Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mabuting Halimbawa​—Ang Dukhang Babaing Balo

Mabuting Halimbawa​—Ang Dukhang Babaing Balo

Mabuting Halimbawa​—Ang Dukhang Babaing Balo

Pinagmamasdan ni Jesus ang mayayaman na naghuhulog ng donasyon sa kabang-yaman ng templo. Napansin din niya ang isang nagdarahop na babaing balo na naghulog ng “dalawang maliit na barya na napakaliit ng halaga.” (Lucas 21:2) Pinuri ni Jesus ang kaniyang pagiging bukas-palad. Bakit? Dahil ang iba ay nagbigay ng donasyon “mula sa kanilang labis, ngunit siya, mula sa kaniyang kakapusan, ay naghulog ng lahat ng taglay niya, ang kaniyang buong ikabubuhay.”​Marcos 12:44.

Katulad ka rin ba ng babaing ito? Handa mo bang gamitin ang iyong oras at pera sa paglilingkod sa Diyos? Gaya ng nagdarahop na babaing balo, maaari kang magbigay ng donasyon para sa pagmamantini ng mga gusali na ginagamit sa pagsamba. Maaari mo ring gamitin ang iyong oras at pera sa pagtulong sa iba na matuto tungkol sa Diyos na Jehova. Napansin ni Jehova ang maliit na halagang iniabuloy ng babaing balo para sa templo at natuwa Siya rito. Matutuwa rin ang Diyos sa iyo at tutulungan ka niya kung pangunahin sa buhay mo ang paggawa ng kaniyang kalooban.​—Mateo 6:33.