Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KUWENTO 112

Sumadsad sa Isang Pulo

Sumadsad sa Isang Pulo

TINGNAN mo! Nanganganib ang barko. Nakikita mo ba ang mga taong nasa tubig? Ang ilan ay nasa dalampasigan. Naroon ba si Pablo? Alamin natin ang nangyayari sa kaniya.

Si Pablo ay dalawang taong nakabilanggo. Pagkatapos, siya at ang iba pang mga bilanggo ay isinakay sa barko, at naglakbay patungong Roma. Nang mapadaan sila sa pulo ng Creta, may malakas na bagyo. Napakalakas ng hangin, hindi mapigil ng mga tripulante ang barko. Pagtagal-tagal, ang mga pasahero ay nawalan ng pag-asa na makaligtas.

Sinabi sa kanila ni Pablo: ‘Walang isa mang mamamatay; ang barko lang ang mapapahamak. Kagabi isang anghel ng Diyos ang nagsabi sa akin: “Huwag kang matakot, Pablo! Kailangan kang humarap sa pinunong Romano, si Cesar. At ililigtas ng Diyos ang lahat ng kasama mong naglalakbay”’

Nang hatinggabi na ng ika-14 na araw ng bagyo, ang tubig ay bumababaw na! Inihulog nila ang kanilang mga ankla, para huwag humampas ang barko sa mga bato sa dilim. Kinaumagahan, nakakita sila ng isang look, at ipinasiya nila na maglayag hanggang sa dalampasigan nito.

Pero sumadsad ang barko sa buhangin at hindi na ito makaalis. Sinimulang wasakin ito ng mga alon. Ang hepe ng mga sundalo ay nag-utos na lahat ng maaaring makalangoy ay lumundag na sa tubig at lumangoy patungo sa pampang. Ang iba ay inutusan na kumuha ng ilang bahagi ng barko para kapitan. Kaya, lahat ng 276 na sakay ay nakarating sa pampang, gaya ng pangako ng anghel.

Ang pulo ay tinatawag na Malta. Ang mga tao ay mababait, at inalagaan nila ang mga pasahero ng barko. Nang bumuti na ang panahon, si Pablo ay dinala sa Roma sakay ng ibang barko.