Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Paaralan at Trabaho

Ang Paaralan at Trabaho

Bahagi 5

Ang Paaralan at Trabaho

Ang paaralan, sa ibig mo’t sa ayaw mo, ay siyang dako na kung saan marahil gugugulin mo ang mga 12 taon ng iyong buhay. Ang mga ito’y maaaring maging mga taon ng pagkabagot o ng pagkatuto. Depende ito sa kung papaano mo gagamitin ang mga taóng iyon sa paaralan. Sa bahaging ito kung gayon ay bibigyan natin ng masusing pansin ang paaralan, araling-bahay, mga marka, at mga guro. At para naman sa inyong hindi na nag-aaral, mayroon kaming mga maaasahang tip para sa paghahanap ng trabaho.