Konklusyon
HINDI po layunin ng brosyur na ito na talakayin sa kabuuan ang lahat ng mga relihiyosong paniniwala ng mga Saksi ni Jehova. Sa halip, sinisikap naming ipaliwanag ang ilan sa mga simulaing pinaniniwalaan ng mga Saksi at maliwanag na ipakita sa inyo ang uri ng impluwensiya ng pamilya na nakaaapekto sa inyong estudyante kung ang isa o kapuwa mga magulang ay mga Saksi.
Ang mga Saksi ni Jehova ay may matinding pagpapahalaga sa espirituwal na pagsulong ng kanilang mga anak. At sila’y nagtitiwala na ito’y makatutulong sa pagsulong ng kanilang mga anak sa iba pang bagay. Ang paniniwalang yakap nila at ang mga simulaing sinusunod nila ay nagdudulot ng kahulugan sa kanilang buhay at tumutulong sa kanila na harapin ang kanilang pang-araw-araw na mga suliranin. Karagdagan pa, ang mga paniniwala at simulaing iyon ay kailangang magpakilos sa kanila na sikaping maging masisigasig na estudyante at mabubuting mamamayan habang nabubuhay.
Sinisikap ng mga Saksi na maging realistiko kung tungkol sa buhay, kaya sila’y lubusang nagpapahalaga sa edukasyon. Samakatuwid, hangad po nilang makipagtulungan sa inyo sa abot ng kanilang makakaya. Sa kanilang bahagi naman, sa tahanan nila at sa kanilang mga dako ng pagsamba sa buong daigdig, patuloy po nilang hihimukin ang kanilang mga anak na gampanan ang kanilang bahagi sa matagumpay na pagtutulungang ito.