Paano Ko Makakayanan ang Break-up Namin?
KABANATA 31
Paano Ko Makakayanan ang Break-up Namin?
“Anim na buwan na kaming magkasintahan at limang taon nang magkaibigan. Nang gusto na niyang makipag-break, ni hindi niya ito masabi sa akin. Basta hindi na lang niya ako kinausap. Wala akong magawa. Para akong mababaliw. Lagi kong tinatanong ang sarili ko, ‘Ano’ng nagawa kong mali?’”—Rachel.
BAKA mapalitan ng luha ang iyong ngiti pagkatapos ng isang break-up. Tingnan ang pinagdaanan nina Jeff at Susan, na dalawang taóng naging magkasintahan. Sa loob ng panahong iyon, lalo silang naging close sa isa’t isa. Sa maghapon, panay ang padala ni Jeff ng malalambing na text kay Susan. Paminsan-minsan, nagreregalo rin si Jeff kay Susan para ipakitang naaalala niya ito. “Laging nandiyan si Jeff para makinig sa akin, at nauunawaan niya ako,” ang sabi ni Susan. “Ang sarap ng feeling.”
Di-nagtagal, kasalan na ang pinag-uusapan nina Jeff at Susan. Pinaplano na rin nila kung saan sila titira. Tinanong na nga ni Jeff ang sukat ng singsing ni Susan. Pagkatapos, biglang nakipag-break si Jeff! Gumuho ang mundo ni Susan. Tuloy pa rin naman ang buhay niya, pero parang wala siya sa sarili. “Pagód na pagód ang isip at katawan ko,” ang sabi niya. a
Kung Bakit Masakit Iyon
Kung pareho kayo ng naranasan ni Susan, baka maitanong mo, ‘Makaka-move on pa kaya ako?’ Normal lang na maramdaman mo iyan. “Ang pag-ibig ay makapangyarihang tulad ng kamatayan,” ang isinulat ni Haring Solomon. (Awit ng mga Awit 8:6, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Ang pagbe-break ninyong magkasintahan ay baka isa sa pinakamasakit na naranasan mo. Sabi nga ng ilan, para ka na ring namatayan. Baka maranasan mo rin ang karaniwang mga yugtong ito ng pagdadalamhati:
Pagkakaila. ‘Hindi ito totoo. Bukas magbabago rin ang isip niya.’
Galit. ‘Paano niya nagawa ito sa akin? Ayoko na siyang makita!’
Depresyon. ‘Mahirap talaga akong mahalin. Wala nang magmamahal sa akin.’
Pagtanggap. ‘Magiging okey din ang lahat. Masakit, pero kaya ko ‘to.’
Ang maganda nito, darating ka sa yugto na matatanggap mo ang nangyari. Pero depende sa tagal at lalim ng pinagsamahan ninyo ang bilis ng pag-recover mo. Sa ngayon, alamin natin kung ano ang puwede mong gawin para maka-move on.
Tuloy Lang ang Buhay
Baka may magsabi sa iyo na lahat ng sugat, naghihilom din sa paglipas ng panahon. Pero kung kabe-break pa lang ninyo, baka naiisip mong hindi ito totoo. Kasi ang paglipas ng panahon ay bahagi lang ng solusyon. Bilang paglalarawan: Ang sugat ay naghihilom sa paglipas ng panahon, pero ngayon, makirot ito. Kailangan mong gumawa ng paraan para tumigil ang pagdurugo at maibsan ang kirot. Kailangan mo rin itong ingatan para hindi maimpeksiyon at lumala. Ganiyan din pagdating sa sugat sa damdamin. Masakit ito
sa ngayon. Pero may magagawa ka para hindi ito lumala at mauwi sa matinding hinanakit. Makakatulong ang paglipas ng panahon, pero kailangan mo ring kumilos. Ano ang puwede mong gawin?● Umiyak ka lang. Hindi masamang umiyak. Sinasabi ng Bibliya na may “panahon ng pagtangis” at maging ng “panahon ng paghagulhol.” (Eclesiastes 3:1, 4) Ang pag-iyak ay hindi tanda ng kahinaan. Nang dumanas ng matinding kalungkutan, kahit ang magiting na mandirigmang si David ay nagsabi: “Sa gabi, ang aking higaan at unan ay basang-basa ng luha.”—Awit 6:6, Contemporary English Version.
● Ingatan ang iyong kalusugan. Makakatulong ang ehersisyo at tamang pagkain para makabawi ka sa depresyong dulot ng pagbe-break ninyo. “Ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang,” ang sabi ng Bibliya.—1 Timoteo 4:8.
Anu-ano ang kailangan mong bigyang-pansin sa iyong kalusugan?
․․․․․
● Maging abala. Gawin pa rin ang mga bagay na gustung-gusto mo. At ngayon, lalung-lalo na, huwag mong ibubukod ang iyong sarili. (Kawikaan 18:1) Kung sasama ka sa mga nagmamalasakit sa iyo, matutulungan ka nilang maging positibo.
Anu-ano ang puwede mong gawing tunguhin?
․․․․․
Awit 10:1) Pero tama bang isipin na isang matchmaker lang ang Diyos? Siyempre hindi; at hindi niya kasalanan kung gustong makipag-break ng kasintahan mo. Pero ito ang maaasahan kay Jehova: “Siya ay nagmamalasakit sa [iyo].” (1 Pedro 5:7) Kaya ipanalangin mo ang lahat ng nadarama mo. “Ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”—Filipos 4:6, 7.
● Ipanalangin sa Diyos ang nadarama mo. Baka mahirapan kang gawin ito. May mga tao kasing sinisisi ang Diyos sa break-up nila. Sinasabi nila, ‘Nag-pray naman ako na sana makakita ako ng magmamahal sa akin, tapos ganito ang nangyari!’ (Anu-ano ang puwede mong ipanalangin kay Jehova habang tinitiis mo ang kirot na dulot ng pagbe-break ninyo?
․․․․․
Harapin ang Bukas
Kapag naghilom na ang iyong sugat, makakatulong kung babalikan mo ang nangyari sa nakaraan mong relasyon. Kung handa ka nang gawin iyan, subukan mong sagutan ang kahon na “ Ang Natutuhan Ko sa Break-up Namin,” na nasa pahina 224.
Totoo, hindi mo pinangarap na mag-break kayong magkasintahan. Pero tandaan: Kapag bumabagyo, ang madilim na ulap sa kalangitan at ang bumubuhos na ulan sa lupa ang una mong nakikita. Pero hindi magtatagal at titigil din ang ulan. Aaliwalas ang langit. Naka-move on ang mga kabataang binanggit sa kabanatang ito. Makaka-move on ka rin!
Ano ang puwede mong gawin para maprotektahan ang sarili mo sa seksuwal na pang-aabuso?
[Talababa]
a Bagaman mga babae ang sinipi sa kabanatang ito, ang mga simulain dito ay kapit din sa mga lalaki.
TEMANG TEKSTO
“Pinagagaling [ni Jehova] ang mga may pusong wasak, at tinatalian niya ang kanilang makikirot na bahagi.”—Awit 147:3.
TIP
Si Susan, na binanggit sa kabanatang ito, ay gumawa ng listahan ng mga teksto na lagi niyang dala para mabasa kapag lungkot na lungkot siya. Puwede mo ring ilista ang ilan sa mga tekstong binanggit sa kabanatang ito.
ALAM MO BA . . . ?
Karamihan sa mga tin-edyer na magkasintahan ay hindi nagkakatuluyan, at kung magkatuluyan man, malaking porsiyento ang nauuwi sa diborsiyo.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Para maka-move on ako sa pagbe-break namin, ang gagawin ko ay ․․․․․
Sa susunod na magkaroon ako ng kasintahan, ang pasusulungin ko para maging mas mabuti akong boyfriend/girlfriend ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggilsa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Ano ang natutuhan mo sa sarili mo mula sa iyong nakaraang relasyon?
● Ano ang natutuhan mo tungkol sa di-kasekso?
[Blurb sa pahina 227]
“Kailangan mo lang palipasin ang panahon. Kapag hindi ka na masyadong emosyonal, makakapag-isip ka nang mas malinaw, at makaka-move on ka na. Isa pa, mas makikilala mo ang iyong sarili at maiisip mo kung ano talaga ang hinahanap mo sa isang kapareha. Alam mo na rin kung paano maiiwasang maulit ang nangyari.”—Corrina
[Kahon sa pahina 224]
Worksheet
Ang Natutuhan Ko sa Break-up Namin
May ibinigay ba siyang dahilan kung bakit siya nakipag-break? Kung mayroon, isulat sa ibaba ang dahilan, makatuwiran man ito o hindi. ․․․․․
Sa tingin mo, ano ang iba pang posibleng dahilan? ․․․․․
Kung babalikan mo ang nakaraan, may naiisip ka bang sana’y ginawa mo para hindi ganoon ang nangyari? Kung mayroon, ano? ․․․․․
Mula sa karanasan mo, may nakita ka bang kailangan mo pang pasulungin para maging mas matured ka at mas mabuting Kristiyano? ․․․․․
Kung mayroon man, ano ang hindi mo na gagawin sa susunod na magkaroon ka ng kasintahan? ․․․․․
[Larawan sa pahina 223]
Ang break-up ay tulad ng isang sugat—makirot, pero sa paglipas ng panahon, maghihilom din