Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Iyong Pasiya na Maglingkod sa Diyos

Ang Iyong Pasiya na Maglingkod sa Diyos

Aralin 16

Ang Iyong Pasiya na Maglingkod sa Diyos

Ano ang dapat mong gawin upang maging kaibigan ng Diyos? (1, 2)

Papaano mo ginagawa ang iyong pag-aalay sa Diyos? (1)

Kailan ka dapat magpabautismo? (2)

Papaano mo matatamo ang lakas upang makapanatiling tapat sa Diyos? (3)

1. Upang maging kaibigan ng Diyos, dapat kang kumuha ng sapat na kaalaman ng katotohanan sa Bibliya (1 Timoteo 2:3, 4), manampalataya sa mga bagay na iyong natutuhan (Hebreo 11:6), magsisi sa iyong mga kasalanan (Gawa 17:30, 31), at magbagong-loob sa iyong landasin ng pamumuhay. (Gawa 3:19) Pagkatapos ay kailangang pakilusin ka ng iyong pag-ibig sa Diyos upang mag-alay ng iyong sarili sa kaniya. Ito’y nangangahulugan na sa isang personal, sarilinang panalangin ay sinasabi mo sa kaniya na ibinibigay mo ang iyong sarili sa kaniya upang gawin ang kaniyang kalooban.​—Mateo 16:24; 22:37.

2. Pagkatapos na ikaw ay mag-alay sa Diyos, dapat ka nang magpabautismo. (Mateo 28:19, 20) Ang bautismo ay magpapabatid sa lahat na naialay mo na ang iyong sarili kay Jehova. Kaya ang bautismo ay para lamang doon sa mga may sapat na gulang upang magpasiya na maglingkod sa Diyos. Kapag ang isang tao ay binabautismuhan, ang kaniyang buong katawan ay sandaling inilulubog sa tubig. a​—Marcos 1:9, 10; Gawa 8:36.

3. Pagkatapos na ikaw ay makapag-alay, aasahan ni Jehova na ikaw ay mamumuhay ayon sa iyong ipinangako. (Awit 50:14; Eclesiastes 5:4, 5) Sisikapin ng Diyablo na ikaw ay pahintuin sa paglilingkod kay Jehova. (1 Pedro 5:8) Ngunit lumapit ka sa Diyos sa panalangin. (Filipos 4:6, 7) Pag-aralan mo ang kaniyang Salita araw-araw. (Awit 1:1-3) Manatili ka sa piling ng kongregasyon. (Hebreo 13:17) Sa paggawa ng lahat ng ito, matatamo mo ang lakas upang makapanatiling tapat sa Diyos. Sa gayon ay maaari mong magawa ang mga bagay na hinihiling sa iyo ng Diyos magpakailan-kailan man!

[Talababa]

a Ang pag-aaral sa Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan, o sa katulad na aklat na inilathala ng Watch Tower Bible and Tract Society, ay inirerekomenda bilang paghahanda sa bautismo.