Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Abdi

Abdi

[pinaikling anyo ng Abdiel].

1. Isang Levita na mula sa sambahayan ni Merari. Siya ang ama ni Kisi at malamang na kapanahon ni Saul, na ang paghahari ay sumaklaw mula 1117 hanggang 1078 B.C.E.​—1Cr 6:31, 33, 39, 44.

2. Isa pang Levita na mula sa sambahayan ni Merari. Siya ang ama ni Kis. (2Cr 29:12) Dahil sa pagkakahawig ng mga pangalan ng kanilang mga anak, ang Abdi na ito at yaong inilarawan sa Blg. 1 ay itinatala sa ilang diksyunaryo ng Bibliya bilang iisang tao. Gayunman, dahil ang anak ng ikalawang Abdi na ito, si Kis, ay nabuhay noong panahon ni Haring Hezekias mga 250 taon pagkaraan ng panahon ni David, hindi lohikal ang konklusyong ito. Malamang na ang ikalawang Abdi na ito ay kapanahon ng mga haring sina Jotam at Ahaz, na ang mga paghahari ay sumaklaw sa yugto mula 777 B.C.E. hanggang mga 746 B.C.E.

3. Isang lalaki na mula sa pamilya ni Elam na nabuhay noong mga panahon pagkaraan ng pagkatapon. (Ezr 10:26) Kabilang siya sa mga Israelita na kumuha ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito bilang tugon sa payo ni Ezra pagkabalik nito sa Jerusalem noong ikapitong taon ni Haring Artajerjes (Longimanus) (468 B.C.E.).​—Ezr 7:8; 10:1-4, 10-12, 26, 44.