Papaano Ko Pakikisamahan ang Aking Guro?
Kabanata 20
Papaano Ko Pakikisamahan ang Aking Guro?
“HINDI ko matatagalan ang isang di-makatarungang guro,” ang sabi ng batang si Vicky. Walang pagsalang ganito rin ang iyong nadarama. Gayunman, sa isang 1981 surbey ng 160,000 kabataang Amerikano, 76 na porsiyento ang nagparatang sa kanilang mga guro ng pagkakaroon ng paboritismo!
Ang mga kabataan ay nababahala kapag nakakuha sila ng mababang marka sa inaakala nilang isang mahusay na trabaho. Nagdaramdam sila kapag ang disiplina ay sobra at hindi naman kailangan o kapag waring ito’y dahilan sa pagtatangi ng lahi. Nagagalit sila kapag ang espesyal na atensiyon o pantanging pakikitungo ay ibinibigay sa paborito ng guro.
Tanggapin natin, ang mga guro man ay nagkakamali rin. Sila’y may mga sumpong, mga problema, at, oo, mga masasamang palagay. Gayunman, ang Bibliya ay nagbababala: “Huwag kang madaling magalit.” (Eclesiastes 7:9) Kahit ang mga guro man ay “malimit na natitisod. Kung sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang isang ito ay taong sakdal, na nakapagpipigil din ng kaniyang buong katawan.” (Santiago 3:2) Maaari ba kung gayon na unawain mo naman ang iyong guro?
Ang isang kabataang nagngangalang Freddy ay nakapansin na ang kaniyang guro “ay nambubulyaw kahit kanino.” Mataktikang nilapitan ni Freddy ang guro at natuklasan niya ang dahilan ng ganitong masungit na asal. “Nagkaproblema kasi ang aking kotse kaninang umaga,” ang paliwanag ng guro. “Nag-overheat iyon nang patungo ako sa paaralan at náhulí tuloy ako sa pagpasok.”
Ang mga Guro at ang Kanilang mga Paborito
Kumusta naman ang mga espesyal na pabor na ibinibigay sa mga paborito ng guro? Ilagay sa isipan na ang mga guro ay napapaharap sa kakaibang pangangailangan at mga kagipitan. Ang aklat na Being Adolescent ay naglalarawan sa mga guro bilang mga napapalagay sa isang “mahirap na kalagayan” na kung saan kailangan nilang makuha ang atensiyon ng isang grupo ng mga kabataan “na ang mga kaisipan ay palaging lumilipad . . . Nasa harapan nila ang isang grupo ng mga sumpungin, di atentibong mga tinedyer, karaniwan nang hindi sanáy na magpako ng pansin sa isang bagay nang mahigit sa 15 minuto.”
Nakapagtataka ba, kung gayon, na ang isang guro ay magbigay ng higit na atensiyon sa estudyanteng nag-aaral na mabuti, nakikinig, o pinakikisamahan siya nang may paggalang? Oo, maaaring makayamot sa iyo kapag ang mga ‘sipsip’ ay nabibigyan ng higit na atensiyon kaysa sa iyo. Subalit bakit mababalisa at maninibugho kung ang masisikap na estudyante ay paborito ng guro gayong hindi naman napapabayaan ang iyong edukasyonal na pangangailangan? Saka baka isang mabuting ideya kung ikaw ay magiging higit na masipag din.
Labanán sa Silid-Aralan
Ang sabi ng isang estudyante tungkol sa kaniyang guro: “Lagi niyang iniisip na kaming lahat ay nakikipaglaban sa kaniya at ipinasiyang unahan kami. Isa siyang mapaghinalang tao.” Gayunman, marami sa mga guro ang nag-iisip na may karapatan sila na maging medyo “mapaghinala.” Tulad ng inihula ng Bibliya, ito’y mga “panahong mahirap pakibagayan,” at ang mga estudyante ay madalas na “walang pagpipigil sa sarili, mababangis, di-maibigin sa kabutihan.” (2 Timoteo 3:1-3) Kaya nga, ang U.S.News & World Report ay nagsabi: “Ang mga guro sa maraming distrito ng paaralan sa lunsod ay namumuhay na may takot sa karahasan.”
Ang dating guro na si Roland Betts ay nagsasabi may kinalaman sa mga guro: “Inaakala ng mga bata na likas na responsabilidad nila na . . .
[sa makahulugang paraan] itulak at sundutin sila at tingnan kung hanggang saan sila makatatagal o makapagtitiis bago sila lubusang magalit . . . Kapag ang mga bata ay nakaramdam na naitulak nila ang isang bagong guro hanggang sa gahibla na lamang ng buhok at siya’y nasa kaniyang sukdulan na, itinutulak pa rin nila ito.” Ikaw ba o ang iyong mga kaeskuwela ay naging bahagi na ng panliligalig sa guro? Kung gayon huwag magtaka sa ikinikilos ng iyong guro.Ang Bibliya ay nagsasabi: “Nagpapamangmang sa pantas ang pagkapighati.” (Eclesiastes 7:7) Sa isang kapaligiran ng takot at pagkawalang-galang na laganap sa ilang mga paaralan, mauunawaan na ang ilang mga guro ay lumalabis at nagiging mabagsik na mga tagapagdisiplina. Ang The Family Handbook of Adolescence ay nakapapansin: “Ang mga estudyante na . . . sa wari sa pamamagitan ng kanilang mga asal ay winawalang-halaga ang mga paniniwala ng guro ay madalas na winawalang-halaga rin sila bilang ganti.” Oo, ang pagiging masungit ng guro ay madalas na dahilan na rin sa mga estudyante!
Isa pa, isaalang-alang ang epekto ng nakapipinsalang mga kapilyuhan sa silid-aralan. Ang batang si Valerie ay medyo nagpapalabis kapag nagsasabi siya ng tungkol sa “pagpapahirap, sa pambubuwisit,” na ginagawa ng mga kabataan sa mga pansamantalang mga guro. Idinaragdag pa ni Roland Betts: “Ang mga pansamantalang guro ay walang-awang binubuwisit ng kanilang mga klase, madalas na itinutulak hanggang sa punto na sila’y mawala na sa kanilang sarili.” Palibhasa’y alam nilang sila’y makakalusot, ang mga estudyante ay natutuwang biglang gumawa ng ilang mga kalokohan—ang paghuhulog ng kanilang mga aklat
at lapis sa sahig nang sabay-sabay. O maaaring subukin nilang yamutin ang kanilang guro sa pamamagitan ng ‘pagtatanga-tangahan’ at kunwang hindi nila nauunawaan ang kahit isang salita na kaniyang sinasabi. “Nagsasabotahe kami bilang katuwaan,” ang paliwanag ng kabataang si Bobby.Ngunit, kung naghasik ka ng kasalbahihan sa silid-aralan, huwag kang magtaka kung umani ka ng isang mabagsik, masungit na guro. (Ihambing ang Galacia 6:7.) Tandaan ang ginintuang aral: “Kaya nga, lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila.” (Mateo 7:12) Huwag makisali sa mga kapilyuhan sa silid-aralan. Makinig sa sinasabi ng iyong guro. Makipagtulungan. Marahil darating ang panahon na hindi na siya magiging labis na masungit—kahit sa iyo man lamang.
‘Hindi Ako Gusto ng Aking Guro’
Kung minsan ang pagbabanggaan ng personalidad o waring di-pagkakaunawaan ay sanhi ng pagkainis sa iyo ng iyong guro; ang pagiging palatanong ay inaakalang pagiging rebelyoso o ang bahagyang kapritso ay inaakalang kalokohan. At kung ang isang guro ay ayaw sa iyo, malimit na hinihiya o hinahamak ka. Titindi kung gayon ang pagkakapootan sa isa’t isa.
Ang Bibliya ay nagsasabi: “Huwag mong gantihin ng masama ang masama. . . . Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, magkaroon kayo ng kapayapaan sa mga tao.” (Roma 12:17, 18) Huwag mong galitin ang iyong guro. Iwasan ang hindi kailangang pakikipagkomprontasyon. Huwag kang magbigay sa iyong guro ng anumang dahilan upang magreklamo. Sa katunayan, dapat ay maging palakaibigan ka. ‘Palakaibigan? Sa kaniya?’ ang tanong mo. Oo, magpakita ng magandang asal sa pamamagitan ng magalang na pagbati sa iyong guro kapag dumarating ka sa klase. Ang iyong patuloy na pagpipitagan—kahit na isang ngiti sa pana-panahon—ay baka magpabago ng kaniyang opinyon tungkol sa iyo.—Ihambing ang Roma 12:20, 21.
Totoo, hindi puwedeng laging daanin sa ngiti ang bawatEclesiastes 10:4 ay nagpapayo: “Kung ang diwa ng pinuno [o taong may autoridad] ay bumangon laban sa iyo [sa pamamagitan ng pagparusa sa iyo], huwag kang umalis, sapagkat ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.” Pakatandaan din, na “ang sagot, kapag malumanay, ay nakapapawi ng poot.”—Kawikaan 15:1.
situwasyon. Ngunit ang‘Nararapat sa Akin ang Mas Mataas na Marka’
Ito ang madalas na reklamo. Subuking ipakipag-usap ang iyong problema sa iyong guro. Ang Bibliya ay nagsasabi kung papaano hinarap ni Nathan ang mahirap na atas na isiwalat ang isang malubhang pagkukulang sa bahagi ni Haring David. Hindi biglang pumasok si Nathan sa palasyo at ipinagsigawan ang mga sumbong, kundi mataktikang nilapitan niya si David.—2 Samuel 12:1-7.
Sa katulad na paraan ay maaaring mapagpakumbaba, at malumanay, na lapitan mo ang iyong guro. Ang dating guro sa paaralan na si Bruce Weber ay nagpapaalaala sa atin: “Ang paghihimagsik ng isang estudyante ang nag-uudyok upang magmatigas ang isang guro. Kung ikaw ay maghihihiyaw at magngangangawa o magbibintang ng malubhang kawalan ng katarungan at magbanta ng paghihiganti, walang mangyayari.” Subukin ang isang mas makatuwirang paglapit. Maaaring magsimula ka sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong guro ng paraan niya ng pagbibigay ng marka. Pagkatapos, ang sabi ni Weber, maaaring “patunayan mong ikaw ay biktima ng isang pagkalingat o maling unawa sa halip na isang sadyang pagkakamali. Gamitin ang sariling paraan ng pagmamarka ng iyong guro; ipakita mo sa kaniya kung saan mo nakita ang pagkakamali sa iyong marka.” Kahit na hindi nabago ang iyong marka, ang iyong pagkamaygulang
ay malamang na magbibigay ng positibong impresyon sa iyong guro.Ipaalam sa Iyong mga Magulang
Ngunit kung minsan, ang basta pagsasalita ay walang ibinubunga. Kunin ang halimbawa ni Susan. Bilang isang honor student, nabigla siya nang ang isa sa kaniyang mga guro ay magsimulang bigyan siya ng mga bagsak na marka. Ang problema? Si Susan ay isa sa mga Saksi ni Jehova, at ang kaniyang guro ay umamin na ito ang dahilan kung bakit ayaw niya kay Susan. “Tunay na nakasisiphayo,” ang sabi ni Susan, “at hindi ko malaman ang aking gagawin.”
Nagugunita ni Susan: “Nilakasan ko ang aking loob at sinabi ko sa aking nanay [nag-iisang magulang] ang tungkol sa gurong ito. Ang sabi niya, ‘Bueno, marahil ay dapat kong kausapin ang iyong guro.’ At sa panahon ng pagtungo ng mga magulang sa paaralan ay lumapit siya at tinanong ang aking guro kung ano ang problema. Ang akala ko ay magagalit ang nanay ko, ngunit hindi. Basta malumanay na nakipag-usap siya sa kaniya.” Ang guro ay nagsaayos na ilipat si Susan sa ibang guro.
Tanggapin natin, hindi lahat ng magusot na pangyayari ay nagkakaroon ng maayos na katapusan, at kung minsan ay kailangang magtiis ka na lamang. Subalit kung kayo ng iyong guro ay mapayapang nagkakasama sa taóng ito, mayroon pang susunod na taon, kung saan mayroon kang bagong pasimula, marahil iba namang mga kaklase—at baka isang bagong guro na matututuhan mong pakisamahan.
Mga Tanong para sa Talakayan
◻ Papaano mo mamalasin ang isang guro na nakikitungo sa iyo nang hindi makatarungan?
◻ Bakit ang mga guro ay nagbibigay ng labis na atensiyon sa mga tinatawag na paborito?
◻ Papaano ka matututo sa isang gurong nakababagot?
◻ Bakit ang ilang mga guro ay waring nayayamot sa kanilang mga estudyante?
◻ Papaano mo maikakapit ang ginintuang aral sa silid-aralan?
◻ Ano ang maaari mong gawin kapag sa akala mo ay biktima ka ng di-makatarungang pagmamarka o pakikitungo?
[Blurb sa pahina 158]
Ang atensiyon na ibinibigay sa paborito ng guro ay madalas na nagbubunga ng paghihinanakit
[Blurb sa pahina 163]
“Ang mga guro sa maraming distrito ng paaralan sa lunsod ay namumuhay na may takot sa karahasan.”—U.S.News & World Report
[Kahon/Larawan sa pahina 160, 161]
‘Nakababagot ang Aking Guro!’
Ang The Family Handbook of Adolescence ay nagsasabi: “Ang ilang surbey ay nagpapakitang ang karamihan sa mga nagbibinata at nagdadalagang mga estudyante ay palapintasin sa mga guro, inirereklamo na sila’y nakababagot at kulang sa pagpapatawa.” Sa malao’t madali, ikaw man ay magkakaroon ng isang gurong magpapangyari sa iyong mabagot ‘hanggang antukin’ ka. Ano ang iyong gagawin?
Ang isang kamakailang eksperimento ay nagsiwalat na medyo mataas ang antas ng konsentrasyon ng mga tinedyer sa mga klaseng tulad ng edukasyong pang-industriya, edukasyong pampalakas ng katawan, at musika. Gayunman, bumababa nang gayon na lamang ang antas ng konsentrasyon sa mga klase na may kinalaman sa wika at matatandang kasaysayan.
Mas magagaling ba ang mga guro sa edukasyong pampalakas ng katawan o sa musika kaysa sa mga guro ng mga asignaturang pang-akademya? Hindi naman. Maliwanag lamang na ang mga estudyante ay may negatibong palagay sa mga asignaturang pang-akademya. At kapag ang mga estudyante ay nagpasiya sa pasimula pa lamang na ang isang asignatura ay nakababagot, kahit ang isang guro ay kasing husay ni Socrates mahihirapan pa rin siyang makuha ang kanilang atensiyon! Hindi kaya, kung gayon, na ang iyong palagay sa ilang asignatura ay nangangailangan ng ilang pagbabago? Ang pagkakaroon ng higit na interes sa iyong natututuhan ay mag-aalis ng pagkabagot sa paaralan.
Kung minsan kahit na ang mga estudyanteng interesadong matuto ay nagrereklamong sila’y may “walang kuwentang” mga guro. Subalit ano nga ba ang isang “magaling” na guro? Ang sabi ng isang batang babae: “Gusto ko ang aking titser sa Math dahil nakatutuwa siya.” Ang isang batang lalaki ay pumuri sa kaniyang guro sa Ingles dahil sa ‘palagiang pagbibiro.’
Subalit bagaman ang pagiging kalugud-lugod o kawili-wili ay maaaring isang mabuting katangian para sa isang guro, hindi iyon kapalit ng kaniyang pagiging “sapat na kuwalipikado na magturo sa iba.” (2 Timoteo 2:2) Bagaman ang Bibliya ay tumutukoy rito sa espirituwal na kuwalipikasyon, itinatampok nito ang bagay na ang isang magaling na guro ay nararapat na nakababatid sa kaniyang itinuturo.
Kaso mo, ang kaalaman at ang pagkakaroon ng kaakit-akit na 2 Corinto 10:10; 11:6) Kung ang ilan ay hindi nagbigay-pansin sa sinabi ni Pablo at tiningnan lamang ang di-umanong kahinaan niya bilang tagapagsalita, nawalan sila sa pagkuha ng mahalagang kaalaman. Huwag gawin ang katulad na pagkakamali kung tungkol sa paaralan! Bago mo ipagpalagay na ang isang guro ay “walang kuwenta,” tanungin ang sarili, ‘Nalalaman ba niya ang kaniyang sinasabi? Matututo ba ako mula sa kaniya?’
personalidad ay hindi laging magkasama. Si apostol Pablo, halimbawa, ay napakahusay na tagapagturo ng Salita ng Diyos. Gayunman ang ilang Kristiyano noong kapanahunan ni Pablo ay nagreklamong “ang kaniyang pagkatao [ay] mahina at ang kaniyang pagsasalita ay napakasama.” Si Pablo ay sumagot: “Bagaman ako ay hindi sanay sa pagsasalita, gayon ma’y hindi ako sa kaalaman.” (Baka kailangang magbigay ka ng higit sa karaniwang pansin sa gurong hindi magandang magsalita. Kumuha ng mga nota upang sa gayon ay manatiling nakapako ang iyong atensiyon sa kaniyang sinasabi. Hustuhin ang nakaiinip na talakayan sa klase ng karagdagang pag-aaral sa bahay.
Si Barbara Mayer, isang guro mismo, ay nagdaragdag: “Sa mga guro, na marahil ay makailang beses nang inuulit ang katulad na liksiyon, ito’y nagiging rutina na lamang sa kanila.” Ano ang magagawa mo upang sumigla ang mga bagay-bagay? “Magtaas ng kamay kung minsan at humiling ng higit pang mga impormasyon . . . Himukin mong sabihin niya ang lahat ng kaniyang nalalaman.” Ipagdaramdam ba ito ng guro? Hindi kung gagawin mo nang may buong paggalang. (Colosas 4:6) Ang sabi ni Mayer: “Makikita mong ang iyong guro ay darating sa klase na higit na handa, at taglay ang higit pa kaysa sa pahapyaw lamang na impormasyon.”
Ang sigla ay nakahahawa, at ang iyong pagnanais na matuto ay baka makapagdagdag ng sigla sa iyong guro. Siyempre pa, huwag umasa sa isang biglang pagbabago. At maaaring may mga klase na talagang pagtitiisan mo. Subalit kung ikaw ay isang mabuting tagapakinig at totoong interesado sa nangyayari, matututo ka pa rin—kahit sa isang nakababagot na guro.
[Larawan sa pahina 162]
Ang lumulubhang karahasan sa paaralan ay nagpapahirap sa trabaho ng guro
[Larawan sa pahina 164]
Kung inaakala mong may nagaganap na kawalang-katarungan, magalang na lumapit sa iyong guro