Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Unang Himala ni Jesus

Ang Unang Himala ni Jesus

Kapitulo 15

Ang Unang Himala ni Jesus

MGA isa o dalawang araw pa lamang nang sina Andres, Pedro, Juan, Felipe, Natanael, at marahil si Santiago ay maging unang mga alagad ni Jesus. Sila ngayon ay pauwi na sa distrito ng Galilea, na siyang pinagmulan nilang lahat. Ang kanilang patutunguhan ay ang Cana, ang dakong sinilangan ni Natanael, na naroroon sa mga burol hindi malayo sa Nasaret, na siyang nilakhan ni Jesus mismo. Sila’y naanyayahan sa isang kasalan sa Cana.

Pumaroon din sa kasalan ang ina ni Jesus. Palibhasa’y kaibigan ng pamilya ng ikakasal, si Maria’y makikitang abala sa paglilingkod sa mga pangangailangan ng mga panauhin. Kaya napansin niya agad na kakapusin, sa gayo’y ibinalita niya kay Jesus: “Wala na silang alak.”

Sa ganoon, nang si Maria, sa katunayan, ay nagmungkahi na gawan ng paraan ni Jesus ang kakapusan ng alak, sa simula’y nag-atubili si Jesus. “Anong pakialam ko sa iyo?” ang tanong niya. Bilang hinirang na Hari ng Diyos, siya’y hindi dapat utusan ng kaniyang gagawin ng kamag-anak o mga kaibigan. Kaya may katalinuhang ipinaubaya niya sa mga kamay ng kaniyang anak ang bagay na iyon, at sinabi na lamang sa mga tagapaglingkod: “Anuman ang sabihin niya sa inyo, gawin ninyo.”

Bueno, mayroon nga roong anim na malalaking tapayang bato ng tubig, na ang bawat isa ay naglalaman ng mahigit na sampung galon. Inatasan ni Jesus ang mga tagapaglingkod: “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinunô iyon ng mga katulong hanggang sa labi. Pagkatapos ay sinabi ni Jesus: “Kunin ninyo ngayon at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan.”

Humanga ang pangulo sa uri ng alak, habang walang kaalam-alam na iyon ay makahimalang ginawa. Tinawag niya ang kasintahang lalaki, at ang sabi: “Ang bawat tao ay unang inilalagay ang mabuting alak at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao, ay saka inilalagay ang pinakamasama. Itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon.”

Ito ang unang himala ni Jesus, at nang makita nila ito, ang pananampalataya ng kaniyang bagong mga alagad ay napatibay. Pagkaraan, kasama ng kaniyang ina at mga kapatid sa ina, sila’y naglakbay patungo sa lunsod ng Capernaum malapit sa Dagat ng Galilea. Juan 2:​1-12.

▪ Kailan noong ministeryo ni Jesus naganap ang kasal sa Cana?

▪ Bakit tumutol si Jesus sa mungkahi ng kaniyang ina?

▪ Anong himala ang ginawa ni Jesus, at anong epekto mayroon ito sa iba?