Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Tahanan: Pakikisama sa mga Miyembro ng Pamilya

Ang Tahanan: Pakikisama sa mga Miyembro ng Pamilya

Bahagi 1

Ang Tahanan: Pakikisama sa mga Miyembro ng Pamilya

“Home Sweet Home.” Ang pamilyar na kasabihang ito ay nagpapahayag ng isang damdamin na sa ngayon ay parang wala na sa kausuhan. Ang malupit na pag-aalitan ng pamilya ay nagpapangyari sa maraming tahanan na maging tunay na mga pook ng digmaan. At ang mahabang patlang ng komunikasyon ay madalas na bumibigo sa pagsubok na tumawag ng pansamantalang pakikipagpayapaan.

Ibig mo ba na ang iyong tahanan ay maging isang dako ng kapayapaan sa halip na isang punlaan ng alitan? Totoo, ang iyong mga magulang at maging ang mga anak ay kailangang gumawa ng kanilang bahagi. Subalit sa pamamagitan ng pag-unawa sa ilang mga prinsipyo ng Bibliya, mayroon kang higit na magagawa upang makatulong sa pagkakaroon ng kapayapaan sa iyong tahanan.