Imortal Ba ang Kaluluwa?
Imortal Ba ang Kaluluwa?
▸ Ang karamihan sa mga relihiyon ay nagtuturo na isang bagay na nasa loob ng isang tao—isang kaluluwa, isang espiritu, isang multo—ay imortal at patuloy na nabubuhay pagkatapos ng kamatayan. Totoo ba ito?
▸ Paano nagsimula ang doktrina hinggil sa imortalidad ng kaluluwa?
▸ Paano naging pangunahin ang turong ito sa karamihan ng relihiyon sa ating panahon?
▸ Ano ba talaga ang kaluluwa?
▸ Bakit tayo namamatay?
▸ Ano ang nangyayari sa kaluluwa pagkamatay?
▸ Ano ang pag-asa para sa mga patay—at para sa mga nabubuhay?
▸ Talaga bang mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan mo hinggil sa kaluluwa?
Ang makatotohanan at kasiya-siyang kasagutan sa mga tanong na ito ay masusumpungan sa pinakamatandang aklat na naisulat kailanman. Inaanyayahan kang suriin ang mga ito sa brosyur na ito.