Kaaliwan Para sa Nanlulumo
Kaaliwan Para sa Nanlulumo
“Ang buong sangnilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama hanggang ngayon.” (Roma 8:22) Napakatindi ng paghihirap ng mga tao nang isulat iyan mga 1,900 taon na ang nakalipas. Marami ang nanlulumo. Kung gayon, ang mga Kristiyano ay hinimok: “Magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo.”—1 Tesalonica 5:14.
Sa ngayon, ang kahapisan ng mga tao ay higit na malubha, at mas maraming tao higit kailanman ang nanlulumo. Subalit dapat bang makabigla iyan sa atin? Hindi naman, sapagkat ipinakikilala ng Bibliya ang mga ito na “mga huling araw” at tinatawag ang mga ito na “ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” (2 Timoteo 3:1-5) Inihula ni Jesu-Kristo na sa mga huling araw, magkakaroon ng “nakatatakot na mga tanawin.”—Lucas 21:7-11; Mateo 24:3-14.
Pagka ang mga tao ay nakararanas ng nagtatagal na pagkabalisa, pagkatakot, pamimighati, o ng gayong iba pang negatibong mga damdamin, sila ay kadalasang nanlulumo. Ang dahilan ng panlulumo o labis na pamamanglaw ay maaaring ang kamatayan ng isang minamahal, pagdidiborsyo, pagkawala ng trabaho, o ang palaging pagkakasakit. Ang mga tao ay nanlulumo rin pagka sila ay nakadarama ng kawalang-halaga, pagka kanilang nadarama sa sila ay bigo at binigo ang lahat. Sinuman ay maaaring masiraan ng loob sa isang nakaiigting na kalagayan, subalit pagka nakadama ng kawalang pag-asa ang isang tao at hindi niya kayang alpasan ang masamang kalagayan, maaaring magkaroon ng matinding panlulumo.
Ang mga tao noong sinaunang panahon ay nakadama rin ng gayong damdamin. Si Job ay nakaranas ng pagkakasakit at personal na kasawian. Kaniyang nadama na siya’y pinabayaan na ng Diyos, kaya siya ay nagpahayag ng pagkamuhi sa buhay. (Job 10:1; 29:2, 4, 5) Si Jacob ay nanlumo sa waring pagkamatay ng kaniyang anak, tumangging aliwin at humiling na mamatay na sana siya. (Genesis 37:33-35) Nakadama ng pagkakasala sa isang malubhang pagkakamali, si Haring David ay nanaghoy: “Buong araw akong naglalakad na malungkot. Ako ay naging manhid.”—Awit 38:6, 8; 2 Corinto 7:5, 6.
Sa ngayon, marami ang nanlulumo dahil sa pinahihirapan nang husto ang kanilang mga sarili, sinisikap sundin ang isang pang-araw-araw na rutina na higit sa kanilang mental, emosyonal, at pisikal na kakayahan. Maliwanag ang kaigtingan, na may negatibong mga kaisipan at damdamin, ay makaaapekto sa katawan at magiging dahilan ng pagka di-timbang ng kemikal sa utak, sa gayon ay lumilikha ng panlulumo.—Ihambing ang Kawikaan 14:30.
Tulong na Kanilang Kailangan
Si Epafrodito, isang Kristiyano noong unang-siglo mula sa Filipos, ay ‘nanlumo sapagkat narinig [ng kaniyang mga kaibigan] na siya ay nagkasakit.’ Si Epafrodito, na nagkasakit pagkatapos na isugo sa Roma ng kaniyang mga kaibigan na may mga padala para kay apostol Pablo, ay marahil nakadama na binigo niya ang kaniyang mga kaibigan at na kanilang itinuturing siyang mahina. (Filipos 2:25-27; 4:18) Papaano tumulong si apostol Pablo?
Kaniyang pinauwi si Epafrodito na may isang sulat para sa mga kaibigan sa Filipos na ang sabi: “Pagpakitaan ninyo [si Epafrodito] ng kinaugaliang pagtanggap sa Panginoon taglay ang buong kagalakan; at patuloy ninyong ituring na mahalaga ang gayong uri ng mga tao.” (Filipos 2:28-30) Ang katunayan na siya’y lubhang pinahalagahan ni Pablo at na siya’y tinanggap ng mga taga-Filipos na may kasiglahan at pag-ibig, ay tiyak na umaliw kay Epafrodito at tumulong na ibsan ang kaniyang panlulumo.
Walang alinlangan, ang payo ng Bibliya na “magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo” ang siyang pinakamahusay. “Kailangang malaman mo na ang iba ay nagmamalasakit sa iyo bilang isang persona,” sabi ng isang babae na nakaranas ng panlulumo. “Kailangang mong marinig na may magsabi sa iyo, ‘Nauunawaan kita; bubuti ka rin.’ ”
Ang isang tao na nanlulumo ay kadalasang nangangailangang magkusa na maghanap ng isang maunawaing tao na mapagtatapatan. Ang isang ito ay dapat na mabuting tagapakinig at totoong matiyaga. Kailangang iwasan niya na magsermon sa nanlulumo o magsalita na may paghatol, gaya ng, ‘Hindi ka dapat makadama ng ganiyan’ o, ‘Iyan ay maling saloobin.’ Ang damdamin ng taong
nanlulumo ay mahina, at ang gayong nakasisirang-loob na mga komento ay lalo lamang makapagpapalumo sa kaniya.Ang isang taong nanlulumo ay maaaring makadama ng kawalang-halaga. (Jonas 4:3) Subalit, dapat alalahanin ng isang tao na ang talagang mahalaga ay kung papaano pinahahalagahan ng Diyos ang isa. Ipinalagay ng mga tao na si Jesu-Kristo ay “walang halaga,” ngunit hindi nito binago ang kaniyang tunay na halaga sa Diyos. (Isaias 53:3) Magtiwala ka, kung papaanong mahal ng Diyos ang kaniyang sinisintang Anak, mahal ka rin niya.—Juan 3:16.
Si Jesus ay naawa sa mga namimighati at kaniyang tinulungan sila na makita ang halaga ng kanilang sarili. (Mateo 9:36; 11:28-30; 14:14) Kaniyang ipinaliwanag na maging ang maliliit, walang-halagang mga maya, ay pinahahalagahan ng Diyos. “Walang isa man sa kanila ang nalilimutan sa harap ng Diyos,” sabi niya. Gaano pa kaya ang kaniyang pagpapahalaga sa mga tao na gumagawa ng kaniyang kalooban! Tungkol dito ay sinabi ni Jesus: “Maging ang mga buhok ng inyong mga ulo ay biláng na lahat.”—Lucas 12:6, 7.
Totoo, maaaring mahirap para sa isang taong labis na nanlulumo, na nadaraig ng kaniyang mga kahinaan at mga pagkakamali, na maniwalang siya’y pinahahalagahan ng Diyos. Tiyak na maaaring nadarama niya na siya’y hindi karapat-dapat sa pag-ibig at pagmamalasakit ng Diyos. “Tayo [ay] hinahatulan ng ating mga puso,” binabanggit ng Salita ng Diyos. Ngunit iyan ba ang tumitiyak na salik? Hindi iyan. Batid ng Diyos na ang makasalanang mga tao ay maaaring mag-isip nang negatibo at hatulan pa man din ang kanilang mga sarili. Kaya ang kaniyang Salita ay umaaliw sa kanila: “Ang Diyos ay mas dakila kaysa sa ating mga puso at nakaaalam ng lahat ng mga bagay.”—1 Juan 3:19, 20.
Oo, ang ating maibiging makalangit na Ama ay higit pa ang nakikita kaysa ating mga kasalanan at mga pagkakamali. Batid niya ang mga kalagayang dapat ipagpatawad, ang ating buong buhay, ating mga motibo at mga hangarin. Batid niya na tayo’y nagmana ng kasalanan, sakit, at kamatayan at sa gayo’y maraming limitasyon. Ang katunayan na tayo’y nahahapis at nababagabag sa ating sarili ay isang patotoo na hindi natin nais na magkasala at hindi naman tayo lumalabis. Sinasabi ng Bibliya na tayo ay “ipinasakop sa kawalang-saysay” laban sa ating kalooban. Kaya Roma 5:12; 8:20.
nauunawaan ng Diyos ang ating kaaba-abang kalagayan, at may pagkahabag niyang isinasaalang-alang ang ating mga kahinaan.—“Si Jehova ay maawain at magandang-loob,” sa atin ay tinitiyak. “Kung gaano kalayo ang sikatan ng araw sa lubugan ng araw, gayon kalayo niya inilalagay mula sa atin ang ating mga pagsalansang. Sapagkat nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin, na inaalaalang tayo ay alabok.” (Awit 103:8, 12, 14) Totoo, si Jehova ay “ang Diyos ng buong kaaliwan, na umaaliw sa amin sa lahat ng aming kapighatian.”—2 Corinto 1:3, 4.
Ang tulong na kailangang-kailangan ng mga nanlulumo ay nagmumula sa pagiging malapít sa kanilang maawaing Diyos at sa pagtanggap sa kaniyang paanyaya na ‘ihagis ang kanilang pasanin sa kaniya.’ Tunay na kaya niyang “ipanumbalik ang puso ng mga sinisiil.” (Awit 55:22; Isaias 57:15) Kaya ang Salita ng Diyos ay humihimok na manalangin, na nagsasabi: ‘Ihagis ninyo [kay Jehova] ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.’ (1 Pedro 5:7) Oo, sa pamamagitan ng pananalangin at pagsusumamo ang mga tao ay maaaring maging malapít sa Diyos at magtamasa ng “kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan.”—Filipos 4:6, 7; Awit 16:8, 9.
Ang praktikal na mga pagbabago sa istilo ng pamumuhay ay makatutulong din sa isa upang mapagtagumpayan ang nakapanlulumong kalagayan. Ang pag-eehersisyo, ang pagkain ng masustansiyang pagkain, paglanghap ng sariwang hangin at sapat na pahinga, at pag-iwas sa labis na panonood ng TV ay pawang mahalaga. Natulungan ng isang babae ang mga nanlulumo sa pamamagitan ng masiglang pagpapalakad sa kanila. Nang sinabi ng isang nanlulumong babae na: “Ayaw kong maglakad,” ang babae ay sumagot nang malumanay ngunit matatag: “Oo, ikaw ay maglalakad.” Nag-ulat ang babae: ‘Kami’y naglakad ng anim na kilometro. Pagbalik namin, siya’y pagod, subalit mas mabuti ang kaniyang pakiramdam. Hindi ka maniniwala kung gaano kabuti ang masiglang ehersisyo hangga’t hindi mo nasusubukan iyon.’
Gayunman, kung minsan ay imposibleng mapagtagumpayan nang lubusan ang panlulumo, kahit halos nasubukan na ang lahat, kasali na ang mga terapi na paggagamot. “Sinubukan ko nang lahat,” sabi ng isang babaing nasa kalagitnaang-gulang, “ngunit nananatili ang panlulumo.” Sa katulad na paraan, ngayon ay kadalasang imposibleng mapagaling ang bulag, ang bingi, o ang lumpo. Roma 12:12; 15:4.
Subalit, makasusumpong ng kaaliwan at pag-asa ang mga nanlulumo sa pamamagitan ng palaging pagbabasa ng Salita ng Diyos, na naglalaan ng tiyak na pag-asa ng nananatiling kaginhawahan sa lahat ng mga sakit ng tao.—Pagka Wala Nang Sinumang Manlulumo Muli
Nang ilarawan ni Jesus ang masasamang bagay na darating sa lupa sa mga huling araw, kaniyang isinusog: “Habang nagsisimulang maganap ang mga bagay na ito, tumindig kayo nang tuwid at itaas ang inyong mga ulo, sapagkat ang inyong katubusan ay nalalapit na.” (Lucas 21:28) Sinasabi ni Jesus ang tungkol sa kaligtasan tungo sa matuwid na bagong sanlibutan ng Diyos, kung saan “ang sangnilalang din mismo ay palalayain sa pagkaalipin sa kasiraan at magtatamo ng maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.”—Roma 8:21.
Anong laking ginhawa iyon para sa sangkatauhan na mapalaya sa mga pahirap ng nakalipas at bawat umaga ay magising na may pag-iisip na sinlinaw-kristal, handang harapin ang gawain sa araw na iyon! Wala nang sinuman ang mahahadlangan ng kulimlim ng panlulumo. Ang tiyak na pangako sa sangkatauhan ay na “papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:3, 4.
Malibang ipahiwatig, lahat ng pagsipi sa Bibliya ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.