Papaano Ko Mapagbubuti ang Aking mga Marka?
Kabanata 18
Papaano Ko Mapagbubuti ang Aking mga Marka?
NANG tanungin ang ilang mga mag-aaral sa paaralang elementarya, ‘Ano higit sa lahat ang inyong ikinababahala?’ 51 porsiyento ang nagsabi, “Mga marka”!
Hindi katakataka na ang mga marka sa paaralan ay isa sa pangunahing pinagmumulan ng pagkabalisa ng mga kabataan. Ang marka ay maaaring mangahulugan alinman sa pagtatapos o pananatili sa paaralan, sa pagkakaroon ng may mataas-na-suweldong trabaho o ang pagkakaroon lamang ng pangkaraniwang suweldo, sa pagtanggap ng papuri ng mga magulang o mapasuong sa galit nila. Aminin natin, ang mga marka at pagsubok ay may kanilang dako. Sa katunayan, madalas na sinusubok ni Jesu-Kristo ang kaniyang mga alagad may kinalaman sa kanilang kaunawaan sa ilang mga bagay. (Lucas 9:18) At tulad ng sinasabi ng Measurement and Evaluation in the Schools: “Ang mga resulta ng pagsusulit ay naghahayag ng mga bahagi ng kagalingan at kahinaan ng isang estudyante at nagsisilbing pangganyak para sa panghinaharap na pag-aaral.” Ang iyong marka ay nagbibigay rin ng ideya sa iyong mga magulang kung ano ang iyong kalagayan sa paaralan—mabuti man o masama.
Ang Pagiging Balanse
Gayunman, ang labis na pagkabahala tungkol sa marka ay lumilikha ng kaigtingan at nagpapaningas ng matinding kompetisyon. Ang isang aklat sa pagbibinata at pagdadalaga ay pumapansin na ang mga estudyanteng magkokolehiyo lalung-lalo na ay “nabibitag sa isang nakalilitong kompetisyon na nagpapahalaga sa mga marka at posisyon sa klase kaysa sa pagkatuto.” Bilang resulta, sa pagsipi kay Dr. William Glasser, ang mga estudyante “ay agad na natututo sa paaralan na alamin kung ano ang itatanong sa pagsusulit at . . . iyon lamang ang materyales na pag-aaralan.”
Si Haring Solomon ay nagbabala: “Nakita ko ang lahat ngEclesiastes 4:4) Ang matinding kompetisyon, maging iyon man ay para sa materyal na kayamanan o pagpaparangal bilang pagkilala sa mataas na pinag-aralan, ay walang halaga. Ang mga kabataang may takot sa Diyos ay nakakakita ng pangangailangan na pagbutihin ang pag-aaral. Subalit sa halip na gawing ang edukasyon ang pinakamahalaga sa kanilang buhay, itinataguyod nila ang espirituwal na kapakanan, na nagtitiwala sa Diyos na siyang maglalaan sa kanila ng kanilang materyal na pangangailangan.—Mateo 6:33; tingnan ang Kabanata 22 sa pagpili ng karera.
pagpapagal at kahusayan sa paggawa, na ito’y pagpapaligsahan ng isa’t isa; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.” (Bukod doon, ang edukasyon ay nangangahulugan ng higit pa kaysa basta paghamig lamang ng maraming puntos sa mga pagsusulit. Iyon ay nangangahulugan ng pagpapaunlad sa kung tawagin ni Solomon ay “kakayahang mag-isip,” ang kasanayang makabuo ng tumpak, praktikal na mga konklusyon mula sa mga nakuhang bagong impormasyon. (Kawikaan 1:4) Ang isang kabataang nakapapasa sa pamamagitan ng panghuhula, nagmamadaling pagrerepaso, o maging pandaraya man ay hindi kailanman matututong mag-isip. At ano ang halaga ng mataas na marka sa matematika kung pagdating ng panahon ay ni hindi ka makapagbalanse ng tseke?
Mahalaga kung gayon na malasin mo ang mga marka, hindi bilang isang tunguhin sa ganang sarili, kundi bilang isang pantulong sa pagsukat sa iyong progreso sa paaralan. Ngunit, papaano ka makakukuha ng mga markang magpapamalas ng iyong mga kakayahan?
Nasa Iyo ang Pananagutang Matuto!
Sang-ayon sa gurong si Linda Nielsen, ang mga mahihinang estudyante ay mahilig na “isisi ang kanilang mababang grado [sa paaralan] sa mga kadahilanang hindi nila kayang makontrol: di-makatuwirang mga tanong sa pagsusulit, isang may kinikilingangKawikaan 13:4) Oo, ang katamaran ang siyang madalas na tunay na dahilan ng mabababang marka.
guro, kasamaang palad, kapalaran, ang lagay ng panahon.” Gayumpaman, ang Bibliya ay nagsasabi: “Ang tamad ay nagnanasa, ngunit kapos ang kaniyang kaluluwa.” (Ngunit ang mahuhusay na estudyante ay tumatanggap ng responsabilidad para sa kanilang ikatututo. Ang magasing ’Teen ay pumili ng ilang mga matagumpay na estudyante sa haiskul (sekundarya). Ang kanilang sekreto? “Ang personal na pangganyak ay tumutulong sa iyong magpatuloy,” ang sabi ng isa. “Ang paglalagay sa iyong sarili sa iskedyul at pag-oorganisa ng iyong panahon,” ang sabi ng iba. “Kailangang maglagay ka ng mga tunguhin sa iyong sarili,” ang sabi naman ng isa pa. Oo, kung gaano kataas ang iyong marka kadalasa’y depende, hindi sa mga dahilang hindi mo kayang makontrol, kundi sa IYO—kung gaano kasigasig ang pagnanais mong mag-aral at magtiyaga sa paaralan.
‘Pero Nag-aaral Naman Ako Ah’
Ito ang maaaring angkinin ng ilang mga kabataan. Sila’y taimtim na naniniwalang sila’y puspusan na sa pagsisikap ngunit wala ring mangyari. Ngunit, ilang taon na ang nakararaan, ang mga mananaliksik sa Stanford University (E.U.A.) ay pumili ng 770 mga estudyante at tinanong kung gaano nang pagsisikap ang sang-ayon sa kanila’y nagagawa nila sa paaralan. Kataka-taka, ang mga may mabababang markang estudyante ay nag-aakalang sila’y nagsikap ding katulad ng iba! Ngunit nang suriin ang kanilang pinagkagawiang pag-aaral, natuklasan na kakaunting-kakaunti lamang ang kanilang ginawang homework kaysa sa kanilang matagumpay na mga kaklase.
Ang liksiyon? Marahil ikaw man ay hindi talagang nagsisikap na mag-aral tulad sa akala mo, at nararapat lamang ang ilang pagbabago. Ang isang artikulo sa Journal of Educational Psychology ay nagpakitang ang simpleng “pagdaragdag sa oras na ginagamit sa paggawa ng homework ay may positibong epekto sa mga marka ng isang estudyante sa haiskul.” Sa katunayan, “sa 1 hanggang 3 oras na homework sa isang linggo, ang isang estudyanteng walang gaanong kakayahan ay makakukuha ng markang katumbas ng isang may katamtamang kakayahang estudyante na hindi gumagawa ng kaniyang homework.”
Si apostol Pablo ay kinailangang ‘hampasin ang kaniyang katawan’ upang maabot ang kaniyang tunguhin. (1 Corinto 9:27) Baka kailangan din wika nga na higpitan mo ang iyong sarili, lalo na kung ang TV o iba pang mga kaabalahan ay madaling makasira ng iyong atensiyon sa pag-aaral. Baka kailangang maglagay ka ng isang karatula sa TV na nagsasabing, “Walang TV hangga’t hindi tapos ang homework!”
Ang Iyong Kapaligiran sa Pag-aaral
Halos tayong lahat ay makikinabang sa pagkakaroon ng isang tahimik na lugar na inilaan para sa pag-aaral. Kung may kasama ka sa kuwarto o maliit lamang ang lugar sa inyong tahanan, gumawa ng sariling lugar! Maaaring sa kusina o maaaring gamitin muna nang mga ilang oras bilang lugar na aralán ang kuwarto ng iba bawa’t gabi. O bilang huling paraan, subukin ang aklatang pampubliko o ang bahay ng isang kaibigan.
Kung maaari, gumamit ng isang malaking desk o mesa upang may sapat na mapaglagyan ng iyong mga trabaho. Ilagay sa tabi ang mga lapis at papel upang hindi na kailangang laging tumayo. At, nakalulungkot mang sabihin, ang bukás na TV o radyo ay karaniwan nang hadlang sa pagbubuhos ng isipan sa iyong ginagawa, katulad din ng mga tawag sa telepono at pagbisita.
Tiyakin din na mayroon kang sapat, hindi nakasisilaw na liwanag. Ang tamang liwanag ay nakababawas ng hirap sa pag-aaral at pinangangalagaan din nito ang iyong mga mata. At kung
maaari, tingnan din ang pumapasok na sariwang hangin at ang temperatura ng kuwarto. Ang isang maginhawang kuwarto ay naglalaan ng isang nakapagpapasiglang kapaligiran sa pag-aaral kaysa sa isang mainit na kuwarto.Kumusta naman kung basta wala ka sa kondisyon para mag-aral? Ang buhay ay bihirang magpahintulot sa atin na bigyang kaluguran ang ating mga kondisyon. Sa isang sekular na hanapbuhay,
kailangan mong magtrabaho araw-araw—maging nasa kondisyon ka man o wala. Kaya malasin ang araling-bahay bilang isang pagsasanay sa pagdisiplina sa sarili, isang pag-iinsayo para sa darating na karanasan sa pagtatrabaho. Maging seryoso tungkol sa bagay na ito. Ang mungkahi ng isang tagapagturo: “Hangga’t maaari, ang pag-aaral ay dapat na isagawa sa dating lugar at sa dating oras araw-araw. Sa gayon, ang regular na pag-aaral ay magiging isang kinaugalian, at . . . dadaig sa hilig mong maging tamad sa pag-aaral.”Ang Iyong Rutina sa Pag-aaral
Sa Filipos 3:16, si Pablo ay humimok sa mga Kristiyano na “patuloy na lumakad nang may kaayusan sa ganito ring ayos.” Si Pablo ay nagsasalita tungkol sa rutina ng Kristiyanong pamumuhay. Gayumpaman, ang isang rutina, o kinaugalian sa paggawa ng mga bagay-bagay, ay makatutulong din kung tungkol sa iyong paraan ng pag-aaral. Subukin, halimbawa, na isaayos kung ano ang iyong pag-aaralan. Iwasan ang pag-aaral ng magkatulad na asignatura (tulad ng dalawang ibang wika) na magkasunod. Magsaayos ng maiikling pagpapahinga sa pagitan ng mga asignatura, lalo na kung napakarami ng iyong araling-bahay.
Kung ang iyong takdang-aralin ay nangangailangan ng maramihang pagbabasa, maaaring subukin mo ang sumusunod na pamamaraan. Una, SURIIN ang iyong materyales. Sulyapan ang itinakdang materyales, na tinitingnan ang mga subtitulo, mga tsart, at iba pa, upang makita ang kabuuan nito. Sumunod, gumawa ng MGA TANONG batay sa mga titulo ng kabanata o mga paksa. (Ito’y magpapanatili sa iyong isipan na nakapako sa iyong binabasa.) Ngayon MAGBASA, na hinahanap ang mga
kasagutan sa mga tanong na ito. Kapag natapos mo na ang isang parapo o bahagi, ISALAYSAY, o sabihin sa iyong sarili mula sa memorya, ang iyong binasa, na hindi tumitingin sa aklat. At kapag natapos mo na ang buong takdang-aralin, MAGREPASO sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga titulo at pagsubok sa iyong memorya ng bawat bahagi. Ang ilan ay nagsasabing ang pamamaraang ito ay nakatulong sa mga estudyante na matandaan ang hanggang 80 porsiyento ng kanilang binasa!Ang isang tagapagturo ay nagsasabi pa: “Mahalaga na matanto ng mga estudyante na ang isang katotohanan ay hindi tumatayo sa ganang sarili kundi ito’y laging kaugnay ng iba pang impormasyon.” Subukin, kung gayon, na iugnay ang iyong napag-aralan sa iyong nalalaman na at naranasan na. Humanap ng praktikal na kahalagahan ng iyong natututuhan.
Nakatutuwa, ang mga may takot sa Diyos na kabataan ay may tunay na bentaha rito. Sapagkat sinasabi ng Bibliya: “Ang takot kay Jehova ay pasimula ng kaalaman.” (Kawikaan 1:7) Ang pagkatuto sa mga batas ng physics, halimbawa, ay waring nakababagot lamang. Subalit sa pagkaalam na sa pamamagitan ng paglalang ang “di-nakikitang katangian [ng Diyos] ay malinaw na nakikita” ay nagdaragdag ito ng kahulugan sa iyong natututuhan. (Roma 1:20) Ang mga kasaysayan man ay madalas na bumabanggit sa mga katuparan ng mga layunin ni Jehova. Ang pitong kapangyarihang pandaigdig (kasali na ang kasalukuyang pagsasama ng Anglo-Amerikano) ay tinalakay mismo sa Bibliya!—Apocalipsis 17:10; Daniel, kabanata 7.
Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng iyong natutuhan sa iyong nalalaman o sa iyong Kristiyanong paniniwala, ang mga pangyayari ay magsisimulang magkaroon ng kahulugan sa iyo, Ang kaalaman ay susulong tungo sa kaunawaan. At tulad ng napansin ni Solomon, “Ang kaalaman ay madali sa kaniya na umuunawa.”—Kawikaan 14:6.
‘May Pagsusulit sa Isang Linggo’
Ang mga salitang ito ay hindi kailangang maging dahilan ng pagkatakot. Una sa lahat, sikaping mapagwari mula sa pagpapahayag ng iyong guro kung anong uri ng pagsusulit iyon, kung iyon ay essay test o multiple choice. Gayundin, sa mga araw bago ang pagsusulit, makinig sa mga himaton sa kung ano ang lilitaw sa pagsusulit. (“Ang susunod na puntong ito ay napakahalaga” o
“Tiyakin na matandaan iyan” ay mga pangkaraniwang himaton, ang sabi ng magasing Senior Scholastic.) Sumunod, repasuhin ang iyong mga nota, mga aklat, at mga takdang-aralin.“Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal. Gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan,” ang paalaala sa atin ni Solomon. (Kawikaan 27:17) Marahil ang isang kaibigan o isa sa iyong mga magulang ay matutuwang subukin ka sa pamamagitan ng mga tanong o makinig sa iyo habang isinasalaysay mo ang mga materyales sa klase. At pagkatapos sa gabi bago ang pagsusulit, magrelaks at sikaping matulog nang mahimbing. “Sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa haba ng kaniyang buhay?” ang tanong ni Jesus.—Mateo 6:27.
Pagbagsak
Ang pagbagsak sa pagsusulit—lalo na kung pagkatapos ng matinding pagsisikap na makapasa—ay makapagwawasak ng iyong paggalang sa sarili. Subalit ang tagapagturong si Max Rafferty ay nagpapaalaala sa atin: “Habang tayo’y nabubuhay, tayo’y minamarkahan sa kung ano ang ating nalalaman, kung gaano kabuti ang nakukuhang mga resulta . . . Ang paaralan na umaakay sa mga bata sa maling paniniwala na ang buhay ay pawang kasayahan ay hindi isang paaralan. Iyon ay kathaan lamang ng mga pangarap.” Ang pagkapahiya dahil sa pagbagsak sa pagsusulit ay maaaring maging makabuluhan kung ito’y mag-uudyok sa iyo na matuto sa iyong pagkakamali at magpakabuti.
Subalit papaano naman ang pagpapakita ng mababang report card sa nabigong mga magulang? Ang pagkatakot na gawin ito ay nagbunga ng mga taktika para makaiwas. “Inilalagay ko ang aking report card sa mesang kakanan, papanhik ako sa itaas at
matutulog hanggang kinabukasan,” naaalaala ng isang kabataan. “Ang ginagawa ko,” ang sabi ng isa pa, “ay maghintay sa pinakahuling sandali bago ipakita sa aking nanay. Ipinakikita ko iyon sa kaniya sa umaga samantalang paalis na siya patungo sa trabaho at sinasabi, ‘Heto po, kailangang pirmahan ninyo ito.’ Wala na siyang panahon para harapin pa ako”—sa sandaling iyon. Ang ilang mga kabataan ay binabago pa man din ang mga marka sa kanilang report card!Siyempre pa, ang iyong mga magulang ay may karapatang malaman ang iyong katayuan sa paaralan. Natural, inaasahan nila na ang mga marka ang magpapaaninaw ng iyong kakayahan, at kapag ang iyong mga marka ay mababa, aasahan mong tatanggap ka ng kinakailangang disiplina. Kaya maging tapat sa iyong mga magulang. At “dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina.” (Kawikaan 1:8) Kung sa akala mo ay labis ang inaasahan sa iyo, ipakipag-usap mo ito sa kanila.—Tingnan ang insert na may pamagat na “Papaano Ko Sasabihin sa Aking mga Magulang?” sa Kabanata 2.
Bagaman mahalaga ang mga marka, hindi ito ang ganap na kahatulan sa iyong halaga bilang isang tao. Gayunman, samantalahin ang panahong naroroon ka sa paaralan, at matuto sa abot ng iyong makakaya. Karaniwan nang ang pagsisikap na iyan ay maaaninaw sa mga marka na magpapangyari sa iyo—at sa iyong mga magulang—na maging maligaya at nasisiyahan.
Mga Tanong para sa Talakayan
◻ Ano ang layuning dulot ng mga marka, at bakit mahalaga na magkaroon ng balanseng pangmalas sa mga ito?
◻ Bakit mahalaga na magkaroon ka ng personal na responsabilidad na matuto?
◻ Ano ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng mga aktibidad pagkatapos ng klase?
◻ Ano ang ilang mga paraan upang mapataas ang iyong mga marka?
◻ Papaano ka makapaghahanda sa mga pagsusulit?
◻ Papaano mo dapat malasin ang pagbagsak sa klase, at ang pagbagsak bang iyon ay dapat ilihim sa iyong mga magulang?
[Blurb sa pahina 141]
Ang isang kabataang nakapapasa sa pamamagitan ng panghuhula, nagmamadaling pagrerepaso, o maging pandaraya man ay hindi kailanman matututong mag-isip
[Kahon/Larawan sa pahina 144, 145]
Kumusta Naman ang mga Aktibidad Pagkatapos ng Klase?
Ang maraming mga kabataan ay nag-aakalang ang mga aktibidad pagkatapos ng klase ay nagbibigay sa kanila ng damdaming sila’y may nagawa. “Kasali ako sa lahat halos ng mga club na mayroon,” naaalala ng isang batang lalaki mula sa Baltimore, Maryland (E.U.A.). “Nasisiyahan ako kapag ginagawa ko ang mga bagay na gusto ko. Nasa automotive club ako sapagkat natutuwa akong gumawa ng mga sasakyan. Gusto ko ng computer, kaya sumali ako sa club na iyon. Gusto ko ng audio, kaya sumali ako sa club na iyon.” Ang mga estudyanteng magkokolehiyo ay lalo nang hinihimok na makisali sa mga aktibidad pagkatapos ng klase.
Gayumpaman, isang opisyal sa gobiyernong pederal ng E.U.—dating guro mismo—ay nagsabi sa Awake!: “Marahil ang mga estudyante ay gumugugol ng higit pang panahon sa mga ekstra kurikular na gawain kaysa sa gawaing-pampaaralan, na nagpapahirap sa pagpapanatiling mabuti ng mga marka.” Oo, hindi madali ang maging timbang kung tungkol sa ekstra kurikular na mga gawain. Ang sabi ng isang batang babaing si Cathy na dating manlalaro ng sopbol: “Pagkatapos ng praktis, pagod na pagod na akong gumawa ng iba pang bagay. Naapektuhan ang aking gawaing-pampaaralan. Kaya hindi na muna ako pumirma para maglaro sa taóng ito.”
Mayroon ding espirituwal na kapanganiban. Ang sabi ng isang Kristiyanong lalaki na binabalikang-gunita ang kaniyang mga taon ng kabataan: “Ang akala ko’y puwede kong pagsabay-sabayin ang tatlong gawain: gawaing-pampaaralan, pagsasanay kasama ng koponan sa takbuhan, at espirituwal na mga gawain. Subalit ang espirituwal na bahagi ng aking buhay ang naisasakripisyo kapag nagkasabay-sabay ang tatlo.”
Ang batang si Themon, na kasali sa dalawang pangkoponang isport sa paaralan ay sumasang-ayon: “Hindi ako makadalo sa mga pulong sa [Kingdom] Hall [para sa espirituwal na mga instruksiyon] dahil sa kung Martes ay nasa labas kami ng bayan, kung Huwebes ay nasa labas din kami ng bayan, kung Sabado ay nasa labas pa rin kami ng bayan at hindi bumabalik hanggang alas dos ng umaga.” Bagaman “ang pagsasanay sa katawan ay mapapakinabangan nang kaunti,” mahalagang tandaan na “ang maka-Diyos na debosyon ay mapakikinabangan sa lahat ng bagay.”—1 Timoteo 4:8.
Alalahanin din ang moral na mga kapanganiban. Makikisalamuha ka ba sa mabubuting kaibigan na magiging isang mabuting impluwensiya sa moral? Ano ang magiging paksa ng usapan? Ang impluwensiya ba ng mga kasamahan sa koponan o ng mga miyembro ng isang club ay may masamang epekto sa iyo? “Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na pag-uugali,” ang sabi ng 1 Corinto 15:33.
Nakatutuwa, ang maraming kabataang Saksi ni Jehova ay pumili na gamitin ang kanilang panahon pagkatapos ng klase sa mga bagay na mas kapaki-pakinabang kaysa sa isport: ang pagtulong sa iba na makilala ang Maylikha. Nagpapayo ang Colosas 4:5: “Patuloy na lumakad nang may karunungan sa mga nasa labas, na inyong samantalahin ang panahon para sa inyong mga sarili.”
[Mga Larawan sa pahina 143]
Pinagbabayaran ng mga estudyante ang kanilang pabayang kaugalian sa pag-aaral . . . sa pamamagitan ng bagsak na mga marka
[Mga Larawan sa pahina 146]
Ang pagkabalanse sa mga aktibidad pagkatapos ng klase at ng araling-bahay ay hindi madali
[Larawan sa pahina 148]
Ang mga magulang ay tiyak na magagalit sa isang mababang report card. Subalit kung sa akala mo ay labis ang inaasahan nila sa iyo, ipakipag-usap iyon sa kanila