Mga Pagbabago sa Buhay
SEKSIYON 2
Mga Pagbabago sa Buhay
Naiinis ka ba sa mga pagbabagong nangyayari sa iyong katawan?
□ Oo □ Hindi
Nalulungkot ka ba, nalilito, o natatakot dahil sa mga pagbabagong nararanasan mo ngayong nagbibinata/nagdadalaga ka na?
□ Oo □ Hindi
Lagi na lamang bang laman ng isip mo ang di-kasekso?
□ Oo □ Hindi
Kung “oo” ang sagot mo sa alinmang tanong sa itaas, huwag kang mag-alala—normal lamang ’yan! Sa katunayan, dahil sa pisikal at emosyonal na mga pagbabagong kaakibat ng pagbibinata o pagdadalaga, maaaring magpabagu-bago ang iyong nadarama—maaaring masayang-masaya ka ngayon, mayamaya nama’y napakalungkot mo na. Tiyak na dati’y sabik kang maging adulto, pero ngayong nagsisimula ka nang magbinata/magdalaga, baka natatakot ka naman! Tutulungan ka ng Kabanata 6-8 na harapin ang mga pagbabago sa iyong buhay.
[Buong-pahinang larawan sa pahina 56, 57]