U.S.), nakakaipon sila sa bawat taon ng $225 (U.S.) na barya. Ginagamit ng mga kapatid ang kalahati ng pera na pambayad sa mga gastusin sa Kingdom Hall, at ang kalahati naman ay ipinadadala nila para suportahan ang pambuong-daigdig na gawain.
Apat na Milyon ang Nakinig!
Isang katangi-tanging pangyayari sa teokratikong kasaysayan ng Burundi ang nangyari noong Marso 5, 2016, sa dalaw sa sangay na isinagawa ni Anthony Griffin, isang kinatawan ng punong-tanggapan. Ang buong espesyal na programa para sa mga kongregasyon ay ibinrodkast sa buong bansa sa pangunahing istasyon ng radyo. Tinatayang mga apat na milyon ang nakinig!
Malaking patotoo ang nagawa ng brodkast sa radyo, at maraming magagandang komento ang narinig. Isa sa mga
radio technician na tumulong sa brodkast ang nagsabi, “Gumawa pa kayo ng mas maraming programang gaya nito!” At sumulat naman ang isang opisyal ng radyo: “Hinihimok ko kayo na patuloy na [gumawa ng mga programang gaya nito], na tiyak na magliligtas ng maraming kaluluwa.” Napakarami ring bus at taxi ang nagpatugtog ng programa sa kani-kanilang radyo.Huminto ang Musika
Bago ang Memoryal noong 2016, nanlumo ang mga kapatid sa isang maliit at nakabukod na grupo sa Nepal nang malaman nila na magkakaroon ng malaking music concert sa paaralan na katabi ng bulwagang inupahan nila.
Napakaingay ng gayong mga concert. Habang nililinis ng mga brother ang bulwagan noong umaga ng Memoryal, sinabi sa kanila ng isang organizer ng concert, “Wala kayong maririnig kundi ang musika namin.”
Nag-umpisa ang concert noong tanghali, at maingay ito gaya ng inaasahan. Bagaman mas malaking loudspeaker ang inupahan ng mga kapatid kaysa sa plano nilang gamitin, hindi pa rin nila ito marinig. Lungkot na lungkot ang mga kapatid pero marubdob silang nanalangin. Pagkatapos, 30 minuto bago ang Memoryal, nang nagdaratingan na ang maraming kapatid, biglang huminto ang musika. Nag-away ang ilang nag-iinuman sa concert, anupat pinahinto ng mga pulis ang concert. Naidaos ng mga kapatid ang Memoryal sa napakatahimik, mapayapa, at maayos na kapaligiran.
Pinuri ang jw.org
Si Giuseppe ay isang regular pioneer sa Italy. Nagtatrabaho siya sa kaniyang bahay para sa isang Internet consulting firm. Noong nakaraang Mayo, dumalo siya sa
isang miting kasama ang mga 70 katrabaho para talakayin ang bagong mga ideya na maaaring gawin ng kompanya. Binanggit ng chief executive officer (CEO) ng kompanya na may ilang website na maaari nilang gawing huwaran na hinahangad ng kanilang kompanya. Pagkatapos ay ipinakita niya sa screen ang isang halimbawa. Nagulat si Giuseppe nang makita niya sa screen ang home page ng jw.org. Sinabi ng CEO, “Ito ang pinakamagaling na website sa mundo!” Saka niya pinag-aralan ang teknikal na mga aspekto ng jw.org. Pinuri niya ang madaling-hanapin na mga link at ang kaakit-akit na mga larawan.“Namangha ang mga katrabaho ko sa dami ng mga wikang available sa website,” ang sabi ni Giuseppe. “Sa pagtatapos ng presentasyon, sinabi ng superbisor ko sa mga tagapakinig at sa CEO: ‘Si Giuseppe ay isang Saksi ni Jehova.’
Dahil dito, sinabi sa akin ng CEO: ‘Dapat papurihan ang inyong organisasyon. Nagdisenyo kayo ng website na kaiinggitan ng anumang kompanya, negosyo, o organisasyon sa mundo. Nakikini-kinita ko ang inyong pagsisikap para panatilihin itong updated at madaling gamitin at ang pagbibigay-pansin ninyo sa mga detalye at nilalaman.’ Medyo nahiya nga akong tanggapin ang labis na papuri para sa isang bagay na wala naman akong ginawa. Pero tuwang-tuwa ako sa patotoong naibigay sa marami na walang kaalam-alam tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Regular ko nang nakakausap ang ilang katrabaho ko at nakapagpasimula pa nga ako ng pag-aaral sa Bibliya sa tatlo sa kanila.” Patuloy na “pinag-aaralan” ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Giuseppe ang website na jw.org, habang patuloy namang ipinakikipag-usap ni Giuseppe ang Bibliya sa kaniyang mga katrabaho.Tinanggihan Niya ang Soccer
Si Jorge ay isang kabataan sa Argentina. Sa pasimula ng 2010, unang natutuhan ni Jorge ang mabuting balita sa kaniyang kaklase. Pagkatapos, nagsimula siyang mag-aral ng Bibliya gamit ang aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Nang panahong iyon, naglalaro siya ng soccer. Magaling siya sa soccer at naging kuwalipikado siyang maglaro sa lower division ng isang major soccer club. Noong Abril 2014, nakatanggap siya ng nakatutuksong alok na maglaro sa isang team sa Germany. Excited siya at naisip niyang maging propesyonal na manlalaro ng soccer, kaya tinanggap niya ito. Ilang araw bago magtungo si Jorge sa Europa, sinabi sa kaniya ng coach niya: “Saksi ni Jehova ka, ’di ba? Huwag mong sirain ang iyong buhay sa pagpunta sa ibang bansa. Saksi rin ako noong bata pa ako. Inanyayahan akong maglaro sa isang team sa isang bansa sa Asia. Maraming bagay silang ipinangako sa akin, at gustong-gusto ko ang mga ito. Naglakbay ako roon kasama ng pamilya ko, pero umuwi kaming bigo.” Sinabi ni Jorge: “Natauhan ako sa sinabi niya sa akin, kaya nagpasiya akong huwag pumunta sa Europa. Noong 2015, naging mamamahayag ako ng mabuting balita at nabautismuhan.”
Isang Tunay na Pagpapala na Walang Bayad
Noong Setyembre 2015, idinaos ang “Tularan si Jesus!” na Panrehiyong Kombensiyon sa Kampala, Uganda. Laking tuwa ng mga dumalo nang ilabas ni Mark Sanderson ng Lupong Tagapamahala ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Luganda.
Isang estudyante sa Bibliya ang nagsabi: “Masayang-masaya ako nang matanggap ko ang magandang Bibliya na ito! Nang panahong iyon, ang mga tao ay naghahanda para sa pagdalaw ng papa. Para mangilak ng pera, nagbenta sila ng ‘pinagpalang’ mga rosaryo sa halagang $30 (U.S.). Gusto ng mga tao na tumanggap ng mga pagpapala, pero marami ang walang pera. Sa kabilang dako naman, nakatanggap ako ng isang tunay na pagpapala na walang bayad. Ibinigay ito ni Jehova sa lahat ng dumalo sa kombensiyon, at nasa bawat isa na ang kusang-loob na pag-aabuloy. Araw-araw, kapag binabasa ko ang Salita ni Jehova sa aking sariling wika at nakikilala ko siya nang higit, tunay ngang pinagpala ako. Nagpapasalamat ako kay Jehova sa Bibliyang ibinigay niya sa akin.”
Iniimprenta sa Dako ng mga Espiritu?
Sa pagsisikap na siraan ang www.pr418.com, itinuro ng mga lider ng ilang simbahan sa isang rehiyon ng Congo (Kinshasa) sa kanilang mga tagasunod na ang mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova ay iniimprenta sa dako ng bilang na 666 sa aklat ng Apocalipsis. (Apoc. 13:18) Dahil diyan, ayaw nang makipag-aral ng ilang estudyante sa Bibliya.
mga espiritu. Para patunayan ito, sinabi nilang ang mga letrang “www” ay tumutukoy saPagkatapos ipanalangin ang bagay na ito, inanyayahan ng isang mag-asawang payunir sa kanilang tahanan ang mga inaaralan nila sa Bibliya at ang mga asawa nito. Tatlong mag-asawa ang nagpaunlak, at pagkatapos kumain, ipinapanood ng mag-asawang Saksi ang video na Mga Saksi ni Jehova—Organisado sa Paghahayag ng Mabuting Balita. Lubusang pinasinungalingan ng mga natutuhan nila ang huwad na mga ideya na narinig nila tungkol sa pinagmulan ng ating mga publikasyon. Noong sumunod na linggo, iginiit ng mister ng isa sa mga estudyanteng iyon na tanggapin at ipaabot ng mag-asawang Saksi ang kaniyang donasyon na $100 (U.S.) para sa pambuong-daigdig na gawain, bagaman hindi pa siya nag-aaral.
Pag-aaral ng Bagong mga Awit
Bagaman walang access sa Internet ang mga kapatid sa isang liblib na lugar ng Papua New Guinea, sabik silang matuto ng pinakabagong mga awiting pang-Kaharian. Kaya pinapupunta ng Mundip Congregation ang isang brother sa pinakamalapit na bayan, na dalawang-oras na paglalakad at dalawang-oras na pagsakay sa bus. Pagdating doon, mag-i- Internet siya, isusulat niya sa isang notebook ang mga liriko ng bagong awit, at saka uuwi, at isusulat niya ang mga liriko sa pisara sa Kingdom Hall para makita ng lahat. Kokopyahin naman ng kongregasyon ang bagong mga awit para sa mga pulong. Talagang pinahahalagahan nila ang pag-awit kasama ng mga kongregasyon sa buong daigdig bilang bahagi ng kanilang pagsamba kay Jehova.