Abda
[Lingkod].
1. Ama ni Adoniram. (1Ha 4:6) Ang kaniyang anak, si Adoniram, ay isang prinsipe sa mga tinawag para sa puwersahang pagtatrabaho noong panahon ng mga paghahari nina David, Solomon, at Rehoboam, at maliwanag na ang Adoram, o Hadoram, na tinukoy sa iba pang mga teksto. (2Sa 20:24; 1Ha 12:18; 2Cr 10:18) Kaya malamang na si Abda ay kapanahon ni Haring David.
2. Isang inapo ni Jedutun, mula sa tribo ni Levi. (Ne 11:17, 18) Si Abda na Levita ay maliwanag na siya ring “Obadias” na binanggit sa 1 Cronica 9:16. Kabilang siya sa mga tapon na bumalik sa Jerusalem mula sa Babilonya.