Kung Papaano Minamalas ng mga Saksi ni Jehova ang Edukasyon
Gaya ng lahat ng magulang, ang mga Saksi ni Jehova ay interesado sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Kaya naman gayon na lamang ang pagpapahalaga nila sa edukasyon. “Ang edukasyon ay dapat tumulong sa mga tao na maging kapaki-pakinabang na mga miyembro ng lipunan. Dapat din itong tumulong sa kanila na magkaroon ng kabatiran sa kanilang minanang kultura at magtamasa ng isang higit na kasiya-siyang buhay.”
1 Timoteo 5:8) Ang mga taóng ginugol sa paaralan ay naghahanda sa mga bata para sa mga pananagutan sa buhay na kanilang babalikatin. Dahil dito, naniniwala ang mga Saksi na ang edukasyon ay dapat ituring na isang bagay na napakaselan.
GAYA ng iminumungkahi ng siniping ito sa The World Book Encyclopedia, isa sa pangunahing layunin ng pag-aaral ay ang sanayin ang mga bata sa pang-araw-araw na pamumuhay, kasali na rito ang pagkakaroon nila ng kakayahang asikasuhin ang mga pangangailangan ng isang pamilya sa hinaharap. Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na ito’y isang sagradong pananagutan. Ang Bibliya mismo ay nagsasabi: “Kung ang sinuman nga ay hindi naglalaan para doon sa mga sariling kaniya, at lalo na para doon sa mga miyembro ng kaniyang sambahayan, ay itinatwa na niya ang pananampalataya at lalong malala kaysa sa taong walang pananampalataya.” (“Ang edukasyon ay dapat tumulong sa mga tao na maging kapaki-pakinabang na mga miyembro ng lipunan. Dapat din itong tumulong sa kanila na magkaroon ng kabatiran sa kanilang minanang kultura at magtamasa ng isang higit na kasiya-siyang buhay.”—The World Book Encyclopedia
Sinisikap ng mga Saksi na mamuhay ayon sa utos ng Bibliya: “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong-puso, na parang gumagawa kayo sa Panginoon at hindi sa mga tao.” (Colosas 3:23, Today’s English Version) Ang simulaing ito ay kumakapit sa lahat ng bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay, lakip na ang pag-aaral. Kaya pinasisigla ng mga Saksi ang kanilang mga anak na maging masikap sa pag-aaral at gawing dibdiban ang mga iniaatas sa kanila sa paaralan.
“Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong-puso, na parang gumagawa kayo sa Panginoon.”—Colosas 3:23, Today’s English Version
Itinuturo rin ng Bibliya ang pagpapasakop sa mga batas ng lupain na pinaninirahan ng isa. Kaya nga kung ang pag-aaral ay sapilitan hanggang sa isang tiyak na edad, tumatalima ang mga Saksi ni Jehova sa batas na ito.—Roma 13:1-7.
Bagaman hindi naman minamaliit ang kahalagahan ng pagsasanay para sa pang-araw-araw na pamumuhay, ipinakikita ng Bibliya na hindi ito ang tangi ni ang pangunahing tunguhin ng edukasyon. Dapat ding paunlarin ng isang matagumpay na edukasyon ang kagalakan ng buhay sa mga bata at tulungan silang kunin ang kanilang dako sa lipunan bilang mga taong timbang. Samakatuwid, batid ng mga Saksi ni Jehova na ang pagpili sa mga gawain sa labas ng silid-aralan ay napakahalaga. Naniniwala sila na ang kapaki-pakinabang na aliwan, musika, libangan, ehersisyo ng katawan, pagtungo sa mga aklatan at museo, at iba pa, ay gumaganap ng mahalagang papel sa isang balanseng edukasyon. Karagdagan pa, tinuturuan nila ang kanilang mga anak na igalang ang nakatatanda at humanap ng mga pagkakataong sila’y mapaglingkuran.
Kumusta Naman ang Karagdagang Edukasyon?
Dahil sa makabagong teknolohiya, patuloy na nagbabago ang oportunidad sa trabaho. Bunga nito, maraming kabataan ang kinakailangang magtrabaho sa mga larangan o mga gawain na doo’y wala naman silang partikular na pagsasanay. Yamang ganiyan ang kalagayan, ang paggawi nila sa trabaho at personal na pagsasanay, lalo na ang kanilang
kakayahang bumagay sa iba’t ibang kalagayan, ay magiging higit pang mahalaga sa kanila. Samakatuwid, mas mabuti na ang mga estudyante ay maging mga adulto na may, gaya ng pagkasabi ng Renaissance essayist na si Montaigne, ‘isang ginagamit na utak kaysa sa isang punung-punóng utak.’Ang kawalan ng trabaho, na nakaaapekto sa kapuwa mayayaman at mahihirap na lupain, ay madalas na nagbabanta sa mga kabataan na hindi sapat ang kuwalipikasyon. Samakatuwid, kung ang oportunidad sa trabaho ay nangangailangan ng pagsasanay bilang karagdagan sa hinihiling lamang ng batas, pananagutan ng mga magulang na patnubayan ang kanilang mga anak sa paggawa ng desisyon tungkol sa karagdagang edukasyon, na pinagtitimbang ang inaasahang pakinabang at ang mga sakripisyong kaakibat ng gayong dagdag na pag-aaral.
Gayunman, malamang na sasang-ayon kayo na ang tagumpay sa buhay ay kinapapalooban ng higit pa kaysa materyal na kasaganaan lamang. Sa kalilipas na mga panahon ang mga lalaki’t babae na gumugol ng kanilang buong buhay sa kanilang propesyon ay nawalan ng lahat ng pag-asa nang sila’y mawalan ng trabaho. Isinakripisyo ng ilang magulang ang kanilang buhay pampamilya at ang panahong sana’y ginugol nila sa kanilang mga anak, anupa’t hindi man lamang nila nasubaybayan ang kanilang paglaki, dahil sa pagiging subsob nila sa trabaho.
Maliwanag, dapat isaalang-alang ng isang may balanseng edukasyon na hindi lamang materyal na kasaganaan ang kailangan upang tayo’y maging tunay na maligaya. Sinabi ni Jesu-Kristo: “Nasusulat: ‘Ang tao ay hindi lamang sa Mateo 4:4, New International Version) Bilang mga Kristiyano, nauunawaan ng mga Saksi ni Jehova ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng moral at espirituwal na mga katangian bukod pa sa paghahanda ng kanilang sarili na asikasuhin ang kanilang materyal na pangangailangan.
tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.’ ” (