Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Abaloryo, Mga

Abaloryo, Mga

[sa Ingles, beads].

Maliliit na palamuting may butas at yari sa mga materyales na gaya ng kristal, mga batong hiyas, ginto, at pilak. Kadalasa’y isinusuot ang mga ito bilang mga kuwintas; may natuklasang mga abaloryo sa mga momya ng Ehipto, sa mga libingan sa Gresya at sa Roma, at sa mga guho ng mga templo ng Asirya, gayundin sa Megido, Asdod, at Bet-semes.

Ganito ang sinabi hinggil sa magandang babaing Shulamita sa Awit ni Solomon: “Ang iyong mga pisngi ay magaganda sa siping ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg sa kuwintas na mga abaloryo.” (Sol 1:10) Kaya maliwanag na kabilang ang mga kuwintas na mga abaloryo sa mga palamuting ginagamit ng mga babaing Hebreo noong sinaunang mga panahon.​—Tingnan ang PALAMUTI.