2022 Mga Kabuoang Bilang
Mga Sangay ng mga Saksi ni Jehova: 86
Bilang ng mga Lupaing Nag-uulat: 239
Bilang ng mga Kongregasyon: 117,960
Dumalo sa Memoryal sa Buong Daigdig: 19,721,672
Nakibahagi sa Emblema ng Memoryal sa Buong Daigdig: 21,150
Pinakamataas na Bilang ng Mamamahayag a: 8,699,048
Average na Bilang ng Mamamahayag na Nangangaral Bawat Buwan: 8,514,983
Porsiyento ng Kahigitan sa 2021: 0.4
Bilang ng Nabautismuhan b: 145,552
Average na Bilang ng Regular at Special Pioneer c Bawat Buwan: 1,489,252
Average na Bilang ng Auxiliary Pioneer Bawat Buwan: 381,310
Oras na Ginugol sa Larangan: 1,501,797,703
Average na Bilang ng Pag-aaral sa Bibliya d Bawat Buwan: 5,666,996
Noong 2022 taon ng paglilingkod, e ang mga Saksi ni Jehova ay gumugol ng mahigit $242 milyon sa pagtustos sa mga special pioneer, misyonero, at mga tagapangasiwa ng sirkito sa kanilang atas ng paglilingkod sa larangan. Sa buong daigdig, may kabuoang bilang na 21,629 na ordenadong ministro na naglilingkod sa mga pasilidad ng sangay. Ang lahat ay miyembro ng Worldwide Order of Special Full-Time Servants of Jehovah’s Witnesses.
a Ang mamamahayag ay tumutukoy sa isa na aktibong naghahayag, o nangangaral, ng mabuting balita tungkol sa Kaharian ng Diyos. (Mateo 24:14) Para sa kumpletong paliwanag kung paano nalalaman ang bilang na ito, tingnan ang artikulo sa jw.org na “Ilan ang Saksi ni Jehova sa Buong Mundo?”
b Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga hakbang na umaakay sa bautismo para maging isang Saksi ni Jehova, tingnan ang artikulo sa jw.org na “Paano Ako Magiging Isang Saksi ni Jehova?”
c Ang payunir ay isang bautisado at huwarang Saksi na boluntaryong gumugugol ng espesipikong bilang ng oras bawat buwan sa pangangaral ng mabuting balita.
d Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang artikulo sa jw.org na “Ano ang Pag-aaral sa Bibliya na Iniaalok ng mga Saksi ni Jehova?”
e Ang 2022 taon ng paglilingkod ay mula Setyembre 1, 2021, hanggang Agosto 31, 2022.