Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Abel-keramim

Abel-keramim

[Daanang-tubig ng mga Ubasan].

Ang pinakamalayong dako na narating ni Jepte sa pagtugis niya sa mga Ammonita hanggang sa matalo ang mga ito. (Huk 11:33) Karaniwang ipinapalagay na ito ay nasa pagitan ng Hesbon at ng Raba, o Raba Ammon (makabagong ʽAmman). Ipinapalagay ng karamihan sa ngayon na ito ay ang Khirbet es-Suq, mga 8 km (5 mi) sa T ng Raba (ʽAmman), na posibleng katugma ng paglalarawan ni Eusebius. (Onomasticon, 32, 15-16) Iminumungkahi naman ng iba ang Naʽur, mga 14 na km (9 na mi) sa TK ng Raba Ammon bilang ang malamang na lokasyon nito.