Apendise—Tanong ng mga Magulang
APENDISE
Tanong ng mga Magulang
“Paano kung ayaw makipag-usap sa akin ng anak ko?”
“Bibigyan ko ba siya ng curfew?”
“Paano ko tuturuan ang anak ko na maging timbang sa pagdidiyeta?”
Ilan lang ito sa 17 tanong na sasagutin sa Apendise. Nahahati ito sa anim na seksiyon at may cross-reference sa Tomo 1 at 2 ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas.
Basahin ito. Kung posible, pag-usapan ninyo itong mag-asawa. Pagkatapos, gamitin ang natutuhan ninyo para tulungan ang inyong mga anak. Maaasahan mo ang mga payo rito dahil hindi ito mula sa karunungan ng di-sakdal na mga tao kundi sa Salita ng Diyos, ang Bibliya.—2 Timoteo 3:16, 17.
290 Komunikasyon
297 Mga Tuntunin
302 Kalayaan
311 Emosyon
KOMUNIKASYON
May masamang epekto ba talaga kung nakikipagtalo ako sa asawa o mga anak ko?
Hindi maiiwasan ng mga mag-asawa na magkaroon ng di-pagkakaunawaan. Pero may magagawa sila para ayusin ito. Apektado ang mga kabataan kapag nagtatalo ang mga magulang. Seryosong bagay ito dahil ang pagsasama ninyo ang malamang na tularan ng inyong mga anak kapag nag-asawa sila. Kaya kapag may di-pagkakaunawaan, bakit hindi ipakita sa inyong mga anak ang mahusay na paraan ng paglutas dito? Subukan ang sumusunod:
Makinig. Ipinapayo ng Bibliya: “Maging matulin sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita, mabagal sa pagkapoot.” (Santiago 1:19) Huwag ‘gumanti ng masama sa masama’ para hindi na lumaki ang gulo. (Roma 12:17) Kung ayaw makinig ng iyong asawa, ikaw na lang ang makinig.
Magpaliwanag imbes na magbintang. Sa mahinahong paraan, sabihin sa iyong asawa kung paano ka naaapektuhan ng kaniyang paggawi. (“Nasasaktan ako kapag . . .”) Huwag kang mambintang o manisi. (“Binabale-wala mo ako.” “Hindi ka marunong makinig.”)
Magpalamig muna ng ulo. Saka na mag-usap kapag pareho na kayong kalmado. Sinasabi ng Bibliya: “Ang pasimula ng pagtatalo ay gaya ng isang nagpapakawala ng tubig; kaya bago sumiklab ang away, umalis ka na.”—Kawikaan 17:14.
Magsori sa isa’t isa—at, kung angkop, pati sa inyong mga anak. Sinabi ni Brianne, 14: “Kung minsan pagkatapos mag-away ng mga magulang namin, nagsosori sila sa akin at sa kuya ko dahil alam nilang apektado kami.” Ang isa sa pinakamahalagang maituturo mo sa iyong mga anak ay ang mapagpakumbabang pagsasabi ng “Sori.”
Pero paano kung mga anak mo ang hindi mo makasundo? May nagagawa ka rin kaya na nakapagpapalala sa problema? Basahin ang eksena sa simula ng Kabanata 2 sa pahina 15 ng tomong ito. Tingnan kung ano ang ginawa ng nanay ni Rachel na nagpalala lang sa sitwasyon. Paano mo maiiwasang makipagtalo sa iyong anak? Subukan ang sumusunod:
● Iwasang gumamit ng mga pananalitang gaya ng “Lagi ka na lang . . .” o “Kahit kailan ka talaga!” Mangangatuwiran lang ang iyong anak kapag sinabi mo iyon sa kaniya. Tutal, malamang na eksaherasyon lang ang mga iyon at alam iyan ng anak mo. At imbes na makita ng bata ang pagkakamali niya, ang galit mo ang matatatak sa isip niya.
● Sa halip na gamitin ang gayong masasakit na salita, maaari mong sabihin sa anak mo kung ano ang epekto sa iyo ng iginagawi niya. Halimbawa, puwede mong sabihin, “Kapag ginagawa mo iyan, pakiramdam ko . . .” Sa maniwala ka man o hindi, importante sa anak mo ang nadarama mo. At kung sasabihin mo ito sa kaniya, malamang na makipagtulungan siya sa iyo. a
● Mahirap mang gawin, makabubuting magpigil ka at magpalamig muna ng ulo. (Kawikaan 29:22) Kung ang pinagtatalunan ninyo ay gawaing-bahay, ipakipag-usap ito sa iyong anak. Isulat kung ano ang dapat niyang gawin, at kung kailangan, isama mo na rin kung ano ang magiging kapalit kapag hindi niya ginawa ang kaniyang atas. Pakinggan ang sinasabi ng iyong anak kahit pa iniisip mong mali siya. Kadalasan na, sumusunod ang mga kabataan kapag pinakikinggan sila sa halip na sinesermunan.
● Bago mo sabihing tinutubuan na ng sungay ang anak mo, unawain mong karamihan ng nakikita mo sa kaniya ay bahagi lang ng kaniyang paglaki. Baka nakikipagtalo siya tungkol sa isang bagay para patunayang matured na siya. Kaya huwag mo siyang patulan. Tandaan, malamang na tularan ng anak mo ang iyong reaksiyon. Kung magiging mapagpasensiya ka at matiisin, magiging magandang halimbawa ka sa iyong anak.—Galacia 5:22, 23.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 2, AT TOMO 2, KABANATA 24
Paano kung nagtatanong ang anak ko tungkol sa aking nakaraan?
Isipin mong ikaw ang nasa eksenang ito: Nagsasalu-salo kayo ng inyong pamilya kasama ang ilang kaibigan. Habang nagkukuwentuhan, nabanggit ng iyong kaibigan ang naging kasintahan mo bago mo nakilala ang iyong asawa. Muntik nang mabitiwan ng anak mo ang hawak niyang tinidor! “Ha? Hindi lang pala si Daddy ang naging boyfriend n’yo?” ang reaksiyon niya. Hindi mo pa ito naikukuwento sa kaniya. Ngayon, tinatanong ka niya. Ano’ng gagawin mo?
Kadalasan nang mas mabuti kung sasagutin mo ang tanong ng iyong anak. Tutal, pagkakataon ito para makapag-usap kayo—at iyan naman ang gusto ng maraming magulang.
Anu-ano ang ikukuwento mo sa iyong anak? Nahihiya ka bang sabihin sa kaniya ang mga naging pagkakamali at problema mo noon? Natural lang iyan. Pero kung angkop naman, puwede mong ikuwento ang ilan sa mga ito. Makakatulong ito sa anak mo. Paano?
Roma 7:21-24) Ipinasulat ng Diyos na Jehova sa Bibliya ang mga salitang iyon para makinabang tayo. At hindi ba talagang nakikinabang tayo dahil nakikita natin ang ating sarili kay Pablo?
Narito ang isang halimbawa. Inamin ni apostol Pablo: “Kapag nais kong gawin ang tama, yaong masama ay narito sa akin. . . . Miserableng tao ako!” (Sa katulad na paraan, kung ikukuwento mo hindi lang ang tamang pagpapasiya mo kundi pati ang mga pagkakamali mo, mas magkakaintindihan kayo ng anak mo. Totoo, iba ang kapanahunan mo. Pero hindi nagbabago ang likas na pangangailangan ng tao; ni ang mga simulain ng Bibliya. (Awit 119:144) Kung pag-uusapan ninyo ang mga naging problema mo—at kung paano mo ito napagtagumpayan—makakatulong ito sa anak mong tin-edyer na makayanan ang kaniyang mga problema. “Kapag alam mong nagkakamali rin ang mga magulang mo, mari-realize mong tao rin pala sila,” ang sabi ng binatilyong si Cameron. Dagdag pa niya, “Kapag nagkaproblema ka uli, iisipin mo, ‘Siguro pinagdaanan din ito ng mga magulang ko.’”
Paalaala: Hindi lahat ng kuwento mo, dapat may kabuntot na payo. Totoo, baka nag-aalala ka na hindi makuha ng anak mo ang aral o isipin niyang okey lang na maulit niya ang pagkakamali mo. Pero sa halip na basta sabihin ang mga dapat niyang matutuhan sa iyong karanasan (“Kaya hindi mo dapat . . .”), banggitin kung ano ang nadarama mo. (“Kung maibabalik ko lang, hindi ko ’yun gagawin dahil . . .”) Matututo ang anak mo sa iyong karanasan nang hindi niya nadaramang sinesermunan siya.—Efeso 6:4.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 1
Paano kung ayaw makipag-usap sa akin ng anak ko?
Noong bata pa sila, walang kaproble-problema sa mga anak mo ang pagkukuwento. Kapag nagtanong ka, sagot agad sila. Madalas nga, hindi ka na kailangang magtanong.
Pero ngayong tin-edyer na sila, baka pakiramdam mo para kang nag-iigib sa tuyong balon. ‘Nagsasabi sila sa mga kaibigan nila,’ ang naiisip mo. ‘Pero bakit sa akin, hindi?’Huwag mong isipin na ayaw na nila sa iyo o wala ka nang papel sa buhay nila. Ang totoo, ngayon ka nila kailangang-kailangan. Ayon sa mga pananaliksik, mas mahalaga pa rin para sa karamihan ng tin-edyer ang payo ng mga magulang nila kaysa sa sinasabi ng mga kaibigan nila o ng media.
Kung gayon, bakit kaya sila nag-aalangan na makipag-usap sa iyo? Tingnan ang sinabi ng ilang kabataan kung bakit sila atubiling makipag-usap sa kanilang mga magulang. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba, at tingnan ang binanggit na mga teksto.
“Nahihiya akong lumapit kay Daddy, kasi napaka-busy niya sa trabaho at sa kongregasyon. Hindi talaga ako makahanap ng tiyempo.”—Andrew.
‘Nakakapagbigay ba ako ng impresyong masyado akong busy para makipag-usap sa mga anak ko? Kung oo, paano ko maipapakita na malalapitan nila ako? Puwede ko kayang ayusin ang iskedyul ko para lagi kaming makapag-usap ng mga anak ko?’—Deuteronomio 6:7.
“Minsan, nilapitan ko si Nanay. Umiiyak ako noon dahil may nakagalit ako sa school. Akala ko dadamayan niya ako, ’yun pala pagagalitan niya lang ako. Mula noon, hindi na ako humingi ng tulong sa kaniya pagdating sa importanteng mga bagay.”—Kenji.
‘Ano ang ginagawa ko kapag may inilalapit na problema ang anak ko? Kahit na kailangan siyang ituwid, puwede bang makinig muna ako bago magpayo?’—Santiago 1:19.
“Madalas, sinasabi ng mga magulang, ‘Sige na, sabihin mo na, hindi ako magagalit,’ tapos, magagalit din pala. Bakit ganun?”—Rachel.
‘Kung may sasabihin sa akin ang anak ko na ikakagalit ko, paano ko makokontrol ang reaksiyon ko?’—“Kapag nagsasabi ako kay Mommy ng personal na mga bagay, madalas, ikinukuwento niya ito sa mga kaibigan niya. Ang tagal bago ko naibalik ang tiwala ko sa kaniya.”—Chantelle.
‘Puwede bang magpakita ako ng konsiderasyon sa aking anak at iwasang ikuwento sa iba ang mga ipinagtatapat niya sa akin?’—Kawikaan 25:9.
“Marami sana akong gustong ikuwento sa mga magulang ko. Hinihintay ko lang na simulan nila ang usapan.”—Courtney.
Napakaganda ng nagiging resulta kapag gumagawa ng paraan ang magulang para makausap ang kanilang anak. Tingnan ang karanasan ng 17-anyos na si Junko mula sa Japan. “Minsan,” ang sabi niya, “inamin ko kay Nanay na mas gusto kong kasama ang mga kaeskuwela ko kaysa sa mga kakongregasyon. Kinabukasan, may iniwang sulat si Nanay sa desk ko. Sabi niya, kahit siya, nahirapang humanap noon ng kaibigan sa kongregasyon. Binanggit niya ang mga karakter sa Bibliya na naglingkod sa Diyos kahit wala silang kaibigang magpapalakas sa kanila. Mahusay raw ako dahil sinisikap kong humanap ng mabubuting kaibigan. Nagulat ako dahil naging problema rin pala iyon ni Nanay. Na-touch ako at napaiyak. Napalakas ako ni Nanay na gawin ang tama.”
Gaya ng napatunayan ng nanay ni Junko, mas maglalabas ng kanilang nadarama at iniisip ang mga tin-edyer kapag alam nilang hindi lang puro sermon at puna ang aabutin nila. Gayunman, ano ang gagawin mo kung pabalang sumagot ang Roma 12:21; 1 Pedro 2:23) Gaano man kahirap, manatiling mahinahon para ipakita sa iyong anak na ganiyan din ang inaasahan mo sa kaniya.
anak mo? Magpigil sa sarili. (Tandaan: Nasa yugto pa ng pagbabago ang mga tin-edyer. Sinasabi ng mga eksperto na sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga, pabagu-bago ang ugali ng mga tin-edyer—kung minsan matured, minsan naman, isip-bata. Kung napapansin mong minsan ay isip-bata ang anak mo, ano ang gagawin mo?
Huwag mo siyang patulan o sermunan. Sa halip, kausapin at pakitunguhan siya na gaya ng isang adulto. (1 Corinto 13:11) Halimbawa, kung sagut-sagutin ka ng iyong anak at sabihing “Bakit lagi n’yo na lang akong pinapagalitan?” baka magpanting ang tainga mo. Pero kung magpapadala ka sa galit, wala itong patutunguhan kundi pagtatalo. Mas magandang sabihin mo, “Wala ka yata sa mood. Mamaya na lang tayo mag-usap kapag okey ka na.” Sa gayon, hindi kayo magtatalo. Mayamaya lang, puwede na kayong mag-usap.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 1 AT 2
MGA TUNTUNIN
Bibigyan ko ba siya ng curfew?
Para masagot mo ang tanong na ito, isiping ikaw ang nasa eksenang ito: Lampas na nang 30 minuto sa curfew ang anak mo nang marinig mong dahan-dahang bumubukas ang pinto. ‘Akala siguro nito tulog na ako,’ ang sabi mo sa sarili mo. Pero siyempre gising ka pa. Sa katunayan, kalahating oras ka nang nakaupo malapit sa pinto. Pagbukas niya ng pinto, nagkatinginan kayo. Ano ang sasabihin mo? Ano ang gagawin mo?
May mapagpipilian ka. Puwedeng palampasin mo na lang ang nangyari. ‘Ganiyan talaga ang mga kabataan,’ baka ikatuwiran mo. O baka kabaligtaran nito ang gawin mo at sabihing, “Mula ngayon, hindi ka na makakapaglakwatsa!” Sa halip na magpadalus-dalos, makinig muna. Baka may makatuwirang dahilan naman kung bakit siya ginabi. Saka mo gamitin ang pagkakataong ito para turuan siya ng mahalagang aral. Paano?
Mungkahi: Sabihin sa anak mo na mag-uusap kayo kinabukasan. Pagkatapos, humanap ng tamang pagkakataon para pag-usapan ang problema. Ganito ang sinubukang gawin ng ilang magulang: Kapag lumampas sa curfew ang kanilang anak, aagahan nila nang 30 minuto ang curfew niya sa susunod niyang lakad. Kung lagi namang umuuwi sa oras ang iyong anak, baka puwede mo siyang bigyan ng higit na kalayaan—paminsan-minsan, baka puwede mo siyang pagbigyan na umuwi
nang mas gabi. Mahalagang linawin sa bata kung anong oras siya inaasahang umuwi at kung ano ang magiging parusa kapag lumagpas siya sa curfew. Ilapat ang parusa kapag hindi siya tumupad.Gayunman, pansinin ang sinasabi ng Bibliya: “Makilala nawa . . . ang inyong pagkamakatuwiran.” (Filipos 4:5) Kaya bago ka magtakda ng curfew, maaari mong tanungin ang iyong anak kung anong oras ang gusto niyang curfew at bakit. Pag-isipan mo ang kaniyang mungkahi. Kung naipapakita ng bata na responsable siya, baka puwede mong pagbigyan ang gusto niya kung makatuwiran naman ito.
Ang pagiging nasa oras ay mahalaga sa buhay. Kaya ang pagtatakda ng curfew ay hindi lang para ilayo sa gulo ang anak mo—tinuturuan mo siya ng isang bagay na pakikinabangan niya kapag bumukod na siya.—Kawikaan 22:6.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 3, AT TOMO 2, KABANATA 22
Paano kung hindi kami magkasundo ng anak ko pagdating sa pananamit?
Tingnan ang eksena sa pahina 77 g tomong ito. Kunwari, ikaw ang magulang ni Heather. Napansin mong sobrang seksi ng suot niya. Sinabihan mo agad siya: “Balik sa kuwarto! ’Pag hindi ka nagpalit, hindi ka makakaalis!” Baka nga sumunod ang anak mo. Wala naman kasi siyang magagawa. Pero paano mo siya tutulungang magbago ng kaniyang kaisipan at hindi lang ng kaniyang pananamit?
● Una, tandaan na ayaw din naman ng iyong anak na mabastos o magmukhang katawa-tawa. Kaya huwag magsawa sa pagpapaalala sa kaniya na hindi maganda ang di-mahinhing pananamit, at ipaliwanag kung bakit. b Magmungkahi kung ano ang puwede niyang isuot.
2 Corinto 1:24; 1 Timoteo 2:9, 10) Kung hindi ka lang nagagandahan, puwede mo ba siyang pagbigyan?
● Ikalawa, maging makatuwiran. Tanungin ang sarili, ‘May nalalabag bang simulain sa Bibliya ang damit niya, o hindi lang ito pasado sa taste ko?’ (● Ikatlo, huwag mo lang basta sabihin kung ano ang hindi niya dapat isuot. Tulungan siyang maghanap ng puwede niyang isuot. Makakatulong ang worksheet sa pahina 82 at 83 ng tomong ito. Makikita mong sulit ang panahon mo at pagsisikap!
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 11
Hahayaan ko bang maglaro ng video game ang anak ko?
Malaki na ang ipinagbago ng mga video game mula noong tin-edyer ka. Bilang magulang, paano mo matutulungan ang iyong anak na makita ang mga panganib at maiwasan ang mga ito?
Hindi makabubuting basta sabihin na pagsasayang lang ng oras ang video game. Tandaan din na hindi lahat ng video game ay masama. Pero nakakaadik ang mga ito. Kaya alamin kung gaano karaming oras ang nauubos ng iyong anak sa paglalaro ng mga ito. Alamin din kung anong uri ng laro ang nagugustuhan niya. Maaari mo pa nga siyang tanungin:
● Anong laro ang paborito ng mga kaklase mo?
● Paano ba ito nilalaro?
● Bakit kaya gustung-gusto ito ng mga kaklase mo?
Baka magulat ka na napakarami palang alam ng anak mo sa mga video game! Baka nakakapaglaro pa nga siya ng mga video game na sa tingin mo ay masama. Kung ganito man ang sitwasyon, huwag siyang pagalitan agad. Hebreo 5:14.
Pagkakataon ito para tulungan mo ang iyong anak na pasulungin ang kaniyang kakayahan sa pang-unawa.—Tulungan ang iyong anak na maunawaan kung bakit siya naeengganyo sa masasamang laro. Halimbawa, maaari mo siyang tanungin:
● Pakiramdam mo ba, napag-iiwanan ka dahil hindi kita pinapayagang maglaro ng video game na iyon?
Ang ilang kabataan ay naglalaro ng isang partikular na video game para may maikuwento sila sa kanilang mga kaibigan. Kung ganito ang dahilan ng anak mo, kakausapin mo siya tungkol doon nang hindi naman itinuturing na kasimbigat iyon ng paglalaro ng madugo, nakapangingilabot, o mahalay na video game.—Colosas 4:6.
Pero paano kung ang nagugustuhan nga ng anak mo sa mga larong ito ay ang karahasan at imoralidad? Nangangatuwiran ang ilang kabataan na hindi naman sila naaapektuhan ng nilalaro nila. Idinadahilan nila, ‘Laro lang ’to, hindi ko naman gagawin ito sa totoong buhay.’ Kung iyan ang iniisip ng iyong anak, ipabasa ang Awit 11:5. Gaya ng malinaw na ipinakikita sa teksto, hindi lang ang pagiging marahas ang hinahatulan ng Diyos kundi pati na ang pag-ibig sa karahasan. Kapit din ang simulaing iyan sa seksuwal na imoralidad o iba pang paggawi na hinahatulan ng Salita ng Diyos.—Awit 97:10.
Kung nagiging problema na rin ng iyong anak ang paglalaro ng video game, subukan ang sumusunod:
● Huwag hayaang maglaro ng mga video game ang iyong anak sa tagóng mga lugar, gaya ng kaniyang kuwarto.
● Magtakda ng mga tuntunin—halimbawa, hindi puwedeng maglaro hangga’t hindi pa nakakapaghapunan o hindi pa natatapos ang assignment o iba pang mahahalagang gawain.
● Ipaliwanag sa kaniya kung bakit kailangan niya ng ehersisyo sa halip na lagi lang nakaupo.
● Panoorin ang iyong mga anak habang naglalaro ng video game—o, mas mabuti, makipaglaro ka sa kanila paminsan-minsan.
Siyempre, kailangan mong magpakita ng magandang halimbawa para hindi ka mahiyang magpayo pagdating sa pagpili ng video game. Kaya tanungin ang sarili, ‘Anong mga pelikula at palabas sa TV ang pinanonood ko?’ Tandaan, kung hanggang salita ka lang, alam iyan ng iyong mga anak!
TINGNAN ANG TOMO 2, KABANATA 30
Paano kung naaadik na ang anak ko sa cellphone, computer, o iba pang gadyet
Nagbababad ba sa Internet ang anak mo, laging hawak ang cellphone, o mas close pa sa kaniyang MP3 player kaysa sa iyo? Kung oo, ano ang puwede mong gawin?
Puwede mo namang bawiin ang gadyet niya. Pero tandaan, hindi lahat ng gadyet o iba pang tulad nito ay masama. Tutal, malamang na may na-enjoy ka ring mga gadyet na wala pa noong panahon ng mga magulang mo. Kaya imbes na kumpiskahin ang gadyet niya—malibang kailangan talaga—gamitin ang pagkakataong ito para turuan ang anak mo na maging matalino at balanse sa paggamit ng cellphone, TV, o computer. Paano?
Makipag-usap sa anak mo. Una, sabihin kung bakit ka nag-aalala. Ikalawa, makinig sa sasabihin niya. (Kawikaan 18:13) Ikatlo, gumawa kayo ng praktikal na mga solusyon. Magtakda ng limitasyon, pero maging makatuwiran. “Noong maadik ako sa pagtetext, hindi kinuha ng mga magulang ko ang cellphone ko, pero nagtakda sila ng mga limitasyon. Kaya natuto akong maging balanse sa pagtetext, kahit hindi na nila ako bantayan,” ang sabi ni Ellen.
Pero paano kung nangangatuwiran ang anak mo? Huwag isiping nag-aksaya ka lang ng laway. Sa halip, pagpasensiyahan siya at hayaang makapag-isip-isip. Malay mo, sang-ayon naman pala siya sa iyo at handang magbago. Maraming kabataan ang tulad ni Hailey na nagsabi: “Noong una, na-offend ako nung sabihin ng mga magulang ko na adik ako sa computer. Pero bandang huli, na-realize ko rin na tama sila.”
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 36
KALAYAAN
Dapat ko bang bigyan ang anak ko ng higit na kalayaan?
Nagiging komplikado ang tanong na ito dahil sa isyu ng privacy. Halimbawa, paano kung nasa kuwarto ang anak mo at nakasara ang pinto? Basta ka na lang ba papasok nang hindi
muna kumakatok? O paano kung naiwan ng anak mo ang cellphone niya dahil nagmamadali siyang pumasok sa school. Babasahin mo ba ang mga text niya?Hindi madaling sagutin ang mga tanong na iyan. Totoo, bilang magulang, karapatan mong alamin ang nangyayari sa buhay ng tin-edyer mong anak at obligasyon mong tiyakin na lagi siyang ligtas. Pero sa kabilang banda, hindi ka naman puwedeng maging ‘detektib’ at habambuhay na manmanan ang lahat ng kilos niya. Ano ang puwede mong gawin?
Una, tandaan na hindi komo gusto ng mga tin-edyer ng privacy, ibig sabihin, may ginagawa na silang masama. Kadalasan nang bahagi iyan ng pagbibinata o pagdadalaga. Makakatulong ito sa kanila na magamit ang kanilang “kakayahan sa pangangatuwiran” sa pagpili ng mga kaibigan at paglutas ng mga problema. (Roma 12:1, 2) Matutulungan din sila nito na maging responsableng adulto. Isa pa, pagkakataon ito para makapag-isip muna silang mabuti bago magdesisyon o sumagot sa mahihirap na tanong.—Kawikaan 15:28.
Ikalawa, tandaan na kung lagi mong pakikialaman ang anak mong tin-edyer, baka maghinanakit lang siya at magrebelde. (Efeso 6:4; Colosas 3:21) Ibig bang sabihin, hahayaan mo na lang siyang gawin ang gusto niya? Hindi naman, kasi ikaw pa rin ang magulang. Pero ang tunguhin mo ay matulungan siyang magkaroon ng sinanay na budhi. (Deuteronomio 6:6, 7; Kawikaan 22:6) Makikita mong mas makabubuting gabayan siya kaysa manmanan.
Ikatlo, ipakipag-usap ito sa iyong tin-edyer na anak. Makinig sa kaniya. Baka naman puwede mo siyang pagbigyan kung minsan. Sabihin mong bibigyan mo siya ng higit na privacy kung hindi niya sisirain ang tiwala mo. Sabihin din ang kaparusahan kapag sumuway siya, at totohanin ito. Oo, puwede mong bigyan ng higit na privacy ang iyong anak nang hindi mo isinusuko ang pananagutan mo bilang maibiging magulang.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 3 AT 15
Papayagan ko bang huminto sa pag-aaral ang anak ko?
“Boring ang mga teacher namin!” “Napakaraming assignment!” “Ang hirap makapasá—bakit pa ’ko magpapakapagod?” Ganiyan ang reklamo ng ilang kabataan kaya naiisip nilang tumigil na sa pag-aaral kahit hindi pa sapat ang natutuhan nila para makapagtrabaho. Kung gustong huminto ng anak mo, ano ang puwede mong gawin? Subukan ang sumusunod:
● Suriin ang pangmalas mo sa edukasyon. Noong nag-aaral ka, iniisip mo bang pag-aaksaya lang ng panahon ang pag-aaral—isang ‘sentensiya’ na kailangan mong pagtiisan hanggang sa dumating ang araw na magagamit mo na ang oras mo sa mas importanteng mga bagay? Kung oo, baka nakaapekto ito sa anak mo. Ang totoo, ang sapat na edukasyon ay tutulong sa kaniya na magkaroon ng ‘praktikal na karunungan at kakayahang mag-isip’—mga katangiang kailangan para maabot niya ang kaniyang mga tunguhin.—Kawikaan 3:21.
● Ibigay ang kailangan niya. May mga batang puwede sanang makakuha ng mataas na grade pero hindi lang nila alam kung paano mag-aral—o baka wala lang silang komportableng lugar para sa pag-aaral. Masarap mag-aral kung may maayos na mesa, angkop na ilaw, at mga gamit sa pagsasaliksik. Matutulungan mo ang anak mo na sumulong—sa eskuwela man o sa kongregasyon—kung paglalaanan mo siya ng maayos na lugar para mag-aral at magbulay-bulay.—Tingnan ang 1 Timoteo 4:15.
● Subaybayan ang pag-aaral niya. Isipin mong kakampi mo ang mga teacher at guidance counselor ng iyong anak, hindi kaaway. Makipagkilala sa kanila. Sabihin sa kanila ang mga tunguhin ng anak mo at ang mga hamong kinakaharap niya. Kung hiráp makakuha ng mataas na grade ang anak mo, alamin mo ang dahilan. Halimbawa, natatakot ba siyang mapag-initan ng ibang estudyante kung makakakuha siya ng matataas na grade? May problema ba siya sa teacher niya? Enjoy ba siya sa pinag-aaralan niya, o nabibigatan siya? Maaaring may iba pang dahilan, gaya ng malabong mata o problema sa pagkatuto.
Miyentras mas sinusubaybayan mo ang edukasyon ng anak mo, sa eskuwela man o sa kongregasyon, mas malaki ang posibilidad na magtagumpay siya.—Awit 127:4, 5.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 19
Paano ko malalaman kung handa nang bumukod ang anak ko?
Si Serena, na sinipi sa Kabanata 7 ng tomong ito, ay takót bumukod. Bakit? Sinabi niya: “Kahit gusto kong ako ang magbayad ng mga binibili ko, hindi ako pinapayagan ni Daddy. Sagot niya raw ako. Nasanay ako sa ganun. Natatakot tuloy akong bumukod at magbayad ng sarili kong bills.” Mabuti naman ang intensiyon ng tatay ni Serena, pero naihahanda kaya niya ang kaniyang anak para sa pagpapamilya sa hinaharap?—Kawikaan 31:10, 18, 27.
Masyado mo kayang bine-baby ang anak mo kung kaya hindi pa sila handang bumukod? Paano mo malalaman? Pag-isipan ngayon bilang magulang ang apat na kasanayang binanggit sa Kabanata 7 sa subtitulong “Handa Na Kaya Ako?”
Paghawak ng pera. Alam ba ng mga anak mo kung magkano ang nagagastos ng pamilya sa pagkain, upa sa bahay, at iba pang bayarin? Responsable ba sila pagdating sa pangungutang? (Kawikaan 22:7) Marunong na ba silang magbadyet ng pera nila? (Lucas 14:28-30) Naranasan na ba nilang bumili ng isang bagay sa perang pinagpaguran nila? Naranasan na ba nila ang higit na kaligayahan sa pagbibigay ng kanilang panahon at tinataglay para tulungan ang iba?—Gawa 20:35.
Kasanayan sa gawaing-bahay. Marunong na bang magluto ang mga anak mo, kahit ang mga lalaki? Naturuan mo na ba silang maglaba at mamalantsa? Kung may kotse sila, kaya na ba nila ang ilang simpleng maintenance gaya ng pagpapalit ng fuse, langis, o gulong?
Pakikitungo sa iba. Kapag nag-aaway ang mga anak mo, kailangan mo pa bang mamagitan para maayos ito? O naturuan mo na sila kung paano aayusin ang kanilang di-pagkakasundo nang sila-sila lang at magsabi sa iyo kung paano nila ito nagawa?—Mateo 5:23-25.
Regular na pag-aaral ng Bibliya at pagsamba. Dinidiktahan mo ba ang mga anak mo ng dapat nilang paniwalaan, o kinukumbinsi mo sila? (2 Timoteo 3:14, 15) Sa halip na laging sagutin ang kanilang mga tanong tungkol sa relihiyon at kung ano ang tama at mali, tinuturuan mo ba silang gamitin ang kanilang “kakayahang mag-isip”? (Kawikaan 1:4) Nagpapakita ka ba ng mabuting halimbawa sa personal na pag-aaral ng Bibliya? c
Tiyak na kailangan ng malaking panahon at pagsisikap para ituro sa iyong mga anak ang nabanggit na mga kasanayan. Pero sulit ang lahat ng ito pagdating ng araw na kailangan na nilang tumayo sa sarili nilang paa.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 7
SEX AT PAGLILIGAWAN
Dapat ko bang ipakipag-usap sa anak ko ang sex?
Sa murang edad pa lang, nahahantad na ang mga bata sa mga usapan hinggil sa sex. Matagal nang inihula sa Bibliya na sa “mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan,” kung kailan ang mga tao ay “walang pagpipigil sa sarili” at “maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos.” (2 Timoteo 3:1, 3, 4) Ang nauusong casual sex ay isa sa maraming indikasyon na natutupad na ang hulang ito.
Ibang-iba ang daigdig ngayon kumpara noong kabataan ka pa. Pero halos pareho rin ang mga problema. Kaya imbes na masyadong mangamba sa masasamang impluwensiyang napapaharap sa iyong mga anak, maging determinadong tulungan sila na sundin ang payo ni apostol Pablo sa mga Kristiyano mga 2,000 taon na ang nakalilipas: “Isuot ninyo ang kumpletong kagayakang pandigma mula sa Diyos upang makatayo kayong matatag laban sa mga pakana ng Diyablo.” (Efeso 6:11) Ang totoo, kapuri-puri ang maraming kabataang Kristiyano dahil naninindigan sila sa kung ano ang tama, sa kabila ng masasamang impluwensiya sa palibot nila. Paano mo matutulungan ang iyong mga anak na gayundin ang gawin?
Ang isang paraan ay kausapin sila, gamit ang ilang kabanata sa Seksiyon 4 ng aklat na ito at Seksiyon 1 at 7
ng Tomo 2. Ang mga kabanatang ito ay naglalaman ng mga tekstong nagtatampok ng tunay na mga karanasan—ng mga pinagpala dahil nanindigan sila sa kung ano ang tama, at ng mga napahamak dahil ipinagwalang-bahala nila ang mga batas ng Diyos. Ang iba pang mga teksto ay may mga simulaing makakatulong sa iyong mga anak na pahalagahan ang kanilang dakilang pribilehiyo—at pribilehiyo mo rin—na mamuhay alinsunod sa mga batas ng Diyos. Bakit hindi talakayin ang materyal na ito sa iyong mga anak?TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 23, 25, AT 32, AT TOMO 2, KABANATA 4-6, 28 AT 29
Papayagan ko na bang makipag-date ang anak ko?
Di-magtatagal, magtatanong na ang tin-edyer mong anak tungkol sa pakikipag-date. “Hindi ko na kailangang manligaw!” ang sabi ni Phillip. “Mga babae na ang lumalapit at nagyayaya ng date. Problema ko nga tuloy kung paano tatanggi, kasi talagang ang gaganda ng ilan sa kanila!”
Bilang magulang, ang pinakamabuting magagawa mo ay makipag-usap sa anak mo tungkol sa pakikipag-date, marahil gamit ang Kabanata 1 ng Tomo 2. Alamin ang nadarama niya sa mga hamon na napapaharap sa kaniya sa paaralan at maging sa kongregasyong Kristiyano. Kung minsan, maaari ninyong pag-usapan iyon sa di-pormal na mga pagkakataon, “kapag nakaupo ka sa iyong bahay at kapag naglalakad ka sa daan.” (Deuteronomio 6:6, 7) Anuman ang tagpo, tandaan na maging “matulin sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita.”—Santiago 1:19.
Kapag nagkakagusto na ang inyong anak sa isang di-kasekso, huwag mag-panic. “Nang malaman ng tatay ko na may boyfriend na ako, galít na galít siya!” ang sabi ng isang tin-edyer. “Pinagtatanong niya ako para takutin ako at ipakitang hindi pa ako handang mag-asawa. Parang gusto ko tuloy patagalin ang relasyon namin para patunayang mali ang tatay ko!”
Kung iniisip ng iyong anak na magagalit ka kapag binanggit niya ang tungkol sa pakikipag-date, delikado iyon. Baka ilihim niyang may kasintahan na siya. “Kapag sobrang mag-react ang mga magulang,” ang sabi ng isang kabataang babae, “lalong itatago ng mga anak ang kanilang relasyon. Hindi sila titigil. Lalo lang silang maglilihim.”
Mas maganda kung open ang mga magulang at anak sa isa’t isa. Ganito ang sabi ni Brittany, 20: “Open ang mga magulang ko pagdating sa pakikipag-date. Importante sa kanila na malaman kung sino ang nagugustuhan ko, at okey sa akin ang ganun! Kakausapin siya ng tatay ko. At kung may problema, sasabihin nila sa akin. Kadalasan, nari-realize ko na hindi ko pala siya gusto bago pa ako pumayag na makipag-date sa kaniya.”
Pagkatapos basahin ang Kabanata 2 ng Tomo 2, baka maitanong mo, ‘Magagawa kaya ng anak ko na palihim na makipag-date?’ Pansinin ang sinabi ng ilang kabataan kung bakit natutukso ang ilan na gawin ito, at pagkatapos ay pag-isipan ang kasunod na mga tanong.
“May mga kabataan na kulang sa pagmamahal ng pamilya, kaya naghahanap sila ng kasintahan na magmamahal sa kanila.”—Wendy.
Bilang magulang, paano mo masasapatan ang emosyonal na pangangailangan ng iyong mga anak? May magagawa ka ba para mas masapatan ang pangangailangang ito? Kung oo, ano?
“Noong 14 ako, may nanligaw sa akin. Sinagot ko naman siya. Inisip ko, ang sarap siguro ng feeling na may lalaking nakaakbay sa akin.”—Diane.
Kung anak mo si Diane, ano ang gagawin mo?
“Kung may cellphone ka, ang daling itago ang pakikipag-date. Walang kamalay-malay ang mga magulang sa nangyayari!”—Annette.
Ano ang magagawa mo para masubaybayan ang iyong mga anak sa paggamit ng cellphone?
“Mas madaling makipag-date nang palihim kapag hindi sinusubaybayan ng mga magulang ang ginagawa ng mga anak nila at kung sino ang kasama ng mga ito.”—Thomas.
Paano mo masusubaybayan ang anak mong tin-edyer nang hindi naman siya nasasakal?
“Kadalasan, kapag nasa bahay ang mga bata, wala naman ang mga magulang. O kaya naman masyado silang maluwag—pinapayagang maglakwatsa ang mga anak kahit sino ang kasama.”—Nicholas.
Sino ang laging kasama ng anak mo? Alam mo ba talaga ang ginagawa nila kapag magkakasama?
“Kapag napakaistrikto ng mga magulang, baka makipag-date nang palihim ang anak.”—Paul.
Paano mo maipapakita ang iyong “pagkamakatuwiran” nang hindi ikinokompromiso ang mga utos at simulain ng Bibliya?—Filipos 4:5.
“Noong nagdadalaga ako, mababa ang tingin ko sa sarili ko at naghahanap ako ng atensiyon. Nakipag-e-mail ako sa isang lalaki sa kalapit na kongregasyon at na-in love ako. Ipinadama niyang special ako.”—Linda.
May naiisip ka bang paraan kung paano sana natugunan ng pamilya ni Linda ang pangangailangan niya?
Bakit hindi ipakipag-usap sa iyong anak ang Kabanata 2 ng Tomo 2 at ang bahaging ito ng Apendise? Ang pinakamabisang panlaban sa paglilihim ay ang taos-puso at tapatang pag-uusap.—Kawikaan 20:5.
TINGNAN ANG TOMO 2, KABANATA 1-3
EMOSYON
Paano kung sabihin ng anak ko na gusto na niyang mamatay?
Sa ilang bahagi ng daigdig, napakaraming kabataan ang nagpapakamatay. Halimbawa, sa Estados Unidos, suicide ang ikatlong pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga edad 15 hanggang 25, at sa nakaraang dalawang dekada, ang bilang ng nagpapatiwakal na nasa edad 10 hanggang 14 ay nadoble. Karamihan sa mga nag-iisip magpakamatay ay ang mga may sakit sa isip, may kapamilyang nagpakamatay, at ang mga dati nang nagtangkang gumawa nito. Narito ang mga palatandaan ng isang kabataang gustong magpakamatay:
● Paglayo sa kapamilya at mga kaibigan
● Problema sa pagkain at pagtulog
● Hindi na nae-enjoy ang mga dating kinahihiligan
● Malaking pagbabago sa ugali
● Pag-abuso sa droga at alak
● Pamimigay ng gamit na mahalaga sa kaniya
● Bukambibig ang kamatayan o ang mga paksang may kaugnayan dito
Ang pinakamalaking pagkakamaling magagawa ng isang magulang ay ang ipagwalang-bahala ang mga palatandaang ito. Dapat seryosohin ang anumang palatandaan. Huwag basta isipin na bahagi lang iyan ng pagbibinata o pagdadalaga.
Huwag ding mahiya na humingi ng tulong para sa iyong anak kung dumaranas siya ng matinding depresyon o iba pang sakit sa isip. At kung naghihinala kang may plano siyang magpakamatay, tanungin siya tungkol dito. Hindi totoo na lalo lang maiisip ng iyong anak na magpakamatay kapag pinag-usapan ninyo ito. Mas gusto nga nila na pag-usapan ito, basta magsisimula lang ang mga magulang. Kapag ipinagtapat sa iyo ng iyong anak na naiisip niyang magpakamatay, alamin kung nakaplano na ito. Kung oo, alamin ang mga detalye. Miyentras mas detalyado ang kaniyang plano, mas dapat kang kumilos agad.
Huwag isipin na basta na lang lilipas ang depresyon. At kung waring lumipas nga ito, huwag mong isiping tapos na ang problema. Ang totoo, ito ang pinakadelikadong panahon. Bakit? Dahil habang depressed ang tin-edyer, maaaring wala siyang lakas para isagawa ang plano niyang magpakamatay. Pero kapag lumipas na ang depresyon, maaaring may sapat na siyang lakas para gawin ito.
Napakalaki ngang trahedya ang pagpapakamatay ng ilang kabataan dahil sa matinding depresyon. Kung alisto sa mga palatandaan ang mga magulang at ang iba pang nagmamalasakit na mga adulto, sila ay ‘makapagsasalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo’ at magiging kanlungan para sa mga kabataan.—1 Tesalonica 5:14.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 13 AT 14, AT TOMO 2, KABANATA 26
Dapat ko bang itago sa mga anak ko na nagdadalamhati ako?
Masakit mamatayan ng asawa. Pero may anak ka rin na nangungulila. Paano mo siya matutulungan na makayanan
ang pagdadalamhati nang hindi naman isinasaisantabi ang kirot na nararamdaman mo? Subukan ang sumusunod:● Huwag mong itago ang nadarama mo. Karamihan sa mahahalagang aral sa buhay, natututuhan ng anak mo sa pagmamasid sa iyo. Sa iyo rin siya matututo kung paano makakayanan ang pagdadalamhati. Kaya hindi mo kailangang magkunwaring matatag. Baka gayahin ka lang din niya. Pero kung ipapakita mong nasasaktan ka rin, makikita niya na mas mabuting ilabas ang damdamin sa halip na itago ito, at na normal lang na malungkot, masiraan ng loob, o magalit pa nga.
● Himukin ang iyong anak na sabihin ang nadarama niya. Tulungan siyang ilabas ang laman ng puso niya, pero huwag mo siyang pilitin. Kung nag-aalangan siya, puwede ninyong pag-usapan ang Kabanata 16 ng tomong ito. Ikuwento mo rin ang masasayang alaala ninyong mag-asawa. Aminin mong nahihirapan ka rin sa sitwasyon. Kapag ginawa mo iyan, magiging open din siya sa iyo.
● Tanggapin na may limitasyon ka. Siyempre gusto mong lagi kang nakaalalay sa iyong anak sa mahirap na sitwasyong ito. Pero tandaan na matinding dagok din sa iyo ang pagkamatay ng iyong mahal na asawa. May mga panahong manghihina ka sa pisikal, mental, at emosyonal na paraan. (Kawikaan 24:10) Kaya baka kailangan mong humingi ng tulong sa may-gulang na mga kapamilya at kaibigan. Ang paghingi ng tulong ay tanda ng pagkamaygulang. Sinasabi ng Bibliya: “Nasa mapagpakumbaba ang karunungan.”—Kawikaan 11:2, English Standard Version.
Ang pinakamaaasahan mo ay ang Diyos na Jehova, na nangangako sa kaniyang mga mananamba: “Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa iyong kanang kamay, ang Isa na nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Ako ang tutulong sa iyo.’”—Isaias 41:13.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 16
Paano ko tuturuan ang anak ko na maging timbang sa pagdidiyeta?
Kung may problema sa pagkain ang iyong anak, ano ang magagawa mo? Una, alamin kung bakit siya nagkaganito.
Karaniwan na, ang mga may problema sa pagkain ay walang kumpiyansa at likas na perpeksiyonista, anupat napakalaki ng inaasahan sa kanilang sarili. Bilang magulang, tiyakin mong hindi ka nakadaragdag sa ganitong damdamin ng iyong anak. Sa halip, dapat mo siyang patibayin.—1 Tesalonica 5:11.
Suriin mo rin ang iyong saloobin sa diet at timbang. Masyado ka bang conscious sa mga bagay na ito? Baka hindi mo napapansin, lagi na lang ito ang naririnig ng anak mo sa iyo. Tandaan, napaka-conscious ng mga kabataan sa kanilang hitsura. Kahit pabiro mo lang siyang tuksuhin na “tabatsingtsing” o “poste” sa tangkad, baka masyado na itong dibdibin ng nagdadalaga o nagbibinata mong anak.
Matapos maingat na pag-isipan kung bakit may problema sa pagkain ang iyong anak, kausapin siya. Subukan ang sumusunod:
● Pag-isipang mabuti kung ano ang sasabihin at kung kailan ito sasabihin.
● Ipakita na talagang nagmamalasakit ka at gusto mong tumulong.
● Huwag kang magulat kung mangatuwiran siya sa umpisa.
● Maging matiyaga sa pakikinig.
Ang pinakamahalaga, suportahan ang iyong anak sa pagsisikap niyang gumaling. Magtulungan kayo bilang pamilya!
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 10, AT TOMO 2, KABANATA 7
KAUGNAYAN SA DIYOS
Paano ko patuloy na matuturuan sa Bibliya ang nagbibinata o nagdadalaga kong anak?
Sinasabi ng Bibliya na “mula sa pagkasanggol,” tinuruan na si Timoteo tungkol sa Diyos. Malamang na ganiyan din ang ginawa mo sa iyong mga anak. (2 Timoteo 3:15) Pero ngayong nagbibinata o nagdadalaga na sila, unti-unti na nilang nauunawaan ang malalalim na mga ideya at nasasanay na ang kanilang “kakayahan sa pangangatuwiran.” (Roma 12:1) Kailangan mo ngayong ibagay sa kanila ang paraan mo ng pagtuturo.
Sa sulat ni Pablo kay Timoteo, binanggit niya ang mga bagay na “natutuhan at nahikayat na sampalatayanan” ni Timoteo. (2 Timoteo 3:14) Ngayong lumalaki na ang iyong mga anak, kailangan na nilang ‘mahikayat na sampalatayanan’ ang mga katotohanan sa Bibliya na natutuhan nila mula sa pagkasanggol. Para maabot ang kanilang puso, hindi sapat na diktahan sila kung ano ang dapat nilang gawin o paniwalaan. Kailangan nilang patunayan sa kanilang sarili na totoo ang mga naituro sa kanila. Paano mo sila matutulungan? Hikayatin silang gamitin ang kanilang kakayahang mangatuwiran. Puwede ninyong pag-usapan ang mga tanong na gaya ng:
● Ano ang nakakakumbinsi sa akin na talagang may Diyos?—Roma 1:20.
● Paano ko matitiyak na totoo ang mga itinuturo sa akin ng mga magulang ko mula sa Bibliya?—Gawa 17:11.
● Bakit kumbinsido ako na para sa ikabubuti ko ang mga pamantayan ng Bibliya?—● Paano ko natitiyak na matutupad ang mga hula sa Bibliya?—Josue 23:14.
● Ano ang nakakakumbinsi sa akin na walang anumang bagay sa sanlibutang ito ang makakapantay sa “nakahihigit na halaga ng kaalaman tungkol kay Kristo Jesus”?—Filipos 3:8.
● Ano ang nagawa ng haing pantubos ni Kristo para sa akin?—2 Corinto 5:14, 15; Galacia 2:20.
Baka nag-aatubili kang itanong ang mga ito sa mga anak mo dahil natatakot kang hindi nila masasagot ang mga ito. Pero kung ganiyan ang saloobin mo, para kang drayber na nag-aatubiling tumingin sa fuel gauge dahil natatakot kang makita na mauubos na ang gasolina mo. Kung talagang papaubos na ito, mas magandang kumilos ka na habang may panahon pa! Sa katulad na paraan, habang nasa poder mo pa ang mga anak mo, pagkakataon ito para tulungan silang saliksikin ang mga tanong tungkol sa Bibliya at ‘hikayatin silang sumampalataya.’ d
Tandaan, hindi naman mali kung itatanong ng anak mo, “Bakit ba talaga ako naniniwala?” Ganiyan ang ginawa ni Diane, 22, noong tin-edyer siya. Sinabi niya: “Pinatunayan ko sa sarili ko na tama ang mga pinaniniwalaan ko, kaya na-realize ko na gusto ko talagang maging Saksi ni Jehova! Kapag tinatanong ako kung bakit ayaw kong gawin ang isang bagay, hindi ko sinasabing ‘Bawal kasi sa relihiyon namin.’ Sinasabi ko, ‘Alam kong hindi tama ’yan.’ Sa ibang salita, ginawa kong pamantayan ko ang pamantayan ng Bibliya.”
Mungkahi: Kapag may bumangong problema, subukin ang kakayahan ng anak mo sa pangangatuwiran pagdating sa mga pamantayan ng Bibliya. Halimbawa, nagpapaalam ang anak mo na pupunta siya sa isang party na alam mo (at marahil Kabanata 37 ng aklat na ito at ang Kabanata 32 ng Tomo 2), saka tayo mag-usap bukas. Magpapaalam ako sa iyo na gusto kong pumunta sa party. Sasabihin mo sa akin kung maganda bang pumunta ako dun.’
alam niya) na hindi angkop. Sa halip na basta sabihing hindi ka payag, puwede mong sabihin: ‘Ganito ang gawin natin. Magpalit tayo ng papel. Ikaw muna ang magulang, ako ang anak. Pag-isipan mo ang party na gusto mong puntahan, tapos magsaliksik ka (marahil gamit angTINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 38, AT TOMO 2, KABANATA 34-36
Paano kung nawalan ng interes sa espirituwal na mga bagay ang anak ko?
Una, huwag agad isipin na ayaw ng anak mo sa iyong relihiyon. Makabubuting alamin ang mga dahilan kung bakit nawalan siya ng interes sa espirituwal na mga bagay. Halimbawa, baka
● Ginigipit siya ng kaniyang mga kasama at nahihiya siyang magtinging kakaiba dahil sa pagsunod niya sa mga simulain ng Bibliya
● Nakikita niya ang ibang mga kabataan (o ang mga kapatid niya) na sumusulong sa espirituwal at naiisip niyang hindi niya sila kayang tularan
● Gustung-gusto niyang magkaroon ng mga kaibigan pero naaasiwa naman siya kapag kasama ang mga kapananampalataya
● Nakikita niya ang ibang kabataang “Kristiyano” na may dobleng pamumuhay
● Gusto niyang patunayan na kaya niyang gumawa ng sariling mga pasiya kaya kinukuwestiyon niya ang mga pamantayang itinuro mo sa kaniya
● Nakikita niya ang mga kaeskuwela niya na ginagawa ang anumang gusto nila pero mukhang wala namang masamang nangyayari sa kanila
● Gusto niyang pagbigyan ang kaniyang di-sumasampalatayang magulang
Gaya ng mga nabanggit, baka nahihirapan lang siya sa sitwasyon ngayon at hindi naman talaga niya iniisip na mali ang mga paniniwala mo. Kaya paano mo matutulungan ang iyong anak?
Magparaya nang hindi naman nakikipagkompromiso. Sikaping unawain kung bakit nasisiraan ng loob ang anak mo, at gumawa ng kinakailangang mga pagbabago para sumulong siya sa espirituwal. (Kawikaan 16:20) Halimbawa, makakatulong ang “Plano Ko Laban sa Panggigipit” sa pahina 132 at 133 ng Tomo 2 para magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang mga panggigipit ng mga kaeskuwela. O kung nalulungkot siya, puwede mo siyang tulungan na makahanap ng mabubuting kasama.
Ihanap siya ng puwede niyang maging huwaran. Baka kailangan ng anak mo ng isang kaibigan na magpapatibay sa kaniya. May naiisip ka bang isang maygulang sa espirituwal na puwede niyang maging inspirasyon? Baka puwede mong isaayos na makasama siya ng anak mo. Hindi naman ibig sabihin na gusto mong ipasa sa kaniya ang responsibilidad mo. Gusto mo lang makinabang ang anak mo gaya ni Timoteo. Malaking tulong sa kaniya ang halimbawa ni apostol Pablo, at nakinabang din naman si Pablo sa pakikisama kay Timoteo.—Filipos 2:20, 22.
Habang nasa poder mo pa ang anak mo, puwede mo siyang obligahin na sumunod sa espirituwal na rutin ng pamilya. Pero ang talagang tunguhin mo ay ikintal sa puso niya ang pag-ibig sa Diyos—hindi pasunurin siyang parang robot. Para matulungan ang anak mo na tanggapin ang tunay na relihiyon, kailangang maging mabuting halimbawa ka. Maging makatuwiran sa inaasahan mo sa kaniya. Ihanap siya ng puwede niyang maging huwaran at ng mga kaibigang magpapatibay sa kaniya. Marahil balang-araw, masasabi rin niya ang nasabi ng salmista, “Si Jehova ang aking malaking bato at aking moog at ang Tagapaglaan ko ng pagtakas.”—Awit 18:2.
TINGNAN ANG TOMO 1, KABANATA 39, AT TOMO 2, KABANATA 37 AT 38
[Mga talababa]
a Siyempre, hindi mo dapat konsiyensiyahin ang anak mo para lang gawin niya ang gusto mo.
b Mahalaga sa anak mo ang hitsura niya, kaya mag-ingat—baka maipahiwatig mong may pangit sa kaniya.
c Tingnan ang pahina 315-318.
d Ang Kabanata 36 ng Tomo 2 ay makakatulong sa mga kabataan na gamitin ang kanilang kakayahan sa pangangatuwiran para makumbinsi silang may Diyos.