Mali Bang Magpahayag Kami ng Pagmamahal sa Isa’t Isa?
KABANATA 4
Mali Bang Magpahayag Kami ng Pagmamahal sa Isa’t Isa?
Tama o mali . . .
Hindi puwedeng maghawakan ang magkasintahan kahit kailan.
□ Tama
□ Mali
Puwedeng magkasala ng pakikiapid ang magkasintahan kahit na hindi sila nagtatalik.
□ Tama
□ Mali
Ang magkasintahang hindi nagyayakapan o naghahalikan ay hindi totoong nagmamahalan.
□ Tama
□ Mali
MARAHIL ay madalas mong pag-isipan ang paksang ito. Kasi kung may kasintahan ka na, mahirap magtakda ng limitasyon pagdating sa pagpapahayag ng pagmamahal. Pag-usapan natin ang tatlong
puntong binanggit sa itaas at tingnan natin kung paano makatutulong ang Salita ng Diyos upang masagot natin ang tanong na, “Mali bang magpahayag kami ng pagmamahal sa isa’t isa?”● Hindi puwedeng maghawakan ang magkasintahan kahit kailan.
Mali. Hindi hinahatulan ng Bibliya ang kapahayagan ng pagmamahal kung marangal ito at nasa lugar. Halimbawa, may binabanggit sa Bibliya na kuwento ng pag-ibig ng isang dalagang Shulamita at ng binatang pastol. Malinis ang kanilang pagliligawan. Pero nagpakita rin sila ng pagmamahal sa isa’t isa sa pisikal na paraan bago sila naging mag-asawa. (Awit ni Solomon 1:2; 2:6; 8:5) Maaaring para sa ilang magkasintahan sa ngayon na talagang pinag-iisipan na ang pag-aasawa, hindi naman masama ang magpahayag ng pagmamahal sa paanuman. *
Gayunman, dapat na mag-ingat nang husto ang magkasintahan. Ang paghahalikan, pagyayakapan, o paggawa ng anumang bagay na nakapupukaw ng pagnanasa ay maaaring humantong sa seksuwal na kahalayan. Kahit na malinis ang hangarin ng magkasintahan, napakadaling madala ng emosyon at matuksong gumawa ng imoralidad.—Colosas 3:5.
● Puwedeng magkasala ng pakikiapid ang magkasintahan kahit na hindi sila nagtatalik.
Tama. Ang orihinal na salitang Griego na isinaling “pakikiapid” (por·neiʹa) ay may malawak na kahulugan. Tumutukoy ito sa lahat ng anyo ng pagtatalik ng hindi mag-asawa at sa di-wastong paggamit ng ari. Kaya kasama sa pakikiapid hindi lamang ang pakikipagtalik sa
hindi mo asawa kundi pati na ang mga gawaing gaya ng paghimas sa ari ng ibang tao, oral sex, o anal sex.Bukod diyan, hindi lamang pakikiapid ang hinahatulan ng Bibliya. Sumulat si apostol Pablo: “Ang mga gawa ng laman ay hayag, at ang mga ito ay pakikiapid, karumihan, mahalay na paggawi.” Sinabi pa niya: “Yaong mga nagsasagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.”—Galacia 5:19-21.
Ano ang “karumihan”? Ang salitang Griego para rito ay tumutukoy sa anumang uri ng karumihan, sa salita at gawa. Tiyak na karumihan na ipasok ng isa ang kaniyang kamay sa loob ng damit ng iba, hubaran ang iba, o hipuin ang maseselang bahagi ng kanilang katawan, gaya ng dibdib. Sa Bibliya, ang paghimas sa dibdib ay nauugnay sa kasiyahang para lamang sa mag-asawa.—Kawikaan 5:18, 19.
Walang-kahihiyang sinusuway ng ilang kabataan ang mga pamantayan ng Diyos. Sinasadya nilang lumampas sa tamang mga limitasyon, o may-kasakiman silang naghahanap ng iba’t ibang makakapareha sa seksuwal na karumihan. Baka nakagagawa pa nga ang ilan ng “mahalay na paggawi,” gaya ng tawag dito ni apostol Pablo. Ang salitang Griego na isinaling “mahalay na paggawi” ay nangangahulugang ‘kalapastanganan, kalabisan, kawalang-pakundangan, di-mapigil na pagnanasa.’ Tiyak na ayaw mong ‘mawalan ng Efeso 4:17-19.
lahat ng pakiramdam sa moral’ dahil sa “mahalay na paggawi upang gumawa ng bawat uri ng karumihan nang may kasakiman.”—● Ang magkasintahang hindi nagyayakapan o naghahalikan ay hindi totoong nagmamahalan.
Mali. Salungat sa iniisip ng ilan, ang pagyayakapan o paghahalikan ay hindi nagpapatibay sa relasyon ng magkasintahan. Sa halip, sinisira nito ang paggalang at tiwala nila sa isa’t isa. Isaalang-alang ang karanasan ni Laura. “Isang araw, wala ang nanay ko sa bahay nang dumating ang boyfriend ko para makipanood daw ng TV,” ang sabi niya. “Sa umpisa, kamay ko lamang ang hawak niya. Mayamaya, gumapang na ang kamay niya. Hindi ko masabi sa kaniyang tama na dahil natatakot akong magalit siya at bigla na lamang umalis.”
Sa palagay mo, mahal ba talaga si Laura ng kasintahan niya, o gusto lamang nitong masapatan ang kaniyang makasariling pagnanasa? Mahal ka ba talaga ng taong humihikayat sa iyo na gumawa ng kahalayan?
Kapag pinipilit ng isang binata ang isang dalaga na ipagwalang-bahala ang kaniyang budhi at ang kaniyang pagiging Kristiyano, nilalabag niya ang kautusan ng Diyos at taliwas ito sa pag-aangking mahal niya ang dalaga. Bukod diyan, kapag pumayag ang dalaga, hinahayaan niyang mapagsamantalahan siya. Mas masahol pa rito, nakagawa siya ng karumihan—marahil ng pakikiapid pa nga. *—1 Corinto 6:9, 10.
Magtakda ng Malinaw na mga Limitasyon
Kapag nakikipag-date ka, paano mo maiiwasan ang di-angkop na pagpapahayag ng pagmamahal? Isang katalinuhan na patiunang magtakda ng malinaw na mga limitasyon. Sinasabi ng Kawikaan 13:10: “Sa mga nagsasanggunian ay may karunungan.” Kaya pag-usapan ninyong magkasintahan kung anong mga kapahayagan ng pagmamahal ang angkop. Kung hihintayin ninyong mag-alab ang inyong romantikong damdamin bago kayo magtakda ng mga limitasyon, wala itong ipinagkaiba sa isang taong saka lamang nag-instila ng alarma noong nasusunog na ang bahay niya.
Totoo, hindi madali—nakaaasiwa pa nga—na pag-usapan ang gayong maselang paksa, lalo na kung bago pa lamang kayong magkasintahan. Pero malaki ang magagawa ng pagtatakda ng mga limitasyon upang maiwasan ang malulubhang problema sa kalaunan. 1 Corinto 7:3, 4.
Ang pagtatakda ng makatuwirang mga limitasyon ay gaya ng pag-iinstila ng smoke detector na nagbibigay ng babala sa unang palatandaan pa lamang ng sunog. Bukod diyan, ang kakayahan mong ipakipag-usap ang ganitong mga bagay ay nagpapakitang may patutunguhan ang inyong relasyon. Sa katunayan, ang pagpipigil sa sarili, pagkamatiisin, at kawalang-pag-iimbot ang pundasyon ng kasiya-siyang seksuwal na ugnayan ng mag-asawa.—Oo, hindi madaling sumunod sa mga pamantayan ng Diyos. Pero makapagtitiwala ka sa payo ni Jehova. Sa katunayan, sa Isaias 48:17, sinabi niyang siya “ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.” Kapakanan mo ang iniisip ni Jehova!
MARAMI KA PANG MABABASA TUNGKOL SA PAKSANG ITO SA TOMO 1, KABANATA 24
Kung virgin ka pa at walang karanasan, hindi naman ibig sabihing abnormal ka. Sa kabaligtaran, ito ang matalinong landasin. Alamin kung bakit.
[Mga talababa]
^ par. 15 Sa ilang bahagi ng daigdig, hindi katanggap-tanggap at malaswa ang hayagang pagpapakita ng pagmamahal ng magkasintahan. Sinisikap ng mga Kristiyano na maging maingat sa kanilang paggawi upang hindi sila makatisod sa iba.—2 Corinto 6:3.
^ par. 25 Siyempre pa, kapit kapuwa sa lalaki’t babae ang mga isyung binabanggit sa parapong ito.
TEMANG TEKSTO
“Ang pag-ibig ay . . . hindi gumagawi nang hindi disente.”—1 Corinto 13:4, 5.
TIP
Mag-date kayo kasama ng isang grupo o kaya’y magsama ng tsaperon. Umiwas sa alanganing mga situwasyon—halimbawa, huwag hahayaang dadalawa lamang kayo sa loob ng nakaparadang sasakyan o sa bahay.
ALAM MO BA . . . ?
Kapag nakatakda na ang inyong kasal, may ilang maselang bagay na kailangan ninyong pag-usapan. Pero ang masyadong detalyadong pag-uusap sa layuning pukawin ang pagnanasa sa sekso ay isang anyo ng karumihan—kahit na sa pamamagitan ng telepono o text message.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Makakaiwas ako sa imoralidad kung ․․․․․
Kung pilitin ako ng kasintahan ko na gumawa ng kahalayan, ang gagawin ko ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Anu-anong limitasyon ang dapat mong itakda sa pagpapahayag ng pagmamahal sa isang di-kasekso?
● Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pakikiapid, karumihan, at mahalay na paggawi.
[Blurb sa pahina 46]
“Nagbabasa kaming magkasintahan ng mga artikulong salig sa Bibliya kung paano makapananatiling malinis sa moral. Natulungan kami ng mga ito na mapanatiling malinis ang aming budhi.”—Leticia
[Kahon sa pahina 44]
Paano Kung Lumampas Kami sa Limitasyon?
Paano kung nakagawa kayong magkasintahan ng kahalayan? Huwag mong linlangin ang iyong sarili at isiping kaya mong lutasing mag-isa ang problema. Inamin ng isang kabataan: “Nananalangin naman ako sa Diyos na sana’y tulungan kaming huwag na itong maulit pa. Pero kung minsan, nadaraig pa rin kami ng tukso.” Kaya makipag-usap sa iyong mga magulang. Maganda rin ang payong ito ng Bibliya: “Tawagin . . . ang matatandang lalaki ng kongregasyon.” (Santiago 5:14) Ang mga Kristiyanong pastol na ito ay makapagbibigay ng payo at saway upang mapanumbalik mo ang iyong mabuting kaugnayan sa Diyos.
[Mga larawan sa pahina 47]
Saka ka lamang ba mag-iinstila ng alarma kapag nasusunog na ang bahay mo? Kung gayon, huwag nang hintaying mag-alab ang inyong romantikong damdamin bago magtakda ng mga limitasyon sa pagpapahayag ng pagmamahal