Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Ipinapangako ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa lahat ng gumagalang sa kaniya. Tinitiyak sa atin ng kaniyang Salita na, “Mamanahin ng matuwid ang lupa, at tatahan doon magpakailanman.”—Awit 37:29.
Subalit, upang mapabilang sa mga “matuwid,” higit pa ang kailangan kaysa kabatiran lamang hinggil sa turo ng Trinidad. Dapat kayong sumulong sa kaalaman hinggil sa Diyos, at ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa ay tutulong sa inyo na gawin ito. Hindi lamang ito sumasagot sa mahalagang tanong na, Sino ang Diyos? kundi ipinaliliwanag din kung bakit pinayagan ng Diyos ang masama, kung ano ang nangyayari kapag ang isa’y namatay, kung papaanong ang lupa ay gagawing paraiso ng Kaharian ng Diyos, at kung ano ang dapat gawin upang mabuhay doon magpakailanman.