Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pabalat sa Likod

Pabalat sa Likod

Pabalat sa Likod

Ano Pang Ibang Aklat

• ang nakaimpluwensiya sa ilan sa pinakakahanga-hangang sining, panitikan, at musika sa daigdig, samantalang may napakalaking epekto rin naman sa batas?

• ang nakaligtas sa libu-libong taon ng muli’t muling pagkopya ng mga kamay ng tao gayunma’y nakarating sa atin na katulad ng pagkakasulat dito?

• ang nakapukaw ng ganiyang kalaking pagsasakripisyo-sa-sarili anupat ang ilan ay handang magtiis ng paghihirap at magsapanganib pa nga ng kanilang buhay upang maisalin ito?

• ang naisalin na sa mahigit na 2,100 wika, anupat makukuha ito ng mahigit na 90 porsiyento ng sangkatauhan?

• ang bumabanggit ng katotohanan sa siyensiya na hindi natuklasan kundi pagkalipas pa ng maraming siglo?

• ang naglalaman ng walang-kupas na mga simulain na makatutulong sa mga tao mula sa lahat ng pinagmulang lahi, lipi, at bansa upang pasulungin ang kanilang kalagayan sa buhay?

• ang naglalaman ng mga detalyadong prediksiyon na nagkatotoo, gaya ng pinatutunayan ng mga pangyayari sa kasaysayan?

Hindi ba nararapat lamang na suriin ang ganitong aklat?