Paano Kung Laging Laman ng Isip Ko ang Sex?
KABANATA 29
Paano Kung Laging Laman ng Isip Ko ang Sex?
“PURO na lang babae ang laman ng isip ko—kahit hindi ko sila nakikita,” ang sabi ng binatang si Michael. “Ewan ko ba. Kung minsan hindi ako makapag-isip nang maayos!”
Gaya ni Michael, nauubos rin ba ang oras mo sa kaiisip sa isang di-kasekso? Kung oo, malamang na nahihirapan kang paglabanan ito. Baka basta na lamang pumapasok sa isip mo ang tungkol sa sex. “Halos wala ka nang ibang maisip,” ang sabi ni Michael. “Kung minsan, kahit ang lapit-lapit lang ng kotse mo, iikot ka pa para lang masulyapan ang isang magandang babae. O mapapapunta ka sa isang seksiyon ng groseri kahit wala ka naman talagang bibilhin doon para lamang makasilay.”
Pero tandaan, hindi naman masama ang magkaroon ng pagnanasa sa isang di-kasekso. Kasi, nilalang ng Diyos ang lalaki at babae para sa isa’t isa kaya likas lamang na magkagustuhan sila, at nilayon niya ang pagsisiping para sa lalaki at babaing mag-asawa. Ngayong wala ka pang asawa, baka may pagkakataong matindi ang iyong pagnanasa sa isang di-kasekso. Pero hindi naman ibig sabihin niyan na napakasama mo na o hindi mo kayang maging malinis sa moral. Puwede kang maging malinis sa moral kung gugustuhin mo! Magagawa mo iyan kung iiwasan mo ang maruruming kaisipan. Paano?
Kilalanin ang iyong mga kasama. Kung nagkukuwentuhan ang mga kaklase mo tungkol sa imoral na mga bagay, baka matukso kang sumali sa usapan—para lang hindi ka mapaiba. Pero lalo ka lamang mahihirapang kontrolin ang iyong iniisip. Ano ang dapat mong gawin? Aalis ka ba? Dapat lang, at walang dahilan para mahiya ka! Kadalasang may paraan naman para makaalis ka nang maayos at hindi mapagtawanan, o magmukhang nagmamalinis.
2 Corinto 7:1) Iwasan mo ang anumang libangan na maaaring magpatindi ng imoral na mga pagnanasa. *
Iwasan ang imoral na mga libangan. Siyempre, hindi naman lahat ng pelikula o musika ay masama. Pero marami sa mga libangan ngayon ang dinisenyo para gisingin ang mga pagnanasa sa di-kasekso. Ano ang payo ng Bibliya? “Linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.” (May Masamang Epekto ang Masturbasyon
Dinadaan ng ilang kabataan sa masturbasyon ang kanilang pagnanasa. Pero mabigat na problema ang dala nito. Ganito ang payo ng Bibliya sa mga Kristiyano: “Patayin ninyo, kung gayon, ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa ibabaw ng lupa may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, at kaimbutan.” (Colosas 3:5) Ang masturbasyon ay kabaligtaran ng payo na ‘patayin ang pita [o pagnanasa] sa sekso.’ Lalo lamang nitong pinupukaw at pinatitindi ang pagnanasang iyon!
Puwede kang maging alipin ng iyong pagnanasa dahil sa masturbasyon. (Tito ) Ang isang paraan para mapaglabanan mo ito ay ang ipagtapat sa iba ang iyong problema. Ilang taóng pinaglabanan ng isang Kristiyano ang masturbasyon. Ganito ang sabi niya: “Sana noon pa ako nagkalakas-loob na sabihin ito! Matagal akong hindi pinatulog ng konsensiya ko, at ang laki ng naging epekto nito sa kaugnayan ko sa iba, lalo na sa Diyos na Jehova.” 3:3
Sino ang dapat mong lapitan? Kadalasan nang magulang ang pinakamabuting kausapin. Makakatulong din marahil ang isang may-gulang na kapatid sa kongregasyong Kristiyano. Puwede mo silang lapitan at sabihing, ‘May problema po ako, gusto ko po sana kayong makausap.’
Ipinakipag-usap ni André ang kaniyang problema sa isang Kristiyanong elder, at nakatulong ito sa kaniya. “Habang pinakikinggan niya ako, nangingilid ang luha niya,” ang sabi ni André. “Pagkatapos kong ipagtapat sa kaniya ang problema ko, tiniyak niya sa akin na iniibig ako ni Jehova. Sinabi niya sa akin na marami rin ang may ganitong problema. Kukumustahin niya raw uli ako at magdadala siya ng iba pang impormasyon mula sa mga publikasyong salig sa Bibliya. Pagkatapos naming mag-usap, ipinasiya kong patuloy na paglabanan ang masturbasyon—kahit na kung minsan ay nadadala pa rin ako ng tukso.”
Nakipag-usap naman si Mário sa kaniyang tatay, na talaga namang naging madamayin at maunawain sa kaniya. Inamin pa nga ng tatay ni Mário na pinagdaanan din niya iyon noong kabataan siya. “Napatibay talaga ako dahil naging tapatan ang pag-uusap namin ni Tatay, at talagang dinamayan niya ako,” ang sabi ni Mário. “Naisip ko, kung napaglabanan niya iyon, kaya ko rin. Napakamaunawain ni Tatay kaya hindi ko napigilang umiyak.”
Gaya nina André at Mário, may makatutulong din sa iyo na maiwasan ang masturbasyon. Kahit na kung minsan ay nadadala ka pa rin ng tukso, huwag kang sumuko! Mapagtatagumpayan mo rin iyon. *
Kontrolin ang Iyong Iniisip
Sinabi ni apostol Pablo: “Binubugbog ko ang aking katawan at ginagawa itong alipin.” (1 Corinto 9:27) Baka kailangan mo ring kontrolin ang iyong sarili kapag pumapasok sa isip mo ang maling pagnanasa sa di-kasekso. Kung hindi ito maalis, subukan mong mag-ehersisyo. Sinasabi ng Bibliya: “Ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang nang kaunti.” (1 Timoteo 4:8) Baka kailangan mo lang maglakad nang mabilis o mag-ehersisyo nang ilang minuto para maalis ang maling mga pagnanasa sa isip mo.
Higit sa lahat, huwag mong kalimutang humingi ng tulong sa iyong makalangit na Ama. “Kapag nakakaramdam ako ng pagnanasa sa di-kasekso,” ang sabi ng isang Kristiyano, “nananalangin ako.” Aalisin ba ng Diyos ang mga pagnanasa mo sa di-kasekso? Hindi naman, pero sa tulong niya, makikita mong marami pa palang ibang bagay na puwedeng pag-isipan.
[Mga talababa]
^ par. 7 Sa Seksiyon 8 ng aklat na ito, tatalakayin nang higit ang tungkol sa mga libangan.
^ par. 14 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa masturbasyon, tingnan ang Tomo 1, kabanata 25.
TEMANG TEKSTO
“Anumang kagalingan ang mayroon at anumang kapuri-puring bagay ang mayroon, patuloy na isaalang-alang ang mga bagay na ito.”—Filipos 4:8.
TIP
Kapag muli kang nadaig ng tuksong gumawa ng masturbasyon, huwag kang susuko! Isipin kung ano ang naging dahilan at nagawa mo ulit iyon, at sikapin mong iwasan ito.
ALAM MO BA . . . ?
Kung ano ang palaging iniisip mo, iyon ang makaiimpluwensiya sa iyong pagkatao at pagkilos.—Santiago 1:14, 15.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Kapag laging di-kasekso ang laman ng isip ko, ang gagawin ko ay ․․․․․
Kung nagiging malaswa na ang kuwentuhan ng mga kaklase ko, ang gagawin ko ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Bakit hindi laging masama ang magkaroon ng pagnanasa sa di-kasekso?
● Bakit kailangan mong kontrolin ang iyong pagnanasa sa di-kasekso?
● Anu-anong libangan ang makapagpapatindi sa iyong pagnanasa sa di-kasekso?
● Bakit kailangan mong umalis kapag malaswa na ang kuwentuhan ng mga kasama mo?
[Blurb sa pahina 240]
“Kapag nakakaramdam ako ng maling pagnanasa, ibinabaling ko sa ibang bagay ang isip ko. Sinasabi ko sa sarili ko na mawawala rin naman iyon.”—Scott
[Larawan sa pahina 239]
Hahayaan mo bang pasukin ng virus ang computer mo? Kaya bakit mo hahayaang pasukin ng imoral na bagay ang isip mo?